Mga Mapanglikhang
Pamamaraan Ng
Pagaaral Ng Biblia
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang porgramang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin Ang Manwal Na Ito . . . . . . . I
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . II
Pambungad Ng Kurso . . . . . . . . . 1
Mga Layunin . . . . . . . . . . 3
UNANG BAHAGI: ANG PAKSA NG PAG-AARAL
1. Pagpapakilala sa Biblia . . . . . . . . . 4
2. Ang Mga Aklat Ng Biblia . . . . . . . . 16
3. Mga Bersyon Ng Biblia . . . . . . . . 37
IKALAWANG BAHAGI: PAGHAHANDA PARA SA PAG-AARAL
4. Bago Ka Magsimula . . . . . . . . 43
5. Mga Kasangkapan Sa Pag-aaral . . . . . . . 56
6. Mga Prinsipyo Ng Pagpapakahulugan . . . . . . 63
7. Mga Batayan Sa Kasaysayan Ng Biblia . . . . . . 72
8. Pagbabalangkas, Pagma-marka, at Paggawa Ng Tsart . . . . 88
IKATLONG BAHAGI: MAPANGLIKHANG PAMAMARAAN NG
PAG-AARAL NG BIBLIA
9. Pag-aaral Ng Biblia Sa Pamamagitan Ng Biblia . . . . 96
10. Debosyonal Na Pag-aaral Ng Biblia . . . . . . 109
11. Pag-aaral Ng Aklat . . . . . . . . 119
12. Pag-aaral Ng Kabanata . . . . . . . . 127
13. Pag-aaral Ng Parapo . . . . . . . . 138
14. Pag-aaral Ng Talata . . . . . . . . 150
15. Pag-aaral Ng Salita . . . . . . . . 157
16. Pag-aaral Ng Biblia Ayon Sa Paksa . . . . . . 170
17. Pag-aaral Ng Talambuhay Ng Tauhan . . . . . . 177
18. Ang Paraang Teolohikal . . . . . . . . 186
19. Ang Pag-aaral Ng Mga Panulaan (poetry) Sa Biblia . . . . 199
20. Ang Pag-aaral Ng Mga Hula Sa Biblia . . . . . . 207
21. Ang Pag-aaral Ng Mga Kaurian (Typological) Sa Biblia . . . . 226
Apendise . . . . . . . . . . 238
Mga Sagot Sa Mga Pansariling-Pagsusulit . . . . . . 242
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUOND
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
MODULE: Paghihirang
KURSO: MGA MAPANGLIKHANG PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG BIBLIA
PAMBUNGAD
Ang propeta ng Bagong Tipan na si Juan Bautista ay nakilala bilang isang “tinig ng isang sumisigaw sa ilang” sa kaniyang paghahayag ng Salita ng Diyos. Ang kaniyang mensahe ay sariwa, makapangyarihan at angkop sa pangangailangang espirituwal ng kaniyang kapanahunan.
Maraming mga tao ngayon ang naguulit lamang ng mga katotohanang espirituwal na kanilang narinig sa paligid nila. Hindi sila isang tinig na sa pamamagitan nila ay maihahayag ng Diyos ang Kaniyang mensahe, kundi taga-ulit lamang sila ng kanilang narinig mula sa iba. Sila ay tulad ng mga propetang sinabihan ng Diyos na “ninanakaw ang Aking mga Salita sa kaniyang kapwa” (Jeremias 23:30).
Upang ang mga Salita ng Diyos ay
iyong masabi, dapat mo munang malaman kung ano ang sinabi ng Diyos. Ang layunin
ng kursong ito ay para maunawaan mo ang Salita ng Diyos. Ang kakailanganin mo
ay ang manwal na ito, ang Biblia, at ang patnubay ng Espiritu Santo upang
matutuhan ang “Mga Mapanglikhang Mga
Pamamaraan Ng Pag-aaral Ng Salita Ng Diyos.”
Ang pamamaraan ay isang maayos ang hanay na kaparaanan upang matupad ang isang bagay. Ito ay isang plano na maayos ang pagkakasunod-sunod. Ang mga pamamaraan ng pag-aaral ng Biblia ay isang maayos na plano upang pag-aralan ang Salita ng Diyos. Ang ibig saibihin ng salitang “mapanglikha” ay “ang kakayahang makagawa ng anomang bago.” Itinuturo ng kursong ito kung paano mo pag-aaralan ang Biblia a mag-isa. Hindi ka kailangang umasa sa pagsasaliksik ng iba sapagkat magkakaroon ka ng kakayahang lumikha ng iyong sariling pag-aaral ng Biblia batay sa nasulat na Salita ng Diyos na iyong pag-aaralan.
Sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga wastong paraan ng pag-aaral ng Biblia, ikaw ay magiging isang tinig na magagamit ng Diyos sa paghahatid Niya ng Kaniyang mga katotohanan sa isang sanglibutang gutom sa mga espirituwal na bagay. Hindi ka na lamang basta taga-ulit ng mga naririnig mo mula sa iba.
Ipinababatid ng “Mga Mapanglikhang Mga Pamamaraan Ng Pag-aaral Ng Biblia” na ang Biblia ang nasulat na Salita ng isang tunay na Diyos. Ito ay nagpapaliwanag ng mga pangkat ng Biblia, mga bersyon , mga salin, at mga pakahulugan sa ibang pangungusap (paraphrase). Una, ang kursong ito ay gagabay sa iyo upang iyong matuklasan kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili, at ang mga mapanglikhang mga pamamaraan ay ipinapaliwanag at ikaw ay binibigyan ng pagkakataon na gamitin ang bawat paraan na tinalakay.
Ipinapaliwanag din ng kursong ito kung paano magbalangkas, gumawa ng mga sarili mong tala, mag-marka sa iyong Biblia upang madaling makita, at gawin ang mahahabang mga bahagi ay umikli sa pamamagitan ng paggawa ng mga tsart. Gagabayan ka ng kursong ito tungo sa wastong pagbibigay kahulugan at paggamit ng Salita ng Diyos. Ito ay nagaakay sa pinakadakilang Guro sa lahat, ang Espiritu Santo. Kung susundin mo ang mga panuntunan na ihaharap sa iyo, mararanasan mo ang bago, mapanglikhang buhay espirituwal na dadaloy sa iyo.
Walang paraan ng pag-aaral ng Biblia ang maaaring kumuha ng lugar ng ministeryo ng pagtuturo ng Espiritu Santo. Siya ang nagkakaloob ng kapangyarihan sa isang paraan upang ito ay maging mapanglikha. Kaniyang ibinubulong sa espiritu ng tao ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos na siyang lumilikha ng pagdaloy ng bagong espirituwal na buhay.
Hindi nagtatapos ang lahat sa pag-aaral ng mga pamamaraan. Hindi ito ang ating minimithi sa wakas. Ang mga pamamaraan ay mga kasangkapan lamang upang matupad ang layunin ng pag-aaral ng Salita ng Diyos. Hindi sapat ang matutuhan ang mga pamamaraang ito. Kailangang gamitin mo ang iyong natutuhan sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at gamitin o iangkop ang mga katotohanang ito sa iyong buhay at ministeryo.
Ang totoo, kahit matapos mo ang mga aralin sa manwal na ito, hindi ka pa rin talaga nagtapos sa kurso. Ang pag-aaral mo ng Salita ng Diyos ay hindi kailanman matatapos dahil sa mayaman nitong mga katotohanan na hindi kailanman mauubos.
__________
Pansinin: Ang kursong ito ay nagtuturo ng mga pamamaraan
ng pagaaral ng Biblia, at hindi ng nilalaman nito. May isang kurso na
ibinibigay ang Harvestime International Institute na may pamagat na “Pagsisiyasat Ng Buong Biblia” na nagbibigay ng mga paunang dapat malaman sa
Biblia, isang balangkas ng bawat aklat, ang mga akda nito, panahon ng
pagkasulat, kangino ito isinulat, layunin, susing talata, mga mahahalagang
tauhan, mga mapa, mga petsa, at mga tsart na nagbibigay buod sa pangkalahatang
nilalaman ng Biblia. Dahil sa pangangailangan para sa isang pangkalahatang
pambungad sa Biblia sa pag-aaral nito at sa pagsisiyasat nito, ang unang
tatlong mga kabanata ng mga kursong nabanggit ay magkapareho at ang mga
sumusunod ay magkakaiba na.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Ipaliwanag ang pinagmulan ng Biblia.
. Ilarawan ang pagkakaayos ng Biblia sa mga tipan, pangunahing mga dibisyon, at mga
aklat.
. Ibigay ang buod ng kasaysayan at pagkakasunod-sunod ng Biblia.
. Ipaliwanag ang pagkakaisa at pagkakaiba-iba ng Biblia.
. Ipaliwanag kung paano ang mga ibat-ibang bersyon ng Biblia ay nabuo.
. Gamitin ang mga alituntunin ng pagpapakahulugan ng Biblia.
. Ibigay ang buod ng itinuturo ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili.
. Tukuyin ang mga kakailanganin para sa pag-aaral ng Biblia.
. Makalikha ng mga balangkas, mga tsart, mga buod, at pagma-marka ng mga talata
upang tulungan kang panatilihin sa iyong isipan ang nilalaman.
. Gamitin ang mga mapanglikhang mga pamamaraan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos.
. Gumamit ng mga kasangkapan ng pag-aaral ng Biblia.
UNANG BAHAGI: ANG PAKSA NG PAG-AARAL
UNANG KABANATA
PAGPAPAKILALA SA BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “Biblia.”
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “Kasulatan.”
. Ipaliwanag ang pinagmulan ng Biblia.
. Tukuyin ang pangunahing mga hangad ng Biblia.
. Tukuyin ang Luma at Bagong Tipan bilang mga pangunahing mga dibisyon ng Biblia.
. Panganlan ang apat na dibisyon ng mga aklat ng Lumang Tipan.
. Panganlan ang apat na dibisyon ng mga aklat ng Bagong Tipan.
. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “pagkakaisa at pagkakaiba-iba” sa Biblia.
. Tukuyin kung sino ang sentro ng kapahayagan ng dalawang mga tipan.
SUSING MGA TALATA:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(II Timoteo 3:16-17)
PAMBUNGAD
Ipinakikilala sa kabanatang ito ang Biblia na siyang nasulat na Salita ng isang tunay na Diyos. Ang ibig sabihin ng salitang “biblia” ay “mga aklat.” Ang Biblia ay isang bolyum na binubuo ng 66 na mga ibat-ibang mga aklat.
Ang salitang “Kasulatan” ay ginamit din na tumukoy sa Salita ng Diyos. Ang salitang ito ay galing sa isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “nasulat.” Kung ang salitang “Kasulatan” ay ginamit na may malakin “K” ang ibig sabihin nito ay banal o sagradong mga isinulat ng isang tunay na Diyos. Ang salitang “Biblia” ay hindi ginamit sa Biblia. Ito ay isang salitang ginamit ng mga tao bilang isang pamagat para sa lahat ng mga Salita ng Diyos.
PINAGMULAN NG BIBLIA
Ang Biblia ang nasulat na Salita ng Diyos. Kaniyang kinasihan ang mga salita ng Biblia at ginamit ang 40 ibat-ibang mga tao upang isulat ang Kaniyang mga Salita. Sumulat ang mga taong ito nang may kabuuang 1500 mga taon. Ang sakdal na pagkakaisa ng mga sumulat na ito ay isang patunay na silang lahat ay ginabayan ng isang may akda. Ang may akdang yaon ay ang Diyos.
Ilan sa mga manunulat ay isinulat ang eksaktong mga sinabi ng Diyos:
Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong
isulat doon ang lahat na salita na Aking sinalita sa iyo laban sa Israel… (Jeremias
36:2)
Ang ibang mga manunulat ay isinulat ang kanilang mga naranasan o ang mga inihayag ng Diyos sa kanila tungkol sa hinaharap:
Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo,
at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating. (Apocalipsis 1:19)
Lahat ng mga manunulat ay sumulat sa ilalim ng pagkasi ng Diyos sa mga salita ng Kaniyang mensahe para sa atin.
ANG HANGAD NG BIBLIA
Itinala mismo ng Biblia ang hangad nito:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(II Timoteo 3:16-17)
Ang mga Kasulatan ay dapat gamitin para sa pagtuturo ng doktrina, para sa pagsaway at pagtutuwid ng masama, at pagtuturo ng katuwiran.
MGA PANGUNAHING DIBISYON
Ang Biblia ay nahahati sa dalawang pangunahing dibisyon na tinawag na Lumang Tipan at Bagong Tipan. Ang ibig sabihin ng salitang “tipan” ay “kasunduan.” Ang tipan ay isang pinagkasunduan. Ang Lumang Tipan ay nagtala ng orihinal na tipan o kasunudan ng Diyos sa tao. Ang itinala naman ng Bagong Tipan ay ang kasunduang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Anak, si Jesu-Cristo.
Ano ang paksa ng dalawang kasunduan na ito? Ang dalawang kasundang ito ay tungkol sa paano maibabalik ang tao sa wastong kaugnayan sa Diyos. Gumawa ang Diyos ng isang kautusan o batas na ang kasalanan ay maaari lamang mapatawad sa pamamagitan ng pagbububo ng dugo:
…at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay
walang kapatawaran. (Hebreo 9:22)
Sa ilalim ng pakikipagkasundo ng Diyos sa Lumang Tipan, ang mga hain ng dugo ng mga hayop ay ginawa ng mga tao upang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan. Ito ay sagisag o simbulo ng pagaalay ng dugo ni Jesu-Cristo na ipinagkaloob Niya sa ilalim ng bagong kasunduan sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagsilang, buhay, kamatayan, at pagkabuhay na maguli ni Jesus, isang sakdal na hain para sa kasalanan ay ginawa:
Ngunit pagdating ni Cristo na Dakilang
Saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at
lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, samakatuwid baga’y
hindi sa paglalang na ito.
At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo
ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng Kaniyang sariling
dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang
walang hanggang katubusan.
Sapagkat kung ang dugo ng mga kambing at ng
mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay
makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:
Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa
pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan, ay inihandog ang Kaniyang sarili na
walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang
magsipaglingkod sa Diyos na buhay?
At dahil dito’y Siya ang tagapamagitan ng
isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos
ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay
magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. (Hebreo 9:11-15)
Ang dalawang mga tipan ang mga Salita ng Diyos at dapat nating parehong pag-aralan upang maunawaan natin ang mensahe ng Diyos. Ang mga salitang “luma” at “bago” na mga tipan ay ginamit upang bigyan ng pagkakaiba ang pakikipagkasundo ng Diyos sa tao bago at pagkaraan ng kamatayan ni Jesu-Cristo. Hindi natin binabale wala ang Lumang Tipan dahil lamang sa ito ay “luma.”
MGA DAGDAG NA DIBISYON
May dagdag na dibisyon ang Biblia at ito ay ang paghahati sa 66 na mga aklat. Ang Lumang Tipan ay may 39 na mga aklat. Ang Bagong Tipan ay may 27 na mga aklat. Ang bawat aklat ay nahahati sa mga kabanata at mga talata na nilikha ng tao upang maging madali ang paghanap na mga tiyak na mga bahagi. Magiging napakahirap na hanapin ang isang bahagi kung ang mga aklat ay isang mahabang parapo.
Narito ang isang simpleng larawan na nagpapakita ng paunang mga dibisyon ng Biblia:
ANG BIBLIA
׀
_____________________________
׀ ׀
Lumang Tipan Bagong Tipan
(39 na mga aklat) ( 27 na mga aklat)
ANG PAGKAKAISA NG BIBLIA
Kung ating banggitin ang pagkakaisa ng Biblia, dalawang bagay ang ibig nating sabihin:
UNA: ANG PAGKAKAISA NG BIBLIA SA NILALAMAN:
Bagamat ang Biblia ay naisulat ng maraming mga manunulat sa loob ng maraming mga taon, walang anomang pagsasalungatan. Hindi sinalungat ng isang may akda ang sinoman sa ibang mga may akda.
Kabilang sa Biblia ang pagtalakay sa daang-daang mga maaaring kontrobersyal na mga paksa. (Ang ibig sabihin ng kontrobersyal ay lilikha ng ibat-ibang mga panukala kung mabanggit). Gayon man ang mga manunulat ng Biblia ay nangusap tungkol sa mga paksang ito na may pagkakaisa mula sa unang aklat ng Genesis hanggang sa huling aklat ng Apocalipsis. Nangyari lamang ito sapagkat ang totoo ay iisa lamang ang may akda: Ang Diyos. Itinala lamang ng mga manunulat ang mensahe sa ilalim ng Kaniyang pangunguna at pagkasi. Dahil dito, ang nilalaman ng Biblia ay may pagkakaisa.
PANGALAWA: ANG PAGKAKAISA NG BIBLIA SA PAKSA:
Ang akala ng iba, ang Biblia ay 66 na mga magkakaibang mga aklat na may ibat-ibang paksa na pinagsama-sama. Hindi nila alam na ang Biblia ay pinagkaisa ng isang pangunahing paksa. Mula sa simula hanggang sa katapusan, inihayag ng Biblia ang tanging layunin o hangad ng Diyos na ang buod ay ibinigay sa aklat ng Efeso:
Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.
Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi Ko.
Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana,
na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat
ng mga bagay ayon sa pasiya ng Kaniyang kalooban. (Efeso 1:9-11)
Inihayag ng Biblia ang hiwaga ng plano ng Diyos na siyang paksa na nagdudulot ng pagkakaisa sa Biblia. Ito ang kapahayagan na si Jesu-Cristo ang Tagapagligtas ng makasalanang sangkatauhan. Ipinaliwanag ni Jesus kung paanong ang Lumang Tipan ay naka-sentro sa Kaniya.
At sinabi Niya sa kanila, Ito ang Aking mga
salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang
matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa Akin sa kautusan ni
Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. (Lucas 24: 44)
Sa ganitong pagpapakilala, nagpatuloy si Jesus at …
…binuksan Niya ang kanilang mga pagiisip,
upang mapagunawa nila ang mga kasulatan.
(Lucas 24:45)
Ano ang susi na ibinigay ni Jesus upang maunawaan nila ang mga Kasulatan? Ang katotohanan na ang pangunahing paksa nito ay nakatuon sa Kaniya:
…Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang
maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang
pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa
Jerusalem. Kayo’y mga saksi ng mga bagay na ito. (Lucas 24:46-48)
Ang isinaysay ng Luma at Bagong Tipan ay ang kasaysayan ni Jesus. Inihanda tayo ng Lumang Tipan para sa mga pangyayari at isinaysay naman ng Bagong Tipan kung paano ang mga ito ay nangyari. Ito ay tumatali sa Biblia sa ilalim ng iisang pangunahing paksa. Ang mga tao sa Lumang Tipan na nag-antabay sa pagdating ni Jesus ay mga naligtas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa pangako ng Diyos. Ang sinomang lumingon sa katuparan nito kay Jesu-Cristo ay naligtas din sa gayon paraan: Sa pamamagitan ng pananampalataya sa nangyari tulad ng ipinangako ng Diyos.
PAGKAKAIBA-IBA SA BIBLIA
Kung ating banggitin ang mga “pagkakaiba” ng Biblia, ang ibig sabihin natin na ang Biblia ay may ibat-ibang mga paraan ng pagpapakita ng pakikitungo ng Diyos sa mga tao at ang ibat-iba namang mga naging pagtugon ng mga tao sa Kaniya.
Isinulat ang Biblia na naghahayg ng ibat-ibang mga damdamin. May ilang bahagi na naghayag ng kagalakan samantalang ang iba naman ay kalungkutan. Kabilang sa Biblia ang ibat-ibang uri ng mga sulatin. Mayroon itong kasaysayan, tula, hula, mga sulat, pakikipagsapalaran, mga talinhaga, mga himala, at mga kasaysayan ng pagibig. Dahil sa sari-saring mga sulating ito, ang Biblia ay hinati pa sa mga pangunahing grupo ng mga aklat.
MGA DIBISYON NG LUMANG TIPAN
Ang mga aklat ng Lumang Tipan ay hinati sa apat na pangunahing mga dibisyon: Kautusan, kasaysayan, tula at hula.
ANG MGA AKLAT NG KAUTUSAN:
May limang mga aklat ng kautusan. Ang pangalan ng mga aklat na ito ay:
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Ang mga aklat na ito ay tala ng paglalang ng Diyos sa tao at sa daigdig at ang unang kasaysayan ng tao. Kanilang sinabi kung paanong itinindig ng Diyos ang bansang Israel bilang isang bayan na sa pamamagitan nito ay Kaniyang maihahayag ang Kaniyang sarili sa mga bansa ng sanglibutan.
Itinala ng mga aklat na ito ang mga kautusan o batas ng Diyos. Ang higit nakilalang bahagi ay ang Sampung Utos (Exodo 20:3-17), ang pinakadakila sa lahat ng mga utos (Deuteronomio 6:5), at ang ikalawang pinakadakilang utos (Levitico 19:18). Buksan mo ang iyong Biblia at hanapin mo ang mga aklat ng Kautusan sa Lumang Tipan. Hanapin mo ang tatlong mga talata na binanggit sa naunang parapo at bashin mo ang mga ito. Ito ang mga halimbawa ng mga kautusan ng Diyos na naitala sa mga aklat na ito.
ANG MGA AKLAT NG KASAYSAYAN:
May 12 mga aklat ng kasaysayan sa Lumang Tipan. Ang mga pangalan ng mga aklat ng kasaysayan ay:
Josue
Mga Hukom
Ruth
I at II Samuel
I at II Mga Hari
I at II Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Esther
Hanapin mo ang mga aklat na ito sa iyong Biblia. Ang mga ito ay makikita pagkaraan ng mga aklat ng kautusan. Ang mga aklat ng kasaysayan ay sumasaklaw sa isang libong-taong kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Israel. Hindi naman naitala ang bawat nangyari, kundi ang mga pangunahing mga pangyayari at ipnakita ang mga bunga ng pagsunod at pagwawalang bahala sa mga kautusan ng Diyos.
ANG MGA AKLAT NG TULA:
May limang mga aklat ng tula. Ang mga pangalan ng mga aklat ng tula ay:
Job
Mga Awit
Kawikaan
Eclesiastes
Ang Awit ng mga Awit
Ang mga aklat na ito ang naging aklat
o imnaryo ng pagsamba ng bayan ng Diyos, ang Israel.
Ginagamit pa rin ito ng mga mananampalataya ngayon sa pagsamba. Tingnan ang
Awit 23 at basahin ito. Ito ay isang halimbawa ng magandang tula ng pagsamba na
napapaloob sa mga aklat na ito.
ANG MGA AKLAT NG HULA:
Ang mga aklat ng hula ng Lumang Tipan ay nahahati sa dalawang grupo na kung tawagin ay mga aklat na Mayorya at mga aklat na Minorya. Hindi ang ibig sabihin na ang mga aklat na Mayorya ay higit na mahalaga kaysa mga aklat na Minorya. Ginamit lamang ang mga pamagat na ito sapagkat higit na mahaba ang mga aklat ng Mayrorya kaysa sa Minorya. May 17 mga aklat ng hula sa Lumang Tipan. Ang mga pangalan ng mga aklat ng hula ay:
Mga Mayoryang Propeta:
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Mga Minoryang Propeta:
Oseas Nahum
Joel Habacuc
Amos Zefanias
Obadias Hagai
Jonas Zacarias
Mikas Malakias
Ang mga aklat na ito ay mga mensahe ng hula mula sa Diyos para sa Kaniyang bayan tungkol sa mga pangyayari sa hinaharap. Marami sa mga hulang ito ay natupad na, subalit ang iba ay matutupad pa lamang sa hinaharap. Hanapin ang mga aklat na ito sa iyong Biblia. Ito ang mga huling mga aklat sa Lumang Tipan.
ANG MGA DIBISYON NG BAGONG TIPAN
Ang Bagong Tipan ay hinati rin sa apat na mga bahagi: Mga Ebanghelyo, Kasaysayan, Mga Sulat, at Hula.
ANG MGA EBANGHELYO:
May apat na mga aklat sa Ebanghelyo. Ang mga pangalan ng mga aklat na ito ay:
Mateo Marcos Lucas Juan
Isinaysay ng mga aklat na ito ang buhay, kamatayan, at pagkabuhay na maguli ni Jesus. Ang kanilang layunin ay akayin ka sa pagsampalataya na Siya ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Hanapin ang Ebanghelyo sa iyong Biblia at basahin ang Juan 20: 31 na bumabanggit ng layunin.
ANG AKLAT NG KASAYSAYAN:
May isang aklat ng kasaysayan sa Bagong Tipan, ang aklat ng Mga Gawa. Sinasabi ng aklat na ito kung paano nagsimula ang iglesia at kung paano tinupad ang utos ni Cristo na palaganapin ang Ebanghelyo sa buong sanglibutan. Hanapin ang aklat na ito sa iyong Biblia.
MGA SULAT:
May 21 mga sulat sa Bagong Tipan. Ang mga pangalan ng mga aklat na ito ay:
Mga Taga Roma Tito
I at II Corinto Filemon
Galacia Hebreo
Efeso Santiago
Filipos I at II Pedro
Colosas I,II,at III Juan
I at II Tesalonica Judas
I at II Timoteo
Ang mga sulat ay para sa mga mananampalataya. Ang kanilang layunin ay gabayan sila sa kanilang pamumuhay at tulungan sila na magawa ang mga iniutos ni Jesus. Ang Roma 12 ay isang mabuting halimbawa ng kanilang mga katuruan. Hanapin ang kabanatang ito sa iyong Biblia at basahin ito.
HULA:
Ang Apocalipsis ang nagiisang aklat ng hula sa Bagong Tipan. Ito ang nagsasaad ng huling tagumpay ni Jesus at ng Kaniyang bayan. Ang layunin nito ay palakasin ang iyong kalooban upang magpatuloy kang mamuhay bilang isang Cristiano hanggang sa wakas ng panahon. Ibinigay ang buod ng mensahe nito sa Apocalipsis 2:10.
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Biblia”? ________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Kasulatan”? ______________________________________
4. Ano ang dalawang pangunahing mga dibisyon ng Biblia?
________________________________ ________________________________________
5. Ilang lahat ang mga aklat ng Biblia?________________________________________
6. Panganlan ang apat na pangunahing mga dibisyon ng mga aklat ng Lumang Tipan:
_________________________________ ___________________________________
_________________________________ ___________________________________
7. Panganlan ang apat na pangunahing mga dibisyon ng mga aklat ng Bagong Tipan:
_________________________________ ___________________________________
_________________________________ ___________________________________
8. Ano ang ibig sabihin ng salitang “tipan”?
9. Ano ang apat na pangunahing mga hangad ng Biblia? Magbigay ng reperensya sa Biblia upang patunayan ang iyong sagot.
10. Ano ang ibig sabihin ng “pagkakaisa ng Biblia”?
11. Ano ang ibig sabihin ng “pagkakaiba-iba ng Biblia”?
12. Basahin ang bawat pangungusap. Kung ang pangungusap ay TAMA ilagay ang letrang T sa puwang sa harapan nito. Kung ang pangungusap ay MALI ilagay ang letrang M sa puwang sa harapan nito.
a. ______ Ang Biblia ang nasulat na Salita ng Diyos.
b. ______ Bagamat ang Diyos ang may akda ng Biblia, ginamit Niya ang mga tao upang isulat ang Kaniyang mga salita.
c. ______Sapagkat marami ang mga manunulat sa loob ng maraming mga taon, kaya napapaloob sa Biblia ang maraming mga salungatan.
d. ______Walang nagiisang paksa ang Biblia. Pinagsama-sama lamang ang mga aklat na may ibat-ibang mga paksa.
e. ______ Ang mga Mayoryang Propeta ay higit na mahalaga kaysa mga Minoryang Propeta.
13. Sino ang sentro ng kapahayagan ng dalawang mga tipan? Magbigay ng reperensya sa Biblia upang patunayan ang iyong sagot._____________Reperensya____________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sanayin ang inyong sarili sa paghanap ng mga aklat ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. May mga Bibliang Tagalog na may “thumb index” na ang ibig sabihin ay kahita nakasara ang Biblia maaari mong makita kung saan ang mga aklat kung alin ang dapat mong buksan. May dagdag na halaga ang mga Bibliang Tagalog na may ganitong tulong. Kung wala kayong mabiling ganito, maaari kayong gumawa ng mga bookmarks na nagpapakita ng mga dibisyon ng Luma at Bagong Tipan.
IKALAWANG KABANATA
ANG MGA AKLAT NG BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang bilang ng mga aklat sa Lumang Tipan.
. Tukuyin ang bilang ng mga aklat sa Bagong Tipan.
. Ipaliwanag kung bakit mahalaga na magkaroon ng maayos at nakahanay na plano ng pagbasa ng Biblia.
. Maglista ng apat na mga mungkahi para sa matagumpay na pagbabasa ng Biblia.
SUSING TALATA:
Dumating nawa sa harap Mo ang aking daing,
Oh Panginoon: Bigyan Mo ako ng unawa ayon sa Iyong salita. (Awit 119:169)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata, natutuhan mo na ang Biblia ang nasulat na Salita ng Diyos. Natutuhan mo na ito ay nahahati sa dalawang pangunahing dibisyon na tinawag na Lumang Tipan at Bagong Tipan. Natutuhan mo ang apat na mga dibisyon ng mga aklat ng Lumang Tipan:
Kautusan
Kasaysayan
Tula
Hula
Natutuhan mo rin ang apat na dibisyon ng mga aklat ng Bagong Tipan:
Mga Ebanghelyo
Kasaysayan
Mga Sulat
Hula
Ang sumusunod na tsart ang nagbibigay buod sa mga natutuhan mo tungkol sa Biblia:
ANG BIBLIA
׀
NASULAT NA SALITA NG DIYOS
׀
66 NA MGA AKLAT
׀
_______________________________
׀
׀
MGA DIBISYON NG LUMANG TIPAN MGA DIBISYON NG BAGONG TIPAN
Kautusan Mga Ebanghelyo
Kasaysayan Kasaysayan
Tula Mga Sulat
Hula Hula
Napapaloob sa kabanatang ito ang
buod na bawat isa sa 66 na mga aklat ng Biblia na bumubuo ng pangunahing mga
dibisyon ng Luma at Bagong mga Tipan. Nagbibigay ito ng pambungad sa mga nilalaman
ng dalawang mga tipan. Apat na mga mungkahi para sa matagumpay na pagbabasa ng
Bibliang ibinibigay at ikaw ang mamimili ng maayos na hanay at plano upang
simulan ang pagbabasa ng Salita ng Diyos.
MGA AKLAT NG LUMANG TIPAN
(39 na mga Aklat)
MGA AKLAT NG KAUTUSAN:
Genesis: Itinala ang mga pasimula ng sangsinukob, tao, ng Sabath, pagaasawa, kasalanan, paghahain, mga bansa, at pamahalaan at mga susing lalake ng Diyos tulad ni Abraham, Isaac, Jacob, at Jose.
Exodo: Idinitalye kung paano naging isang bansa ang Israel na ang tagapanguna ay si Moises. Napalaya sa pagka-alipin sa Egipto ang Israel at naglakbay tungong Bundok ng Sinai kung saan ang kautusan ng Diyos ay ipinagkaloob.
Levitico: Ang aklat na ito ay naging isang manwal ng pagsamba para sa Israel. Ito ay nagkaloob ng mga tagubilin sa mga pinuno ng relihiyon at nagpapaliwanag kung paanong ang isang makasalanang bayan ay maaaring lumapit sa isang matuwid na Diyos. Naugnay din ito sa pagparito ni Jesu-Cristo bilang Kordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan.
Bilang: Itinala ang paglalakbay ng Israel sa ilang sa loob ng 40 taon na naging bunga ng pagsuway sa Diyos. Ang pamagat ng aklat ay galing sa dalawang beses na paggawa ng censo o pagbibilang sa lahat ng mga tao sa mahabang paglalakbay.
Deuteronomio: Itinala ang mga huling araw ng buhay ni Moises at pinagbalikan ang mga kautusang ibinigay sa Exodo at Levitico.
MGA AKLAT NG KASAYSAYAN:
Josue: Idinitalye kung paanong si Josue, ang humalili kay Moises, ay pinagunahan ang Israel na makapasok sa Lupang Pangako ng Canaan. Itinala nito ang mga pagsalakay militar at ang mga paghahati-hati ng lupain sa mga tao.
Mga Hukom: Tumalikod ang Israel sa Diyos pagkamatay ni Josue. Ang aklat na ito ang nagtala ng malungkot na kasaysayan ng kanilang paulit-ulit na mga kasalanan at ang mga hukom na itinindig ng Diyos upang iligtas sila mula sa kanilang mga kaaway.
Ruth: Ang kasaysayan ni Ruth, isang babae ng bansang Hentil ng Moab, na piniling maglingkod sa Diyos ng Israel. Isa siya sa naging kanunu-nunuan ni David.
I Samuel: Nakasentro ang aklat na ito sa tatlong tauhan: Si Samuel na naging huling hukom ng Israel; Saul, unang hari ng Israel; at si David na humalili kay Saul bilang hari.
II Samuel: Ang maluwalhating 40 taong paghahari ni David sa Israel.
I Mga Hari: Ang mga paksa ng aklat na ito ay ang paghahari ni Salomon at ang mga hari ng nahating kaharian hanggang sa paghahari ni Achab sa hilaga at ni Jehosaphat sa timog.
II Mga Hari: Ang pagbagsak ng Israel at Juda ay inalala sa aklat na ito. Ang bayan ng Diyos ay lalong nabaon sa kasalanan.
I Cronica: Ang paghahari ni David at ang paghahanda sa pagtatayo ng templo ay nakatala rito. Ang panahon sa aklat na itgo ay tulad ng sa II Samuel.
II Cronica: Ipinagpatuloy ng aklat na ito ang kasaysayan ng Israel hanggang sa paghahari ni Salomon na nakatuon sa kaharian sa timog. Ito ay nagsara sa utos ni Ciro na pinayagang makabalik ang mga tao mula sa Babilonia tungo sa Jerusalem.
Ezra: Idinitalye ang pagbabalik ng mga Judio mula sa pagkabihag sa Babilonia.
Nehemias: Binalik-alaala ng aklat na ito ay muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangunguna ni Nehemias. Ang proyekto ay sinimulan pagkaraan ng mga 14 na taon matapos makabalik ang mga tao sa pangunguna ni Ezra.
Esther: Ang paksa ng aklat na ito ay ang pagkaligtas ng mga Judio sa pamamagitan ni Esther at ni Mardocheo.
MGA AKLAT NG TULA:
Job: Ang aklat na ito ay kasaysayan ni Job, isang lalaking nabuhay sa panahon ni Abraham. Ang paksa ay tungkol sa tanong na bakit ang mga taong matuwid ay nagdurusa.
Mga Awit: Ang aklat ng panalangin at pagpupuri ng Biblia.
Kawikaan: Makalangit na kaalaman para sa pangaraw-araw na mga problema na buhay ng tao.
Eclesiastes: Ang pagtalakay sa kahangalan ng buhay na hiwalay sa Diyos.
Awit Ng Mga Awit: Ang pagiibigan ni Salomon at ng kaniyang asawang babaeng Sulamita. Ang kasaysayan ay kumakatawan sa pagibig ng Diyos para sa Israel at ni Cristo para sa iglesia.
MGA AKLAT NG HULA:
May ilang sa mga aklat na ito ay nasulat sa panahong ang bansang Israel ay nahati sa dalawang magkaibang kaharian: Israel at Juda.
Isaias: Nagbabala ng darating na kahatulan laban sa Juda dahil sa kanilang kasalanan laban sa Diyos.
Jeremias: Nasulat sa bandang hulihan ng pagbagsak ng Juda. Sinabi ang tungkol sa darating na kahatulan at inudyukan na sumuko kay Nebuchadnezzar.
Mga Panaghoy: Ang panaghoy ni Jeremias (kapahayagan ng kalungkutan) dahil sa pagwasak ng Babilonia sa Jerusalem.
Ezekiel: Nagbabala una sa malapit ng pagbagsak ng Jerusalem at hinulaan din ang darating na pagpapanumbalik nito.
Daniel: Ang propetang si Daniel ay nabihag at sa unang pagsalakay sa Juda at dinala sa Babilonia. Nagbibigay ang aklat na ito ng mga katuruan tungkol sa kasaysayan at sa mga hula na mahalaga sa pagkaunawa sa mga hula ng Biblia.
Oseas: Ang paksa ng aklat na ito ay kawalan ng katapatan ng Israel, ang parusa sa kanila, at ang pagbabalik ng Diyos.
Joel: Sinabi ang mga salot na anino ng mga darating na paghatol.
Amos: Sa panahon ng kasaganaang materyal subalit kabulukang moral, nagbabala si Amos sa Israel at mga nakapaligid na mga bayan sa darating na kahatulan ng Diyos sa kanilang kasalanan.
Obadias: Ang hatol ng Diyos sa Edom, isang masamang bansa na nasa timog ng Dagat na Patay.
Jonas: Ang kasaysayan ng propetang si Jonas na nangaral ng pagsisisi sa Nineve, kapitolyo ng emperyo ng Asiria. Naghayag ang aklat ng pagibig ng Diyos at plano ng pagsisisi para sa mga Hentil.
Mikas: Isa pang hula laban sa mga kasalanan ng Israel. Sinabi ang dakong sisilangan ni Jesus 700 taon bago ito nangyari.
Nahum: Binanggit ang parating na pagkawasak ng Nineve na nalampasan sa nakaraang 150 taon dahil sa pangangaral ni Jonas.
Habacuc: Inihayag ang plano ng Diyos na parusahan ang isang makasalanang bansa sa pamamagitan ng isang mas masamang bansa. Nagturo na ang “ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.”
Zefanias: Hatol at pagbabalik ng Juda.
Hagai: Inudyukan ang mga Judio na itayong muli ang templo pagkaraan ng 15 taong pagpapaliban dahil sa paglaban ng kaaway.
Zacarias: Dagdag na pagudyok na tapusin ang templo at sariwain ang esprituwal na pagkakatalaga. Hinulaan ang una at ikalawang pagparito ni Cristo.
Malakias: Nagbabala laban sa kababawang espirituwal at hinulaan ang pagdating ni Juan Bautista at ni Jesus.
MGA AKLAT NG BAGONG TIPAN
(27 na mga Aklat)
Ang apat na mga aklat na kilala bilang Ebanghelyo ay nagtatala ng kapanganakan, buhay, ministeryo, mga katuruan, kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo. Ang paraan ng bawat aklat ay nagkakaiba:
ANG MGA EBANGHELYO:
Mateo: Si Jesus bilang Hari ang binibigyang diin ng aklat na ito na nakatuon lalo na sa mga Judio.
Marcos: Si Jesu-Cristo bilang Alipin ng Diyos ang binibigyan diin naman dito at nakatuon lalo na sa mga Romano.
Lucas: Ipinakilala si Jesu-Cristo bilang “Anak ng Tao,” ang taong sakdal at Tagapagligtas ng mga taong hindi sakdal.
Juan: Ipinakilala si Jesus sa Kaniyang kalagayan bilang Anak ng Diyos.
AKLAT NG KASAYSAYAN:
Mga Gawa: Ang nagiisang aklat ng kasayasayan sa Bagong Tipan na nagtala ng unang paglago ng Cristianismo mula sa panahong si Jesus ay nagbalik sa langit hanggang sa pagkabilanggo ni Pablo sa Roma. Mga 33 mga taon ang saklaw ng aklat na ito at nagbigay diin sa gawa ng Espiritu Santo.
MGA SULAT:
Mga Taga Roma: Isang paghaharap ng Ebanghelyo na nagbibigay halaga sa kaligtasan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.
I Corinto: Nasulat upang ituwid ang mga kamalian sa paguugali ng mga Cristiano sa iglesia lokal.
II Corinto: Nagsalita tungkol sa tunay na ministeryo ng Ebanghelyo, pagiging katiwala, at ang karapatan ni Pablo sa pagiging apostol.
Galacia: Tinalakay ang kamalian ng paghahalo ng pananampalataya sa kautusan. Ang paksa ay pagaaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Efeso: Pinasisigla ang mga mananampalataya tungkol sa kanilang posisyon kay Cristo.
Filipos: Binibigyang diin ang kagalakan ng pagkakaisang Cristiano.
Colosas: Hinarap ang kamalian ng “Gnostisismo” isang maling katuruan na itinatatwa na si Jesus ay tunay na Anak ng Diyos at Anak ng Tao. Binigyan diin din ng aklat na si Jesus ang ulo ng Iglesia.
I Tesalonica: Payo sa pamumuhay Cristiano at diin sa pagbabalik ni Jesus.
II Tesalonica: Dagdag na tagubilin sa pagbabalik ng Panginoon at paanong ang kaalaman na ito ay magkabisa sa pang-araw-araw na buhay.
I Timoeto: Binigyang halaga ang wastong doktrina, maayos na pamamalakad ng iglesia, at mga prinsipyo na gagabay sa iglesia sa mga taong darating.
II Timoteo: Inilarawan ang tunay na alipin ni Jesu-Cristo. Nagbabala rin ito tungkol sa panlalamig sa pananampalataya na nagsimula na. Iniharap nito ang Salita ng Diyos bilang lunas sa pagtutuwid ng mga kamalian.
Tito: Sulat ni Pablo sa isang batang ministro na nagngangalang Tito na naglilingkod sa isla ng Crete. Binigyang halaga ang doktrina at banal na pamumuhay.
Filemon: Ang pamamagitan ni Pablo para sa isang naglayas na alipin ng isang mayamang Cristiano sa Colosas. Naglalarawan ng pamamagitan ni Jesus para sa mga mananampalataya na dati ay alipin ng kasalanan.
Hebreo: Ipinaliliwanag ang kahigtan ng Cristianismo sa Judaismo. Iniharap si Jesus bilang Dakilang Saserdote at ang tagapamagitan sa Diyos at sa tao.
Santiago: Itinuturo na ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan sa pamamagitan ng mga gawa, bagamat ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
I Pedro: Isang sulat ng pangpasigla at pang-aliw sa mga mananampalataya, lalo na yaong mga nagdurusa dahil sa mga pagsalakay na espirituwal mula sa labas ng iglesia galing sa mga hindi mananampalataya.
II Pedro: Isang babala laban sa mga pagsalakay na espirituwal mula sa loob. Halimbawa, mga bulaang propeta na nakapasok na sa Iglesia.
I Juan: Nilabanan ang Gnostisismo na nagtatatwa na si Jesus ay Anak ng Diyos at anak ng Tao. Binigyang diin ng aklat ang pakikibahagi at pagibig sa mga mananampalataya at tiniyak sa mga tunay na mananampalataya ang buhay na walang hanggan.
II Juan: Nagbabala laban sa anomang pakikikompromiso sa maling doktrina at nagbigay diin na ang katotohanan ay dapat mabantayan na may pagibig.
III Juan: Nagbabala na kasalanan ang itanggi ang pakikisama sa mga tunay na mananampalataya.
Judas: Isa pang babala laban sa panlalamig at maling doktrina. Ang paksa ay katulad ng sa II Pedro.
AKLAT NG HULA:
Apocalipsis: Ang aklat na ito ng hula ay nagsasaad ng mga huling pangyayari sa kasaysayan ng sanglibutan. Binanggit nito ang mga bagay na nakaraan, mga kasalukuyan, at ang mga magaganap pa sa hinaharap na plano ng Diyos (Apocalipsis 4:22).
MATAGUMPAY NA PAGBABASA NG BIBLIA
Marami kang matututuhan sa kursong ito kung paanong maunawaan at mabigyang kahulugan ang Biblia. Matututuhan mo rin ang mga mapanglikhang mga pamamaraan ng pag-aaral ng Biblia. Ngunit ang unang hakbang sa pagkaunawa ng Biblia ay basahin muna ito. Upang tulungan kang magbasa ng Salita ng Diyos, nagbalangkas kami ng ilang ibat-ibang mga plano ng pagbabasa. Kabilang dito ang isang plano para doon sa mga nagsisimula pa lamang ng kanilang pag-aaral at gayon din para doon sa mga nakalampas na rito sa pag-aaral ng Biblia. Una, narito ang mga mungkahi para sa matagumpay na pagbabasa ng Biblia:
1. MAGBASA ARAW-ARAW:
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa
kautusan ng Panginoon; At sa kautusan Niya nagbubulaybulay siya araw at
gabi. (Awit 1:2)
Nilalang ng Diyos ang iyong katawan kaya kailangan mo ng pagkain upang manatili ang kalusugan. Sa gayon ding paraan, ang iyong espiritu ay dapat pakanin araw-araw ng Salita ng Diyos upang ikaw ay maging malusog sa espiritu.
…Nasusulat, hindi sa tinapay lamang
mabubuhay ang tao. (Lucas 4:4)
2. MAGBASA NA MAY KAAYUSAN:
Simulan mong basahin ang mga “gatas” ng Salita ng Diyos. Ito ang mga simpleng katotohanan ng Salita ng Diyos:
Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay
nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan
nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas. (I
Pedro 2:2)
Hindi magtatagal at ikaw ay lalago sa iyong buhay espirituwal at makakakain ka na ng “karne” ng Salita ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay maiintindihan mo na ang higit na mahihirap na mga katuruan ng Biblia:
Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay
walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagkat siya’y isang sanggol.
Ngunit ang pagkaing matigas ay sa mga may
gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay
ang kanilang pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. (Hebreo 5:13-14)
Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng
lamang-kati; sapagkat kayo’y wala pang kaya noon… (I Corinto 3:2)
3. MAGBASA NA MAY PANALANGIN:
Sapagkat inilagak ni Ezra ang kaniyang puso
na hanapin ang kautusan ng Panginoon… (Ezra
7:10)
Bago ka magsimulang magbasa, manalangin ka sa Diyos at hingin mo sa Kaniya na tulungan kang maunawaan ang Kaniyang mensahe na ibinigay Niya sa pamamagitan ng nasulat Niyang Salita. Ang panalangin ay maging tulad ng panalangin ng Salmista David:
Idilat Mo ang aking mga mata upang ako’y
makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa Iyong kautusan. (Awit 119:18)
4. MAGBASA NA MAY MAAYOS NA HANAY:
May mga tao na hindi maunawaan ang Salita ng Diyos sapagkat wala silang maayos na hanay na plano ng pagbabasa. Babasa ng isang kabanata rito isang kabanata roon at nabibigong pagbuklurin ang mga ito. Ito ay tulad ng pagbasa na isang pahina dito at isang pahina doon ng isang libro ng medisina at pagkatapos ay manggagamot ka na. Sinabi ng Biblia sa atin na ating “saliksikin ang mga Kasulatan” (Juan 5:39). Ang ibig sabihin ay pag-aralang mabuti. Ang Biblia ay isang aklat na tulad ng ginagamit sa paaralan. Dapat mong basahin sa isang maayos na paraan upang maunawaan mo ang nilalaman nito. Pumili ng isa sa mga skedyul ng pagbasa at simulan mong basahin ang iyong Biblia araw-araw.
PARA SA MGA NAGSISIMULA
Kung hindi mo pa dating nabasa ang Biblia, magsimula ka sa aklat ni Juan sa Bagong Tipan. Ang aklat na ito ay isinulat ng isa sa mga alagad ni Jesu-Cristo na nagnganglang Juan. Isinulat niya ang kasaysayan ni Jesus sa isang simpleng paraan na madaling maunawaan.
Bumasa ng isang kabanata sa Juan kada araw sa hanay na makikita sa iyong Biblia. Gamitin mo ang mga sumusunod na tsart upang markahan ng ( √ ) ang kada kabanatang iyong nabasa na.
Ang Ebanghelyo Ni Juan:
______1 _______5 ________9 ________13 _________17
______2 _______6 _______10 ________14 _________18
______3 _______7 _______11 ________15 _________19
______4 _______8 _______12 ________16 _________20
ISANG MAIKLING PAGTATAKDA O SKEDYUL
Ang maikling skedyul ng pagbabasa ng Biblia ay inayos upang magbigay ng paunang kaalaman sa Biblia sa pamamagitan ng mga piling bahagi ng Kasulatan. Basahin ang mga bahagi ayon sa hanay ng pagkakalista ng mga ito. Gamitin ang tsart upang markahan ng ( √ ) ang kada bahagi na natapos nang basahin.
ANG BAGONG TIPAN:
______Juan _______ I Tesalonica _______Efeso
______Marcos _______I Corinto _______II Timoteo
______Lucas _______Roma _______I Pedro
______Gawa _______Filemon _______I Juan
______Roma _______Filipos _______Apocalipsis 1-5; 19:6-22:21
ANG LUMANG TIPAN:
_____Genesis _______Amos
_____Exodo 1-20 _______Isaias 1-12
_____Bilang 10:11-21:35 _______Jeremias 1-25; 33-39
_____Deuteronomio 1-11 _______Ruth
_____Josue 1-12; 22-24 _______Jonas
_____Mga Hukom 1-3 _______Awit 1-23
_____I Samuel 1-3, 9-10, 13, 15-18, 31 _______Job 1-14, 38-42
_____II Samuel 1 _______Kawikaan 1-9
_____I Mga Hari 1-11 _______Daniel 1-6
_____Nehemias
ANG MAS MAHABANG PAGTATAKDA O SKEDYUL
Ang planong ito ng pagbabasa ay sumasaklaw sa Biblia nang higit na malalim kaysa sa Maikling Skedyul, ngunit hindi nito nasasakop ang buong Biblia.
BAGONG TIPAN:
____ Marcos _____Filipos
____Mateo _____Efeso
____Juan _____II Timoteo
____Lucas _____Tito
____Gawa _____I Timoteo
____I Tesalonica _____I Pedro
____II Tesalonica _____Hebreo
____I Corinto _____Santiago
____II Corinto _____I Juan
____Galacia _____II Juan
____Roma _____III Juan
____Filemon _____Judas
____Colosas _____II Pedro
_____Apocalipsis 1-5 at 19:6-22:21
LUMANG TIPAN:
_____Genesis ______Jeremias 1-25 at 30-33
_____Exodo 1-24 ______Nahum
_____Levitico 1-6:7 ______Habacuc
_____Bilang 10:11-21:35 ______Ezekiel 1-24 at 33-39
_____Deuteronomio 1-11 at 27-34 ______Obadias
_____Josue 1-12 at 22-24 ______Mga Panaghoy
_____Mga Hukom 1-16 ______Isaias 40-66
_____I Samuel ______Zacarias 1-8
____II Samuel ______Malakias
____I Mga Hari ______Joel
____II Mga Hari ______Ruth
____I Cronica ______Jonas
____II Cronica ______Mga Awit
____Ezra ______Job
____Nehemias ______Kawikaan 1-9
____Amos ______Awit Ng Mga Awit
____Oseas ______Eclesiastes
____Micas ______Esther
____Isaias 1-12 ______Daniel
____Zefanias
ANG KUMPLETONG PAGTATAKDA O SKEDYUL
Matatapos mo ang pagbabasa ng Biblia sa loob ng isang taon sa paggamit mo ng kompletong skedyul ng pagbabasa ng Biblia.
Enero
Pebrero
___1. Genesis 1-2 _____1. Exodo 14-17
___2. Genesis 3-5 _____2. Exodo 18-20
___3. Genesis 6-9 _____3. Exodo 21-24
___4. Genesis 10-11 _____4. Exodo 25-27
___5. Genesis 12-15 _____5. Exodo 28-31
___6. Genesis 16-19 _____6. Exodo 32-34
___7. Genesis 20-22 _____7. Exodo 35-37
___8. Genesis 23-26 _____8. Exodo 38-40
___9. Genesis 27-29 _____9. Levitico 1-4
___10. Genesis 30-32 _____10. Levitico 5-7
___11. Genesis 33-36 _____11. Levitico 8-10
___12. Genesis 37-39 _____12. Levitico 11-13
___13. Genesis 40-42 _____13. Levitico 14-16
___14. Genesis 43-46 _____14. Levitico 17-19
___15 Genesis 47-50 _____15. Levitico 20-23
___16. Job 1-4 _____16. Levitico 24-27
___17. Job 5-7 _____17. Bilang 1-3
___18. Job 8-10 _____18. Bilang 4-6
___19. Job 11-13 _____19. Bilang 7-10
___20. Job 14-17 _____20. Bilang 11-14
___21. Job 18-20 _____21. Bilang 15-17
___22.Job 21-24 _____22. Bilang 18-20
___23. Job 25-27 _____23. Bilang 21-24
___24. Job 28-31 _____24. Bilang 25-27
___25. Job 32-34 _____25. Bilang 28-30
___26. Job 35-37 _____26. Bilang 31-33
___27. Job 38-42 _____27. Bilang 34-36
___28. Exodo 1-4 _____28. Deuteronomio 1-3
___29. Exodo 5-7
___30. Exodo 8-10
___31. Exodo 11-13
Marso
Abril
_____1. Deuteronomio 4-6 ____1. I Samuel 21-24
_____2. Deuteronomio 7-9 ____2. I Samuel 25-28
_____3. Deuteronomio 10-12 ____3. I Samuel 29-31
_____4. Deuteronomio 13-16 ____4. II Samuel 1-4
_____5. Deuteronomio 17-19 ____5. II Samuel 5-8
_____6. Deuteronomio 20-22 ____6. II Samuel 9-12
_____7. Deuteronomio 23-25 ____7. II Samuel 13-15
_____8. Deuteronomio 26-28 ____8. II Samuel 16-18
_____9. Deuteronomio 29-31 ____9. II Samuel 19-21
____10. Deuteronomio 32-34 ___10. II Samuel 22-24
____11. Josue 1-3 ___11. Awit 1-3
____12. Josue 4-6 ___12. Awit 4-6
____13. Josue 7-9 ___13. Awit 7-9
____14. Josue 10-12 ___14. Awit 10-12
____15. Josue 13-15 ___15. Awit 13-15
____16. Josue 16-18 ___16. Awit 16-18
____17. Josue 19-21 ___17. Awit 19-21
____18. Josue 22-24 ___18. Awit 22-24
____19. Mga Hukom 1-4 ___19. Awit 25-27
____20. Mga Hukom 5-8 ___20. Awit 28-30
____21. Mga Hukom 9-12 ___21. Awit 31-33
____22. Mga Hukom 13-15 ___22. Awit 34-36
____23. Mga Hukom 16-18 ___23. Awit 37-39
____24 Mga Hukom 19-21 ___24. Awit 40-42
____25. Ruth 1-4 ___25. Awit 43-45
____26. I Samuel 1-3 ___26. Awit 46-48
____27. I Samuel 4-7 ___27. Awit 49-51
____28. I Samuel 8-10 ___28. Awit 52-54
____29. I Samuel 11-13 ___29. Awit 55-57
____30. I Samuel 14-16 ___30. Awit 58-60
____31. I Samuel 17-20
Mayo
Hunyo
____1. Awit 61-63 _____1. Kawikaan 1-3
____2. Awit 64-66 _____2. Kawikaan 4-7
____3. Awit 67-69 _____3. Kawikaan 8-11
____4. Awit 70-72 _____4. Kawikaan 12-14
____5. Awit 73-75 _____5. Kawikaan 15-18
____6. Awit 76-78 _____6. Kawikaan 19-21
____7. Awit 79-81 _____7. Kawikaan 22-24
____8. Awit 82-84 _____8. Kawikaan 25-28
____9. Awit 85-87 _____9. Kawikaan 29-31
___10. Awit 88-90 ____10. Eclesiastes 1-3
___11. Awit 91-93 ____11. Eclesiastes 4-6
___12. Awit 94-96 ____12. Eclesiastes 7-9
___13. Awit 97-99 ____13. Eclesiastes 10-12
___14. Awit 100-102 ____14. Awit ng mga Awit 1-4
___15. Awit 103-105 ____15. Awit ng mga Awit 5-8
___16. Awit 106-108 ____16. I Hari 5-7
___17. Awit 109-111 ____17. I Hari 8-10
___18. Awit 112-114 ____18. I Hari 11-13
___19. Awit 115-118 ____19. II Hari 14-16
___20. Awit 119 ____20. II Hari 17-19
___21. Awit 120-123 ____21. II Hari 20-22
___22. Awit 124-126 ____22. II Hari 1-3
___23. Awit 127-129 ____23. II Hari 4-6
___24. Awit 130-132 ____24. II Hari 7-10
___25. Awit 133-135 ____25. II Hari 11-14:20
___26. Awit 136-138 ____26. Joel 1-3
___27. Awit 139-141 ____27. II Hari 14:21-25; Jonas 1-4
___28. Awit 142-144 ____28. II Hari 14:26-29; Amos 1-3
___29. Awit 145-147 ____29. Amos 4-6
___30. Awit 148-150 ____30. Amos 7-9
___31. I Hari 1-4
Hulyo
Agosto
____1. II Hari 15-17 ____1. II Hari 20-21
____2. Oseas 1-4 ____2. Zefanias 1-3
____3. Oseas 5-7 ____3. Habacuc 1-3
____4. Oseas 8-10 ____4. II Hari 22-25
____5. Oseas 11-14 ____5. Obadias/Jeremias 1-2
____6. II Hari 18-19 ____6. Jeremias 3-5
____7. Isaias 1-3 ____7. Jeremias 6-8
____8. Isaias 4-6 ____8. Jeremias 9-12
____9. Isaias 7-9 ____9. Jeremias 13-16
___10. Isaias 10-12 ___10. Jeremias 17-20
___11. Isaias 13-15 ___11. Jeremias 21-23
___12. Isaias 16-18 ___12. Jeremias 24-26
___13. Isaias 19-21 ___13. Jeremias 27-29
___14. Isaias 22-24 ___14. Jeremias 30-32
___15. Isaias 25-27 ___15. Jeremias 33-36
___16. Isaias 28-30 ___16. Jeremias 37-39
___17. Isaias 31-33 ___17. Jeremias 40-42
___18. Isaias 34-36 ___18. Jeremias 43-46
___19. Isaias 37-39 ___19. Jeremias 47-49
___20. Isaias 40-42 ___20. Jeremias 50-52
___21. Isaias 43-45 ___21. Mga Panaghoy 1-5
___22. Isaias 46-48 ___22. I Cronica 1-3
___23. Isaias 49-51 ___23. I Cronica 4-6
___24. Isaias 52-54 ___24. I Cronica 7-9
___25. Isaias 55-57 ___25. I Cronica 10-13
___26. Isaias 58-60 ___26. I Cronica 14-16
___27. Isaias 61-63 ___27. I Cronica 17-19
___28. Isaias 64-66 ___28. I Cronica 20-23
___29. Mikas 1-4 ___29. I Cronica 24-26
___30. Mikas 5-7 ___30. I Cronica 27-29
___31. Nahum 1-3 ___31. II Cronica 1-3
Setyembre
Oktubre
____1. II Cronica 4-6 ____1. Esther 4-7
____2. II Cronica 7-9 ____2. Esther 8-10
____3. II Cronica 10-13 ____3. Ezra 1-4
____4. II Cronica 14-16 ____4. Hagai 1-2/Zacarias 1- 2
____5. II Cronica 17-19 ____5. Zacarias 1-2
____6. II Cronica 20-22 ____6. Zacarias 3-6
____7. II Cronica 23-25 ____7. Zacarias 7-10
____8. II Cronica 26-29 ____8. Ezra 5-7
____9. II Cronica 30-32 ____9. Ezra 8-10
___10. II Cronica 33-36 ___10. Nehemias 1-3
___11. Ezekiel 1-3 ___11. Nehemias 4-6
___12. Ezekiel 4-7 ___12. Nehemias 7-9
___13. Ezekiel 8-11 ___13. Nehemias 10-13
___14. Ezekiel 12-14 ___14. Malakias 1-4
___15. Ezekiel 15-18 ___15. Mateo 1-4
___16. Ezekiel 19-21 ___16. Mateo 5-7
___17. Ezekiel 22-24 ___17. Mateo 8-11
___18. Ezekiel 25-27 ___18. Mateo 12-15
___19. Ezekiel 28-30 ___19. Mateo 16-19
___20. Ezekiel 31-33 ___20. Mateo 20-22
___21. Ezekiel 34-36 ___21. Mateo 23-25
___22. Ezekiel 37-39 ___22. Mateo 26-28
___23. Ezekiel 40-42 ___23. Marcos 1-3
___24. Ezekiel 43-45 ___24. Marcos 4-6
___25. Ezekiel 46-48 ___25. Marcos 7-10
___26. Daniel 1-3 ___26. Marcos 11-13
___27. Daniel 4-6 ___27. Marcos 14-16
___28. Daniel 7-9 ___28. Lucas 1-3
___29. Daniel 10-12 ___29. Lucas 4-6
___30. Esther 1-3 ___30. Lucas 7-9
___31. Lucas 10-13
Nobyembre
Disyembre
_____1. Lucas 14-17 ____1. Roma 5-8
_____2. Lucas 18-21 ____2. Roma 9-11
_____3. Lucas 22-24 ____3. Roma 12-16
_____4. Juan 1-3 ____4. Gawa 20:3-22
_____5. Juan 4-6 ____5. Gawa 23-25
_____6. Juan 7-10 ____6. Gawa 26-28
_____7. Juan 11-13 ____7. Efeso 1-3
_____8. Juan 14-17 ____8. Efeso 4-6
_____9. Juan 18-21 ____9. Filipos 1-4
____10. Gawa 1-2 ___10. Colosas 1-4
____11. Gawa 3-5 ___11. Hebreo 1-4
____12. Gawa 6-9 ___12. Hebreo 5-7
____13. Gawa 10-12 ___13. Hebreo 8-10
____14. Gawa 13-14 ___14. Hebreo 11-13
____15. Santiago 1-2 ___15. Filemon/ I Pedro 1-2
____16. Santiago 3-5 ___16. I Pedro 3-5
____17. Galacia 1-3 ___17. II Pedro 1-3
____18. Galacia 4-6 ___18. I Timoteo 1-3
____19. Gawa 15-18:11 ___19. I Timoteo4-6
____20. I Tesalonica 1-5 ___20. Tito 1-3
____21. II Tesalonica 1-3 ___21. II Timoteo 1-4
____22. I Corinto 1-4 ___22. I Juan 1-2; Gawa 18:12-19;10
____23. I Juan 3-5 ___23. I Corinto 5-8
____24. II Juan, III Juan ___24. I Corinto 9-12
____25. Apocalipsis 1-3, Judas ___25. I Corinto 13-16
____26. Apocalipsis 4-6 ___26. Gawa 19:11-20:1; II Cor 1-3
____27. Apocalipsis 7-9 ___27. II Corinto 4-6
____28. Apocalipsis 10-12 ___28. II Corinto 7-9
____29. Apocalipsis 13-15 ___29. II Corinto 10-13
____30. Apocalipsis 16-18 ___30. Gawa 20:2/Roma 1-4
____31. Apocalipsis 19-22
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ilang aklat mayroon sa Lumang Tipan?
3. Ilang aklat mayroon sa Bagong Tipan?
4. Bakit mahalaga ang magkaroon ng maayos na hanay na paraan ng pagbasa ng Biblia?
5. Ano ang apat na mga mungkahi sa pagkakaroon ng matagumpay na pagbabasa ng Biblia?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
- Repasuhin ang mga paglalarawan sa bawat aklat ng Biblia na ibinigay sa kabanatang ito.
- Isulat ang pangalan ng bawat aklat ng Biblia sa ibaba.
- Sa tabi ng pangalan ng bawat aklat, ibigay ang buod sa tatlo o apat na pangungunsap ang nilalaman nito.
- Ang unang dalawa ay ginawa bilang halimbawa para sa iyo.
( Sa pamamagitan ng pagpapaikli sa ganitong paraan magkakaroon ka ng isang pangkalahatang kaalaman sa nilalaman ng Biblia.)
Pangalan Ng Aklat Nilalaman
Genesis Aklat ng mga pasimula
Exodo Paglabas mula sa Egipto
IKATLONG KABANATA
MGA BERSYON NG BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Panganlan ang tatlong mga wika na dito nasulat ang Biblia.
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “bersyon.”
. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng isang pagsasalin at ng isang malayang pagbibigay kahulugan (paraphrase) na mga bersyon ng Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Nagbigay ng salita ang Panginoon: ang mga
babaing nangaghahayag nga mga balita ay malaking hukbo. (Awit 68:11)
PAMBUNGAD
Ang kabanatang ito ay tinutukoy ang mga orihinal na mga wika na ginamit sa pagsulat ng Biblia at ipapaliwanag kung paano nasalin ang mga Kasulatan sa ibat-ibang mga wika. Matututuhan mo ang pagkakaiba ng pagsasalin at ng malayang pagbibigay kahulugan na mga bersyon ng Biblia. Mga halimbawa mula sa ibat-ibang mga salin ay ipinagkakaloob.
TATLONG MGA WIKA
Ang Biblia ay orihinal na nasulat sa tatlong mga wika. Ang karamihan sa Lumang Tipan ay nasulat sa salitang Hebreo maliban sa mga bahagi ng aklat ni Daniel at Nehemias na nasulat sa salitang Aramaic. Ang Bagong Tipan ay nasulat sa wikang Griego.
Walang orihinal na mga dokumento na napagsulatan ng orihinal na Biblia ang na sa atin ngayon. May ilang mga matatandang mga sulatin (manuscripts) na kopya ng orihinal. Ang mga bersyon ay mga salin mula sa mga kopyang ito na mga orihinal na mga sulatin o manuscript. Mula pa noong unang panahon nakita na ng mga tao ang pangangailangan ng pagsasalin ng Biblia upang ang bawat isa ay makabasa nito sa kaniyang sariling wika.
Walang salin na eksakto sapagkat walang dalawang wika na eksaktong eksakto ang pagkakatulad. May ilang mga salita sa Biblia na wala sa ibang mga wika. Halimbawa, may isang tribo ng mga Indians sa Ecuador, South America, na tinatawag na Auca Indians. Nang una silang ma-kontak ng mga misyonero, ang mga Indian na ito ay hindi marunong bumasa o sumulat. Walang mga salita sa kanilang wika para sa “pagsulat” o kaya ay “aklat.”
May ugali ang mga Auca Indians na ukitan ang kanilang mga ari-arian ng mga palatandaan na ito ay kanila. Yamang walang mga salita sa kanilang wika para sa kasulatan, pagsulat o aklat, nang isalin ang Biblia para sa kanila, tinawag ito na “Ang Ukit Ng Diyos.” Natukoy ito bilang pag-aari ng Diyos. Ito ang isa sa mga halimbawa ng mga kahirapan ng pagsasalin ng Biblia sa ibat-ibang mga wika.
MGA SALIN AT MGA “PARAPHRASES”
Maraming mga ibat-ibang mga bersyon ang Biblia. Ang ibig sabihin ng salitang “bersyon” ay isang Biblia na nasulat sa isang wika na iba mula sa orihinal na wika na nasulat ang Biblia. May dalawang uri ng mga bersyon ng Biblia: Mga salin at “paraphrase.”
SALIN:
Ang isang salin ay pagsisikap na ihayag kung ano mismo ang sinasabi ng mga salitang Griego, Hebreo, at Aramaic. Nagbibigay ito, hanggat maaari, ng literal na salita kada salitang pagsasalin. May mga dagdag na mga salita na inilalagay kung kailangan upang maintindihan ng nagbabasa ang kahulugan.
PARAPHRASE:
Ang paraphrase naman ay hindi nagsisikap na magsalin salita kada salita. Nagsasalin ito ng mga kaisipan. Ang paraphrase ay paguulit ng ibig sabihin ng isang bahagi. Ang mga paraphrase ang madaling basahin at maintindihan sapagkat ang mga ito ay nasulat sa makabagong bokabularyo, ngunit hindi ito mga eksaktong salin ng Salita ng Diyos.
Sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” sa kabanatang ito may mga halimbawa mula sa mga ilang salin ng Biblia upang iyong ikumpara. Maglalarawan ito ng pagkakaiba sa salin at paraphrase na mga bersyon.
PAGPILI NG ISANG BIBLIA NA PAG-AARALAN
Para sa layunin ng kursong ito at sa pangkalahatang pag-aaral ng Biblia, ang aming rekomendasyon ay gamitin ang salin ng Bibliang Tagalog – Ang Biblia. May mga ilang dahilan para dito:
UNA:
Ang salin ng “Ang Biblia” (na katumbas ng King James sa Ingles) ay napakatumpak at isang magandang salin para sa tunay na pag-aaral. Ang isang paraphrase na bersyon ay hindi naglalaman ng mga eksaktong salita-kada-salitang pagsasalin ng mg Kasultan.
PANGALAWA:
Sa Ingles, maraming mga tulong na mga aklat ang nasulat na kaugnay ng King James Version. Halimbawa ang maraming mga konkordansya, mga diksyonaryo, at mga komentaryo ay nasulat na ang gamit na teksto ay ang King James version. Sa Tagalog, ang katumbas nito ay ang unang salin na kung tawagin ay “Ang Biblia.”
PANGATLO:
Itinuturing na ang mga gumagamit ng Bibliang Tagalog ay “Ang Biblia” ang gamit nila. At iyan ang gamit sa mga kursong ito na isina-tagalaog. Gayon man, ang nagiging popular na gamit ng mga nagsasalita at bumabasa ng Taglog ay ang “Magandang Balita Biblia (MBB).
Ang mga Bibliang Tagalog na sumusunod ay inilathala ng Philippine Bible Society, sa kanilang address sa 890 United Nations Avenue, Manila, Philippines:
Ang Biblia- ©1982
Magandang Balita Biblia (Tagalog Popular Version Bible) © 1980
Ang ilang salin sa Tagalog ay ang Bagong Tipan lamang:
Ang Salita Ng Diyos- © 1998 ng Bibles International®
Baptist Mid-Missions’ Translation , Publishing, ang Literary Services
Ang Salita Ng Diyos Para Sa Mga Pilipino -© 2003 OMF Literture
(Isang Makabagong Salin Ng Bagong Tipan Ng Biblia)
MGA IBAT-IBANG DAGDAG SA PAGLILIMBAG
Sa Bibliang Ingles, may mga kopya ng Biblia na ang lahat ng mga direktong salita ni Jesus ay nakalimbag sa kulay pula. Hindi ito masusumpungan sa kasalukuyan sa mga Bibliang Tagalog na nabanggit bago ang parapong ito.
ISANG BUOD
Ang sumusunod na tsart ay nagbibigay ng buod kung paanong ang
mga ibat-ibang bersyon ng Biblia ay nabuo:
Ang Biblia:
Kinasihan Ng Diyos
│
Inihayag Sa Mga Taong Banal Na Sumulat Ng Salita Ng Diyos
Sa Griego, Hebreo, Aramaic
│
Naisalin Sa Ibat-Ibang Mga Wika
Na Nagbunga Ng
│
Mga Eksaktong Salin At Paraphrase Na Mga Bersyon Ng Biblia
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “bersyon” ?
3. Ano ang pagkakaiba ng isang salin at isang paraphrase na bersyon ng Biblia?
4. Ano ang salin ng Biblia na ginagamit sa kursong ito?
5. Ano ang tatlong mga wika na ginamit sa pagsulat ng orihinal na Biblia?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Narito ang salin ng Juan 3:16 sa salin ng apat na Bibliang Tagalog na kasalukuyang nabibili ngayon:
Ang Biblia: Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Magandang Balita Biblia: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang Salita Ng Diyos/Bagong Tipan: Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang Salita ng Diyos Para Sa Mga Pilipino: Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
IKALAWANG BAHAGI: PAGHAHANDA PARA SA PAG-AARAL
IKA-APAT NA KABANATA
BAGO KA MAGSIMULA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang mga kinakailangan bago magsimula ng pagaaral ng Biblia.
. Tukuyin ang dalawang mga paraan na ipinagkaloob ng Diyos para sa pag-aaral ng
Kaniyang Salita.
. Kilalanin ang ministeryo ng pagtuturo ng Espiritu Santo.
. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng gatas at karne ng Salita ng Diyos.
. Tukuyin ang tatlong mga hakbang sa paglipat mula sa gatas tungo sa karne ng Salita ng
Diyos.
. Ilista ang tatlong mga praktikal na mga mungkahi para sa pag-aaral ng Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Ang sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng
Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagkat kayo’y hindi sa Diyos. (Juan 8:47)
PAMBUNGAD
Maraming mga tao ang nagsisimulang pag-aralan ang Biblia tulad ng kanilang pag-aaral ng kahit anong aklat. Kinukuha nila ang kanilang Biblia, binubuksan ito, at nagsisimulang magbasa. Ngunit kadalasan, ang kanilang pag-aaral ay hindi nagtatagal. Nahihirapan silang maunawaan ang kanilang binabasa. Hindi nila maiugnay ang Biblia sa pang-araw-araw na buhay at baka isipin pa nila na ito ay isang aklat na nakakabagot. Ipinaliwanag ng Biblia na mayroon lamang mga tao na makauunawa ng Salita ng Diyos. Nabibigo ang mga tao sa pag-aaral ng Biblia sapagkat hindi sila nakahanda na pag-aralan ang Salita ng Diyos.
Ang Biblia ay tulad ng isang pintuan na patungo sa presensya ng Diyos. Sa likod ng pintuan ay ang mga dakilang kayamanang espirituwal. Ngunit dapat mayroon kang susi upang mabuksan ang pintuan o kaya ay hindi ka makakapasok upang masiyasat ang mga kayamanang ito. Inihayag ng Biblia kung paano mauunawaan ang Salita ng Diyos. Ibinigay nito ang susi na magbubukas sa pintuan ng pagkaunawang espirituwal.
MGA KINAKAILANGAN BAGO SIMULAN
ANG PAG-AARAL NG BIBLIA
Ang tinutukoy dito ay ang bagay na dapat mo munang gawin bago ka magsimula ng isa pang bagay. Ang Biblia ang Salita ng Diyos. Hindi ito tulad ng kahit ano mang aklat at hindi mo ito maaaring pag-aralan tulad ng iyong ginagawa sa ibang mga aklat. May mga kinakailangan na gawin- mga bagay na dapat mong gawin bago ka magsimula—upang iyong maunawaan ang malalalim na mga katotohanang espirituwal ng Diyos.
Kung nais mong maunawaan ang Biblia dapat mo munang makilala ang may Akda ng Biblia. Sinabi ni Jesus:
Ang sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng
Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagkat kayo’y hindi sa Diyos. (Juan 8:47)
Hindi mo mauunawaan ang mga Salita ng Diyos kung hindi mo kilala ang Diyos. Paano mo makikilala ang Diyos? Sinabi ni Jesus kay Nicodemo, na isang pinuno ng relihiyon sa bansang Israel:
…Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa
iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng
kaharian ng Diyos. (Juan 3:3)
Ang isang tao ay maaaring edukado, nag-aral, disente, at relihiyoso, ngunit ang pagkaunawa sa Kasulatan ay matatago sa kaniya hanggang mabuksan ang kaniyang mga matang espirituwal sa pamamagitan ng kapanganakang muli.
Itinanong ni Nicodemo kay Jesus, “Paano mangyayari ang mga bagay na ito?” Hindi niya naunawaan ang ibig sabihin ni Jesus. Sumagot si Jesus at sinabi:
…Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa
ang mga bagay na ito?
(Juan 3:10)
Si Nicodemo ay isang pinuno ng relihiyon sa Israel, gayon man ay hindi niya alam ang tungkol sa pagiging born again. Ang totoo, itinanong niya…
…Paano maipanganganak ang tao kung siya’y
matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at
ipanganak? (Juan 3:4)
Ipinaliwanag ni Jesus kay Nicodemo na ang pagiging born again ay isang kapanganakang espirituwal. Nagmumula ang karanasan ng pagkapanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Kailangan mong aminin at ihayag na ikaw ay isang makasalanan. Dapat kang sumampalataya na si Jesus ay namatay para sa iyong mga kasalanan, humingi ka ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan, at tanggapin Siya bilang iyong sariling Tagapagligtas.
Ang taong hindi pa born again ay hindi matatanggap ang katotohanan ng mga Salita ng Diyos:
Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi
tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos; sapagkat ang mga ito ay
kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay
sinisiyasat ayon sa espiritu. (I
Corinto 2:14)
Ang isang taong hindi pa ligtas ay maaaring humanga sa ganda at halaga ng Biblia bilang isang aklat. Maaari niyang pag-aralan ang kasaysayan at mga heograpiya nito. Ngunit ang mga katotohanang espirituwal ay mananatiling nakatago sa kaniya hanggang matanggap na niya ang kapatawaran sa kasalanan:
Sapagkat ang salita ng krus ay kamangmangan
sa kanila na nangapapahamak; ngunit ito’y kapangyarihan ng Diyos sa atin na
nangaliligtas. (I Corinto 1:18)
MGA PROBISYON NG DIYOS
Mula sa sandaling tanggapin mo si Jesus bilang iyong Tagapagligtas at maranasan ang bagong kapanganakang espirituwal, ang iyong pag-iisip ay magsisimulang maunawaan ang mga katotohanang espirituwal ng Salita ng Diyos. Kung paanong ang isang bagong silang na sanggol sa natural na buhay ay kailangan ang sustansya mula sa pagkain, ang isang tao na naipanganak na muli ay kailangan din ang pagkain. Ang pagkaing ito para sa paglagong espirituwal ay ang Salita ng Diyos. May dalawang paraan na ibinigay ang Diyos upang tulungan ka sa pag-aaral ng Salita ng Diyos:
MGA GURO:
Pumipili ang Diyos ng ilang mga mananampalataya bilang mga liders sa Iglesia. Isa sa mga tanging posisyon ng pangunguna ay ang pagiging isang guro ng Salita ng Diyos:
At ang Diyos ay naglagay ng ilan sa iglesia,
una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro… ( I Corinto
12:28)
At pinagkalooban niya ang mga iba na maging
mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga
iba’y pastor at mga guro;
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing
paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:
Hanggang sa abutin nating lahat ang
pagkakaisa sa pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa
lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni
Cristo. (Efeso 4:11-13)
Nagbibigay ang Diyos ng mga guro upang ipaliwanag ang Salita ng Diyos at gabayan ka sa paglagong espirituwal.
ISANG TANGING GURO:
May pangalawang paraan ang Diyos upang matutuhan mo ang Kaniyang Salita. Iniutos Niya na pag-aralan mo ito sa iyong sarili:
Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos,
manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng
katotohanan. (II Timoteo 2:15)
Nagbigay ang Diyos ng isang tanging Guro upang tumulong sa iyo kung mag-aaral ka ng Salita ng Diyos. Nuong si Jesus ay nabubuhay pa sa lupa, Siya mismo ang nagturo sa Kaniyang mga alagad ng mga katotohanan ng Diyos. Ngunit alam ni Jesus na pagkatapos ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, Siya ay babalik sa Langit kaya sinabi Niya sa Kaniyang mga alagad na magsusugo Siya ng isang tanging Guro upang tumulong sa kanila na maunawaan ang Salita ng Diyos. Ang Gurong yaon ay ang Espiritu Santo.
Datapuwat ang Mangaaliw, samakatuwid baga’y
ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa
inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo’y Aking
sinabi. (Juan 14:26)
Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng
katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan;
sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang
bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang
ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. (Juan 16:13)
Ang pagparito ng Espiritu Santo ay natala sa Gawa kabanatang 2. Basahin mo ang kabanatang ito sa iyong Biblia. Nais ng Diyos na maranasan mo ang ganito ring karanasan ng kapuspusan ng Espiritu Santo.[*] Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tatanggap ka ng isang tanging kakayahan mula sa Diyos na maunawaan ang Kaniyang Salita:
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa
Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang
kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang
pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan,
at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa Kaniya. (I Juan 2:27)
Ang Espiritu Santo ay may mapanglikhang kapangyarihan. Ang Espiritu Santo ang huminga sa tao ng hininga ng buhay (Genesis 2:7). Yan din Espiritu Santo ang nagbangon kay Jesus mula sa mga patay (Roma 8:11). Ang mapanglikhang kapangyarihang iyan ng Espiritu Santo ang gumagawa upang ang isang karaniwang pag-aaral ay maging MAPANGLIKHANG pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Sinabi natin sa pambungad ng kursong ito na ang pagiging mapanglikha ay magbubunga ng isang bagong bagay. Ang pagtuturo ng Espiritu Santo ay nagbubunga ng isang bagong daloy ng pagkaunawang espirituwal. Ginagawa ng Espiritu Santo na ang Biblia ay bago, sariwa, at angkop sa iyong buhay.
ANG SALITA NG DIYOS: GATAS AT KARNE
May dalawang baitang ng espirituwal na lalim sa Salita ng Diyos. Tinatawag natin ito na ang baitang ng “gatas” at ang baitang ng “karne.” Ang “gatas” ng Salita ng Diyos ay tumutukoy sa mga simpleng katotohanan na kahit ang isang bata ay mauunawaan, tulad ng plano ng kaligtasan. Ang “karne” ng Salita ng Diyos ay tumutukoy sa mga mas malalim na mga katotohanang espirituwal na hindi madaling maunawaan.
Ang ilang mga tao na tumanggap na kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas at napuspos na ng Espiritu Santo ay waring hindi lumalago sa kanilang pagkaunawa ng Salita ng Diyos. Ang kanilang kinakain ay ang gatas pa rin ng Salita .
Sa natural na buhay, walang mali sa gatas para sa bagong silang na sanggol. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Sa una mong karanasan ng pagiging born again kailangan mong hangarin ang gatas ng Salita ng Diyos:
Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain
ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito’y
magsilago kayo sa ikaliligtas. ( I Pedro 2:2)
Ngunit may dumarating na panahon na ang sanggol ay dapat magsimulang kumain ng mga solidong pagkain upang siya ay lumaki sa pangangatawan. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. May panahon na dapat ka nang lumipat mula sa gatas tungo sa karne ng Salita ng Diyos:
Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay
walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagkat siya’y isang sanggol.
Ngunit ang pagkaing matigas ay sa mga may
gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay
ang kanilang pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. (Hebreo 5:13-14)
Sinabi ni Pablo na may panahon upang ang mga mananampalataya ay lumipat na mula sa espirituwal na gatas tungo sa karne, ngunit ang iba ay hindi pa handa:
Sapagkat nang kayo’y nangararapat nang
maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo’y nangangailangan na kayo’y
turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Diyos; at naging tulad sa mga
nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. (Hebreo 5:12)
Bakit nagkakaganito? Bakit may ilang mga mananampalataya ang lumalalim sa Salita ng Diyos habang ang iba naman ay ni hindi maka-alpas sa mababaw na pagkaunawa ng Biblia? Bakit ang ilang mga tao ay lagi na lamang gutom sa mga “malalim na mga bagay” sa Salita ng Diyos sa halip na maranasan ito ? Isinulat ni Pablo:
At ako nga, mga kapatid, ay hindi
nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa
laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.
Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng
lamang-kati; sapagkat kayo’y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay
wala kayong kaya;
Sapagkat kayo’y mga sa laman pa: sapagkat
samantalang sa inyo’y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo’y
mga sa laman, at kayo’y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao? (I Corinto 3:1-3)
Hindi sila makalipat mula sa gatas tungo sa karne sapagkat sila ay mga karnal na Cristiano. Ang ibig sabihin nito ay sila ay hindi lumalago. Mayroon silang pagkainggit, pagaaway, at pagkakabahabahagi, at iba pang mga kasalanan sa kanilang buhay. Mananatili siya sa gatas malibang siya ay magsisisi at lumago nang sapat upang manguya niya ang karne.
Hangad ng Diyos na ikaw ay lumipat mula sa gatas tungo sa karne ng Kaniyang Salita. Ito ang paraan upang madagdagan ang iyong kaalaman ng Salita ng Diyos:
Kanino siya magtuturo ng kaalaman? At
kanino niya ipatatalastas ang balita? Silang nangalayo sa gatas at nangahiwalay
sa suso? (Isaias 28:9)
Mahalaga na ikaw ay lumipat mula sa gatas tungo sa karne sapagkat sa mga lumalagong mananampalataya lamang ibinubuhos ng Diyos ang Kaniyang Espiritu:
Kanino siya magtuturo ng kaalaman? At
kanino niya ipatatalastas ang balita? Silang nangalayo sa gatas at nangahiwalay
sa suso?
Sapagkat utos at utos: utos at utos; bilin
at bilin, bilin at bilin; dito’y kakaunti, doo’y kakaunti.
Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong
may ibang pangungusap at may iba’t-ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.
Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang
kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan:
gayon ma’y hindi nila pinakinggan.
(Isaias 28:9-12)
Nais ng Diyos na pagpalain ang Kaniyang bayan sa pagbubuhos ng Espiritu Santo. Nais Niyang buhayin sila at bigyan ng kapahingahang espirituwal, ngunit hindi sila makapasok sapagkat hindi pa nila naririnig ang Kaniyang mga Salita. Hindi sila makalipat tungo sa espirituwal na karne sapagkat hindi pa sila naaawat sa gatas ng Salita.
PAANO MAKALIPAT MULA SA GATAS TUNGO SA KARNE
Ngayon, ang malaking tanong ay…Paanong ang isang bagong panganak na Cristiano ay makalilipat mula sa gatas tungo sa karne ng Salita ng Diyos?
NASAIN ANG GATAS:
Una, dapat mong hangarin ang gatas ng Salita. Dapat kang magkaroon ng pagkaunawa ng mga saligang katotohanan ng Salita ng Diyos:
Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay
nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan
nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas. ( I Pedro 2:2)
Hindi ka maaaring magsimula sa espirituwal na karne. Dapat mo munang hangarin at matutuhang tunawin ang espirituwal na gatas.
MAGING MASUNURIN SA SALITA NG DIYOS:
Ito ang pinakamahalagang hakbang. Ang Cristianong karnal ay hindi sumusunod sa kanilang natutuhan mula sa gatas ng Salita ng Diyos kaya hindi sila lumalago tungo sa karne. Itinuturo ng Biblia na hindi sapat ang makinig lamang ng Kaniyang Salita. Dapat kang sumunod. Dapat kang maging “taga-tupad” ng Salita at hindi “taga-pakinig” lamang:
Datapuwat maging tagatupad kayo ng salitaa,
at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. (Santiago 1:22)
Ang paglago ng ating pagkaunawang espirituwal ay dumarating sa pamamagitan ng pagbubulay at pagsunod sa Salita ng Diyos. Sa ganitong paraan tayo lumilipat mula sa gatas tungo sa karne. Isinulat ni David:
Ako’y may higit na unawa kay sa lahat ng
tagapagturo sa akin; Sapagkat ang Iyong mga patotoo ay gunita ko.
Ako’y nakakaunawa na higit kay sa may
katandaan, Sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin Mo…
Sa Iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng
unawa: Kaya’t aking ipinagtatanim ang bawat lakad na sinungaling. (Bahagi ng Awit 119:99-104)
Sapagkat iningatan o tinupad ni David ang mga alituntunin ng Diyos at siya ay tagatupad ng Salita, ang kaniyang pagkaunawa ay nadagdagan. Hindi ka aakayin ng Diyos tungo sa mas malalim na kapahayagan hanggat hindi mo isinasagawa ang mga natutuhan mo sa gatas ng Salita ng Diyos.
HANAPIN ANG KARNE:
Sa natural na buhay, ang pagnguya ng karne ay nangangailangan ng lakas na higit sa paginom lamang ng gatas. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Ang pagtuklas ng karne ng Salita ng Diyos ay mangangailangan ng higit na lakas espirituwal kaysa sa mamuhay na lamang sa gatas ng Salita.
Sinasabi sa atin ng Kawikaan 2 kung paano hanapin ang karne:
Anak ko, kung iyong tatanggapin ang Aking
mga salita, At tataglayin mo ang Aking mga utos;
Na anopa’t iyong ikikiling ang iyong
pakinig sa karunungan, At ihihilig mo ang Iyong puso sa pagunawa;
Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, At
itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
Kung magkagayo’y iyong mauunawa ang
pagkatakot sa Panginoon, At masusumpungan mo ang kaalaman ng Diyos. (Kawikaan 2:1-5)
Narito ang mga hakbang sa pagtuklas at pagkaunawa ng kaalaman ng Diyos:
1. Tanggapin ang aking mga salita: Kailangang ikaw ay nakalaang matuto.
2. Taglayin ang aking mga utos: Dapat mong tanggapin ang Salita at ito ay maging bahagi ng iyong buhay at espiritu. Huwag mong sikaping baguhin ang Salita upang sumangayon ito sa iyong paraan ng pamumuhay.
3. Ikiling ang iyong pakinig sa karunungan: Pakinggang mabuti kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Ang pakikinig ay nangangailagan ng pagbabago kung saan ito ipinakikita.
4. Ihilig ang iyong puso sa pagunawa: Boong sikap mong gamitin ang pagkaunawa ng Salita sa kahulugang bigay nito sa iyong buhay.
5. Hanapin na parang pilak at saliksikin na parang kayamanang natatago: Kung may magsabi sa iyo na may natatagong kayamanan sa iyong pagaaring lote, ano ang gagawin mo? Magsisimula kang maghukay. Gagawa ka ng maayos na paghahanap hanggang masumpungan mo ang kayamanan. Ito ang magiging pangunahin sa iyong buhay.
Kung gawin mong pangunahin ang Salita ng Diyos at magsimula ng maayos na hanay na pagsasaliksik ng Kaniyang karunungan, masusumpungan mo ito. Ngunit kailangang ito ang unahin mo sa iyong buhay. Kailangan mong harapin ito ng buong sigla at pagtatalaga na para kang naghahanap ng isang natatagong kayamanan.
Kung sundin mo ang mga panuntunan at magsaliksik sa karne ng Salita ng Diyos, narito ang magiging bunga:
1. Kung gayon ay iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon: Talatang 5
2. At masumpungan ang kaalaman ng Diyos: Talatang 5
3. Kung gayon ay mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo bawat mabuting landas: Talatang 9
4. At magiging ligaya sa iyong kaluluwa: (Magkakaroon ka ng kasiyahan) Talatang 10
5. Kabaitan ang magiingat sa iyo: Ito ang kakayahang gumawa ng matinong hatol at pagpapasiya. Talatang 11
6. Pagkaunawa ang magiingat sa iyo: Talatang 11
7. Maliligtas ka sa daan ng kasamaan: Talatang 12
ILANG MGA PRAKTIKAL NA MGA MUNGKAHI
Narito ang ilang mga praktikal na mga mungkahi para sa pag-aaral ng Biblia:
MAGTAKDA NG TANGING ORAS:
Magtakda ng isang tanging oras bawat araw kung kailan ka mag-aaral. Ang oras na iyong pipiliin ay ayon sa iyong sariling skedyul o nais. Ang ilan ay higit na pinipiling mag-aral sa umaga kung saan sila ay sariwa at nakapahinga. Ang iba naman ay sa gabi ang kanilang pinakamabuting oras kung saan lahat ng kasambahay ay tulog na. Anomang oras ang iyong piliin, itakda ito bilang isang regular na pakikipagtagpo sa Diyos sa pag-aaral ng Kaniyang Salita.
MAGLAAN NG ISANG TIYAK NA LUGAR:
Piliin ang isang lugar na hangga’t maaari ay libre sa ingay at mga abala. Tiyakin na may maayos na ilaw o liwanag upang makapagbasa ka na hindi sumasakit ang iyong mga mata. Hangga’t maaari piliin mo ang isang lugar na doon ay maaari mong iwan ang mga gamit mo sa pag-aaral tulad ng Biblia, lapis, papel, at iba pang mga kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia. Sa ganitong paraan, hindi ka lagi pang maghahanda ng mga gamit na ito bago ka magsimula ng pag-aaral.
MAGSIMULA NG PAG-AARAL SA ISANG TANGING PARAAN:
Simulan mo ang panahon ng pag-aaral sa panalangin. Hingin mo sa Diyos na buksan ang iyong pagkaunawa upang matanggap mo ang Kaniyang Salita. Ang panalangin ng Salmistang si David ay:
Dumating nawa sa harap Mo ang aking daing,
Oh Panginoon: Bigyan Mo ako ng unawa ayon sa Iyong salita. (Awit 119:169)
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Bakit nabibigo ang mga tao bago pa sila magsimula ng pag-aaral ng Biblia?
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang “kakailanganin bago”?
4. Ano ang susing kakailanganin bago maunawaan ang Biblia?
5. Ilista ang dalawang paraan na ibinigay ng Diyos para sa iyong pag-aaral ng Biblia.
6. Sino ang Dakilang Guro na sinugo mula sa Diyos pagkatapos bumalik si Jesus sa langit?
7. Ano ang ibig sabihin ng “gatas” ng Salita ng Diyos?
8. Ano ang ibig sabihin ng “karne” ng Salita ng Diyos?
9. Ilista ang tatlong mga hakbang na maglilipat sa isang mananampalataya mula sa gatas tungo sa karne ng Salita ng Diyos.
10. Ilista ang tatlong mga praktikal ng mga mungkahi para sa pag-aaral ng Biblia na tinalakay sa kabanatang ito:
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Buksan sa I Corinto 3:1-3 ang iyong Biblia. Ilista ang tatlong mga salita na ginamit ni Pablo upang ilarawan ang mga karnal na Cristiano.
2. Mula sa Kawikaan 2:1-5, ilista ang limang mga hakbang sa paghahanap ng karne sa Salita ng Diyos.
3. Pag-aralan ang Kawikaan 2: 5-12. Ilista ang pitong mga bunga ng paggamit ng mga hakbang sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
________________________________________
IKA-LIMANG KABANATA
MGA KASANGKAPAN SA PAG-AARAL NG BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipaliwanag ang tatlong gamit ng konkordansya.
. Gumamit ng isang konkordansya.
. Gumamit ng isang aklat sa pag-aaral ng salita sa Biblia
. Gumamit ng isang aklat ng mga paksa ng Biblia.
. Gumamit ng isang ensiklopedya.
. Gumamit ng isang komentaryo ng Biblia.
. Gumamit ng mga mapa ng Biblia.
. Gumamit ng handbook ng Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng
Iyong mga utos; Sapagkat mga laging sumasa akin.
Ako’y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo
sa akin; Sapagkat ang Iyong mga patotoo ay gunita ko.
Ako’y nakakaunawa na higit kay sa may
katandaan, Sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin Mo. (Awit 119:98-100)
PAMBUNGAD
Ang mga iskolar ng Biblia ay sumulat ng mga tanging aklat na makakatulong sa pag-aaral ng Biblia. Ipinapaliwanag ng kabanata kung paano gamitin ang mga kasangkapang ito sa pag-aaral ng Biblia. Hindi naman ang ibig sabihin ay para ka makapag-aral ng Biblia ay dapat mayroon ka ng mga kasangkapang ito. Huwag gaanong intindihin kung hindi mo kayang mabili o wala kang paraang magamit ang mga ito. Itinuturo ng kursong ito kung paanong ang Biblia mismo ay maaari mong mapag-aralan. Ang kailangang nasa iyo ay ang Biblia.
Kung wala ka ng mga kasangkapang ito sa ngayon, mahalaga para sa iyo na malaman kung ano ang mga kasangkapang ito. Kaya aming isinama ang kabanatang ito tungkol sa mga kasangkapan ng pag-aaral ng Biblia. Kung mayroon ka naman ng mga ito, nais naming matutuhan mo kung paano gamitin ang mga ito sapagkat makatutulong ito sa iyo.
May ilang mga paraan kung paano ka makagagamit ng mga kasangkapang ito. Maaaring bilhin mo ito sa mga Christian Bookstore. Kung hindi mo naman kayang bilhin ang mga aklat na ito, baka maaari kang manghiram ng mga ito. Kung ikaw naman ay nakatira malapit sa isang Bible School, baka maaari kang makagamit ng kanilang library. Maaaring ang isang pastor o kaibigang Cristiano na malapit sa iyo ang tirahan ay mayroong ilan sa mga aklat na ito at payagan kang gamitin ang mga ito.
Ang mga kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia ay mahalaga, ngunit hindi maaaring pumalit sa pag-aaral ng Biblia mismo. Gamitin mo lamang ang mga kasangkapang ito pagkatapos mong mapag-aralan ang Salita ng Diyos. Ang mangyayari kung gumamit ka ng mga kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia bago ka pa mag-aral ng Biblia mismo ay mai-impluwensyahan ang pag-iisip mo ng mga komentaryo ng tao bago mo pag-aralan ang mga salita ng Diyos. Nakuha noong mga gumawa ng mga komentaryo ng Biblia at iba pang mga kasangkapan sa pag-aaral ang kanilang mga isinulat sa paraan tulad ng ginagawa ng isang mag-aaral: Mula sa Biblia mismo.
Hindi kailangan na umasa ka sa mga pagsasaliksik ng iba. Kung wala kang mga kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia, huwag mawalan ng pagasa. Sumasa iyo ang mapanglikhang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Siya ang tanging guro na sinugo ng Diyos na papatnubay sa iyo sa buong katotohanan. Higit yan kaysa alin mang kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia na ibinigay ng tao. Kung nariyan naman ang mga kasangkapang ito, matututuhan mong gamitin upang tulungan ka sa iyong sariling pag-aaral ng Salita ng Diyos, subalit huwag dumipende sa mga ito. Umasa ka sa kapahayagang mapanglikha ng Espiritu Santo.
KONKORDANSYA NG BIBLIA
Ang isang konkordansya ng Biblia ang nagbibigay ng listahan ng mahahalagang salita, konsepto o parirala ayon sa pasimulang letra. Kung limitado ang iyong pananalapi, ito ang isa sa mga mahahalagang kasangkapan sa pag-aaral ng Biblia na maaari mong bilhin muna.
May dalawang mabubuting mga konkordansya sa Ingles:
Ang Analytical Concordance to the Bible by Robert Young.
At ang Exhaustive Concordance of the Bible by James Strong.
May isang tanging kopya na mabibili sa wikang Tagalog at ito ay “Ang Topikal Na Konkordansya ng Biblia” na inilathala ng OMF Literature Inc. ©1988. Ito ay salin sa Tagalog ni Honorio Rivera mula sa Taopical Bible Concordance na isinaayos ni D. M. Miller.
Ang ilang mga Biblia sa wikang Tagalog ay may konkordansya sa likod, bagamat ito ay limitado. Ito ay ang:
Konkordansya sa likod ng Tagalog Topical Study Bible na inilathala ng Philippine Bible Society sa Manila.
Konkordansya sa likod ng Full Life Study Bible sa wikang Tagalog na nilimbag at inilathala ng Life Publishers International sa Springfield, MO.
Ang konkordansya ay makatutulong sa tatlong paraan:
1. Upang Mahanap Ang Lahat Ng Reperensya Para Sa Isang Salita:
Halimbawa, kung nais mong pag-aralan ang tungkol sa mga anghel, hahanapin mo ang mga salitang “anghel” sa isang konkordansya. Makikita mo ang listahn ng lahat ng lugar sa Biblia na ginamit ang salitang “anghel.” Matutulungan ka nito na makita ang bawat reperensya tungkol sa paksa. Maaari mo ring hanapin ang pangalan ng mga tauhan sa Biblia at gumawa ng isang pag-aaral ng talambuhay na gamit ang konkordansya. Halimbawa, kung hanapin mo ang pangalang “Moises” inilista sa ilalim nito ang lahat ng reperensya na bumabanggit sa pangalan iyan.
Narito ang isang halimbawa, ang salitang “biyaya”:
BIYAYA
ayon sa biyayang tinanggap ninyo sa kanya Deut. 16:17
Biyaya sa mga bundok ay tatamasahin 33:15
Ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang Awit 16:6
Ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig 104:13
Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay Kaw. 11:18
________________________________________
Sa konkordansyang ginamit, limitado ang mga reperensya sapagkat ang konkordansya ay sa likod ng Biblia nalimbag sa halip na isang hiwalay na aklat. Binanghay ang buong salita at ang mga pangalan ng aklat ng Biblia ay ginamitan ng daglat.
2. Upang Mahanap Ang Isang Tiyak Na Talata o Teksto:
Maaaring ang natandaan mo lamang ay isang salita sa talata ng nais mong hanapin. Gamitin mo ang salita mula sa talata na iyong naaalaala upang hanapin ang talata. Sa pagkakita mo ng salita sa konkordansya, inilista nito ang ibat-ibang mga talata na doo’y napapaloob ang salitang iyong naalaala.
3. Upang Masumpungan Ang Kahulugan Ng Isang Salita: Sa konkordansyang ingles may makikita kang numero sa ilalim ng isang salita. Sa likod naman ng konkordansya ay may dalawang diksyunaryo. Ang isa ay wikang Hebreo na siyang ginamit na wika sa pagsulat ng Lumang Tipan. Ang isa pang diksyunaryo ay sa wikang Griego, ang wika na ginamit sa pagsulat ng Bagong Tipan. Kahit hindi ka marunong ng Hebreo o Griego, magagamit ang mga diksyunaryong ito. Gagamitin lamang ang mga numero sa katapat na talata. At kung ang salitang ito ay ginamit sa Lumang Tipan, tingnan sa diksyunaryong Hebreo. At kung salita namang ginamit sa Bagong Tipan, tingnan sa diksyunaryong Griego. Ipinapakita dito kung paano bigkasin sa mga orihinal na mga wikang Hebreo o Griego, ang mga ugat ng mga salita nito, kung saan ang diin sa pagbigkas ng salita. Ito ay makikita lamang sa Strong’s Concordance. Kahit ang Young’s concordance ay wala nito.
Kung hindi mo maintindihan ang isang salita na ginamit sa Biblia ang paraang ito ng pag-aaral ng salita ay makatutulong sa iyo.
Sa kasalukuyan, ang mga konkordansya sa wikang Tagalog ay walang ganitong mga tulong.
DIKSYUNARYO NG BIBLIA
Ang isang diksyonaryo ng Biblia ay naglilista ng mga salita sa Biblia ayon sa hanay ng alpabeto at ipinaliliwanag ang kahulugan ng bawat salita. Ang isang diksyunaryo ng Biblia ay hindi katulad ng karaniwang diksyunaryo na ginagamit ngayon. Ang isang diksyunaryo ng Biblia ay nagbibigay ng mga kahulugan ng mga salita sa Biblia kung paano ito ginamit sa orihinal na konteksto ng Kasulatan.
MGA AKLAT SA PAG-AARAL NG SALITA
Ang pag-aaral ng salita ay gumagamit ng higit pa sa diksyunaryo ng Biblia sa pagbibigay kahulugan sa mga salitang ginamit sa Biblia. Ang mga aklat sa pag-aaral ng salita ay nagbibigay ng mga salita sa Hebreo at Griego at ang mga ibat-ibang kahulugan na kaugnay ng isang salita. Ang isang aklat sa pag-aaral ng salita ay nagbibigay ng mga reperensya kung saan ginamit ang salita.
Sa kasalukuyan ay wala ring ganitong aklat sa Tagalog na maaaring itumbas sa nasa wikang Ingles.
ENSIKLOPEDYA NG BIBLIA
Ang isang ensiklopedya ng Biblia ay listahan ng mga paksa at mga salita na inihanay ayon sa alpabeto. Ngunit ito ay nagbibigay ng higit pa sa ibinibigay ng isang diksyunaryo ng Biblia. May dagdag na mga pagtalakay kaysa diksyunaryo ng Biblia.
Wala rin sa Tagalog ng ganitong aklat sa kasalukuyan.
KOMENTARYO NG BIBLIA
Ang isang aklat ng komentaryo ay nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa mga Kasulatan sa Biblia. Nagbibigay ito ng komentaryo sa Biblia kada kabanata at kada talata o grupo ng mga talata. Ang isang aklat ng komentaryo ay nakatutulong sa pagpapaliwanag ng mga mahihirap na mga bahagi ng Biblia. Ngunit tandaan: It ay opinyon ng isang tao sa kahulugan ng Kasulatan. Ang mga komentaryo ay opinyon lamang ng mga tao. Kaya mahalaga na pag-aralan mo ang Biblia mismo sa iyong sarili at hindi umasa lamang sa mga komentaryo ng iba.
Maraming uri ng mga komentaryo ng Biblia. Ang ilan ay isang aklat lamang na saklaw ang buong Biblia. Ang iba naman ay isang aklat ng komentaryo sa bawat aklat ng Biblia.
Ang dalawang Bibliang Tagalog na nabanggit sa bandang unahan ng kabanatang ito ay may mga maiikling komentaryo sa ilang mga piling mga talata. Ang mga ito ay tulong sa pag-aaral ninyo ng Biblia.
MGA MAPA NG BIBLIA
Sa likuran ng mga salin sa Tagalog na Biblia na nabanggit, may mga mapa na maaaring gamitin.Ang mapang masusumpungan sa karaniwang mga Bibliang Tagalog ay ginamitan ng tintang itim. Bukod tanging sa Ganap Na Buhay Biblia (Full Life Study Bible) na ang mga mapa ay may ibat-ibang kulay. Mayroon ding mga aklat ng mapa ng Biblia na nabibili sa wikang Ingles.
MGA AKLAT NA NAGHANAY NG MGA PAKSA SA BIBLIA
Ito ang aklat na inayos ang Biblia ayon sa mga pangunahing paksa at sa ilalim nito ay ang mga talata. Sa kasalukuyan ang katumbas nito sa Tagalog ay ang nabanggit na sa ilalim ng konkordansya, “Ang Topikal Na Konkordansya Ng Biblia.
Dagdag dito ay may tulong sa “Indise Ng Mga Paksa” sa Tagalog Topical Study Bible na likha ng Philippine Bible Society at ang Ganap Na Buhay Biblia na likha ng Life Publishers International. Narito ang isang halimbawa mula sa Indise Ng Mga Paksa:
GEDEON A. Pagkakakilanalan at pagtawag sa kanya bilang hukom -Pinakabatang anak ni Jooas…………….Huk 6:11, 15 -Tinawag din Jerobaal…………………...Huk 7:1 -Tinawag siya ng isang anghel…………..Huk 6:11-24
MGA HANDBOOK NG BIBLIA
Sa kasalukuyan ay walang handbook ng Biblia sa Tagalog. Sa ingles, ang Handbook ng Biblia ay karaniwang ay isang bolyum na aklat na nagbibigay ng mga buod ng piling impormasyon tungkol sa Biblia. May mga kasamang mga tulong sa kaalaman, mga mapa at tsart, impormasyon tungkol sa panahon ng Biblia, mga buod ng mga aklat ng Biblia. Ibinibigay ng Biblia ang isang pangkalahatang pagtanaw sa Biblia.
INTERNET
Sa wikang Ingles ay maraming mga tulong na makukuha sa Internet, bukod sa mga kurso, maraming tulong sa pag-aaral at dagdag sa pangkalahatng kaalaman sa Biblia at mga kaugnay na mga pakasa nito ang ipinagkakaloob sa Internet. Sa kasalukuyan ang tulad ng kursong ito at iba pa ay nasumpungan ninyo sa Internet.
PANGSARILING-PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang tatlong pangunahing silbi ng isang konkordansya?
_____________________ ________________________________ ______________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
IKA-ANIM NA KABANATA
MGA PRINSIPYO NG PAGPAPAKAHULUGAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “gumagamit na matuwid” ng Salita ng Diyos.
. Ilista ang anim na mga alituntunin sa wastong pagpapakahulugan ng Biblia.
. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa sa anim na mga alituntuning ito.
. Ibigay ang kahulugan ng kinasihan ang mga salita at ang buong Kasulatan.
SUSING MGA TALATA:
Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos,
manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng
katotohanan. (II Timoteo 2:15)
PAMBUNGAD
Basahin muli ang Susing Talata. Ang “gumagamit na matuwid” dito ay kinuha sa mga alituntunin ng Lumang Tipan tungkol sa mga handog na inihahain na ang ibig sabihin ay “putulin ng direcho o tuwid.” Sa Lumang Tipan, kung ang isang tao ay magdala ng hayop upang ihandog para sa kasalanan, ito ay hinahati sa tatlong bahagi. Isang bahagi ay inihahandog sa Diyos. Ang susunod na bahagi ay ibinibigay sa nagdala ng handog. Ang pangatlong bahagi ay ibinibigay sa saserdote. Mula sa ugaling ito nanggaling ang katagang “gumamit na matuwid”. Ang ibig sabihin ay “ibigay ang bahagi na nararapat sa bawat isa.”
Sa pag-aaral ng Biblia, malahaga ang gumamit na matuwid ng Salita ng Diyos. Sa literal na kahulugan ay kapag hinati-hati mo ang Salita ng Diyos, ito ay wasto ang pagkakahati. Ang ibig sabihin ay dapat mong maunawaan kung ano ang sinasabi at para kangino ang sinasabi. Dapat mo ring ibigay ang pagpakahulugan at gamitin ang ibig sabihin nang wasto.
May tatlong pangunahing grupo na dito sinasabi ang mga Salita. Ito ay inilista sa I Corinto 10:32:
Huwag kayong magbigay ng dahilang
ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa Iglesia man ng
Diyos. (I Corinto 10:32)
Ang lahat ng mga Kasulatan ay ibinigay PARA sa atin ngunit hindi lahat ng talata ang nakatukoy SA atin. Halimbawa, sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa siya ng isang daong. Ang ilan sa bahagi ng Biblia ay nakatuon sa mga Judio. Ang ibang bahagi naman ay nakatuon sa Iglesia (ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ni Jesu-Cristo).
Upang masumpungan mo ang tunay na kahulugan ng Biblia, dapat mong matutuhang pagpaparti-partihin ito nang wasto. Ang ibang salita rito ay “pagpapakahulugan” na ang ibig sabihin ay ibigay ang wastong kahulugan ng isang bagay. Dapat mong matutuhan kung paano ka makasumpong ng wastong kahulugan para sa bawat Kasulatan. Ipinakita ni Jesus sa mga lider ng relihiyon nuong Kaniyang panahon:
…Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng
mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Diyos. (Mateo 22:29)
Ang kamaliang espirituwal ay bunga ng hindi pagkakakilala sa Salita ng Diyos. May mga tiyak na mga prinsipyo na dapat mong sundin upang wastong maibigay ang kahulugan ng Biblia. May anim na saligang alituntunin para sa pagkakahulugan ng Biblia na tumutulong na “magamit na matuwid” ang Salita ng Diyos.
ANG TUNTUNIN NG AWTORIDAD NG DIYOS
Ang ibig sabihin ng tuntunin ng awtoridad ng Diyos ay dapat nating tanggapin ang Biblia bilang siyang sukdulang awtoridad. Sumasampalataya tayo na ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos, mula sa Genesis hanggang Apocalipsis:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pasansala, sa pagsaway, sa
ikatututo na nasa katuwiran.
(II Timoteo 3:16)
Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating
ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na
nangaudyokan ng Espiritu Santo. (II Pedro 1:21)
May dalawang uri ng pagkasi: Kinasihang mga salita at kinasihang buo.
Ang ibig sabihin ng kinasihan ang mga salita ay bawat salita sa orihinal na kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Ang ibig namang sabihin ng kinasihang buo ay ang buong Kasulatan ay kinasihan at hindi lamang mga bahagi nito. Bawat bahagi ng Biblia ay kinasihan.
Kung ating tanggapin ang tuntunin ng awtoridad ng Diyos, hindi magkakaroon ng salungatan ang Biblia, kasaysayan o ang siyensya. Kung mayroong waring salungatan ay sapagkat:
1. Hindi natin tunay na naunawaan ang siyensya o ang kasaysayan.
o kaya…
2. Ang kasalukuyang kaalaman ng siyensya ay hindi tumpak. Kung mayroong salungatan na maliwanag, ang Biblia ang mananaig na sukdulang awtoridad dahil sa ito ang kinasihan ng Diyos na Salita Niya. Sa nakaraan, kung waring may salungatan ang Biblia, kasaysayan at siyensya, hindi nagtatagal at napatutunayan na ang Biblia ay tama.
ANG TUNTUNIN NG LITERAL NA PAGKAKAHULUGAN
Ang ibig sabihin ng pagkahulugan sa Biblia ng literal ay sumasampalataya ka kung ano ang sinabi ng Biblia yaon ang ibig sabihin nito. Laging ibigay ang pakahulugang literal ng Biblia malibang maliwanag na iba ang isinasaad ng konteksto. Nang sabihin ng Biblia na ang Israel ay tumawid sa Ilog ng Jordan sa tuyong lupa, literal mong tanggapin na gayon nga. Nang sabihin ng Biblia na ang mga pader ng Jerico ay bumagsak, tanggapin mo kung paano ito itinala ng Espiritu Santo.
Ang Biblia ay naglalaman din ng mga “types.” Ilang mga tao, lugar, o pangyayari, bagamat tunay nga ay kumakatawan din sa isang bagay na mangyayari sa hinaharap. Ang Ika-Dalamput- Isang Kabanata ng kursong ito ang tutulong sa iyo na kilanlin ito.
Ang mga simbulo o sagisag ay ginamit din sa Biblia. Ang isang sagisag o simbulo ay may kahulugan na higit pa sa karaniwang dala nito. Halimbawa, sa Marcos 14:22 ang alak ay ginamit bilang simbulo ng dugo ng Panginoong Jesu-Cristo. (Hindi sila umiinom talaga ng dugo.) Ang mga simbulo ay madalas ginagamit sa mga hula sa Biblia. Halimbawa, ang malaking rebulto o imahen na napanaginip ni Nebuchadnezzar sa aklat ni Daniel ay may sinasagisag. Bawat bahagi ng imahen ay kumakatawan sa isang darating na kaharian sa sanglibutan (Daniel 2). Karaniwan ng ipinaliliwanag ng Biblia ang simbulo kung ginagamit ito. Halimbawa, ang paliwanag o pagkahulugan ni Daniel sa simbulo ng imahen ay natala sa Daniel 2:31-45.
Si Jesus ay madalas gumamit ng mga talinhaga nang Siya ay nagturo. Ang talinhaga ay isang kasaysayan na isinaysay para sa hangarin na ilarawan ang isang katotohanang espirituwal. Kailanman si Jesus ay gumamit ng talinhaga ito ay laging binabanggit sa Biblia. Kung hindi sinabing talinhaga ang kasaysayan ay walang ibang pakahulugan kundi kung ano ang tunay na pangyayari.
ANG TUNTUNIN NG PAGTUTURING SA KONTEKSTO
Bawat talata sa Biblia ay kailangang pag-aralan ayon sa konteksto nito. Ang ibig sabihin ay ito ay dapat mapag-aralan kaugnay ng mga talata bago ito at ang mga talata pagkatapos nito, at gayon din kaugnay ng buong Biblia. Maraming mga kulto at maling doktrina ang nabuo sapagkat ang mga talata o bahagi ng talata ay inihiwalay sa konteksto nito.
Halimbawa, sinasabi ng Biblia na walang Diyos. Alam mo ba iyan? Makikita mo ito sa Awit 14:1. Dito mismo ay sinabi “walang Diyos.” Ngunit kung basahin natin ang buong bahagi narito ang ating makikita:
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso,
walang Diyos. (Awit 14:1)
Ang kompletong talata sa kaniyang konteksto ay kaiba sa kahulugan kaysa sa bahagi lamang na inihiwalay mula sa konteksto.
Upang mapag-aralan ang isang talata sa kaniyang konteksto itanong ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino Ang Nagsasalita O Sumusulat?
Bagama’t ang buong Biblia ay Salita ng Diyos, ibat-ibang mga tao ang ginamit sa pagsulat at pagsasalita nito.
2. Ano Ang Sinasabi?
Ibigay ang buod ng mga pangunahing isipan kung ano ang sinasabi ng tagapagsalita o manunulat.
3. Sino Ang Tinutukoy Ng
Sinasabi?
Israel? Ang mga bansang Hentil? Ang Iglesia? Isang tiyak na tao?
4. Bakit Ito Sinabi?
Ano ang hangarin sa bahagi ng mga talata? Ang Biblia mismo ang nagsasabi ng mga hangarin para sa ilang mga aklat at mga bahagi:
Gumawa rin nga si Jesus ng iba’t ibang
maraming tanda sa harap ng Kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat
na ito.
Ngunit ang mga ito ay nangasulat, upang
kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang anak ng Diyos; at sa
inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniyang pangalan. (Juan 20:30-31)
Para sa ilang bahagi ng Kasulatan ang dahilan sa pagkasulat ay hindi gaanong maliwanag na nabanggit. Dapat mong lalong suriin ang konteksto upang matukoy kung bakit ang mensahe ay natala.
5. Kailan Ito Sinabi?
Ang panahon at pangyayari ng ilang mga kasulatan ay tumutulong sa atin na maunawaan ang kahulugan. Halimbawa, kung mayroong kalituhan sa mga gawain ng iglesia sa Corinto, sumulat si Pablo na tanging bahagi ng kasulatan. Sinabi niya sa mga babae na manahimik sa iglesia. Ang ibig bang sabihin nito ay hindi maaaring manalangin, umawit, magturo, o sumamba ang mga babae sa iglesia?
Upang masumpungan natin ang sagot, dapat nating suriin kung kailan, bakit, at sino ang tinutukoy ng sinabi. Sa gawain sa iglesia ng mga Judio, ang mga lalake ay nakaupo sa isang hilera sa isang panig ng gusali at ang mga babae naman ay sa kabila. Ang mga kababaihan sa Corinto ay inaabala ang gawain sa pamamagitan ng pagsigaw ng mga tanong sa kanilang mga asawa sa kabilang hanay. Ito ang pangyayari na kinailangang sumulat si Pablo:
Ang mga babae ay magsitahimik sa mga
iglesia: sapagkat sila’y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila’y
pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan.
(I Corinto 14:34)
Ang pagbibigay kahulugan sa isang bahagi ng Kasulatan sa konteksto nito ay tumutulong na ipaliwanag ang kahulugan ng buong bahagi. Ang paghihiwalay ng talata mula sa kaniyang konteksto ay maaaring magbunga ng maling pagkahulugan. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang talinhaga ng manghahasik sa Mateo 13:19. Kung patuloy mong babasahin ang konteksto, ang talinhaga ay binigyang kahulugan sa talatang 18-23. Sa maraming mga katulad na kaso ang Biblia mismo ang nagpapakahulugan sa konteksto. Kaya nga mahalaga ang pagtuturing sa konteksto.
ANG TUNTUNIN NG UNANG PAGKABANGGIT
Ang tuntunin ng unang pagkabanggit ay ganito: Sa unang pagkakataon na ang isang salita, o grupo ng mga salita, o bagay, o pangyayari ay nabanggit sa Biblia, nagbibigay ito ng susi sa kahulugan nito kahit saan ito mabanggit uli.
Halimbawa, sa Genesis 3 may unang pagbanggit ng dahon ng puno ng igos. Dito, ginamit ni Adam ang mga dahon ng igos upang sikaping takpan ang kaniyang kahubaran at pagkakasala sa pamamagitan ng kaniyang sariling sikap. Ang mga dahon ng igos ay nagsasaad ng pangsariling katuwiran, pagtanggi sa lunas ng Diyos, at isang pagsisikap na bigyang katuwiran ang sarili sa harap ng Diyos.
Ito ang ibig sabihin ng mga dahon ng puno ng igos saan man sa Biblia ito mabanggit pagkatapos nito. Halimbawa, ang huling pagkakataon na binanggit ni Jesus ang tungkol sa mga dahon ng igos ay sa Mateo 21 at Marcos 11 at 13. Narito nakita natin ang puno ng igos na puro dahon ngunit walang bunga. Isinumpa ito ni Jesus at ito ay nalanta o natuyo. Upang maunawaan natin ang hakbang na ito kailangan nating matandaan ang tuntunin ng unang pagkabanggit. At bumalik tayo sa Genesis 3. Ang mga dahon ng igos ay kumakatawan sa pagtanggi ng tao sa mga lunas ng Diyos at isang makasariling pagsisikap na bigyang katuwiran ang sarili. Ang puno ng igos ay kumakatawan sa pangsariling katuwiran ng bansang Israel na tumanggi kay Jesus. Tinanggihan Siya bilang Hari at ayaw tanggapin ang Kaniyang plano ng kaligtasan mula sa kasalanan. Sinikap nilang maging matuwid sa pamamagitan ng kanilang sariling sikap.
ANG TUNTUNIN NG PAGUULIT
Ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos. Walang bahagi ang Biblia na hindi kailangan. Ang bawat salita ay kinasihan ng Diyos at kailangan. Dahil dito, kung mayroong inuulit sa Kasulatan ito ay para bigyan ng tanging diin. Ang ibig sabihin ay may tanging kahalagahan ang katotohanan kaya kailangan ito ay ulitin.
Inilarawan ng Juan 3 ang tuntuning ito. Sinabi ni Jesus kay Nicodemo ang kahalagahan ng karanasang kapanganakang muli na inulit Niya ito ng tatlong beses:
…Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay
hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.
(Juan 3:3)
...Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig
at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos. (Juan 3:5)
Huwag kang magtaka sa Aking sinabi sa iyo,
Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.
(Juan 3:7)
Tandaan: Kailanman inulit ng Biblia, ito ang paraan ng Espiritu Santo ng pagsasabi “Huminto ka at tingnan mong mabuti ito.”
ANG TUNTUNIN NG KABUUANG KAPAHAYAGAN
Ang tuntuning ito ay binanggit mismo sa Biblia:
Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng
kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating
ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na
nagaudyokan ng Espiritu Santo.
(II Pedro 1: 20-21)
Ang tuntunin ng magkakasanib na kapahayagan ay ito: Ang buong katotohanan ng Salita ng Diyos tungkol sa anomang paksa ay hindi dapat magmula lamang sa isang bahagi nito. Ang kabuuang kapahayagan ng lahat ng sinasabi ng Biblia tungkol sa katotohanan yaon ay dapat ituring o isama. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na tuntunin ng “kabuuang” kapahayagan.
Hindi mo maaaring ibatay ang iyong doktrina , pagtuturo, o paniniwala sa ilang mga hiwalay na mga talata tungkol sa isang paksa. Dapat kang magpatuloy ng pag-aaral hanggang ang pagpapakahulugan ay sangayon sa kabuuan ng mga Kasulatan.
PANGSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang ibig sabihin ng “ gumagamit na matuwid” ng Salita ng katotohanan?
3. Ano ang ibig sabihin ng kinasihan ng Diyos ang “salita” sa Biblia?
4. Ano ang ibig sabihin ng kinasihan ng Diyos ang “buong” Biblia?
5. Ilista ang bawat tuntunin ng pagkakahulugan na tinalakay sa kabanatang ito. Pagkatapos ng bawat tuntunin ipaliwanag nang maikli ang ibig sabihin:
Tuntunin 1:_____________________________ Ang ibig sabihin:_________________________
Tuntunin 2: ____________________________ Ang ibig sabihin:_________________________
Tuntunin 3: ____________________________ Ang ibig sabihin: _________________________
Tuntunin 4: ____________________________ Ang ibig sabihin: _________________________
Tuntunin 5: ____________________________ Ang ibig sabihin: _________________________
Tuntunin 6: ____________________________ Ang ibig sabihin: _________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
May ilang mga bahagi sa Biblia na pinagtitibay ang pagkasi ng Diyos sa Salita ng Diyos. Tingnan ang bawat talata o mga talata sa inyong Biblia at ibigay ang buod:
Kasulatan
Buod
Hebreo 1:1 ________________________________________
________________________________________
I Tesalonica 2:13 ________________________________________
________________________________________
II Timoteo 3:16 ________________________________________
________________________________________
I Corinto 14:37 ________________________________________
________________________________________
I Corinto 2: 7-13 ________________________________________
________________________________________
I Corinto 11:23 ________________________________________
________________________________________
Galacia 1:11,12,16,20 ________________________________________
________________________________________
Efeso 3:1-10 ________________________________________
________________________________________
I Pedro 1:10,11,21 ________________________________________
________________________________________
II Pedro 3:16 ________________________________________
________________________________________
IKA-PITONG KABANATA
MGA BATAYAN SA KASAYSAYAN NG BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang mga pangunahing mga panahon ng kasaysayan ng Biblia.
. Ilarawan ang pangaraw-araw na buhay sa mga panahon ng Biblia.
. Ibigay ang kahulugan ng arkeologo ng Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Nang una’y nakaunawa ako sa Iyong mga
patotoo, Na Iyong pinamalagi magpakailan man.
(Awit 119:152)
PAMBUNGAD
Ang bawat bahagi ng Biblia ay naganap sa isang tiyak na panahon sa kasaysayan at sa isang tiyak na mga kaugalian. Ang wastong pagkaunawa ng isang bahagi ay madalas kaugnay ng mga bagay na ito. Ibinibigay ng kabanatang ito ang isang maikling buod ng kasaysayan ng Biblia at ipinaliliwanag ang mga detalye ng pangaraw-araw na buhay sa mga panahon ng Biblia.
ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG KASAYSAYAN
Ang pagkakasunod-sunod ng kasaysayan ay nagsasaad kung kailan naganap ang isang pangyayari sa nakaraan. Ang ibig sabihin ng “pagkakasunod-sunod” ay hanay o ayon sa pangyayari. Ang pagkakasunod-sunod ng kasaysayan ay inaayos ang mga kaganapan sa nakaraan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Sa malaking bahagi ng daigdig ang pagtuturing ng panahon ay nahahati sa dalawang pangunahing bahagi. Ang dalawang bahaging ito ay ginagamitan ng dalawang letra pagkatapos na banggitin ang numero ng taon:
B.C. Ang ibig sabihin ng mga numero na ginagamit na kasama ng dalawang mga
letrang ito ay pangyayari na naganap bago isinilang si Cristo.
A.D. Ang ibig sabihin ng mga numero na ginagamit na kasama ng dalawang letrang ito
ay pangyayari na naganap pagkatapos isilang si Cristo.
Kung sabihin natin na may nangyari noong 250 B.C. , ang ibig sabihin ay naganap ito 250 mga taon bago pa isinilang si Cristo. Kung sabihin natin na may nangyari noong 700 A.D., ang ibig sabihin ay naganap ito 700 mga taon pagkatapos isinilang si Cristo. Kung ang numero ay may B.C. pagkatapos nito, ang mas mataas na numero ay mas naunang petsa. Kung ang numero naman ay may A.D. pagkatapos nito, ang mas mataas na numero ang mas bagong petsa.
Ang tsart sa ibaba ay makatutulong sa iyo na maunawaan ito:
May ilang mga paraan upang malaman natin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Biblia:
1. Ang Biblia mismo ang nagbibigay ng mga petsa ng ilang mga pangyayari.
2. Ang mga unang tala ng mga manunulat ng kasaysayan ay nagbigay ng mga petsa.
3. Sa pamamagitan ng arkeologo, na ito ay pag-aaral ng mga antigong panahon. Ito ay isang maayos na pag-aaral ng mga lumipas na panahon sa pamamagitan ng mga labi ng kanilang mga sibilisasyon. Ang arkeologo ng Biblia ay ang pag-aaral ng mga labi na nasumpungan sa mga lupain ng Biblia. Ang ilan sa mga kasaysayang natala ng Biblia ay nakamit sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang mga petsa sa mga labing ito.
ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG KASAYASAYAN NG BIBLIA
Ang pagkakasunod-sunod na kasaysayan ng Biblia ay madaling mahahati sa labing dalawang pangunahin mga panahon. Ang Unang Tsart ay nagpapakita ng mga pangunahing panahon ng pagkakasunod-sunod ng Biblia. Tingan ang Ikalawang Kolum sa tsart. Ipinakikita nito ang labing dalawang mga panahon ng kasaysayan sa Biblia na nagsimula sa “Paglalang hanggang kay Abraham” at nagtatapos sa “Paglaganap Ng Ebanghelyo.”
Ang Una at Ikalawang mga Kolum ay nagpapakita kung kailan nasulat ang mga aklat ng Biblia. Pansinin na sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan ay may panahon na 386 na mga taon na noon ay walang aklat na nasulat. Balikan ninyo ang pagkakasunod-sunod na ito sa inyong pag-aaral ng Biblia. Tutulungan ka na matukoy kung kailan naganap ang mga pangyayari:
Unang Tsart Ang
Pagkakasunod-sunod Ng Kasaysayan Ng Biblia
Isa
Dalawa
Tatlo
GENESIS 1. Pagkalalang hanggang kay Abraham
2. Abraham hanggang kay Moises
EXODO
LEVITICO 3. Ang Paglabas o Exodo
BILANG
DEUTERONOMIO
JOSUE 4. Ang Pagsakop
MGA HUKOM 5. Ang Mga Hukom
RUTH
6. Ang Kaharian JOB
AWIT
KAWIKAAN
ECLESIASTES
AWIT NG MGA AWIT
I SAMUEL ISAIAS
II SAMUEL JEREMIAS
MGA PANAGHOY
I MGA HARI EZEKIEL
II MGA HARI DANIEL
OSEAS
JOEL
AMOS
I CRONICA 7. Dalawang kaharian OBADIAS
II CRONICA 8. Juda na lamang JONAS
MIKAS
NAHUM
HABACUC
9. Ang pagkabihag ZEFANIAS
EZRA
NEHEMIAS HAGAI
MALAKIAS 10. Ang Pagbabalik ZACARIAS
(Unang Tsart, Karugtong)
Sa Pagitan Ng Dalawang Tipan
Isa
Dalawa
Tatlo
MATEO
MARCOS 11. Buhay ni Cristo
LUCAS
JUAN
ROMA
I AT II CORINTO
GALACIA
EFESO
FILIPOS
COLOSAS
I AT II TESALONICA
GAWA 12. Paglaganap ng Ebanghelyo I AT II TIMOTEO
FILEMON
TITO
HEBREO
SANTIAGO
I AT II PEDRO
I,II,III JUAN
JUDAS
APOCALIPSIS
Ngayon basahin ang mga paglalarawan ng mga pangunahing pangyayari na naganap sa loob ng 12 mga panahon sa kasaysayan sa Biblia:
1. Paglalang hanggang kay Abraham (Mula paglalang hanggang 2000 B.C. ):
Ang paglalang sa sansinukob, ang pagbagsak ng tao sa kasalanan, ang pagpatay ni Cain kay Abel, Noe, at ang pagbaha, ang Tore ng Babel ang ilan sa mga pangunahing pangyayari sa Biblia sa panahong ito.
2. Abraham hanggang kay Moises (200-1500 B.C.):
Ang panahong ito ay sumasaklaw sa humigit kumulang na 500 mga taon. Ang mga karanasan ng isang tao, si Abraham, at ang kaniyang mga supling ang siyang pinagtuunan ng panahong ito. Mula kay Abraham itindig ng Diyos ang bansang Israel na sa pamamagitan nito ay ninais Niyang ihayag ang Kaniyang sarili sa mga bansa ng sanglibutan. Kabilang sa panahong ito ang mga kasaysayan ni Isaac, ang anak ni Abraham, at si Jacob na anak ni Isaac. Nagtapos ang panahong ito sa kasaysayan ni Jose, anak ni Jacob na ipinagbili sa pagkaalipin sa Egipto at naging isang dakilang lider. Hindi nagtagal at sumama na si Jacob at ang kaniyang pamilya kay Jose sa Egipto.
3. Ang Paglabas o Exodo (1500 hanggang 1400 B.C.):
Sa pagitan ng pagtatapos ng Genesis at ang pagsisimula ng Exodo ay may humigit kumulang na 100 taon na lumipas. Ang pamilya ni Jacob ay dumami na hanggang maging isang bayan ng Israel sa panahong ito. Nangamba ang mga Egipcio sa pagdami ng mga Israelita kaya ginawa silang mga alipin. Itinindig si Moises at sa ilalim ng kaniyang pangunguna ang mga Israelita ay mahimalang nakaalis sa Egipto. Pagkatapos ng mga isang taon sa bundok ng Sinai, sila ay nagpaikot-ikot sa ilang sa loob ng 38 mga taon. Nagtapos ang panahong ito sa pagkamatay ni Moises at ang pangunguna sa Israel ay napunta kay Josue.
4. Ang Pagsakop Sa Canaan (1400-1450 B.C.):
Sa panahong ito pinagunahan ni Josue ang Israel papasok sa Canaan upang sakupin at angkinin ang lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos. Pagkatapos matalo ang mga tao ng lupain na hindi kumikilala sa tunay na Diyos, ang lupain ay pinaghati-hati sa mga tribo ng Israel. Ang panahong ito na mga 10 taon ay natala sa aklat ni Josue.
5. Ang Mga Hukom (1450-1102 B.C.):
Ito ang panahon na ang Diyos ay nagtindig ng mga hukom upang mamahala sa bayan ng Israel. Ito ay madilim na panahon sa kasaysayan ng Israel sapagkat ito ay panahon ng pagbagsak ng kanilang espirituwal na buhay. Mga 348 taon ang itinagal ng panahong ito.
6. Ang Kaharian (1102-982 B.C.):
Si Samuel na siyang huling hukom ng Israel ang nagtatag ng Kaharian ng Israel at pinahiran ng langis si Saul upang maging hari. Tatlong mga hari, si Saul, David, at Solomon ay naghari ng mga 40 taon bawat isa. Sa panahong ito nakamit ng bansang Israel ang rurok ng kabantugan sa kanilang kasaysayan. Ang pamahalaan ay natatag nang matibay at lumaganap pa ang mga hangganan ng Israel. Ang kasaysayan ng panahong ito ay natala, gayon din ang tatlong mga sumunod pang panahon sa I at II Samuel, I at II Mga Hari, at I at II Cronica. Ang panahon ng kaharian ay tumagal ng 120 mga taon at pagkatapos ay nahati ang kaharian.
7. Ang Dalawang Kaharian (982-722 B.C.):
Nang ang masamang anak ni Solomon, si Rehoboam ang naghari, ang mga tribo sa Hilaga ay nag-alsa. Nagtayo sila ng hiwalay na kaharian ng Israel. Ang kaharian sa timog ang nakilala bilang Kaharian ng Juda. Mga 259 na mga taon na ang Israel ay nahati sa dalawang kaharian.
8. Ang Juda na lamang (722-587 B.C.):
Ang Israel, ang Kaharian sa Hilaga, ay nabihag ng mg taga Asiria noong 722 B.C. Ang mga tao ay dinalang bihag sa Asiria. Pagkatapos ng pagbagsak ng Israel, ang Kaharian sa timog ng Juda ay tumagal ng 135 mga taon. Ang mga hari ng Juda ay nagpakita ng higit na katapatan sa Diyos at ang mga tao ay hindi gaanong nagumon sa kasalanan.
9. Ang Pagkabihag (587-538 B.C.):
Sa kabila ng mga babala ng mga propeta, ang Juda ay nabaon sa kasalanan hanggang ipinahintulot ng Diyos na masakop sila ni Nebuchadnezar at dinalang bihag sa Babilonia. Ang lungsod ng Jerusalem ay winasak at ang bayan ng Diyos na ilang daan taon ang nakalilipas ay mahimalang tumawid ng Ilog ng Jordan, ngayon ay lumisan na naka tanikala.
10. Ang Pagbabalik (538-391 B.C.):
Nang ang isang hari na nagngangalang Ciro ay naging tagapamahala ng Babilonia, pinayagan niya na ang bayan ng Diyos ay makabalik at maitayong muli ang Jerusalem at ang kanilang templo ng pagsamba. Si Zerubabel ang naguna sa mga bumalik upang manirahan muli sa lupang pangako. Ang tala ng panahong ito ay masusumpungan sa mga aklat ng Ezra, Nehemias, at Esther. Ang panahong ito ng pagbabalik ay tumagal ng 147 mga taon.
Sa Pagitan Ng Mga Tipan (391-5 B.C.):
Ang Lumang Tipan ay nagtapos sa pagkakatatag muli ng bayan ng Diyos, ang Israel, sa Canaan. Pagkatapos ay may 400 mga taon sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan. Walang aklat ng Biblia na nasulat sa panahong ito kaya ang mga impormasyon tungkol sa panahong ito ay galing sa mga sulat ng iba.
Sa panahong ito ang Palestina ay pinamahalaan ng Persia (536-333 B.C.), mga Griego (333-323 B.C.), Mga Egipcio (323-204 B.C.), mga Siro (204-165 B.C.), mga Macabeo (165-63 B.C.), at Roma (63 B.C. hanggang sa panahon ni Cristo).
11. Ang Buhay Ni Cristo (5 B.C. hanggang 28 A.D.):
Pagkalipas ng 400 mga taon, itinindig ng Diyos si Juan Bautista upang ihanda ang daan sa pagdating ni Jesu-Cristo. Si Jesus ang magiging Tagpagligtas ng makasalanang sangkatauhan. Ang pangako ng planong ito ng kaligtasan ay unang ginawa sa halamanan ng Eden noong ang tao ay unang magkasala (Genesis 3:15). Mahimalang isinilang si Jesus ng isang birhen, inihayag ang Kaniyang sarili sa Israel bilang Mesias, tinanggihan, ipinako sa krus para sa kasalanan ng buong sangkatauhan, at binuhay na maguli ng kapangyarihan ng Diyos. Itinala ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang panahong ito na pumaloob sa 33 mga taon.
12. Ang Paglaganap Ng Ebanghelyo (28-100 A.D.):
Ang panahong ito ang sumasaklaw sa mga pangyayari pagkatapos ng pagbabalik ni Cristo sa langit pagkatapos ng Kaniyang pagkabuhay na maguli. Itinala nito ang paglaganap ng Ebanghelyo mula sa Jerusalem, sa Judea, sa Samaria at sa buong daigdig.
Ikalawang Tsart Mga
Hukom Ng Israel
May tinutukoy na maraming mga pangyayari sa Lumang Tipan na naganap noong ang Israel ay pinamahalaan ng mga Hukom. Ang mga Hukom ang namahala bago pa nagkaroon ng mga hari ang Israel. Ang mga kasaysayan ng mga hukom ay natala sa aklat ng Mga Hukom. Gamitin ang tsart na ito upang tulungan kang matukoy ang mga pangyayari na naganap noong panahon ng mga hukom:
Reperensya
Pangalan Petsa B.C. Bilang ng Taon
Hukom 3:7-11 Othoniel 1400-1360 40
Hukom 3:12-21 Aod 1360-1280 80
Hukom 3:12-31 Samgar 1280 1
Hukom 4-5 Debora 1280-1240 40
Hukom 6-8:32 Gedeon 1240-1200 40
Hukom 9 Abimelech 1200-1197 3
Hukom 10:1-2 Tola 1197-1174 23
Hukom 10:3-5 Jair 1174-1152 22
Hukom 10:6-12 Jephte 1152-1146 6
Hukom 12:6-10 Ibzan 1146-1138 8
Hukom 12: 11 Elon 1138-1128 10
Hukom 12:13 Abdon 1128-1121 7
Hukom 13-16 Samson 1121-1101 20
Ikatlong Tsart: Mga Hari Ng Israel at Juda
Maraming mga pangyayari sa Lumang Tipan ay binanggit na naganap noong naghari ang ibat-ibang mga hari sa Israel at Juda. Ang tsart na ito ay tutulong sa iyo upang malaman mo ang mga petsa kung kailan ito mga naghari.
Mga Hari Ng Israel:
Pangalan Ng Hari Tagal
Ng Paghahari Petsa B.C. Reperensya
Bilang
Ng Taon
Jeroboam I 22 976-954 I Hari 11:26-14:20
Nadab 2 954-953 I Hari 15:25-28
Baasa 24 953-930 I Hari 15:27-16:7
Ela 2 930-929 I Hari 16:6-14
Zimri (7 araw) 929 I Hari 16:9-20
Omri 12 929-918 I Hari 16:15-28
Achab 21 918-898 I Hari 16:28-22:40
Ochozias 1 898-897 I Hari 22:40-
II Hari 1:18
Joram 11 897-885 II Hari 3:1-9:25
Jehu 28 885-857 II Hari 9:1-10:36
Joachaz 16 857-841 II Hari 13: 1-9
Joas 16 841-825 II Hari 13:10-14:16
Jeroboam II 40 825-773 II Hari 14:23-29
Zacharias ½ 773-772 II Hari 14:29-15:12
Sallum (1 buwan) 772 II Hari 15:10-15
Manahem 10 772-762 II Hari 15:14-22
Pekaia 2 762-760 II Hari 15:22-26
Peka 20 760-730 II Hari 15:27-31
Oseas 9 730-721 II Hari 15:30-17:6
Mga Hari Ng Juda:
Pangalan Ng Hari Tagal
Ng Paghahari Petsa B.C. Reperensya
Bilang
Ng Taon
Roboam 17 976-959 I Hari 11:42-14:31
Abiam 3 959-996 I Hari 14:31-15:8
Asa 41 956-915 I Hari 15:8-24
Josaphat 25 915-893 I Hari 22:41-50
Joram 8 893-886 II Hari 8:16-24
Ochozias 1 886-885 II Hari 8:24-9:29
Athalia 6 885-879 II Hari 11:1-20
Joas 40 879-840 II Hari 11:1-12:21
Amazias 29 840-811 II Hari 14:1-20
Azarias (Uzzias) 52 811-759 II hari 15:1-7
Jotham 18 759-743 II Hari 15:32-38
Achaz 19 743-727 II Hari 16:1-20
Ezekias 29 727-698 II Hari 18:1-20:21
Manases 55 698-643 II Hari 21:1-18
Amon 2 643-640 II Hari 21:19-26
Josias 31 640-609 II Hari 22:1-23:30
Joachaz (3 buwan) 609 II Hari 23:31-33
Joacim 11 609-597 II Hari 23:34-24:5
Joachin (3 buwan) 597 II Hari 24:6-16
Sedecias 11 597 II hari 24:17-25:30
Ika-apat na Tsart: Mga Propeta ng Lumang Tipan
Pangalan Ng Propeta Nanghula
Sa Petsa
Jonas Asiria Bago Pagkabihag (800-650)
Nahum Asiria Bago Pagkabihag (800-650)
Obadias Edom Bago Pagkabihag (800)
Oseas Israel Bago Pagkabihag (750)
Amos Israel Bago Pagkabihag (750)
Isaias/Jeremias Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Jeremias/Panaghoy Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Joel Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Mikas Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Habacuc Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Zefanias Juda Bago Pagkabihag (800-606)
Ezekiel Juda Habang Bihag (606-536)
Daniel Juda Habang Bihag (606-536)
Hagai Juda Pagkatapos Ng Bihag (536-400)
Zacarias Juda Pagkatapos Ng Bihag (536-400)
Malakias Juda Pagkatapos Ng Bihag (536-400)
BUHAY SA PANAHON NG BIBLIA
Ang Biblia, mga mananalaysay, at pag-aaral ng arkeologo ay nagbigay ng mga kaalaman sa buhay pangaraw-araw ng bayang ng Israel sa panahon ng Biblia. Bago sila napunta sa Egipto, ang mga Israelita ay tumira sa mga tolda. Sila ay palipat-lipat na kasama ang kanilang mga kawan at ibang alagang hayop na naghahanap ng sariwang pastulan at tubig.
Pagkatapos nilang lumabas sa Egipto (exodo) at ang mga taon ng paglalakbay sa ilang, ang Israel ay nanahan sa lupang pangako ng Canaan. Mula sa panahong yaon ang buhay ng karaniwang tao ay hindi gaanong nagbago sa paglipas ng panahon.
Ang mga lalaking maralita ay gumawa alin sa dalawa, sa bukid o ibang gawain sa kanayunan samantalang ang mga babae naman at ang mga bata ay kumalinga ng mga tahanan. Ang pagbubukid at pagpa-pastol ng kawan ay mahalagang gawain. May ilang pangingisda at lahat ng mga gawain sa kanayunan tulad ng pagkakarpintero, paggawa ng mga banga, at mga katad.
Hindi sagana ang tubig sapagkat ang lupain ay mainit at tuyo sa malaking bahagi ng taon. Ang tubig ay sinasalok sa balon sa bayan sa pamamagitan ng mga balat ng kambing na ginawang sisidlan. Ang lugar na ito ay mahalagang dako na doon ang mga babae ay naguugnayan.
Ang mga tao ay nagsuot ng mga mahahaba at maluluwag na mga kasootan upang maging maginhawa. Ang tela ng kasootan ay ayon sa kayamanan ng nagsusuot. Ang mayayaman ay maaaring makabili ng mga kinulayang mga tela. Kadalasan ang kasuotan ang nagpapakita ng gawain ng nagsusuot nito. Halimbawa, ang mga saserdote ay may tanging kasuotan at ang mga rabbi (mga tagapunguna ng relihiyon sa Israel) ay may kasuotang kulay asul. Ang mga swelas ng sapatos ay yari sa balat ng baka na may nakatali ding balat sa bukong-bukong.
Ang pagaasawa ay kasunduan ng mga magulang at hindi gaanong nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makiugnay sa ibang mga kabataan. Sapagkat ang kasintahang babae ay mapapakinabangan sa gawain, kailangang siya ay bayaran ng isang halaga. Ang buhay ay naka-sentro sa tahanan.
Sa Lumang Tipan, walang paaralan para sa mga anak ng karaniwang mga mamamayan. Sila ay tinuturuan ng mga kakayahan at relihiyon ng kanilang mga magulang. Sa panahon ni Jesus, ang pag-aaral ng isang batang babae ay pananagutan ng kaniyang ina. Ang mga anak na lalake naman ay pumapasok sa paaralan sa sinagoga mula anim na taon pataas. Ang Lumang Tipan ang aklat na pinaka teksto sa kanilang pag-aaral ng kasaysayan, ng mga ibat-ibang lugar, sulatin, at kautusan. Ang mga matatalinong mga mag-aaral ay ipinadadala sa Jerusalem upang mag-aral mula sa mga rabbi. Bawat batang lalake ay dapat ding matuto ng gawaing panghanap-buhay. Sa pagsapit ng bata sa gulang na 13, siya ay nagiging “Bar Mitzvah” na salitang Judio para sa “isang anak ng kautusan.” Ang ibig sabihin ay itinuring na siyang binata.
Ang kamatayan ng mga tao ng Israel ay maraming magarbong seremonya ng pagluluksa. Minsan ang mga upahang tagaiyak ay babayaran. Sa panahon ng Bagong Tipan, ang mga katawan ng namatay ay pinahiran ng langis at binabalot ng damit panglibing. Ang mga taong dukha ay inililibing sa karaniwang libingan o yungib, ngunit ang mayayaman ay may kaniyang mga libingan na inukit sa mga bato at sinasarhan ng mamahaling mga piraso ng bato.
Walang pagkakaiba sa pagitan ng kasal na sibil o ayon sa kautusan ng relihiyon sa Israel. Ang pintuan ng lungsod o nayon ay dako kung saan ang mga problema ay hinahatulan. Ang pinakamataas na hukuman sa Bagong Tipan ay ang Sanhedrin na binubuo ng 70 mga lalake na nagtitipon sa templo. Ang mga Romanong nasa pamahalaan na nakasasakop sa Israel sa panahon ng Bagong Tipan ay pinahintulutan sila na humatol sa kanilang kalahi liban na lamang sa hatol ng kamatayan.
Ang buhay relihiyon ng Israel ay unang natuon sa tabernakulo at pagkatapaos ay sa templo sa Jerusalem. Ang mga alituntunin ng relihiyon ay ipinairal ng mga saserdote at mga Levita. Ang pinakadakilang araw sa loob ng isang taon ay ang araw ng Katubusan. Sa araw na ito ang dakilang saserdote ay pumapasok sa kaloob-loobang silid ng templo upang gumawa ng pangtubos sa mga kasalanan niya at ng bayan.
Ang iba pang mga kapistahan ay tulad ng Paskua na isang pag-alaala sa pagkaligtas sa Israel mula sa Egipto. Ang pista ng Pentecostes ang hudyat ng pasimula ng pag-aani at ang pista ng mga Tabernakulo o mga Tolda ay kapistahan ng pag-aani. Ang pista ng Purim ay alaala ng pagkaligtas sa Israel noong panahon ni Esther, at ang pista ng mga trumpeta ay hudyat ng pasimula ng bagong taon.
Sa pagitan ng pagtatapos ng Lumang Tipan at pasimula ng Bagong Tipan ang mga pagsamba ay nalipat mula sa iisang templo tungo sa mga lokal na sinagoga. Ang ugaling ito ay nagsimula noong ang Israel ay bihag at walang templo sa Jerusalem. Mga lalake lamang ang may bahagi sa mga pagsamba sa mga sinagoga. Ang mga babae at mga bata ay nakaupo sa ibang lugar. Ang gawain ay binubuo ng pahayag ng pananampalataya, mga panalangin, at pagbasa mula sa kautusan at mga propeta. Ito ay sinusundan ng isang sermon at isang panahon na ang mga kalalakihan ay magtatanong sa ministro.
Ang Mga Kasulatan ng Lumang Tipan ay nasulat sa mga nakarolyong mga sulatan na ang mga dalubhasa lamang sa kautusan ang maaaring magbukas. Hangga’t maaari ay ginagawa ang pagdalaw sa templo sa Jerusalem na noon ay naitayo nang muli. Ang templo ay katulad ng templo ni Solomon sa Lumang Tipan bagama’t mas malaki.
Sa loob ng maraming mga siglo walang halos ipinagbago ang kalagayan ng pamilya at buhay sa kanayunan na siyang mga tagpong ginalawan ng mga kasaysayan sa Biblia. Naroon din ang mga naglalabang mga emperyo sa palibot ng Israel at ang impluwensya ng emperyo ng Roma. Sa panahon ni Jesus, ang Roma ang malaganap ang hawak sa bayan ng Israel.
PANGSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Pagtutugma: Sa bawat panahon sa Unang Listahan hanapin ang larawan na pinakaangkop na nasa Ikalawang Listahan at isulat ang letra sa puwang sa harap ng panahong inilalarawan.
Unang Listahan: Mga Panahon Ikalawang
Listahan
____Paglalang hanggang kay Abraham a. Gawa at mga Sulat ang nagsasaad ng
kasaysayang ito.
____Abraham hanggang kay Moises b. Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang nagsaysay
nito.
____Ang Exodo c. Nangyari ang pagkaligtas ng Israel mula sa
Egipto.
____Ang Pagasakop d. Sinakop ng Israel ang Lupang Pangako sa
panahong ito.
____Mga Hukom e. Ito ang panahon ng malaking kasalanan na ang
Diyos ay nagtindig ng mga hukom upang
hatulan ang Israel.
____Ang Kaharian f. Nahati ang Israel sa dalawang kaharian sa
panahong ito.
____Ang Dalawang Kaharian g. Isang panahon nang si Saul, David, at Solomon
ay naghari.
____Juda Lamang h. Ang Israel at Juda ay bihag sa panahong ito.
____Ang Pagkabihag i. Ang Jerusalem at ang templo ay naitayo muli sa
panahong ito.
____Ang Pagbabalik j. Ang Juda ang tanging kaharian.
____Buhay ni Cristo k. Ang kasaysayan ni Noe, Cain, Abel, at Tore ng
Babel ay naganap sa panahong ito.
____Ang Paglaganap ng Ebanghelyo l. Abraham, Isaac, Jacob, at Jose ay mga susing mga
tauhan sa panahong ito.
3. Ang kasaysayan o ang pagkakasunod-sunod nito ay nagsasaad ng ______________________
nangyari.
4. Ano ang arkeologo ng Biblia?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Kung ikaw ay interesado sa pagkakasunod-sunod ng Biblia, may nabibili sa wikang Ingles na “Chronological Bible” na inilathala ng World Bible Publishers. Ito ay isang Biblia na inihanay hindi ayon sa mga aklat tulad ng karaniwang Biblia, kundi inihanay ang mga kabanata at mga talata ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Ang nilalaman ng Genesis hanggang Apocalipsis ay inihanay sa Chronological Bible sa ilalim ng labing dalawang mga bahagi:
- Ang Pagkatatag ng Unang Daigdig
- Ang Pagkatatag ng Israel bilang isang tribo
- Ang Pagkatatag ng Israel bilang isang bansa
- Ang Pagkatatag ng Israel bilang isang kaharian
- Pagkahati ng Israel sa Dalawang Kaharian
- Ang nalabi sa Israel sa kaharian sa timog
- Ang Pagkabihag ng Israel sa Babilonia
- Ang Pagbabalik Ng Israel Bilang isang Bansa
- Pangngangalaga sa Israel sa Pagitan ng Dalawang Tipan
- Paglulunsad ng Kaharian Ng Diyos sa Lupa
- Pagpapatuloy ng Kaharian ng Diyos sa Lupa
- Ang Kalubusan ng Kaharian ng Diyos sa Lupa
Ang Narrated Bible naman na inilathala ng Harvest House Publishers, Eugene, Oregon ay isa ring mabuting gamit sa pagkakasunod-sunod ng Biblia. Hindi ito naglalahad ng teksto mismo sa halip ay mga reperensya sa Biblia na inihanay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari at may maikling mga komentaryo sa bawat reperensya.
2. Kung ikaw naman ay interesado sa arkeologo ng Biblia, ang mga sumusunod na mga aklat ay iminumungkahi:
Beginnings In Biblical Archeology na isinulat ni Howard Vos at inilathala ng Moody
Press, Chicago, Illinois, U.S.A.
Archeology In Bible Lands na isinulat ni Howard Vos at inilathala ng Moody Press,
Chicago, Illinois, U.S.A.
IKA-WALONG KABANATA
PAGBABALANGKAS, PAGMA-MARKA, AT PAGGAWA NG TSART
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Gumamit ng isang paraan ng pagma-marka ng Biblia.
. Lumikha ng balangkas.
. Lumikha ng isang tsart ng buod.
SUSING MGA TALATA:
Ang mga patotoo Mo’y matuwid magpakailan
man: Bigyan Mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
(Awit 119:144)
PAMBUNGAD
Ang pagbuo ng tatlong mga paunang kakayahan ay makatutulong sa anomang paraan ng pag-aaral ng Biblia. Ang mga kakayahang ito ay ang pagma-marka, pagbabalangkas, at paggawa ng tsart. Ito ang mga paksa ng kabanatang ito.
PAGMA-MARKA
Ang pagma-marka ay isang paraan ng pagbibigay ng diin sa mga susing bahagi ng Biblia. Ginagawang mas madali ang paghanap ng mga talata patungkol sa mga tiyak na mga paksa. Upang ma-markahan ang iyong Biblia, guhitan ang mga napiling mga talata. Kung wala kang lapis na may kulay maaari kang gumamit ng mga simbulo o sagisag sa tabi ng mga napiling mga talata.
Gamitin ang mga sumusunod na mga kulay na pangguhit:
Pula: Para sa mga talatang may kinaalaman sa kaligtasan. Ang kulay pula ay kumakatawan sa dugo ni Jesus. Maaari mo ring gamitin ang simbulo ng krus para sa mga talatang tungkol sa kaligtasan.
Berde: Ito ang kulay ng mga tumutubong mga bagay. Gamitin ang kulay na ito upang guhitan ang mga talatang tungkol sa paglagong espirituwal. Maaari mo ring gamitin ang simbulo ng bulaklak upang kumatawan sa paglago.
Asul: Ito ang kulay ng kalangitan. Gamitin ang kulay na ito sa pagguhit ng mga talatang tungkol sa ikalawang pagparito ni Jesu-Cristo, ang Bagong Jerusalem, at langit. Kung simbulo naman, gamitin ang korona upang markahan ang mga talata sa iyong Biblia. Ang korona ay kumakatawan sa Kaharian ng Langit.
Tsokolate: Ang bukid ng trigo na handa nang anihin ay kulay tsokolateng mapusyaw. Ginamit ni Jesus ang halimbawa ng pag-aani kung binabanggit niya ang panghihikayat. Gamitin ang kulay na ito upang markahan ang mga talata na kaugnay ng panghihikayat. Maaari mo ring gamitin ang simbulo (#) na kumakatawan sa salitang “bilang.” Gamitin ito upang ipaalaala sa iyo ang maraming bilang ng mga tao na hindi pa nakakarinig ng mensahe ng ebanghelyo.
Maaari kang pumili ng dagdag na mga kulay upang markahan ang mga talata sa ibang mahahalagang mga paksa: Lila, dilaw, itim, kulay rosas, at iba pa.
Maaari ka ring gumamit ng mga dagdag na mga simbulo at itakda mo ang kahulugan ♥ ♣ ┼ ● ▲« ∩
PAGBABALANGKAS
Ang isang balangkas ay isang paraan ng paghahanay ng iyong mga pinag-aaralang mga materyales. Inilalagay nito ang mga kaalaman o impormasyon sa isang buod na porma upang magamit sa ministeryo at sa darating pang pag-aaral. Ang isang balangkas ay naka-sentro sa mga piling mga paksa. Ang paksang ito ang nagiging pamagat ng balangkas na karaniwang naghahayag ng iyong buong pinag-aaralan.
Pagkatapos tukuyin ang paksa na pag-aaralan, ang susunod na hakbang ay tukuyin ang mga pangunahing mga punto. Sa ilalim naman nito ay ang mga kasunod na mga punto.
Maraming paraan ng pagba-balangkas. Pumili kami ng isang paraan na ang gamit na numero ay ang “Roman Numerals”. Isang listahan ang nasa “Dagdag Na Pag-aaral” upang pakinabangan.
Ang mga punto sa ilalim ng mga pangunahing puto ay ginamitan ng mga letra ng alpabeto. At kung may mga dagdag pang mga punto sa ilalim naman nito ay mga regular na numero naman ang gamit. Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa na nagpapakita kung ano ang larawan at paano ang paggawa ng isang balangkas:
ILAGAY
ANG PAMAGAT DITO I. Ito
ang Roman numeral para sa 1 ginamit para sa unang pangunahing punto. A. Ito ang malaking letra na ginagamit
sa punto sa ilalim ng
pangunahing punto.
1. Kung may punto sa ilalim ng
pangalawang punto,
gamitan
na ito ng karaniwang numero. Ang una ay
numero
1.
2. Kung
sakaling may dagdag pang punto, ituloy lamang
ang
gamit ng regular na numero. II. Gumamit
ng Roman numeral uli sa sumusunod
na pangunahing punto. A. Ang
punto sa ilalim ng pangunahing punto ay gagamit uli ng
Malaking letra ng
alpabeto.
Bilang halimbawa, naghanda kami ng isang maikling balangkas ng Roma 12:1-2. Basahin muna ang mga talata.:
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa
inyo , alangalang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong
katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na Siya ninyong
katampatang pagsamba.
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang
ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang
mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaya at lubos na kalooban ng
Diyos. (Roma 12:1-2)
Narito ang balangkas ng mga talatang ito:
MGA
HAKBANG SA PAGKASUMPONG NG KALOOBAN NG DIYOS I. Iharap
ang inyong sarili bilang isang haing buhay: A.
Banal. B. Katanggap-tanggap sa Diyos. II. Huwag
makiayon sa sanglibutang ito: A.
Mag-iba kayo
1.Tayo
nagiging iba sa pamamagitan ng pagbabago ng ating isip. III. Ang
mga hakbang na ito ang magpapatunay na ang kalooban ng Diyos ay: A. Mabuti. B. Katanggap-tanggap C.
Sakdal
Makikita mo kung paanong ang balangkas na ito ay malinaw na ibinigay ang buod ng mga hakbang tungo sa kalooban ng Diyos na ibinigay sa Roma 12:1-2.
PAGGAWA NG TSART
Ang isa pang paraan ng pagaayos ng materyales na pinag-aaralan ay sa pamamagitan ng paggawa ng tsart. Bibigyan ka ng ilang mga tsart na tatapusin sa kursong ito upang tulungan kang magkaroon ng ganitong kakayahan. Ang paggawa ng tsart ay mahalaga sapagkat ito ay tumutulong sa iyo na ilarawan sa isip ang iyong napagaralan. Ang isang tsart ay ibinibigay ang buod sa maikling ayos kung ano ang natutuhan mo na at tinutulungan kang matandaan ito.
May dalawang paunang paraan ng paggawa ng tsart:
PAHALANG NA TSART:
Iguguhit mo nang pahalang ang iyong tsart sa isang papel. Gumuhit ka ng linya mula sa kaliwa pakanan at lagyan mo ng dibisyon kung ilan ang kailangan mo para sa iyong pinag-aaralan. Ang pahalang na tsart ay mabuting gamitin sa pag-aaral ng isang aklat. Makikita mo ang isang halimbawa nito sa Ika-labingisang Kabanata.
PATAYONG TSART
Ang uri naman ng tsart na ito ay iginuguhit sa papel mula itaas pababa. Ang isang rektangulo ay iginuguhit at ang mga dibisyon ay inilalagay dito. Ang patayong tsart ay ankop sa mga maiikling mga bahagi ng materyal na pinag-aaralan o para sa pag-aaral ng kabanata.
Narito ang halimbawa ng isang patayong tsart batay sa Santiago 1:26-27.
Basahin muna ang mga talata:
Kung ang sinoman ay nagiisip na siya’y
relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang
kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.
Ang dalisay na relihion at walang dungis sa
harapan ng ating Diyos at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao
sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa
sanglibutan. (Santiago 1:26-27)
Ngayon, pag-aralan ang tsart:
PAGSUSURI NG RELIHIYON
Mga Palatandaan Pagsusuri
Bunga
Relihiyon Mukhang relihiyoso Pagpipigil ng dila
Dinadaya sarili Walang
Dila
kabuluhan Walang bahid ng Dinadalaw ang mga
mahihirap Malinis sa harap Dalisay, Sanglibutan
Iniingatan ang sarili sa ng Diyos
malinis
kabanalan
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang mali sa sumusunod na kamada o balangkas?
PAMAGAT
I. Ito ang unang pangunahing punto.
A. Ito ang unang punto sa ilalim ng pangunahing punto.
B. Ito ang pangalawang pangunahing punto.
3. Ano ang dalawang paraan ng paggawa ng tsart?
4. Ano ang ibig sabihin ng “pag-marka” kaugnay ng pag-aaral ng Biblia?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan ang Santiago 3:2-6 sa iyong Biblia. Kompletuhin ang balangkas sa ibaba:
ANG DILA NG TAO
I. Kung hindi tayo makasakit sa salita, tayo ay: (talatang 2)
A.
B.
II. Mga halimbawa ng kapangyarihan ng maliliit na mga bagay:
A. Ang preno sa bibig ng kabayo ay may dalawang silbi: (talatang 3)
1.
2.
B. Ang timon ng barko: (talatang 4)
1.
C. Isang mallit na apoy: (talatang 5)
1.
III. Ang dila ay maliit din ngunit ito ay: (talatang 5-6)
A. Nagpapalalo ng malaking bagay.
B. Ang sanglibutan ng kasamaan.
C.
D.
E.
2. Ngayon kompletohin ang sumusunod na tsart na sumasaklaw sa isang bahagi ng
Santiago 3:2-6:
3. Ang sumusunod na tsart ng mga Roman numeral ay upang gamitin sa paglikha ng mga balangkas ayon sa kaayusang ibinigay sa kabanatang ito:
1 I 30 XXX
2 II 40 XL
3 III 50 L
4 IV 60 LX
5 V 70 LXX
6 VI 80 LXXX
7 VII 90 XC
8 VIII 100 C
9 IX
10 X
11 XI
12 XII
13 XIII
14 XIV
15 XV
16 XVI
17 XVII Sundin ang padron (I, II, III) sa bawat set.
18 XVIII Halimbawa ang 32 ay XXXII
19 XIX
20 XX
IKATLONG BAHAGI: MAPANGLIKHANG PAMAMARAAN NG
PAG-AARAL NG BIBLIA
IKA-SIYAM NA KABANATA
PAG-AARAL NG BIBLIA SA PAMAMAGITAN NG BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang mga simbulo ng Salita ng Diyos na ginamit sa Biblia.
. Pag-aralan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng Biblia.
. Tukuyin ang pinagmulan ng Salita.
. Kilalanin kung alin ang gatas at karne sa Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Idilat mo ang aking mga mata, upang ako’y
makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa Iyong kautusan. (Awit 119:18)
PAMBUNGAD
Isa sa pinakamabuting paraan sa pagsisimula sa pag-aaral ng Biblia ay matutuhan kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili. Iyan ang paksa ng kabanatang ito. Sa araling ito matututuhan mo ang tungkol sa mga simbulo ng Salita ng Diyos at ang mga tiyak na mga katotohanan tungkol sa Salita ng Diyos na nahayag mismo sa Biblia.
Sa maraming mga kurso ng Institute pagka tinutukoy namin ang Kasulatan isinusulat namin ito sa kaugnayan nito sa aralin. Ginawa ito upang hindi na madagdagan pa ang oras sa paghahanap. Ngunit sa araling ito sinadya naming hindi isulat ang mga talata sa ilang kadahilanan. Isa sa mga layunin ng araling ito ay tulungan kang masanay gamitin ang iyong Biblia.
Kung hindi ka sanay sa paghanap ng mga aklat, tingnan ang harapan ng iyong Biblia. Lahat ng Biblia ay mayroong “Mga Nilalaman” na naglilista ng mga pahina ng pasimula ng bawat aklat. Kung makita mo ang pahina para sa aklat na iyong hinahanap, pagbukas mo rito ikaw ay nasa unang kabanata o kapitulo ng aklat na yaon. Pagkatapos ay hanapin mo ang tamang kapitulo at talata:
Awit
119:
89
▼
▼
▼ Pangalan ng Aklat Bilang ng Kabanata
Bilang ng Talata
ANG PINAGMULAN NG BIBLIA
Ang Diyos mismo ang pinagmulan ng Biblia. Basahin ang Awit 68:11. Pinagtitibay nito na ang Diyos ang siyang pinagmulan ng Salita. Ipinapaliwanag ng I Tesalonica 2:13 na ang Biblia ang Salita ng Diyos at ang pinagmulan nito ay hindi ang tao. Nang mangusap si Jesus noong Siya ay narito sa lupa, Kaniyang ginawang maliwanag na ang pinagmulan ng Kaniyang mga salita ay ang Diyos. Tingnan ang Juan 14:10 at 24; 17:8 at 14; at 3:34.
ANG KASAYSAYAN NG SALITA
Malaki ang inihayag ng Biblia tungkol sa sarili nitong kasaysayan, na sinasagot ang mga tanong tulad ng “gaano na katagal ang Biblia? at “Sino ang unang sumulat ng mga salita ng Diyos?” Basahin ang Hebreo 11:3. Inihahayag ng talatang ito na ang sanglibutang ating kinalalagakan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Basahin ang Genesis 1 sa iyong Biblia na nagsasaad ng kasaysayan ng paglalang at makikitang mong ito ay totoo. Nilikha ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng Kaniyang salita. Mababasa mo pa ang karagdagang bahagi sa II Pedro 3:5-7. Sinasabi sa Hebreo 1:3 na Siya pa rin ang may hawak ng sanglibutan at ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Salita ng Kaniyang kapangyarihan. Sinasabi naman ng Awit 33:6 na ang Diyos ang may gawa ng kalangitan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
Ang Diyos ay walang hanggan. Wala siyang pasimula at wakas. Yamang ang Diyos ay hindi maaaring maihiwalay sa Kaniyang Salita (Siya ang Salita), kung gayon ang Salita ay walang pasimula at wakas. Tulad ng Diyos, Ang Kaniyang Salita ay laging nariyan. Basahin ang Exodo 20:1-17 sa iyong Biblia. Ito ang unang tala na kinasihan ng Diyos ang tao (si Moises) upang isulat ang Kaniyang mga Salita.
Basahin ang Juan Kabanata 1 sa iyong Biblia. Pansining mabuti ang mga talatang 1-5 at 14. Ang bahaging ito ay tumutukoy kay Jesus bilang Salita. Inihayag nito na ang Salita (si Jesus) ay sumasa Diyos at Diyos sa pasimula pa lamang. Ito ay nagpapatunay na ang Diyos at ang Kaniyang Salita ang lumalang ng buong daigdig.
Si Jesus ay laging sumasa Ama, ngunit sa talatang 14 sinabi nito kung paanong ang Salita (si Jesus) ay nagkatawang tao at naparito upang mabuhay sa lupa sa anyong tao. Ang talatang 11-12 ay nagtala kung paanong Siya ay tinanggihan ng Kaniyang sariling bayan subalit ang mga sa Kaniya ay tumanggap ay naging mga anak ng Diyos.
MGA AKLAT, MGA BALUMBONG SULATAN, AT MGA BATO
Sa loob ng maraming mga taon, ang Biblia ay nasulat sa ibat-ibang ayos. Naisulat ito sa bato ni Moises (Exodo 20:1-17) at sa malalaking mga bato sa pagpasok ng Israel sa Lupang Pangako (Deuteronomio 27:1-8).
Ang Salita ng Diyos ay nasulat sa isang aklat (Deuteonomio 31:24-26) at gayon din sa mga balumbon na sulatan (Jeremias 36:2). Ang balumbon ay isang mahabang piraso ng sulatang papel na may hawakang kahoy sa magkabilang dulo. Kung ikaw ay sumusulat o bumabasa sa isang balumbon magsisimula ka sa isang gilid at inuunat mo ang balumbon habang ikaw ay patuloy na sumusulat (mula kaliwa at pakanan).
Nagbigay din ang Diyos sa Kaniyang Salita ng mga awit na Kaniyang kinasihan. Tingnan ang Deuteronomio 31:19-22. Isinulat ni David ang Salita ng Diyos na patula na madalas ay inaawit. Ang aklat ng Mga Awit ang siyang aklat ng pagsamba at imnario ng Biblia.
ANG INSPIRASYON O PAGKASI NG BIBLIA
Ang isa sa pinakamahalagang bagay na inihayag ng Biblia tungkol sa kaniyang sarili ay ang pagiging kinasihan ng Diyos na aklat ito. Sa pamamagitan ng inspirasyon o pagkasi ng Espiritu Santo ang Diyos ay nangusap sa mga taong banal upang isulat ang Kaniyang mensahe.
Tingnan ang II Timoteo 3:16-17 sa iyong Biblia. Ang mga talatang ito ay nagpapatibay na ang Salita ng Diyos ay kinasihan. Inihahayag din nito na ito ay mapapakinabangan sa apat na pangunahing larangan ng buhay Cristiano:
-Para sa pagtuturo
-Para sa pagsansala
-Para sa pagsaway
-Para sa ikatututo sa katuwiran
Ang mga talatang ito ang mga pangunahing layunin ng Salita ng Diyos. Ang bunga nito ay ang tao ng Diyos ay maging sakdal , tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
ANG WALANG HANGGANG SALITA
Sa natural na larangan maraming mga aklat ang may halaga lamang sa maikling panahon. Halimbawa, ang aklat sa paraan ng panggagamot ay maaring magamit sa loob ng ilang taon. Kung may mga higit na mabuting gamot at paraan ng panggagamot na natuklasan ang aklat na yaon ay hindi na magagamit.
Ang Salita ng Diyos ay walang hanggan at angkop sa lahat ng panahon. Ito ay may bisa sa nakaraan, at sa ngayon, at gayon din sa darating na panahon (tingnan ang Awit 119:89).
Basahin ang I Pedro 1:23. Inihahayag ng talatang ito na ang Salita ng Diyos ay hindi lamang nananatili magpakailanman, ito rin ay buhay magpakailanman. Kung sino ang Diyos noon Siya rin ngayon. Naglilingkod tayo sa isang buhay na Diyos. Hindi maaaring ihiwalay ang Diyos sa Kaniyang Salita. Sapagkat ang Diyos ay buhay, ang Kaniyang Salita ay buhay at may bisa sa lahat ng panahon.
Basahin ang Isaias 40:8. Pinatutunayan ng talatang ito na ang Salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Hindi ito lilipas tulad ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid sa natural na larangan.
ANG DALAWANG PAUNANG DIBISYON
Isinasaad ng Biblia na may dalawang paunang dibisyon ang Salita ng Diyos. Nariyan ang gatas ng Salita at ang karne ng Salita. Ang gatas ng Salita ay ang mga paunang katotohanan na madaling maunawaan. Ang karne ng Salita ang malalalim na mga katuruan ng Salita ng Diyos na nagbibigay ng paglagong espirituwal. Mababasa mo ito sa Hebreo 5:13-14 at I Pedro 2:2.
MGA HANGAD NG SALITA
Ibinigay ng Diyos ang Kaniyang Salita upang matupad ang mga tiyak na mga hangarin. Ang hangarin ay isang minimithi o nilalayon. Ayon sa Biblia ang ilan sa mga hangaring ito ay ang mga sumusunod:
-Ang Salita ay nagbubunga ng pananampalataya sa Ebanghelyo: Gawa 4:4
-Ito ay lumilinis: Juan 15:3; Efeso 5:26
-Kung ikaw ay makinig at sumampalataya, ito ay nagdadala ng buhay na walang hanggan: Juan 5:24
-Ito ang batayan ng walang hanggan kahatulan: Juan 12:48
-Ang karumaldumal na espiritu ay pinalalabas ng Salita: Mateo 8:16; Lucas 4:36
-Mga mahimalang mga tanda ang sumusunod sa pangangaral ng Salita na nanghihikayat
sa katotohanan ng ebanghelyo: Marcos 16:20
-Ito ay nagbibigay ng kasiguruhan ng kaligtasan: I Juan 1:2-6
-Ikaw ay ipinapanganak na muli sa pamamagitan ng Salita: I Pedro 1:23; Awit 119:41
-Ang Salita ay sumasaksi sa katotohanan ng ebanghelyo: I Juan 5:7
-Ikaw ay binabanal ng Salita: I Timoteo 4:5
-May pagasa sa Kaniyang Salita: Awit 130:5; 119:49, 81
-May kagalingan sa Kaniyang Salita: Awit 107:20
-Inilalayo ka nito sa daan ng maninila: Awit 17:4
-Ito ay espiritu at buhay: Juan 6:63
-Ito ay nagdadala ng kagalakan: Jeremias 15:16
-Ang pananampalataya ay pinalalakas ng Salita: Roma 10:17
-Ito ay nagdadala ng kaaliwan: I Tesalonica 4:18; Awit 119:50,52
-Ito ay nagdadala ng kalakasang espirituwal: I Timoteo 4:6
-Ito ay nagdadala ng sagot sa panalangin: Juan 15:7
-Ito ang susi sa tagumpay: Josue 1:8
-Kung iyong pakinggan at sundin ikaw ay pagpapalain: Lucas 11:28
-Ito ay mapapakinabangan sa paglagong espirituwal: II Timoteo 3:16-17
-Ito ay nagdadala ng pagpapala kung sinusunod at sumpa kung suwayin: Deut. 28
-Ito ay sandata sa panahon ng tukso: Mateo 4
-Ito ang humhikayat sa kaluluwa: Awit 19:7
-Nagbibigay ng talino sa pahat ang isipan: Awit 19:7
-Ito ay nagbibigay liwanag: Awit19: 8
-Ito ay nagbababala: Awit 19:11
-Ang pagsunod sa Salita ay may malaking gantimpala: Awit 19:11
-Nagdudulot ng pagkapasok sa langit: Apocalipsis 22:14
-Ito ay nagdadala ng pagpapala ng paglakad sa katuwiran: Awit 119:1-3
-Ginagawa ka nitong higit na matalino kay sa iyong mga kaaway, mga guro, at mga
matatanda: Awit 119:98-104
-Ito ay bumubuhay: Awit 119:25
-Ito ay nagpapalakas: Awit 119:28
-Ito ang batayan ng kahabagan ng Diyos tungo sa atin: Awit 119:58
-Ito ay nagdudulot ng kasiyahan: Awit 119:92
-Nagdadala ng pangunawa: Awit 119:130, 169; 104
-Ito ay nagdadala ng kaligtasan: Awit 119:170
ANG SALITA AY DI MAWAWALAN NG BUNGA
Tulad ng ating nakita, maraming mga hangarin ang Salita ng Diyos. Itinuturo ng Biblia na matutupad ng Salita ang mga hangarin nito. Basahin ang Isaias 55:11. Sinasabi ng Diyos dito na ang Kaniyang Salita ay hindi babalik ng walang bunga na ang ibig sabihin ay ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga pangako na hindi naman Niya tutuparin. Ang anomang Kaniyang sinabi ay mangyayari. Bawat salita ng Biblia ay nasulat para sa isang hangarin at matutupad ang hangarin na yaon.
MGA SIMBULO NG SALITA
Gumagamit ang Biblia ng maraming mga simbulo upang ilarawan ang Salita ng Diyos. Ang simbulo ay isang kumakatawan sa isang bagay. Halimbawa, ang bawat bituwin sa bandera ng Estados Unidos ay kumakatawan sa isa sa mga 50 mga estado na bumubuo ng bansa. Ang bituwin ay simbulo na isang estado. Ang mga sumusunod ay mga simbulo na ginamit upang ilarawan ang Salita ng Diyos. Hanapin ang bawat talata at basahin ito sa iyong Biblia:
Isang Salamin:
Santiago
1:23-27
Kung ikaw ay humarap sa salamin sa natural na buhay, nakikita mo ang iyong anyo. Pagka humarap ka sa Salita ng Diyos, tulad ng isang salamin, nakikita mo sa Biblia ang tunay mong kondisyong espirituwal.
Isang Palangganang
Hugasan: Efeso 5:26-27
Sa Biblia ay gumamit din ng mga palangganang nilalagyan ng tubig na panghugas. Ang tubig ng Salita ng Diyos ang lumilinis sa iyo.
Isang Ilawan:
Awit 119:105
Isang Liwanag:
Awit 119:105,
130; Kawikaan 6:23
Ang ilawan at liwanag ay parehong nagbibigay ng gabay. Tinutulungan ka ng mga ito na makakita sa dilim. Ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng espirituwal na patnubay at tumutulong sa iyo na makita ang iyong daan sa gitna ng kadiliman dahil sa kasalanan.
Ulan:
Isaias
55:10-11
Tubig:
Efeso
5:26
Ang ulan at tubig ay nagbibigay na kasariwaan. Ang Salita ng Diyos ay itinulad sa ulan at tubig sapagkat ikaw ay pinananariwa nito.
Pagkain:
Jeremias
15:16; I Pedro 2:1-2; I Cor. 3:1-2; Heb. 5:12-14
Diyeta:
Hebreo 5:12
Ang Biblia ay itinulad sa pagkain na nagaalis ng gutom sapagkat ito ay nagaalis ng espirituwal na kagutuman. Kung paanong ang pagkain ay nagdudulot ng paglago, gayon din ang Biblia. Ang ilang bahagi ng Biblia ay tinatawag na gatas sapagkat ang mga ito ay madaling maunawaan. Ang iba namang bahagi ay tinatawag na karne ng Salita sapagkat ito ang mga bahagi na mas mahirap unawain. Nais ng Diyos na ikaw ay sumulong mula sa gatas tungo sa karne ng Kaniyang Salita. Ang pagkatuto kung paano pag-aralan ang Biblia ay tutulong sa iyo na matupad ang layuning ito.
Isang Apoy:
Jeremias
23:29; 20:9
Sa natural na larangan, ang apoy ay ginagamit upang dalisayin ang mahahalagang metal. Sinusunog ng apoy ang lahat ng mga karumihan. Ang Salita ng Diyos ang nagsisilbing apoy sa iyong buhay espirituwal upang sunugin ang mga maruruming isipan, mga salita, at mga gawa.
Isang Palakol:
Jeremias
23:29
Maaaring durugin ng isang palakol ang isang bato. Maaaring ang matigas na puso ay durugin ng Salita ng Diyos at gawin itong maging malambot na putik sa mga kamay ng Diyos.
Matalim na
Panghiwa: Hebreo 4:12
Ang matalim na panghiwa ay ginagamit ng mga doktor upang magopera sa ikagagaling ng sakit. Ang Salita ng Diyos ay ganito rin ang ginagawa. Ito ang gumagamot sa mga espirituwal na sakit. Inaalis nito ang mga espirituwal na mga bukol at impeksyon mula sa iyong buhay.
Isang Tabak:
Efeso
6:17
Ang isang tabak ay ginagamit bilang sandata. Ang Salita ng Diyos ang iyong tabak na espirituwal. Ito ay isang sandata na magagamit mo laban sa iyong espirituwal na kaaway, si Satanas.
Gamot:
Awit
119:25
Kung paanong ang gamot ay nagpapagaling ng mga sakit na pisikal, ang Salita ng Diyos ay nagsisilbing gamot para sa mga sakit na espirituwal.
Binhi:
Mateo
13:1-23; Marcos 4:1-20; Lucas 8:4-15;
I Pedro 1:23; Santiago 1:18
Ang Salita ng Diyos ay tulad ng binhi. Kung ito ay matanim sa iyong puso—kung ito ay makasumpong ng matabang lupa—ito ay lalago at magkakaroon ng mga bungang espirituwal sa iyong buhay.
Pulot-Pukyutan:
Awit 19:10
Ang pulot-pukyutan ay isang bagay na napakatamis. Ang Salita ng Diyos ay itinulad sa pulot-pukyutan dahil sa ito ay may espirituwal na katamisan. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay nagdadala ng katamisan sa iyong buhay.
Ginto:
Awit
19:9-10
Ang ginto sa natural na larangan ay isa sa pinakamahalagang hiyas. Ang Biblia ay itinulad sa ginto dahil sa halagang espirituwal nito.
PAGLALARAWAN NG BIBLIA
Dagdag sa mga simbulong ito, nagbigay din ang Biblia ng ibang mga paglalarawan ng Salita ng Diyos. Ito ay:
-Ang Espiritu ng Buhay: Juan 6:63
-Mga salita ng buhay na walang hanggan: Juan 6:68
-Mahalaga: I Samuel 3:1
-Dalisay: Kawikaan 30:5; Awit 12:6; 19:7; 119:140
-Katotohanan at kahinahunan: Gawa 26:25
-Katotohanan: Juan 17:17; Colosas 1:5; Awit 119:142
-Totoo mula sa pasimula: Awit 119:160
-Subok: Awit 18:3
-Tama: Awit 33:4; 19:8; 119:75
-Ang Salita ng buhay: I Juan 1:1; Filipos 2:6
-Ang Salita ng kaligtasan: Gawa 13:26
-Ang Salita ng pananampalataya: Roma 10:8
-Sakdal: Awit 19:7
-Tagapayo: Awit 119:24
-Tapat: Awit 119:86
-Nagpanatag: Awit 119:111
-Salita ng katuwiran: Awit 119:123
-Matuwid at tunay na tapat: Awit 119:138
-Matuwid: Awit 119:137
-Kasiyahan: Awit 119:143
TUGON SA SALITA
Hindi sapat ang makinig, bumasa, o mag-aral ng Salita ng Diyos. Itinuturo ng Biblia na dapat kang tumugon sa Salita ng Diyos. Kailangan mong:
-Ito ay bumagsak sa mabuting lupa sa iyong puso: Marcos 4, Lucas 8; Mateo 13
-Pakinggan at sundin upang maging matalino: Juan 12:47
-Ingatan ang Salita: Juan 14:23
-Sumampalataya kay Jesus upang ang Salita ng Diyos ay manatili sa iyo: Juan 5:38
-Magpatuloy sa Salita: Juan 8:31
-Hindi lamang sa pagkain mabuhay kundi sa Salita: Mateo 4:4; Lucas 4:4; Deuteronomio 8:3
-Purihin ang Kaniyang Salita: Awit 56:4, 10
-Ipagpasalamat ito: Purihin ang Kaniyang Salita higit sa Kaniyang pangalan: Awit 138:2
-Iukit ang Kaniyang mga Salita sa iyong puso: Santiago 1:21
-Maging tagagawa ng Salita at hindi tagapakinig lamang: Santiago 1:22-23
-Humingi ng kapatawaran sa kasalanan upang ang Kaniyang Salita ay manatili sa iyo:I Juan 1:10
-Pakanasain ang gatas ng Kaniyang Salita: I Pedro 2:2
-Hayaang manahang sagana ang Salita sa iyong puso: Colosas 3:16
-Gumamit na mabuti ng Salita ng Diyos: II Timoteo 2:5
-Saliksikin ang mga Kasulatan: Juan 5:39; Gawa 17:11
-Ihayag ang Salita: Awit 119:26-27
-Piliin ang Salita: Awit 119:30
-Manatili sa Salita: Awit 119:31
-Takbuhin ang daan ng Kaniyang Salita: Awit 119:32
-Ingatan ito: Awit 119:33
-Sundin ito: Awit 119:34
-Masiyahan dito: Awit 119:35; 70; 77; 143; 174
-Ibaling ang iyong puso dito: Awit 119:36
-Nasaing ito ay mapagtibay sa iyong puso: Awit 119:38
-Manabik dito: Awit 119:40
-Gamitin ito sa pagsagot sa iba: awit 119:42
-Umasa dito: Awit 119:43, 47
-Ingatan magpakailanman: Awit 119:44
-Hanapin ang Kaniyang mga tuntunin: Awit 119:45
-Maging laan na salitain ito sa harap ng mga lider: Awit 119:46
-Pagbulay-bulayan ito: Awit 119:48; 78; 148
-Huwag humiwalay dito: Awit 119:52
-Lumakad ayon sa mga katuruan nito: Awit 119:59
-Huwag maging makupad sa pagsunod sa Kaniyang Salita: Awit 119:60
-Huwag kalimutan ito: Awit 119:61, 83, 93, 153, 176
-Pumili ng mga kasama na may takot sa Salita at sinusunod ito: Awit 119:63
-Sampalatayanan ito: Awit 119:66; 128
-Ingatan ng buong puso: Awit 119:69
-Pahalagahan ng higit sa ginto at pilak: Awit 119:72
-Nasain na matutuhan ito: Awit 119:73
-Umasa sa Salita: Awit 119:74; 81
-Makasumpong ng kaaliwan dito: Awit 119:76; 82
-Nasaing baguhin nito ang iyong puso: Awit 119:80
-Huwag talikuran ito: Awit 119:87
-Hanapin ito: Awit 119:94
-Ituring ito: Awit 119:95
-Manabik sa Salita ng Diyos: Awit 119:131
-Iayon ang iyong mga hakbang sa Salita: Awit 119:133
-Mapighati ka kung ang Salita ay hindi iginagalang: Awit 119:136; 158
-Mamangha ka sa Salita ng Diyos: Awit 119:161
-Ibigin ito: Awit 119:163, 165, 167
-Salitain ang Kaniyang Salita: Awit 119:172
PANANAGUTAN PARA SA SALITA
Dagdag sa wastong pagtugon sa Salita ng Diyos, mayroon ka ring pananagutan para sa Salita ng Diyos. Tinanggap ng unang iglesia ang pananagutang ito sa kanilang paghayo sa lahat ng dako na ipinangangaral ang Salita ng Diyos (Gawa 8:4; 13:49; 12:24). Humingi sila sa Diyos ng katapangan upang salitain ang Salita (Gawa 4:29 at 31) at ang Salita ng Diyos ay lumaganap sa buong daigdig dahil sa kanilang pagsusumikap (Gawa 6:7; 19:20)
Narito an inihayag ng Biblia tungkol sa IYONG pananagutan para sa Salita ng Diyos:
-Kailangan mong ipangaral ang Salita sa buong daigdig: Mateo 28:19-20; Lucas 24:47; Marcos 16:15
-Kung ikaw ay naturuan ng Salita, dapat mo ring ituro ito sa iba: Galacia 6:6
-Kailangan mong ipangaral ang Salita: II Timoteo 4:2
-Salitain mo ang Kaniyang Salita na walang takot: Filipos 1:4
-Inilagay ng Diyos ang Kaniyang Salita sa iyo upang masabi mo sa iba: Deuteronomio 18:18-19; Isaias 51:16; Jeremias 1:9; 3:12; 5:14; 26:12; Ezekiel 2:6-7
-Hindi mo dapat salitain ang iyong sariling mga salita kundi ang Kaniyang mga Salita: Isaias 58:13
-Huwag mong ikahiya ang Salita: Marcos 8:38
-Kailangan mong ituro sa iyong mga anak: Deuteronomio 6: 6-9
MGA BABALA SA SALITA
Narito ang ilang mga babala na bigay ng Diyos tungkol sa Kaniyang Salita:
-Paguusig ay dumarating sapagkat ang Salita ng Diyos ay ipinangaral: Marcos 4:7
-Ang ilang mga tao ay papatayin dahil sa kanilang pagsaksi sa Salita: Apocalipsis 6:9; 20:4
-Ang Salita ay walang bisa sa iyong buhay dahil sa tradisyon ng mga tao: Marcos 7:13
-Maaari mong baluktutin ang Salita ng Diyos: Jeremias 23:36
-Maaari mong kalakalin ang Salita ng Panginoon: II Corinto 2:17
-Maaari mong gamitin ang Salita sa pandaraya: II Corinto 4:2
Sinabi ng Biblia na huwag makinig sa bawat salitang iyong marinig: Kawikaan 14:15 (Ang ibig sabihin nito ay hindi lahat ng nagaangkin na sila ay nagdadala ng Salita ng Diyos ay gayon nga) May mga bulaang mga tagapagturo na hindi ang Salita ng Diyos ang itinuturo (Judas 1). Dapat kang lumayo sa mga taong ito (I Timoteo 6:3-5). Hindi dinadala ng mga bulaang mga tagapagturo ang tunay na Salita ng Diyos. Ang dala nila ay sarili nilang salita. Nagsasalita rin sila ng:
Mga salita ng kasinungalingan: Jermias 29:23
Mga salitang walang kabuluhan: Efeso 5:6
Mga salitang mapanghikayat: Colosas 2:4
Mga salitang papuri: I Tesalonica 2:5
Walang saysay na mga salita: I Timoteo 6:21
Mga salitang pakunwari: II Pedro 2:3
Mga salita ng kapalaluan: II Pedro 2:18; Judas 16
Mga salitang masasama: III Juan 10
Sa pagtatapos, nagbigay ang Biblia ng huling babala tungkol sa Salita sa Apocalipsis 22:18-19:
Aking sinasaksihan sa bawat taong nakikinig
sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdadagdag sa mga
ito, ay daragdagan siya ng Diyos ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
At kung ang sinoman ay magalis sa mga
salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa
punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na
ito. (Apocalipsis 22:18-19)
PANGSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Maglista ng huwag kukulangin sa limang mga simbulo na ginamit sa Biblia upang kumatawan sa Salita ng Diyos.
3. Maraming mga hangarin ng Salita ng Diyos ang nalista sa kabanatang ito. Maaari ka bang maglista ng hindi kukulangin sa tatlo?
4. Bakit hindi mo dapat paniwalaan ang lahat ng salita na iyong marinig?
5. Ano ang babala na ibinigay sa mga nagdadagdag sa Salita ng Diyos?
6. Ano ang babala na ibinigay doon sa mga magbabawas ng anoman mula sa Salita ng Diyos?
7. Sino ang pinagmulan ng Salita?________________________________________
8. Mula kanginong salita ang sinalita ni Jesus? ________________________________________
9. Ang dalawang pangunahing mga dibisyon ng nilalaman ng Biblia ay ang _________________
at ang_____________________ ng Salita.
10. Ayon sa tala ng Biblia, sino ang unang tao na sumulat ng Salita ng Diyos?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sa lahat ng mga kabanata sa Biblia, ang Awit 119 ang nangusap ng higit na madalas tungkol sa Salita ng Diyos. Ito rin ang pinakamahabang kabanata sa Biblia.
May mga ibat-ibang mga salita ang ginamit sa pagtukoy sa Salita ng Diyos sa kabanatang ito. Nadaragdagan ang ating kaalaman ng Kaniyang Salita sa tuwing gagamitin ang mga ito. Basahin ang Awit 119 at guhitan ang mga sumusunod na mga salita tuwing ang mga ito ay makikita:
-salita
-mga salita
-kahatulan
-patotoo
-tuntunin
-kautusan
-utos
-kaniyang daan
-kaniyang mga patotoo
Pagkatapos mong guhitan ang bawat isa sa mga salitang ito sa Awit 119, basahin mo uli ang kabanata at lumikha ka ng isang tsart upang bigyang buod ang iyong pag-aaral. Sundan ang paraan sa ibaba. Ilista ang bawat numero ng talata na naglalaman ng isa o higit pa sa mga salitang ito at pagkatapos ay ibigay ang buod ng kung ano ang itinuturo ng talata tungkol sa Salita ng Diyos.
Ituloy ang paraang ito:
Numero ng Talata Buod
1 Mapalad tayo kung tayo ay lumalakad sa Kaniyang mga kautusan.
________________________________________
IKA-SAMPUNG KABANATA
DEBOSYONAL NA PAG-AARAL NG
BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ilista ang mga hakbang sa pag-aaral ng Biblia sa paraang debosyonal.
. Gumawa ng isang pag-aaral ng Biblia na gamit ang paraang debosyonal.
SUSING MGA TALATA:
Ang mga mata ko’y nanguna sa mga pagpupuyat
sa gabi; Upang aking magunita ang salita Mo.
(Awit 119:148)
PAMBUNGAD
Ang unang paraan ng pag-aaral ng Biblia na iyong pag-aaralan ay ang paraang debosyonal. Ibinibigay ng kabanatang ito ang kahulugan, paliwanag, at nagpapakita ng isang halimbawa ng pag-aaral ng Biblia gamit ang paraang debosyonal. Ang bahagi na “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ay nagbibigay naman ng pagkakataon na magamit ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paggawa mismo ng isang pag-aaral na debosyonal.
ANG KAHULUGAN NG PARAANG DEBOSYONAL
Galing sa salitang “debosyon” ang paraang ito na ang ibig sabihin ay “pagtatalaga, pagaalay, pagsamba, at isang tapat na pagkapit sa isang usapin o tao.” Ang paraang debosyonal ng pag-aaral ng Biblia ay nagdaragdag ng pagtatalaga at pag-aalay sa Diyos. Inaakay tayo nito sa pagsamba at sa isang malalim na personal na kaugnayan sa Panginoong Jesu-Cristo.
Sa paraang ito ay hindi lamang sangkot ang pag-aaral ng Salita ng Diyos kundi ang paggamit ng mga katotohanan nito. Ang paraang ito ang pinakamatinding nilalabanan ni Satanas. Hindi ang iniintindi ni Satanas ang pag-aaral upang magkaroon ng kaalaman. Ang iniintindi niya ay ang mga positibong pagbabago sa iyong buhay espirituwal bunga ng pag-aaral ng Biblia. Hindi sapat ang maging “tagapakinig ng Salita.” Ang isang taong tagapakinig ng Salita ay yaong nag-aaral ng Salita ng Diyos ngunit hindi ginagamit ang Salita sa kaniyang buhay.
Datapuwat maging tagatupad kayo ng Salita,
at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
Sapagkat kung ang sinoman ay tagapakinig ng
Salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang
kaniyang talagang mukha sa salamin:
Sapagkat minamasdan niya ang kaniyang
sarili, at siya’y umaalis at pagdaka’y kaniyang nalilimutan kung ano siya.
Ngunit ang nagsisiyasat ng sakdal na
kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig
na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa
kaniyang ginagawa. (Santiago 1:22-25)
Matututuhan mo ang maraming mga paraan ng pag-aaral ng Biblia sa kursong ito ngunit ang bawat paraan ay kailangang magbunga ng paggamit ng mga natutuhan sa buhay. Kung nag-aaral ka man ng isang aklat, kabanata, talata, salita o anomang ibang pag-aaral, kailangang gamitin mo ang iyong natutuhan sa iyong buhay at ministeryo.
ANG PALIWANAG NG PARAAN
Gamitin ang porma na nasa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng araling ito sa paggawa mo ng pag-aaral debosyonal. Narito ang mga hakbang sa pag-aaral debosyonal:
UNANG HAKBANG: ITALA ANG PAUNANG IMPORMASYON NG BAHAGI:
Itala ang pangalan ng aklat na kinapapalooban ng bahagi na iyong pag-aaralan. Pagkatapos ay itala ang kabanata at numero ng talata na napili mong pag-aralan.
IKALAWANG HAKBANG: TUKUYIN
ANG PAKSA
Basahin ang bahagi ng Kasulatan na iyong napiling pag-aralan. Pumili ka ng isang pamagat na nagbibigay buod sa paksa at itala mo ito sa iyong tsart.
IKATLONG HAKBANG: TUKUYIN
ANG MGA SUSING TALATA
Ano ang talata na nagbibigay ng pinakamagandang buod ng Kasulatan na iyong pag-aaralan? Isulat ang talata at reperensya sa iyong tsart.
IKA-APAT NA HAKBANG: IBIGAY ANG BUOD
Sa iyong sariling mga salita, ibigay ang buod ng itinuturo ng bahagi ng Kasulatan.
1. Ibalangkas ang mga pangunahing mga punto.
2. Gumamit ng tsart upang ibigay ang buod ng bahagi.
3. Gumawa ng isang buod sa isang pangungusap.
4. Isalin mo sa iyong sariling mga pananalita ang talata. Ito ang “paraphrase” na paraan. Sundin ang talata, kaya nga lamang ay isulat sa kasalukuyang gamit na mga salita. (Tingnan ang halimbawa sa kabanatang ito)
IKA-LIMANG HAKBANG: MAGBULAY-BULAY
Mahalaga na basahin at pag-aralan ang Biblia ngunit dapat mo ring matutuhang magbulay-bulay sa Salita ng Diyos. Ang ibig sabihin ng salitang “pagbubulay-bulay” ay magisip, matagal isipin, at magdili-dili. Pagkatapos mong makapili ng bahagi ng Biblia na iyong pag-aaralan, tukuyin ang paksa at susing talata, at ibigay ang buod ng mga katuruan nito, pagkatapos ay pagbulay-bulayan ang bahagi.
Sinabi ng Diyos kay Josue na ang pagbubulay sa Kaniyang mga Salita ang susi sa tagumpay:
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag
mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong
masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y
iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng
mabuting kawakasan. (Josue 1:8)
Marahang basahin ang bahagi. Basahin nang malakas. Isipin na ang Panginoon ang nangungusap sa iyo sa bahaging ito. Gamitin mo sa iyong sarili ang ilang mga tanong na iminungkahi sa Ika-anim na Hakbang sa araling ito.
Isang mahalagang paraan ng pagbubulay sa Salita ay ang pagme-memorya nito. Kung memoryahin mo ang isang bahagi madali mo itong maaalaala kahit kailan mo maisip ito. Ang susing talata na iyong napili ay isang mabuting bahagi na memoryahin. Isulat ang reperensya kung saan makikita ang talata sa kabila ng isang tarheta:
Basahin nang malakas ang talata ng ilang ulit at pagkatapos ay sikaping ulitin ito na hindi na tumitingin sa tarheta. Pagkatapos mong bigkasin ang talata, tingnan mo sa tarheta kung tama ang iyong pagkakasabi. Tingnan mo naman ang kabila ng tarheta at bigkasin mo ang talata. Tingnan mo naman ang kabilang panig at sikaping matandaan ang reperensya. Itabi mo ang mga tarheta ng mga Kasulatng namemorya mo na at patuloy mong repasuhin at pagbulayan ito.
IKA-ANIM NA HAKBANG: IANGKOP ANG PAGGAMIT
Ngayon, nakahanda ka nang gamitin ang iyong natutuhan sa iyong pagbubulay. Ang paggamit sa iyong buhay at ministeryo ng mga katotohanang natutuhan ang mahalagang bahagi. Minsan hindi mo agad magamit ang iyong natutuhan, subalit simulan mong gamitin ang maaari mong magamit. Tutulungan ka ng Diyos na gamitin ang mga katotohanan ng Kaniyang Salita kahit maliliit na mga hakbang lamang sa simula.
Ang mga sumusunod na mga tanong ay tutulong sa iyo na gamitin ang Salita ng Diyos sa iyong buhay:
Halimbawang susundin:
May halimbawa ba sa bahaging ito ng Kasulatan na masusundan?
Maling iiwasan:
Mayroon bang mali o kasalanan na dapat iwasan?
Katungkulang gagawin:
Ang bahagi bang ito ay may hinihiling na hakbang na gawin? Sinabihan ka ba na gawin ang isang bagay? Kung gayon, ano ang hakbang na dapat mong gawin?
Pangakong aangkinin:
May pangako ba sa bahaging ito na maaari mong angkinin?
Kaugnayang palalaguin:
Ano ang itinuturo ng bahaging ito tungkol sa iyong kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo? Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos Ama, Jesu-Cristo, ang Anak, ang Espiritu Santo? Ano ang itinuturo nito sa iyong kaugnayan sa iba sa iyong pamilya, kumonidad, kongregasyon, at ang sanglibutan? Ano ang itinuturo nito sa kaugnayan mo sa iyong sarili?
Pagbabagong gagawin:
Ano ang mga pagbabago na kailangan mong gawin sa iyong buhay sa liwanag ng iyong natutuhan sa Kasulatang ito? Maging tiyak ka.
Ipapanalangin:
Manalangin ka patungkol sa bahaging iyong pinag-aralan. Hingin mo sa Diyos na tulungan ka na magamit ang mga katotohanan na iyong natutuhan. Ginagawang personal ng panalangin ang mga prinsipyo na itinuturo sa Salita ng Diyos. Maaari mo ring isulat ang iyong panalangin tulad ng halimbawa na ibinigay sa kabanatang ito.
HALIMBAWA NG PARAANG DEBOSYONAL
UNANG HAKBANG: ITALA ANG PAUNANG IMPORMASYON NG BAHAGI:
Aklat: Galacia
Kabanata: 5
Mga Talata: 16-25
IKALAWANG HAKBANG: TUKUYIN
ANG PAKSA
Paksa: Ang mga Gawa ng Laman at ang bunga ng Espiritu
IKATLONG HAKBANG: TUKUYIN
ANG MGA SUSING TALATA
Susing Talata: Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay magsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
IKA-APAT NA HAKBANG: IBIGAY ANG BUOD
1. Ang sumusunod ay isang halimbawa ng balangkas ng isang buod:
MGA GAWA NG LAMAN AT BUNGA NG ESPIRITU
I. Ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu at ang Espiritu laban sa laman. Sila
na nabubuhay sa laman ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos. Kabilang sa
mga gawa ng laman ang mga sumusunod:
A. Pangangalunya
B. Pakikiapid
C. Karumihan
D. Kalibugan
E. Pagsamba sa dios-diosan
F. Pangkukulam
G. Pagtataniman
H. Mga pagtatalo
I. Mga paninibugho
J. Pakikipagalitan
K. Pagkakampi-kampi
L. Pagkakabaha-bahagi
M. Hidwang pananampalataya
N. Pananaghili
O. Pagpatay
P. Paglalasing
Q. Kalayawan
II. Ang bunga ng Espiritu Santo na nais ng Diyos na ibigay sa atin ay kabaligtaran ng
mga gawa ng laman:
A. Pagibig
B. Kagalakan
C. Kapayapaan
D. Pagpapahinuhod
E. Kagandahang-loob
G. Kabutihan
H. Kaamuan
I. Pagpipigil
III. Kailangang tayo ay:
A. Lumakad ayon sa Espiritu (talatang 16,25)
B. Patnubayan ng Espiritu (talatang 18)
C. Mamuhay sa pamamagitan ng Espiritu (talatang 25)
2. Ang sumusunod ay isang
halimbawa ng tsart na nagbibigay ng buod.
MGA
GAWA NG LAMAN AT BUNGA NG ESPIRITU Galacia
5:16-25 Mga
Gawa ng Laman
Bunga
ng Espiritu
(Tinutupad ang Kalayawan)
(Nabubuhay sa Espiritu) Pangangalunya
Pagibig Pakikiapid
Kagalakan Karumihan
Kapayapaan Kalibugan
Pagpapahinuhod Pagsamba
sa diosdiosan
Kagandahang-loob Pangkukulam
Kabutihan Pagtataniman
Pagtatapat Pagtatalo
Kaamuan Pagkakaalitan
Pagpipigil Pagkakampikampi Hidwang
pananampalataya Kapanaghilian Pagpatay Paglalasing Kalayawan
3. Narito ang halimbawa ng kapahayagan ng buod:
Ang bahaging ito ay magkabalintuna: Ang mga pita ng laman at ang bunga ng Espiritu
Santo. Kung tayo ay kay Jesus, ating ipako sa krus ang mga pita ng laman at mamuhay, lumakad, at pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Ang mga gawa ng laman ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, pagtataniman, pagtatalo, pagkakaalitan, pagkakampikampi, hidwang pananampalataya, pananaghili, pagpatay, paglalasing, at kalayawan. Ang bunga ng Espirtu ay pagibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil.
4. Narito ang halimbawa ng isang malayang pagsasalin sa iyong sariling salita o paraphrase ng Galacia 5:24-25:
“ Sinira na ng mga na kay Cristo ang mga nasa, pagibig, at mga pita ng laman. Kung
sinasabi natin na ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin, kailangang ayon doon ang ating buhay.”
IKA-LIMANG HAKBANG:
MAGBULAY-BULAY
Mga talatang kakabisahin at pagbubulayan: Talatang 16-18 at 25-26. Gayon din kabisahin din ang listahan ng bungang espirituwal na nais ng Diyos na lumago sa iyong buhay. Pagbulayan at pag-aralan ang bawat bunga ng Espiritu Santo. Ano ang ibig sabihin ng magmagandang loob, mabuti, maamo, mapagpigil at iba pa?
IKA-ANIM NA HAKBANG: IANGKOP ANG PAGGAMIT
Halimbawang susundin: Palaguin ang bunga ng Espiritu Santo sa aking buhay.
Maling iiwasan: Mga gawa ng laman.
Katungkulang gagawin:
Lumakad sa Espiritu (talatang 16,25)
Patnubayan ng Espiritu (talatang 18)
Mamuhay sa pamamagitan ng Espiritu (talatang 25)
Pangakong aangkinin: “Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.” Talatang 16.
Kaugnayang palalaguin: Ang aking kaugnayan sa iba ay kailangang kakitaan ng pagibig, pagpapahinuhod, kagandahang loob, kaamuan. Kailangan kong palaguin ang kagalakan, kapayapaan, kabutihan, pagtatapat at pagpipigil sa bawat larangan ng aking buhay. Natutuhan ko na nais ng Diyos na ang aking kaugnayan sa Kaniya ay masalig sa kabanalan sa paguugali. Kung ako ay tunay na kay Cristo ito ay may bisa sa aking kaugnayan sa iba, sa aking sarili at sa Diyos.
Pagbabagong gagawin: Ang tatlong larangan na dito ko higit na kailangan ang pagbabago ay:
Pagpipigil: Pigilan ang aking gana. Palaguin ko ang pagpipigil at disiplina sa sarili.
Pagtatapat: Lalong sumampalataya sa mga pangako ng Diyos.
Pagibig: Magpakita ng pagibig sa mga nasa paligid ko na hindi kaibig-ibig.
Ipapanalangin:
Mahal na Amang nasa Langit:
Tulungan mo akong lumakad sa Iyong Espiritu, at mamuhay bawat sandali sa iyong
Espiritu. Linisin mo ang aking buhay mula sa mga gawa ng laman. Tulungan mo akong ipako sa krus ang mga makamundong nasain. Palaguin mo ang magandang bunga ng Espiritu Santo sa akin.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang pag-aaral ng Biblia sa debosyonal na paraan?
3. Ilista ang anim na hakbang ng debosyonal na paraan.
4. Ano ang ibig sabihin ng “taga-gawa ng Salita” at hindi “tagapakinig” lamang? Magbigay ng reperensya sa Kasulatan upang patunayan ang iyong sagot.
5. Bakit kinakalaban ni Satanas ang paggamit ng paraang debosyonal na pag-aaral ng Biblia?
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pag-aralan ang Filipos 4:4-9 na gamit ang paraang debosyonal sa pag-aaral ng Biblia. Gamitin ang pormang ito sa paggawa ng pag-aaral at ng ibang pag-aaral debosyonal.
DEBOSYONAL NA PAG-AARAL NG BIBLIA
Aklat:
Kabanata: Mga Talata:
Paksa:
Susing talata:
Ang buod:
Pagbubulay:
Iangkop ang paggamit:
Halimbawang susundin:
Maling iiwasan:
Katungkulang gagawin:
Pangakong aangkinin:
Kaugnayang palalaguin:
Pagbabagong gagawin:
Ipapanalangin:
IKA-LABINGISANG KABANATA
PAG-AARAL NG AKLAT
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipaliwanag kung paano mag-aral ng isang aklat.
. Gumawa ng pag-aaral ng aklat.
. Lumikha ng tsart ng pag-aaral.
. Lumikha ng balangkas ng isang aklat ng Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Sa paano lilinisin ng isang binata ang
kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. (Awit 119: 9)
PAMBUNGAD
Sa kabanatang ito matututuhan mong magsiyasat sa isang buong aklat ng Biblia. Matututuhan mo ring lumikha ng tsart at ng isang balangkas upang bigyang buod ang iyong mga pag-aaral. Ang isang halimbawa ng paraan ng pag-aaral ng isang aklat ay kabilang sa kabanatang ito at ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makagawa na gumagamit ng ganitong paraan sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral.” Sa mga sumusunod na mga kabanata, matututuhan mo kung paano pag-aralan ang kabanata, parapo, mga talata, at mga salita sa isang aklat.
Ang pagsisiyasat ng aklat ay isang halimbawa ng “synthetic” na pag-aaral ng Biblia. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay pag-aaral ng isang bagay sa kaniyang kabuuan upang makamit ang isang pagkalahatang kaalaman sa nilalaman nito. Sa bandang huli, kung ating hatiin ang aklat sa mga kabanata, parapo, mga talata, at mga salita, ang gagamitin naman natin ay ang “analytical” na pag-aaral ng Biblia. Ang pag-aaral naman sa ganitong paraan ay kukunin mo ang ibat-ibang bahagi at sisiyasatin mo isa-isa. Higit na detalyado ang “analytical” na pag-aaral kaysa sa “synthetic.”
ANG KAHULUGAN NG PARAAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral ng aklat ay mahalaga sapagkat ang mga kabanata, mga parapo, mga talata, at mga salita ng isang aklat ay dapat mabigyan ng kahulugan sa kanilang wastong konteksto. Ang isang pag-aaral ng aklat ay nagbibigay kaalaman sa kaniyang nilalaman.
PALIWANAG NG PARAAN
Narito ang tatlong mga hakbang sa pag-aaral ng isang aklat ng Biblia:
UNANG HAKBANG: PAUNANG PAGSUSURI:
Basahin ang buong aklat sa isang pagupo upang matukoy ang tema (paksa) ng aklat. Pumili ng isang pamagat na nagbibigay buod sa tema o paksa. Gagamitin mo ang pamagat na ito sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Aklat. Ito rin ang magiging pamagat ng iyong balangkas.
Tukuyin ang layunin kung bakit isinulat ang aklat, kangino ito isinulat, at ang may akda. Ang ilang mga aklat ay binabanggit ang pangalan ng may akda ngunit sa iba kakailanganin mo kumonsulta sa ibang aklat ng pag-aaral ng Biblia bukod dito.[†] Bawat may akda ay may tanging dahilan sa pagsulat sa ilalim ng pagkasi ng Espiritu Santo. Ang layuning ito ay madalas nasasalamin sa nilalaman ng aklat.
Tukuyin ang lugar na pinagganapan ng aklat. Ito ang dako kung saan naganap ang mga pangyayari. Itala mo ito sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Aklat.
Ibigay ang buod ng prinsipyo sa buhay at ministeryo sa isang pangungusap. Ito ang paunang katotohanan ng aklat na magagamit mo sa iyong buhay at ministeryo. Maraming mga prinsipyo ang itinuturo sa isang aklat, subalit sikaping matukoy ang pinakamahalaga para sa pahayag ng buod.
Tandaan, ang mga dibisyon ng mga kabanata sa Biblia ay hindi kinasihan ng Diyos. Ang mga ito ay ginawa ng tao upang maging madali ang paghanap ng mga tiyak na mga bahagi ng Biblia. Kung basahin mo ang buong aklat ng walang mga dibisyon ng mga kabanata makikita mo ang pangkalahatang mensahe ng aklat kung paano ito ibinigay sa orihinal.
Sa unang pagbasa, huwag mong gaanong pansinin ang mga detalye. Siyasatin mo ang aklat para sa pangkalahatang impormasyon: Paksa, may akda, layunin, kangino isinulat, saan lugar naganap, at paunang prinsipyo ng pamumuhay at ministeryo. Basahin mong mabilis upang makuha mo ang isang pangkalahatang pagtanaw sa buong aklat. Huwag kang hihinto upang suriin ang iyong binabasa. Saka mo ito gagawin.
IKALAWANG HAKBANG: ANG TSART NG PAG-AARAL NG AKLAT:
Basahin ang aklat sa ikalawang pagkakataon. Pansinin ang pangunahing mga dibisyon ng aklat. Ang mga dibisyong ito ay maaaring matukoy ayon sa paksa, pangyayari, materyales na kaugnay ng talambuhay, mga lugar na pinangyarihan, o iba pang gayong mga bagay.
Lumikha ng mga pamagat para sa bawat kabanata ng aklat. Ang pamagat ng kabanata ay kailangang kumatawan sa pangkalahatang nilalaman ng isang kabanata ngunit hindi naman ang ibig sabihin sa pagkat pangkalahatan ay ito na ang pamagat ng bawat kabanata. Isipin ang mga pamagat bilang mga hawakan na gagamitin upang makuha ang nilalaman ng kabanata. Maikli lamang ang gawin upang maging madaling matandaan. Ipasok ang mga pamagat na ito ng kabanata sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Aklat.
Piliin ang susing talata ng aklat. Ang susing talata ay yaong nagdadala ng pinakamagandang buod ng layunin o nilalaman ng aklat. Ipasok ang reperensya sa Tsart.
Habang ikaw ay nagbabasa, ilista ang mga pangalan ng mga pangunahing tauhan sa lugar na para dito sa tsart. Ang listahang ito ay magbibigay ng mapagpipilian kung gagawa ng pag-aaral ng talambuhay. Sa bandang huli ng kursong ito ay matututuhan mong mag-aral ng talambuhay.
Itala ang mga susing mga salita at pananalita sa tsart. Ang mga susing salita at pananalita ay yaong mga kailangan upang maunawaan ang aklat. Madalas ito ay nauulit o ipinaliliwanag ng mabuti sa aklat. Magagamit mo ang listahang ito para sa pag-aaral ng salita na pag-aaralan mo rin sa kursong ito.
IKATLONG HAKBANG: ANG BALANGKAS
NG AKLAT:
Ang huling hakbang sa pag-aaral ng aklat ay ang paggawa ng balangkas. Basahin muli ang aklat. Habang binabasa mo, lumikha ka ng balangkas ng buong aklat. Ang ilan sa mga dibisyon at pamagat ng kabanata sa iyong Tsart ay magiging pangunahing mga punto sa iyong balangkas. Ang layunin ng iyong balangkas ay upang magbigay ng buod sa buong nilalaman ng aklat.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PAUNANG PAGSUSURI:
Aklat: Ang aklat na napili para sa pagsisiyasat ay ang Filipos.
Paksa: Ang paksa ng aklat ay isang panawagan para sa pagkakaisang Cristiano.
May Akda: Ang may akda ng aklat ay si Apostol Pablo.
Kangino Isinulat: Ang aklat ay isinulat sa mga Cristiano sa lungsod ng Filipos.
Layunin: Ang pangkalahatang layunin ng aklat ay dalawa: Ito ay upang pasalamatan ang mga taga Filipos dahil sa kanilang pagtataguyod ng ministeryo at manawagan para sa pagkakaisang Cristiano.
Susing Mga Salita: Magalak, kagalakan.
Susing Talata: Filipos 2:2
Mga Tauhan: Eudias, Sintique, Timoteo, Epafrodito, Clemente, kasangbahay ni Cesar.
Prinsipyo Ng Buhay at Ministeryo: Ang paunang prinsipyo sa pamumuhay at ministeryo ay ang pagkakaisa ay nagdadala ng kagalakan.
IKALAWANG HAKBANG: ANG TSART NG PAG-AARAL NG AKLAT:
May Akda: Si Pablo
Kangino: Mga Mananampalataya sa Filipos
Layunin: Upang pasalamatan sila at manawagan para sa
pagkakaisang Cristiano.
Susing mga Salita: Magalak, kagalakan
Susing Talata: Filipos 2:2
Mga Tauhan: Eudias, Sintique, Timoteo, Epafrodito, Clemente,
kasangbahay ni Cesar.
Prinsipyo Ng Buhay at Ministeryo: Ang Pagkakaisang Cristiano ay nagdadala ng
kagalakan.
TSART NG PAG-AARAL NG AKLAT
Pangalan ng Aklat: Filipos
Pamagat
Para sa Tsart: Panawagan Para Sa
Pagkakaisang Cristiano
1 2 3 4 5
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Mga Pamagat ng Kabanata
IKATLONG HAKBANG: ANG BALANGKAS
NG AKLAT:
Filipos: Isang Panawagan Para sa Pagkakaisang Cristiano
I. Pambungad:
A. Pagbati 1:1-2
1. Mula kay Pablo at Timoteo
2. Para: Sa mga banal ni Cristo Jesus, mga obispo, at mga diakono sa Filipos.
B. Panalangin para sa mga taga-Filipos 1:3-11
C. Mga Personal na mga bagay 1:12-26
1. Mga pangyayaring nagpalaganap ng ebanghelyo 1:12-18
2. Pananampalataya na siya ay makawawala 1:19-21
3. Ang kaniyang mga katanungan kung higit na mabuti ang mabuhay o
mamatay 1:22-26
II. Mga payo para sa pagkakaisa 1:27-2:18
A. Panawagan sa pagkakaisa sa pagdurusa 1:27-30
B. Pagkakaisa kay Cristo 2:1-11
C. Ang paglagong espirituwal ay nagdadala ng pagkakaisa 2:12-18
III. Mga plano ni Pablo 2:19-30
A. Umaasang maisugo si Timoteo 2:19-23
B. Umaasang makarating din siya mismo 2:24
C. Isusugo si Epafrodito 2:25-30
IV. Mga Babala 3:1-4:1
A. Laban sa mga tagapagturo na nanghihikayat sa Judaismo 3:1-16
B. Laban sa mga bulaang mga tagapagturo 3:17-21
V. Mga Payo 4:1-9
A. Pagkakaisa ni Eudias at Sintique 4:1-3
B. Pagakakaisa sa galak 4:4
C. Pagkakaisa na may kahinahunan 4:5
D. Pagkakaisa sa panalangin 4:6
E. Pagkakaisa sa pag-iisip 4:7-8
F. Pagkakaisa sa pagitan ng karunungan at kilos 4:9
VI. Pasasalamat sa kanilang kaloob 4:10-20
VII. Bendisyon 4:21-23
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Isulat ang numero ng kahulugan sa harap ng uri ng pag-aaral na inilalarawan.
Uri Ng Pag-aaral Kahulugan
_____ Pag-aaral na analytical ng Biblia 1. Siyasatin ang isang bagay para sa pangkalahatang
nilalaman; isang pagsisiyasat sa isang aklat.
_____ Pag-aaral na synthetic ng Biblia 2. Pag-aralang detalyado ang isat-isang bahagi.
3. Ilista ang tatlong mga hakbang ng Paraan Ng Pag-aaral Ng Aklat.
4. Ano ang anim na mga paunang bagay na kailangang itala kung gumagawa ng paunang pagsisiyasat ng isang aklat?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Gumawa ng isang pag-aaral ng isa sa mga aklat sa Bagong Tipan. Para sa iyong unang pag-aaral, iminumungkahi namin na piliin ang isang maikling aklat. Gamitin ang mga hakbang sa paraan ng pag-aaral ng aklat na iyong natutuhan sa kabanatang ito. Bigyan ng buod ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng tsart at pagbabalangkas. Gamitin ang sumusunod na porma bilang gabay para dito at sa iba pang pag-aaral sa darating na panahon. Kung ang aklat ay may higit na bilang ng kabanata kaysa sa nagawa sa ibaba, gamitan mo ng higit sa isang porma upang makumpleto ang iyong pag-aaral.
TSART NG PAG-AARAL NG AKLAT
Pangalan Ng Aklat:
Pamagat
Para Sa Tsart:
Numero
ng mga Kabanata
1
2 3 4
5 6 7
8 9 10
11 12 13
14 15 16
17 18
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Mga Pamagat Ng Mga Kabanata
May akda:
Kangino:
Layunin:
Susing Mga Salita:
Susing Talata:
Mga Tauhan:
Prinsipyo sa Pamumuhay at
Ministeryo:
IKA-LABINGDALAWANG KABANATA
PAG-AARAL NG KABANATA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ilista ang apat na mga hakbang sa paraan ng pag-aaral ng kabanata.
. Pag-aralan ang Biblia sa pamamagitan ng mga kabanata.
. Lumikha ng tsart ng kabanata upang ibigay ang buod ng iyong pag-aaral.
. Lumikha ng balangkas ng kabanata.
SUSING MGA TALATA:
Ang salita Mo’y aking iningatan sa Aking puso. (Awit 119:11)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata natutuhan
mo kung paano gumawa ng pagsisiyasat ng isang buong aklat ng Biblia. Ngayon
naman ay matutuhan mo kung paano pag-aralan ang isang kabanata sa isang aklat
ng Biblia. Isang halimbawa ng pag-aaral ng kabanata ay ibinigay dito at mayroon
kang pagkakataon na gumawa ng gayong pag-aaral sa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na
Pag-aaral” ng araling ito.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN
Ang pag-aaral ng kabanata ay tulad ng binabanggit ng pamagat na ito. Ito ang pag-aaral ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng kabanata.
ANG PALIWANAG NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PUMILI NG PAMAGAT PARA SA KABANATA
Itala sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Kabanata ang pangalan ng aklat at ang numero ng kabanata na iyong pinag-aaralan. Basahin ang buong kabanata at bigyan ito ng pamagat na naghahayag ng nilalaman nito. (Kung nakagawa ka na ng pagsisiyasat ng aklat, nakapili ka na ng pamagat ng kabanata. Ipinaliwanag sa Ika-Labingisang Kabanata sa pag-aaral ng aklat kung paano pumili ng pamagat ng kabanata.)
IKALAWANG HAKBANG: MARKAHAN ANG MGA DIBISYON NG PARAPO
Markahan ang mga dibisyon ng parapo sa kabanata. Sa ibang Biblia (Ingles) ang mga parapo ay minarkahan ng simbulo ng parapo (¶). Sa iba namang Biblia (Ingles) ang mga simula ng parapo ay mas maitim na numero ng unang talata nito.
Kung ang iyong Biblia ay walang marka ng mga parapo ikaw na mismo ang tutukoy ng mga dibisyon ng mg parapo sa iyong sarili. Upang magawa mo ito kailangan mong maalaman ang kahuluugan ng parapo.
“Ang parapo ay isang grupo ng mga talata na magkakaugnay sa ilalim ng isang paksa.
Kung magbago ang paksa, isang bagong parapo ang nagsisimula.”
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG TSART PARA SA KABANATANG PAG-AARALAN
Sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Kabanata itala ang pamagat ng kabanata. Ilista ang mga talata ng mga dibisyon ng mga parapo (tingnan ang halimbawa). Pagkatapos ay bigyan ang bawat parapo ng pamagat na naghahayag ng nilalaman ng parapo. Gamitin ang kolum na may pamagat na “Mga Tala” upang maitala ang iyong mga kaisipan tungkol sa kaugnayan ng mga bahagi ng kabanata (tingnan ang halimbawa). Ang mga talang ito ang tutulong sa iyo sa paglikha ng balangkas ng kabanata.
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA NG BALANGKAS NG KABANATA
Sa nakaraang kabanata natutuhan mo kung paano magbalangkas ng isang buong aklat ng Biblia. Ngayon ang gagawin mo ay higit na detalyadong balangkas ng isang kabanata. Nakapili ka na ng pamagat para sa kabanata ng iyong gawin ang tsart para sa kabanata. Gamitin mo ito para sa pamagat ng iyong balangkas.
Gamitin ang mga dibisyon ng parapo at mga pamagat ng parapo para sa pangunahing mga punto. Pagkatapos ay pumili ka ng mga pangalawang mga punto at ibalangkas ang mga talata sa bawat parapo ng kabanata. Itala ang mga numero ng talata ayon sa mga pangunahing punto at pangalawang punto. Ibilang din ang anomang mga ibang reperensya ng Biblia na kaugnay ng paksa at ipaliwanag itong mabuti (tingnan ang halimbawa). Kung ang numero ng mga parapo ay lumampas sa mga puwang sa porma ng pag-aaral ng kabanata, gumamit ng mga dagdag na porma. Para sa mahahabang mga kabanata ng Biblia maaari kang gumamit ng ilang mga porma.
HALIMBAWA NG PARAAN
Pinili natin ang aklat ng Judas, na isang aklat na may isa lamang kabanata, upang gamiting halimbawa sa paraan ng pag-aaral ng kabanata.
UNANG HAKBANG: PUMILI NG PAMAGAT PARA SA KABANATA
Ang pamagat na napili para sa isang kabanata ng Judas ay “Babala Laban Sa Mga Bulaang Tagpagturo.”
IKALAWANG HAKBANG: MARKAHAN ANG MGA DIBISYON NG PARAPO
Ang kabanata ay hinati sa mga parapo na nagsisimula sa mga talatang 1, 3, 4, 5, 8, 11, 12, 14, 16, 17, 19, 20, 22, 24. Ang mga talatang ito ay binilugan sa Biblia upang markahan ang mga dibisyon ng parapo.
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG TSART PARA SA KABANATANG PAG-AARALAN
Narito ang halimbawa ng isang tsart sa pag-aaral ng kabanata:
Tsart
Ng Pag-aaral Ng Kabanata Aklat: Judas Kabanata: Una Pamagat ng Kabanata: Babala
Laban Sa Mga Bulaang Tagapagturo Mga Talata Pamagat
ng Parapo
Mga
Tala 1-2
Pambungad
Si Judas ang may akda 3
Layunin
Ipaglaban ang pananampalataya 4
Ilang mga Tao
Limang natukoy na mga katangian 5-7
Natalang
Kasaysayan
Isarel, Mga anghel, Sodom/Gomorra 8-10
Paglalarawan
Nagsimula Lima pang mga katangian 11
Paglalarawan sa
pamamagitan ng Cain, Balaam, Core
Halimbawa 12-13
Paglalarawan sa
pamamagitan ng Mga tanda sa pista, ulap, puno, alon,
bituwin
Paghahalintulad 14-15
Darating na Hatol
Ng
Panginoon at mga banal, hinulaan ni Enoc 16
Patuloy na
Paglalarawan
Lima
pang mga katangian 17-18
Tandaan ang mga
Salita
Babala
ni Jesus 19
Patuloy na
Paglalarawan
Tatlo
pang mga katangian 20-21
Pagiwas sa Pandaraya
Isang
plano may apat na punto 22-23
Paano Makitungo Sa
Kanila
Dalawang
kategorya 24-25
Bendisyon
Maaari
tayong maingatan mula sa mga masama kasamaang
ito
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA NG BALANGKAS NG KABANATA
Narito ang balangkas ng kabanata na ating nalikha mula sa pag-aaral ng Judas:
Ang Balangkas ng Kabanata ng Judas: Babala Laban Sa Mga Bulaang
Tagapagturo
I. Pambungad: Pagbati 1:1-2
A. Mula Kay: Judas
1. Kapatid ni Santiago.
2. Alipin ni Jesu-Cristo.
B. Sa:
1. Binanal ng Diyos.
2. Iningatan kay Cristo.
3. Tinawag.
II. Layunin: 1:3
A. Orihinal na layunin: Kaligtasan ng lahat.
B. Binagong Layunin: Payo na kanilang ipaglaban ang pananampalataya.
III. Mga Katangian ng “ilang mga tao” (bulaang mga tagpagturo): 1:4
A. Nagsipasok ng lihim.
B. Itinalaga sa kahatulan.
C. Mga di banal na mga tao.
D. Pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng Diyos.
E. Itinatwa ang Panginoong Jesu-Cristo.
IV. Tatlong natalang kasaysayan: 1:5-7
A. Israel: Minsang iniligtas, pagkatapos ay sinira: 5 (Bilang 13-14 at I Corinto
10:5-10)
B. Mga Anghel: Iniwan ang unang kalagayan, inilaan para sa tanikala: 6
(II Pedro 2:4)
C. Sodom at Gomorra: Nagbunga ang kasalanan ng kahatulan sa pamamagitan ng
apoy: 7 (Genesis 18-19)
V. Mga paglalarawan ng mga bulaang mga tagapagturo 1:8-10 (patuloy mula sa talatang 4)
A. Maruruming pangitain: 8
B. Inihawa ang laman: 8
C. Hinamak ang mga paghahari: 8
D. Nilalait ang mga mararangal: 8-9
1. Si Miguel na arkanghel ay hindi nangahas na alipustahin kahit ang diablo.
2. Ang mga taong ito ay umalipusta sa mga bagay na hindi nila alam.
E. Sinira ang mga likas na bagay: 10
VI. Paglalarawan sa mga masasamang mga taong ito sa pamamagitan ng halimbawa: 1:11
A. Daan ni Cain: Tinanggihan ang dugo bilang kailangan para sa kapatawaran ng
kasalanan. (Genesis 4)
B. Kamalian ni Balaam: Ministeryo ginawang hanapbuhay. (Bilang 22-24)
C. Pagsalangsang ni Core: Itinatwa ang itinakdang liderato ng Diyos. (Bilang 16)
VII. Paglalarawan sa mga masasamang taong ito sa pamamagitan ng paghahalintulad:
1:12-13
A. Mga tanda: Mga bato natago sa mga piging; bato sa pagkain
B. Mga ulap: Puro pangako napapako naman; madaling humapay kung saan-
saan.
C. Mga Puno: Walang bunga, walang ugat kaya hindi matibay; doble patay na:
Minsan sa kasalanan at pangalawa sa pagpapaimbabaw.
D. Mga alon: Maingay, ngunit walang natutupad.
E. Mga bituwin: Mukhang may ningning ngunit nakalaan sa dilim.
VIII. Darating na hatol hinulaan ni Enoc: 1:14-15 (Genesis 5:18-24)
A. Hinatulan ng Panginoon na may 10,000 mga banal.
B. Para sa lahat ng kanilang masasamang mga ginawa.
C. Para sa lahat ng mga panglalait na ginawa laban sa Kaniya.
IX. Patuloy na paglalarawan ng masasamang mga tao: 1:16-17
A. Mapagbulong.
B. Madaingin.
C. Nagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita.
D. Nagsasalita ng kapalaluan.
E. Nagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
X. Tandaan: Nagbabala si Jesus: 18-19
A. Manunuya sa huling panahon.
B. Magsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita.
C. Ihihiwalay ang mga sarili (umpok-umpok)
D. Malalayaw.
E. Walang taglay na Espiritu.
XI. Apat na punto upang makaiwas na madaya ng masasamang mga tao: 1:20-21
A. Papagtibayin ang sarili sa pananampalataya: 20
B. Manalangin sa Espiritu Santo: 20
C. Manatili sa pagibig ng Diyos: 21
D. Asahan ang awa ng Panginoong Jesu-Cristo: 21
XII. Ang ating tugon sa masasamang mga taong ito: 1:22-23:
A. Sa ilan magpakita ng kahabagan: 22
1. Kilalanin ang mga mahihina mula doon sa mga sadyang masama (tingnan
ang sumunod na talata).
B. Ang ilan ay iligtas na may takot: 23
1. Agawin sila mula sa apoy ng kasalanan/impiyerno.
2. Kapootan pati ang damit na nadungisan ng laman.
XIII. Pangwakas na bendisyon: 1:24-25
A. Siya ang magiingat sa atin mula sa pagkatisod: 24
1. Upang iharap na walang kapintasan.
2. Sa harapan ng Kaniyang kaluwalhatian.
3. Na may malaking galak.
B. Sa iisang Diyos sa ating Tagapagligtas, ngayon at kailanman: 25
1. Kaluwalhatian.
2. Karangalan.
3. Paghahari.
4.
Kapangyarihan
PAGGAMIT NG MGA TANONG
Ang pagkatuto sa pagtatanong ay tutulong sa iyo na gumawa ng detalyadong pag-aaral ng mga bahagi ng Biblia. Ang sumusunod na listahan ng mga tanong ay tungkol sa isang kabanata ng aklat ni Judas na ginamit na halimbawa sa araling ito. Ang listahang ito ay isang halimbawa kung paanong ang wastong paraan ng pagtatanong ay maaaring patnubayan ka sa higit na detalyadong pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Mga Talatang 1-2:
Sino ang may akda ng sulat?
Anong kaugnayan kay Jesus ang nabanggit?
Ano ang kaugnayan sa kay Santiago?
Ano ang tatlong paraan ng pagtukoy ni Judas na ang babasa ng sulat ay mga Cristiano?
Ano ang ibig sabihin ng “iningatan”?
Yamang siya ay sumulat sa kanila na “iningatan” ang ibig sabihin ba nito ay mayroong mga
tinawag at inibig ngunit hindi iningatan kay Jesus?
Talatang 3:
Ano ang ibig sabihin ng “kaligtasan nating lahat”?
Ano ang nasa talatang 3 na nagpapakita na iniba ng Espiritu Santo ang isip ni Judas tungkol sa
paksa ng kaniyang sulat?
Ano ang talagang orihinal na isusulat niya?
Sino ang mga banal?
Talatang 4:
Bakit sila binigyan ni Judas ng babala na ipaglaban ang pananampalataya?
Ano ang ibig sabihin ng “makipaglaban”?
Sinasabi ba ng teksto na ang mga bulaang mga tagapagturong ito ay dumating na o darating pa
lamang?
Saan nakapasok ang mga di banal na mga taong ito?
Ano ang dalawang salita na naglarawan kay Jesu-Cristo?
Ano ang tatlong bagay na naglarawan sa mga di banal na mga taong ito?
Mga Talatang 5-8:
Ano ang dalawang katotohanan tungkol sa Israel na binanggit sa talatang 5?
Paano ito naugnay sa paksa ni Judas?
Sino ang punong anghel na kabilang sa mga inilarawan sa talatang 6?
Ano ang ibig sabihin ng “dakilang araw”?
Ano ang tinutukoy ng “apoy na walang hanggan”?
Mga Talatang 9-10:
Sino si Miguel?
Bakit hindi humatol si Miguel sa Diablo?
Ano ang pinaglabanan ni Miguel at ng Diablo?
Sino ang mga nasa talatang 10 na nagsasalita ng kasamaan?
Talatang 11:
Ano ang tatlong mga halimbawa ng parusa na ibinigay sa talatang ito?
Ano ang kasalanan ni Cain?
Ano ang kasalanan ni Balaam?
Ano ang kasalanan ni Core?
Ano ang tatlong mga salita na naglarawan ng mga kilos ng mga di banal na mga tao?
Mga Talatang 12-13:
Inihalintulad ni Judas ang mga taong ito sa mga bagay mula sa kalikasan. Ano ang mga ito?
Ano ang pagkakatlulad ng mga alon, mga ulap, at mga bituwin na nailarawan?
Mga Talatang 14-16:
Sino si Enoc?
Ano ang nasa talatang 16 na maaaring tumukso sa isang tao upang magpakita ng paggalang sa
iba?
Mga Talatang 17-19:
Ano ang nasa talatang 17 na katulad ng talatang 1?
Ano ang katulad sa talatang 17 sa talatang 5?
Gaano kadalas ginamit ang salitang “di banal” sa mga talatang 15 at 18?
Mga Talatang 20-23:
Sino ang may pananagutan sa pagkakaroon ng pananampalataya?
Ano ang ibig sabihin ng salitang “papagtibayin” kaugnay ng bilis ng paglagong espirituwal sa
buhay Cristiano?
Sino ay may pananagutan na makapanatili tayo sa pagibig ng Diyos?
Mga Talatang 24-25:
Sino ang makapagiingat sa atin mula sa pagkatisod?
Ano ang ibig sabihin ng maiharap sa Diyos na walang kapintasan?
Anong mga katangian ng Diyos ang binanggit sa talatang 25?
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ano ang paraan ng pag-aaral ng kabanata ng Biblia?
3. Ilista ang apat na hakbang sa pag-aaral ng kabanata ng Biblia.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Gamitin ang inyong natutuhan sa kabanatang ito sa pag-aaral ng II Pedro 2. May katulad na paksa ang kabanatang ito sa kabanata ng Judas na ating ginamit na halimbawa sa araling ito.
Gamitin ang porma sa pag-aaral ng kabanata sa susunod na pahina. Gumawa ng kopya ng pormang ito sa pag-aaral ng kabanata sa hinaharap.
2. Gumawa ng listahan ng mga tanong mula sa II Pedro 2. Ang listahang ito ay tutulong sa iyo sa higit na detalyadong pag-aaral ng mga parapo, mga talata, at mga salita na iyong matututuhan sa mga sumusunod na kabanata.
3. Basahin lahat ang mga ebanghelyo: Mateo, Marcos, Lucas, Juan. Isulat mo ang lahat ng mga tanong na itinanong ni Jesus at pansinin kung paano Niya ginamit ang pagtatanong upang tulungan ang iba na matuto.
PAG-AARAL NG KABANATA
AKLAT: ________________________________________
KABANATA: ________________________________________
PAMAGAT NG KABANATA: ________________________________________
Mga Talata Pamagat ng Parapo
Mga
Tala
IKA-LABINGTATLONG KABANATA
PAG-AARAL NG PARAPO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Gumawa ng pag-aaral ng parapo.
. Lumikha ng tsart ng parapo upang bigyan ng buod ang iyong pag-aaral.
. Ibalangkas ang isang parapo sa Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Ang bukas ng Iyong mga salita ay nagbibigay
nga liwanag; Nagbibigay ng unawa sa walang muwang. (Awit 119:130)
PAMBUNGAD
Natutuhan mo kung paano sumiyasat sa isang aklat ng Biblia at pag-aralan ang isang kabanata sa aklata na yaon. Noong mag-aral ka ng kabanata, hinati mo ang kabanata sa mga parapo. Ngayon matututuhan mo kung paano pag-aralan ang mga parapo. May halimbawa ng pag-aaral ng parapo na ibinigay dito at binigyan ka rin ng pagkakataong gumawa ng isang pag-aaral sa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” sa araling ito.
ANG PAG-AARAL NG PARAPO
UNANG HAKBANG: GUMAWA NG PAG-AARAL NG ISANG KABANATA:
Tulad ng iyong natutuhan, ang bawat kabanata ng Biblia ay binubuo ng mga parapo. Ang parapo ay ang mga grupo ng mga talata na patungkol sa isang paksa. Kung mabago ang paksa, isang bagong parapo ang nagsisimula. Sa iyong pag-aaral ng isang kabanata mapapansin mo ang mga mahahalagang parapo o mga parapo na waring kaugnay ng iba pa. Ito ang mga posibilidad sa pag-aaral ng parapo.
IKALAWANG HAKBANG: PANSININ ANG MGA DETALYE:
Ang mga parapo sa isang kabanata ay maaaring maugnay sa isat-isa sa ibat-ibang mga paraan. Narito ang ilang mga tanging mga bagay na papansinin sa iyong pag-aaral ng parapo:
Mga Pang-ugnay:
Ang mga salitang pang-ugnay ay napakahalaga. Ito ay naghahayag ng mga kaugnayan sa loob ng parapo at sa pagitan ng mga parapo. Ang salitang “ngunit” ay isang salitang pang-ugnay at nagpapakilala ng mga paghahambing. Halimbawa:
Ngunit nilalait ng mga taong ito ang
di nila nalalaman; at ang mga bagay na likas nilang nalalaman-tulad ng mga
hayop-ay ginagamit nila sa kanilang ikapapahamak.
(Judas 1:10 MBB)
May paghahambing sa parapong ito. Ang mga bulaang tagapagturo ay nagsasalita ng masama sa mga bagay na hindi naman nalalaman, NGUNIT sinisira naman nila ang mga bagay na kanilang nalalaman. Nagsimula sa Magandang Balita Biblia ang talata sa salitang “ngunit” na pinatitingnan sa iyo ang talatang 9 upang ipakita ang kabaligtaran:
Datapuwat ang arkanghel Miguel, nang
makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi
nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi
sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
(Judas 1:9)
Ang talatang 10 ay nagbibigay ng kabaligtaran ni arkanghel Miguel sa mga bulaang tagapagturo. Kahit si Miguel ay may mataas na katungkulan, hindi siya humatol na may panglalait gaya ng mga bulaang mga guro.
Ang pang-ugnay na salitang “o” ay nagbibigay din ng paghahambing. Halimbawa:
Sapagka’t dadalhin ng
Diyos ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling
bagay, maging ito’y mabuti O maging ito’y masama. (Eclesiastes 12:14)
Ilan pang mga salitang pang-ugnay na masdan ay ang “gaya” at “parang.” Sa halip na kabaligtaran ay nagpapakita ng paghahambing. Halimbawa sa sumusunod na talata si Satanas ay inihambing sa isang leon:
…ang inyong kalaban na diablo, na GAYA
ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya. (I Pedro 5:8)
Ang salitang “at” ay isa pang salitang pang-ugnay. Ito ay nagdaragdag sa naunang nasabi:
Gayon ma’y ang mga tao rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, AT hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno. (Judas 1:8)
Ang salitang “kung” ay nagbubungad
sa isang pangungusap na may kondisyon. Marami sa mga pangako at mga hula sa
Lumang Tipan ay ganito nasaad. Binanggit nito ang gawain ng Diyos KUNG
(sa kondisyong) ang Kaniyang bayan ay gagawa ng isang tiyak na pagtugon:
KUNG ang Aking bayan na tinatawag sa
pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang
Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; Akin ngang didinggin
sa langit, at ipatatawad Ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin Ko ang
kanilang lupain. (II Cronica 7:14)
Ang salitang “upang” ay nagtatakda ng layunin. Sinasabi nito na may nangyari “upang” ang isang tiyak na layunin ay matupad:
At Siya’y dumating at tumahan sa isang
bayang tinatawag na Nazaret; UPANG maganap ang mga sianlita ng mga
propeta, na Siya’y tatawaging Nazareno.
(Mateo 2:23)
Masdan din ang mga salitang “sapagkat, dahil.” Ang mga salitang ito naman ay nagdadala ng dahilan at resulta:
Datapuwat nang makita Niya ang mga
karamihan, ay nahabag Siya sa kanila, SAPAGKAT pawang nangahahapis at
nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor. (Mateo 9:36)
Ang salitang “sa” ay mahalaga ring pang-ugnay. Nagsasaad din ito ng kaugnayan sa pagitan ng mga konsepto:
At aasa SA
Kaniyang pangalan ang mga Hentil. (Mateo 12: 21)
Pangkalahatang Paghahanay:
Sa iyong pag-aaral ng mga parapo, pansinin ang paghahanay ng mga kaisipan at kung paanong ang mga talata ay nauugnay sa isat-isa. Minsan ang may akda ay gagawa ng isang pangkalahatang pangungusap, at pagkatapos ay ipinaliliwanag sa pamamagitan ng mga halimbawa. Minsan naman ay naglilista ng mga serye ng mga kaisipan at pagkatapos ay saka gagawa ng isang pangkalahatang pangungusap.
Sa halimbawang ibinigay sa bandang hulihan ng araling ito, mapapansin mo na si Judas ay sumulat ng ilang mga parapo na inilista ang mga katangian ng mga bulaang mga tagapagturo. Pagkatapos ay nagbigay siya ng mga halimbawa mula sa Lumang Tipan na naglarawan ng kaniyang mga itinuturo.
Paguulit:
Bawat salita ng Biblia ay kinasihan ng Espiritu Santo. Kung ang mga salita o pananalita ay inuulit ito ay sapagkat ang mga ito ay mahalaga. Kinasihan ng Espiritu Santo ang mga manunulat na ulitin ang mga salita at pananalita upang makintal ito sa alaala.
Ang mga salitang, “katotohanan, katotohanang” ay mga halimbawa nito. Nang ang mga sinalita ni Jesus ay ginamitan Niya sa simula ng ganitong mga salita ito ay tulad ng isang announcer na nagsabi “Sandali po lamang, may mahalagang pahayag.” Detalyadong pag-aralan ang anomang mga salita, o mga talata na inuulit.
Tanong at Sagot:
Mahalaga rin na pansinin ang mga tanong at mga sagot sa Biblia. Madalas ang isang may akda ay magsisimula ng isang paksa sa pamamagitan ng isang tanong. Pagkatapos ay ipaliliwanag niya ang tanong at magbibigay ng mga sagot na tungkol sa tanong. Ang isang magandang halimbawa nito ay Roma 6. Basahin ang buong kabanata. Pansinin ang mga tanong sa mga talatang 1-3 at ang mga sagot na nabuo sa buong kabanata.
Mga Pambungad:
Bantayan ang mga parapo na nagpapahiwatig ng paksa na susunod. Halimbawa, sa aklat ni Judas na iyong pinag-aralan sa nakaraang kabanata ang talatang 3 ang nagpahiwatig ng materyal na susunod:
Mga minamahal, samantalang ako’y ttotoong
nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan
akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa
pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal. (Judas 1:3)
Ang pambungad na parapong ito ang nagpaliwanag ng layunin ng kaniyang pagsulat. Pinapayuhan niya sila na masikap na ipaglaban ang tunay na pananampalataya. Ang nalabing bahagi ng kabanata ang nagbigay ng mga dahilan para sa mga payong ito. May mga bulaang tagapagturo na nakapasok sa iglesia na sinisikap na ihiwalay sila mula sa tunay na pananampalataya.
Mga Buod at Pagwawakas:
Maging listo sa mga parapo na nagbibigay buod sa isang buong bahagi, kabanata, o kahit sa isang buong aklat. Sa Eclesiastes, ang manunulat ay naglarawan ng kaniyang paghahanap sa buhay na hiwalay sa Diyos. Ang pangwakas niyang pananalita ay:
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig:
ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang Kaniyang mga utos; sapagkat ito ang
buong katungkulan ng tao.
Sapagkat dadalhin ng Dios ang bawat gawa sa
kahatulan, pati ng bawat kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y
masama. (Eclesiastes 12:13-14)
Pagsulong ng Kaisipan:
Sa pag-aaral ng mga parapo, masdan ang pagsulong ng mga kaisipan. Pansinin ang mga sumusunod na parapo:
Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa
ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang
kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;
At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa
pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;
At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa
kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig.
Sapagkat kung nasa inyo ang mga bagay na
ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang
bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
Sapagkat yaong wala ng mga bagay na ito ay
bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis
ng kaniyang dating mga kasalanan.
(II Pedro 1:5-9)
May tiyak na pagsulong sa bahaging ito. Idadagdag natin ang isang bagay sa nauna hanggang tayo ay maging mabunga.
Ang porma ng pagkasulat:
Ito ay patungkol sa kung paano nasulat ang bahagi. Ang ilang mga bahagi ay nasa porma ng istorya o kuwento. Ang ibig sabihin ay kung basahin ay basahin bilang kuwento. Ang ibang mga parapo naman ay nasa porma ng tula tulad ng mga bahagi ng Mga Awit. Ang ibang mga parapo ay inilapat sa pormang dula. Halimbawa, ang Awit Ng Mga Awit ay may mga dula at gayon din mga tula. Ang isa namang diskurso ay tulad ng isang sermon. Ito ay isang serye ng mga parapo na nagbibigay pagtuturo tungkol sa isang paksa.
Susing Mga Salita:
Ang pagtukoy sa susing mga salita ay tutulong sa iyo sa pagkaunawa ng kahulugan ng isang parapo. Ang susing mga salita ay yaong mahalaga sa kahulugan ng parapo. Madalas ito ay mga salita na inuulit. Lalong pansinin ang mga salitang hindi mo maunawaan. Ang mga salitang ito ay maaari mong pag-aralan bilang salita (Matututuhan mo ito sa bandang huli ng kursong ito). Halimbawa, basahin mo ang sumusunod na talata:
Sapagkat may ilang taong nagsipasok ng
lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na
pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating
iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.
(Judas 1:4)
Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang “kalibugan”? Mahalaga ang salitang ito sa parapo sapagkat naglalarawan ito sa mga bulaang mga tagapagturo. Isa sa kanilang mga katangian ay pinalitan nila ng kalibugan ang biyaya ng Diyos. Ang salitang ito ay isang halimbawa ng isang susing salita para pag-aralan.
Ang Kaayusang Gramatika:
Ang salitang “gramatika” ay tumutukoy sa mga bahagi ng isang pananalita o mga salita na magkakasanib upang bumuo ng isang pangungusap at mga parapo. Bantayan ang mga salitang tinatawag na “pandiwa”(verb). Ito ang mga salitang nagpapakita ng pagkilos na sinasabi ang nagawa na sa nakaraan, ginagawa sa kasalukuyan, o gagawin sa hinaharap. Ito rin ang mga ginagamit sa mga utos:
Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at
inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. (Marcos 16:15)
Ang mga salitang “humayo” at
“ipangaral” ay mga salita ng pagkilos. Ito ay utos upang ating sundin. Ang
isang “pangngalan” (noun) ay ang salita na ibinibigay sa isang tao, lugar o
bagay. Ang mga salita na malalaki ang letra ay pangngalan:
Si JUDAS, na alipin ni
JESUCRISTO, at kapatid ni SANTIAGO… (Judas 1:1)
Ang mga “pangngalan” ay nagsasaad kung sino at ano ay sangkot at saan naganap ang aksyon. Ang “panghalip”(pronoun) ay isang salita na kumukuha ng lugar ng isang “pangngalan.” Ang mga salitang “siya” ay isang halimbawa. Sa halip na sabihing “Kinasihan ng Espiritu Santo si Judas upang isulat ang aklat” maaari mong sabihin “Kinasihan SIYA ng Espiritu Santo upang isulat ang aklat.” Ang salitang “siya’ ay isang panghalip na kinuha ang lugar ng pangngalang Judas, o sa halip na Judas ay “siya” ang ginamit.
Ang mga “pang-uri” (adjectives) at ang mga “pang-abay” (adverbs) ay mga mahahalagang mga bahagi ng pananalita. Ang pang-abay ay may sinasaad tungkol sa pandiwa. Sinasabi nito kung paano nangyari ang isang bagay. Halimbawa, sa pangungusap na “Siya ay tumakbo nang mabilis,” ang salitang “mabilis” ay isang pang-abay sapagkat sinasaad nito kung paano siya tumakbo. Ang pang-uri naman ay naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Kung sabihin natin “Si Judas ay matangkad,” ang salitang “matangkad” ay isang pang-uri sapagkat inilalarawan si Judas.
Kung hindi mo dating napag-aralan ang mga bahagi ng pananalita maaaring ito ay nakalilito sa simula, ngunit hindi magtatagal at matutukoy sa iyong patuloy na pagsasanay. Ang mga bahagi ng pananalita ay mahalaga sapagkat kanilang kinikilala ang mga tao, mga lugar, at mga bagay. Sinasabi nito kung sino ang gumawa ng ano, saan, kailan at bakit. Sinasaad nila kung paano nagawa ang mga bagay , at kung ano ang nagawa noon, at gagawin pa. Nagbibigay din ang mga ito ng mga paglalarawan at detalye na nagpapadagdag sa pagkaunawa ng paksa.
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG
ISANG TSART PARA SA PARAPO:
Sa detalyadong pag-aaral ng parapo tulad ng inilarawan sa Ikalawang Hakbang, iyong kikilalanin ang mga tiyak na mga parapo na may kaugnayan sa isat-isa. Ang kanilang kaugnayan ay maaaring sa pagiging kabaligtaran, paghahambing, pagsulong, o sa iba pa. Piliin ito sa iyong pag-aaral ng parapo.
Ikaw ay lilikha ng tsart upang ibigay ang buod ng iyong pag-aaral ng mga parapong ito. Pumili ng isang pangkalahatang pamagat para sa iyong tsart na naghahayag ng kaugnayan ng parapo o ng paksa na kanilang tinukoy. Kabilang din sa tsart ang mga pamagat ng parapo at mga dibisyon na ginawa sa pag-aaral ng kabanata. Itala sa tsart ang aklat, kabanata, at mga parapo na pinag-aralan. Gamitin ang gilid ng tsart upang makagawa ng mga napansin at mga aplikasyon.
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA
NG ISANG BALANGKAS NG PARAPO:
Gamitin ang tsart upang tulungan ka na makalikha ng balangkas ng mga parapo. Ang mga balangkas na iyong malilikha sa mga kabanata at mga parapo ay tutulong sa iyo sa pagbabahagi ng katotohanan ng Diyos sa iba sapagkat tumulong ang mga ito sa iyo sa paghaharap ng iyong natutuhan sa isang maayos na paraan.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: GUMAWA NG PAG-AARAL NG ISANG KABANATA:
Ang pag-aaral ng kabanata ng Judas 1 ay ginawa sa nakaraang aralin. Ating gagawin ang pag-aaral ng parapo mula sa kabanata ring ito, kaya natapos na natin ang Unang Hakbang.
IKALAWANG HAKBANG: PANSININ ANG MGA DETALYE:
Sa malalim na pag-aaral ng mga parapo ng Judas 1, ang mga kaugnayan ay sumibol sa mga parapong 4, 8-10, 16, 17-18 at 19. Ang mga parapong ito ay naglista ng mga katangian ng mga bulaang tagapagturo.
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG
ISANG TSART PARA SA PARAPO:
Sa nakaraang kabanata nagbigay tayo ng isang walang sulat na tsart para sa iyong pag-aaral. Para sa pag-aaral ng parapo ikaw ang gagawa ng sarili mong tsart sapagkat imposible na matukoy kung gaano kalaking puwang ang iiwan sa tsart para sa pag-aaral ng parapo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo gumawa ng isang porma nito. Ang ilang mga parapo ay maraming mga detalye at mangangailangan ng maraming mga puwang.
Ang halimbawa ng isang Tsart Sa Pag-aaral Ng Parapo ay kasunod. Gamitin ang halimbawang ito upang lumikha ng iyong sariling tsart ng pag-aaral. Tiyakin mo na ilagay ang numero ng talata ng bawat parapo sa bloke ng parapo (pansinin ang numero sa kaliwang itaas ng bawat bloke o dibisyon sa tsart).
Tsart
Ng Pag-aaral Ng Parapo Aklat: Judas Kabanata: 1 Mga
Parapong: 4,8-10,16,17-18,19 Pamagat: Ang Mga Katangian Ng Mga Bulaang
Tagapagturo 4 Pumasok na lihim
Lumakad Itinalaga noong una sa
kahatulan
Pinagmulan Di banal na mga tao
Paguugali Pinalitan ng kalibugan
ang biyaya ng Diyos
Doktrina Itinatwa ang iisang
Panginoong Diyos at ating Panginoong Jesu-Cristo
Doktrina 8-10 Maruruming pangitain
Paguugali Inihawa ang laman
Paguugali Hinamak ang paghahari
Paguugali Inalipusta ang mga
pamunuan
Pagsasalita Nagsalita ng masama sa
mga bagay na hindi nila alam Pagsasalita Ang kanilang alam ay
sinira
Paguugali 16 Mapagbulong
Pagsasalita Madaingin
Pagsasalita Lumalakad ayon sa sariling
pita
Paglakad Nagsasalita ng
kapalaluan
Pagsasalita Nagpakita ng paggalang
para sa sariling pakinabang Paguugali 18 Mga manunuya
Pagsasalita Nagsisilakad ayon sa
kanilang masasamang pita
Paglakad Inihihiwalay ang
kanilang sarili
Paguugali Malalayaw
Paguugali Walang taglay na
Espiritu
Doktrina Susing salita na
pag-aaralan: Kalibugan (parapo 4):
Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA
NG ISANG BALANGKAS NG PARAPO:
Narito ang isang balangkas ng parapo sa “Mga Katangian Ng Mga Bulaang Tagapagturo.”
I. Ang kanilang pinagmulan:
A. Noong una pa lamang ay natalaga na sa kahatulan.
II. Ang kanilang paglakad:
A. Pumasok na lihim.
B. Lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pita.
C. Lumalakad ayon sa kanilang masasamang mga pita.
III. Ang kanilang pananalita:
A. Nilalait ang mga namumuno.
B. Nagsasalita ng masama tungkol sa mga bagay na hindi nila alam.
C. Mapagbulong.
D. Madaingin.
E. Nagsasalita ng kapalaluan.
F. Manunuya.
IV. Ang kanilang doktrina:
A. Pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng Diyos.
B. Itinatwa ang iisang Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
C. Walang taglay na Espiritu.
V. Ang kanilang paguugali:
A. Di banal.
B. Maruruming pangitain.
C. Hinawahan ng laman.
D. Inihiwalay ang sarili.
E. Sinira ang likas na kaalaman.
F. Inalipusta ang mga namumuno.
G. Hindi patas makitungo batay sa posisyon ng tao.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ilista ang apat na mga hakbang sa pag-aaral ng parapo.
3. Tingnan ang uri ng pagkasulat sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan sa harap ng uri ng pagkasulat na inilarawan.
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
________ Diskurso 1. Pormang kwento
________ Patula 2. Tula: Mga Awit ang halimbawa
________ Talinhaga 3. Tulad ng isang sermon
________ Istorya 4. Maiikling mga kuwento upang
ilarawan ang mga katotohanang espirituwal.
4. Tingnan ang bahagi ng pananalita sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan sa harap ng bahagi ng pananalita na inilalarawan nito:
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
______ Pangngalan 1. Salitang may pagkilos
______ Panghalip 2. Sinasabi kung paanong ang isang bagay
ay ginawa.
______ Pandiwa 3. Isang salitang naglalarawan.
______ Pang-abay 4. Pangalan ng tao, lugar, o bagay.
______Pantukoy 5. Ginagamit mo ito sa halip na ang
pangalan ng isang tao.
5. Tingnan ang mga salitang pang-ugnay sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan sa harap ng salita na inilarawan nito.
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
_____ Gaya 1. Ang mga salitang ito ay nagpapakita ng kabaligtaran.
_____ At 2. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay may idaragdag pa sa
nasabi na.
_____ Kung 3. Ang mga salitang ito ay naghahayag na may paghahambing
na gagawin.
_____ Ngunit 4. Ang salitang ito ay nagpapakita ng kondisyon na ibinigay ng
Diyos bago Siya tumugon.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Gumawa ng pag-aaral ng parapo ng Judas kabanata 1 parapong 5-7, 11, at 12-13 ng Judas kabanata 1.
Ang lahat ng mga parapong ito ay “Mga Halimbawa Ng Mga Bulaang Tagapagturo.” Ito ang magiging pamagat ng iyong tsart.
Mga Talatang 5-7 ay nagbibigay ng halimbawa ng kahatulan sa mga bulaang mga
tagapagturo.
Talatang 11 nagbibigay ng mga halimbawa ng kanilang mga kamalian.
Mga Talatang 12-13 nagbibigay ng mga likas na halimbawa (paghahambing) ng mga
bulaang tagapagturo.
2. Sa nakaraang kabanata gumawa ka ng pag-aaral ng kabanata ng II Pedro kabanata 2. Ang paksa ng kabanatang ito ay katulad ng Judas 1. Ito ay patungkol sa mga bulaang tagapagturo. Ngayon gumawa ka ng pag-aaral ng parapo ng II Pedro 2. Marahil may maidaragdag ka pa sa tsart na nasimulan na—“Mga Katangian Ng Mga Bulaang Tagapagturo” at “Mga Halimbawa Ng Mga Bulaang Tagapagturo.”
IKA-LABINGAPAT NA KABANATA
PAG-AARAL NG TALATA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipaliwanag kung paano gumawa ng pag-aaral ng talata.
. Gumawa ng pag-aaral ng talata.
. Lumikha ng isang tsart upang ibigay ang buod ng iyong talatang pinag-aralan.
. Lumikha ng balangaks ng talatang napag-aralan.
SUSING MGA TALATA:
Awitin ng aking dila ang Iyong salita; Sapagkat
lahat ng mga utos Mo ay katuwiran. (Awit
119:172)
PAMBUNGAD
Natutuhan mo na kung paano ang pagsisiyasat ng isa aklat ng Biblia at gumawa ng pag-aaral ng isang kabanata. Natutuhan mo na rin kung paano pag-aralan ang mga parapo sa loob ng isang kabanata. Sa araling ito matutuhan mo kung paano pag-aralan ang isang talata nang detalyado. Ang isang halimbawa ay ibinigay at ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na gumawa ng pag-aaral ng isang talata sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng kabanatang ito. Sa iyong paggawa ng isang pag-aaral ng talata, gamitin mo ang lahat ng iyong natutuhan sa mga nakaraang mga aralin tungkol sa pagtatanong at pagsusuri sa mga detalye ng straktura.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN NG PAG-AARAL
UNANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG TALATA SA KONTEKSTO NITO:
Ang bawat talata ay kailangang bigyan pakahulugan ayon sa konteksto nito. Ang konteksto ay ang mga talatang nakapalibot sa bahagi na kinalalagyan nito. Ibinibigay ng konteksto ang buong mensahe mula sa Diyos na ang isang talata ay bahagi lamang nito. Mahalaga na ang isang talata ay hindi alisin sa kaniyang konteksto at mamali sa pagkahulugan nito. Ito ang madalas na ginagawa ng mga bulaang mga tagapagturo.
IKALAWANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG MGA KAUGNAY NA MGA TALATA:
Matutuklasan mo sa konteksto ang mga talata na kaugnay ng talata na iyong napili na pag-aralan. Magdaragdag ito ng mga impormasyon sa talata na iyong pinag-aaralan. Maaaring sila ay magbigay ng kabaligtaran o paghahambing. Minsan, ang talata na iyong pinag-aaralan ay maaaring may kaugnayan sa mga talata sa ibang aklat ng Biblia. (Tingnan ang halimbawa sa kabanatang ito). Hanapin ang mga reperensyang ito at pag-aralan din ang mga ito.
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG TSART NG PAG-AARAL NG TALATA:
Pumili ng pamagat para sa tsart. Sa tsart ng pag-aaral ng talata, itala ang pangalan ng aklat, numero ng kabanata, at numero ng talata na iyong pinag-aaralan. Kung paano mo binuo ang iyong tsart ay nakasalalay sa uri ng impormasyon na iyong nakalap sa iyong pag-aaral. Kung natapos mo na ang pinagagawa sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” sa mga nakaraang mga kabanata, mayroon ka nang sapat na karanasan sa paggawa ng mga tsart ng pag-aaral kaya ikaw ay makalilikha na ng iyong orihinal na mga tsart. Maaari kang gumamit ng tsart na patayo o pahalang ayon sa impormasyon na iyong itinatala.
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA NG BALANGKAS NG TALATA:
Gamit ang kakayahang gumawa ng mga pagba-balangkas sa mga nakaraang mga ipinagawa sa iyo, lumikha ka ng balangkas ng talata. Pumili ng angkop na pamagat, pangunahin mga pang-ulo at mga pangalawa at mga sumusunod dito. Gamitin mo ang iyong tsart upang tulungan ka na maihanda ang balangkas ng talata.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG TALATA SA KONTEKSTO NITO:
Napili natin ang Judas 1:11 bilang talata na magpapakita kung paano ginagawa ang pag-aaral ng talata. Sa nakaraang mga aralin pinag-aralan natin ang talatang ito sa kaniyang kalagayan sa kabanata at parapo kaya natapos na natin ang pag-aaral ng talata sa kaniyang konteksto. Kung nakapili ka na ng talatang pag-aaralan, suriin mo muna ito sa kaniyang konteksto. Ginagawa mo ito sa pag-aaral ng kabanata at parapo, isang kakayahan na natutuhan mo sa nakaraang dalawang mga aralin. Alalahanin mo rin sa pag-aaral ng talata, na ito ay bahagi ng isang buong aklat kung saan ito matatagpuan. Ang pag-aaral ng Judas 1:11 sa konteksto nito ay natala sa Tsart Ng Pag-aaral Ng Talata.
IKALAWANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG MGA KAUGNAY NA MGA TALATA:
Ang Judas 1:11 ay kaugnay ng ibang mga talata tungkol sa mga bulaang tagapagturo sa unang kabanata. Ang mga talatang 5-7 ang nagbibigay ng mga halimbawa sa kasaysayan at ang mga talatang 12-13 ang nagbibigay ng mga halimbawa sa kalikasan ng mga bulaang tagapagturo. Ang Judas 1:11 ay kaugnay din ng tatlong mahahalagang mga bahagi ng Lumang Tipan:
Ang kasaysayan ni Cain: Genesis 4:1-15; I Juan 3:12
Ang kasaysayan ni Balaam: Bilang 22-24
Ang kasaysayan ni Core: Bilang 16
Ang pag-aaral sa mga kaugnay na mga talatang ito ay natala sa tsart na nagbibigay ng buod at sa balangkas.
IKATLONG HAKBANG: LUMIKHA NG TSART NG PAG-AARAL NG TALATA:
Pag-aralan ang halimbawa ng tsart ng pag-aaral ng talata na sumusunod:
TSART NG PAG-AARAL NG TALATA Aklat:
Judas Kabanata: 1
Talata: 11 MGA
HALIMBAWA SA LUMANG TIPAN NG MGA
BULAANG TAGAPAGTURO Judas
1:11: SINABI NG DIYOS: SA ABA NILA ANG MGA DAHILAN… 1. Sila ay nagsilakad sa daan ni CAIN Genesis
4:1-15: Itinatwa niya ang plano ng Diyos na sa pamamagitan lamang ng pagbubuhos ng dugo mapapatawad
ang mga kasalanan. Tingnan ang Hebreo 9:22 I
Juan 3:12: Pinatay niya ang sariling kapatid sapagkat ang kaniyang mga gawa
ay masama. 2. Sila ay nagsidaluhong na walang pagpipigil sa
kamalian ni BALAAM Bilang
22-24 Ginawa ang lahat para sa
pakinabang na pananalapi. 3. Sila ay nangapahamak sa pagsalangsang ni CORE Bilang
16: Tinanggihan ang awtoridad ng
mga tagapanguna na pinili ng Diyos. Pansinin ang pagsulong: Sila ay NAGSILAKAD sa maling daan…
Sila
ay NAGSIDALUHONG na walang pagpipigil sa mali…
Sila
ay NANGAPAHAMAK… Iba pang mga halimbawa ng mga bulaang
tagapagturo sa Judas 1: Mga halimbawa sa kasaysayan: Mga talatang 5-7 Mga halimbawa sa kalikasan: Mga talatang 12-13
IKA-APAT NA HAKBANG: LUMIKHA NG BALANGKAS NG TALATA:
Narito ang halimbawa ng isang balangkas ng isang talata:
MGA HALIMBAWA NG
MGA BULAANG TAGAPAGTURO SA LUMANG TIPAN
Aklat: Judas Kabanata: 1 Talata: 11
I. Sinabi ng Diyos, sa aba nila (mga bulaang tagapagturo).
II. Ang mga dahilan:
A. Sila ay nagsilakad sa daan ni Cain:
1. Genesis 4:1-15 Itinatwa niya ang plano ng Diyos na sa pamamagitan
lamang ng pagbubuhos ng dugo mapapatawad ang mga kasalanan.
a. Ang katotohanang ito ay nahayag sa Hebreo 9:22.
I Juan 3:12: Pinatay niya ang kaniyang kapatid sapagkat ang kaniyang
mga gawa ay masama.
B. Sila ay nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam.
1. Bilang 22-24: Ginawa ni Balaam ang lahat para sa pakinabang na
pananalapi.
C. Sila ay nangapahamak sa pagsalangsang ni Core (Kore sa Lumang Tipan)
1. Bilang 16: Tinangguhan ni Kore ang awtoridad ng pinuno na pinili ng
Diyos.
III. May pagsulong ang gawa ng kasamaan:
A. Una, lumalakad tayo sa maling daan.
B. Di nagtatagal at dumadaluhong tayo na walang pagpipigil sa kamalian.
C. Ang wakas ay kapahamakan.
IV. Ibang mga halimbawa ng mga bulaang tagapagturo sa Judas 1:
A. Mga halimbawa sa kasaysayan: Mga talatang 5-7
1. Israel
2. Mga anghel
3. Sodom at Gomorra
B. Mga halimbawa sa kalikasan: Mga talatang 12-13
1. Mga bato sa pagkain sa piging.
2. Mga ulap na walang tubig.
3. Mga punong walang bunga.
4. Mga mababangis na alon.
5. Mga bituwing gala.
Pansinin: Tandaan, kung paano sa lahat ng mga paraan ng pag-aaral ng Biblia, mahalaga na iyong gamitin ang anomang iyong natutuhan sa pag-aaral ng talata. Paano magagamit ang talatang iyong pinag-aralan sa iyong pamumuhay at ministeryo? Repasuhin ang paraang “Debosyonal na Pag-aaral” ng Biblia para sa panununtuan sa paggamit.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Mahalaga na palagi nating pag-aralan ang isang talata sa ____________________ nito.
3. Ilista ang apat na mga hakbang sa Pag-aaral Ng Talata.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sa mga nakaraang mga aralin, natapos mo ang pagsisiyasat ng aklat, pag-aaral ng kabanata, at pag-aaral ng parapo.
Pumili ka ng isang talata mula sa isang parapo na dati mo nang napag-aralan. Gamit ang kakayahang natutuhan mo sa kabanatang ito, gumawa ka ng pag-aaral ng isang talata. Ibigay ang buod ng iyong pag-aaral sa isang Tsart Ng Pag-aaral Ng Talata at ibalangkas sa puwang na nasa ibaba.
TSART NG PAG-AARAL NG TALATA:
ANG BALANGKAS NG TALATA:
IKA-LABINGLIMANG KABANATA
PAG-AARAL NG SALITA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang susing mga salita sa Biblia sa pag-aaral.
. Ipaliwanag kung paano mag-aral ng isang salita sa Biblia.
. Gumawa ng pag-aaral ng salita sa Biblia.
SUSING MGA TALATA:
Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo,
Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit,
sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat
ng mga bagay. (Mateo 5:18)
PAMBUNGAD
Natutuhan mong pag-aralan ang Biblia sa pamamagitan ng aklat, mga kabanata, parapo, at mga talata. Sa araling ito, matutuhan mong pag-aralan ang pinakamaliit na yunit ng Biblia na ito ay ang isang salita. Ang isang halimbawa ng paraan ng pag-aaral ng salita ay iniharap dito at bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng gayong pag-aaral sa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” sa kabanatang ito.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN
Ang pag-aaral ng salita ay ang pag-aaral ng isa-isang salita sa Biblia. Ang pakay ng pag-aaral ng isang salita ay maunawaan ang salitang ito sa kaniyang konteksto. Bawat detalye ng kinasihang Salita ng Diyos ay mahalaga kaya sinabi ni Jesus:
Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo,
Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit,
sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat
ng mga bagay. (Mateo 5:18)
Ang “tuldok at kudlit” ay mga letrang Hebreo. Kung kahit ang mga ito ay binigyang diin ni Jesus, alam natin na ang bawat salita ng Diyos ay mahalaga. Ang kahulugan ng bawat salita ay may bisa sa kahulugan ng mga talata. Ang mga talata naman ang nagpapaliwanag sa mga parapo. Ang mga parapo ay tumutulong sa iyo upang maunawaan ang mga kabanata at ang mga kabanata ang nagbibigay kaalaman sa buong aklat.
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng estraktura ng Biblia mula sa pangkalahatan (aklat) tungo sa mga tukoy na bahagi ( talata).
Pangkalahatang
Pag-aaral → Mga Aklat
Mga
Kabanata
Mga
Parapo
↕ Mga Talata
Mga
Salita
Tukoy Na Pag-aaral
→ Pag-aaral ng Salita
ANG PAGPAPALIWANAG NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PILIIN ANG
SALITA
Sa pag-aaral ng mga kabanata, mga parapo at mga talata, ating ipinakita ang konsepto ng susing mga salita. Ang isang susing salita ay saligan ng kahulugan ng talata. Ito ay isang mahalagang salita. Minsan ito ay isang salita na inuulit upang mabigyan ng diin o isang salita na mahirap maunawaan.
Dapat ingatang mabuti ang pagpili ng salita na pag-aaralan. Halimbawa, mga salitang tulad ng “sa, at, kung,” ay hindi mga susing salita. Ang mga ito ay mga salitang pang-ugnay at nagdaragdag ng kahulugan ngunit ang mga ito ay hindi mga salitang angkop sa pag-aaral ng salita. Tiyakin mo na ang napili mong salita ay isang susing salita.
IKALAWANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG SALITA SA KONTEKSTO NITO
Pag-aralan ang salita sa konteksto nito sa kabanata. Ang salita ba ay inulit sa ibang bahagi ng kabanata? Kung gayon, ano ang inihahayag nito tungkol sa kaniyang kahulugan? Mayroon bang ibang talata sa kabanata na nagpapaliwanag ng kahulugan ng salita? Susunod, pag-aralan ang salita sa konteksto nito sa parapo. Ano ang paksa ng parapo? Paano nauugnay ang susing salita sa paksa?
Pagkatapos ay pag-aralan ang salita sa konteksto ng talata. Paano ito umuugnay sa talata? Anong uri ng pananalita ang salita: Ito ba ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-abay, o pang-uri?
Kung ikaw ay pumili ng isang salita na pag-aaralan at hindi mo pa nasuri dati ang konteksto na kinalalagyan nito, dapat mong gawin ito. Ang mga kabanata, mga parapo, mga talata, at mga salita ay makakasanib upang magbigay ng buong pagkaunawa sa Salita ng Diyos. Mahalaga na ang isang salita o talata ay hindi inihihiwalay sa kaniyang konteksto sapagkat ang pagkahulugan ay maaaring magkamali.
IKATLONG HAKBANG: ALAMIN ANG KAHULUGAN NG SALITA
Pagkatapos pumili ng isang susing salita at mapag-aralan ang konteksto nito, ang susunod na hakbang ay tiyakin ang kahulugan ng salita.
Bantayan ang mga salitang magkaiba subalit may parehong kahulugan, halimbawa, “Kaharian ng Diyos” at “Kaharian ng Langit.” Bantayan ang mga salitang magkapareho subalit magkaiba ng kahulugan. Halimbawa, sa Juan 21:15-17 tinanong ni Jesus si Pedro ng tatlong beses, “Iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito?” Sa bawat gamit ng salitang “iniibig” iba ang kahulugan nito.
Malibang alam mo ang wikang Griego o Hebreo at may Biblia ka na nakasulat sa ganitong mga wika, hindi mo matitiyak ang orihinal na kahulugan ng salita kung walang dagdag na gamit o kasangkapan. Ang mga paunang kailangan mong gamit sa pag-aaral ay isang konkordansya at isang aklat ng mga salita sa Biblia. Ang Ika-limang Kabanata ng manwal na ito ay nagpapaliwanag kung paano gamitin ang dalawang kasangkapang ito ng pag-aaral ng Biblia.
Kung wala kang konkordansya o aklat ng mga salita ng Biblia, maaari ka pa ring makapag-aral ng salita bagamat hindi mo matutunton ang orihinal na kahulugan. KUNG WALA KANG konkordansya o aklat ng mga salita ng Biblia, sundin mo ang mga sumusunod na mga hakbang:
1. Kung ang iyong Biblia ay may mga nakalistang mga reperensya sa gitna ng pahina,
hanapin mo ang lahat ng mga talatang nalista. Maaaring ito ang magpalawak ng iyong pagkaunawa ng salita. Minsan ang mga listahang ito sa gitna ay ibinibigay na ang kahulugan ng salita. (Ang ibang Bibliang Tagalog ay nasa ibaba naman ng pahina ang ilang mga paliwanag sa mahihirap na salita)
2. Tumingin ka rin sa likuran ng iyong Biblia. Ang ilang mga Biblia ay may konkordansya sa likuran nito na naglilista ng ilang mahahalagang salita. Ang ibang mga Biblia ay mayroon pang diksyonaryo sa likod na nagbibigay ng mga kahulugan.
3. Hanapin ang salita sa isang makabagong diksyonaryo. Ito ang magbibigay ng kasalukuyang kahulugan ng salita bagamat maaaring iba ang gamit ng salitang ito sa Biblia.
4. Pag-aralan ang ibang gamit ng salita sa kabanata o aklat. Makatutulong din ito sa pagtiyak ng kahulugan ng salita.
KUNG MAYROON kang konkordansya o kaya ay aklat ng mga salita ng Biblia, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Kung ang iyong Biblia ay may listahan sa gitna ng pahina na nagbibigay ng mga
reperensya at kahulugan ng mga salita, tingnan kung ang iyong salita ay nakalista. ( Sa
Unang Punto sa naunang bahagi ipinaliwanag na kung paano gamitin ang gitnang tulong na ito sa iyong Biblia).
2. Hanapin ang salita sa konkordansya. Ang mga salita sa konkordansya ay inihanay ayon sa alpabeto. Kung ang salita ay ilang ulit ginamit sa Biblia, makikita mo ang listahan ng mga talata na gumamit ng salita. Pag-aralan ang mga talatang ito upang tulungan kang maunawaan ang kahulugan.
Hanapin ang salita kung paano ito ginamit sa talatang iyong pinag-aaralan. Pansinin ang numero na ibinigay sa listahan sa likuran ng konkordansya at hanapin ang numerong ito sa likuran ng konkordansya. Kung ang pinag-aaralan mo ay isang salita mula sa talata sa Lumang Tipan hanapin mo ang numero sa Diksyonaryong Hebreo. Kung ang salita namang iyong pinag-aaralan ay mula sa Bagong Tipan, sa Diksyonaryong Griego mo naman hahanapin. (Ipinapaliwanag din ito sa Ika-limang Kabanata)
Kung makita mo ang numero ng salita, ibinibigay nito ang orihinal na kahulugan ng salita sa Griego o Hebreo. Maaari ding ituro ka sa ibang numero sa diksyonaryo. Ang ibig sabihin nito ay galing sa ibang salita ang iyong pinag-aaralang salita. Upang matunton mo ang salita sa kaniyang orihinal na kahulugan kailangang hanapin mo rin ang ibang salitang ito.
3. Hanapin ang salita sa aklat ng mga salita ng Biblia. Ang mga salita ay inilista sa hanay ng alpabeto sa aklat na ito. Kung ang salitang iyong pinag-aaralan ay ginamit sa ibang bahagi ng Biblia, makikita mo ang ilang mga listahan. Bagamat kailangan mo ring pag-aralan ang lahat ng mga ito, ituon mo ang iyong pansin sa talatang pinagkunan ng iyong salitang pinag-aaralan. Ang layunin mo ay tiyakin kung ano ang kahulugan ng salitang ito sa konteksto ng talata.
4. Hanapin ang salita sa isang regular na diksyonaryo. Sasabihin nito kung paano ang gamit ng salita sa kasalukuyan. Maaaring hawig sa pagkagamit sa Biblia o kaya naman ay iba. Ang pagkakaiba sa gamit ng salita sa kasalukuyan at noong panahon ng Biblia ay bunga ng dalawang bagay:
Una, ang kahulugan ng mga salita ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Mga bagong kahulugan ang ikinakabit sa dating mga salita at minsan ang orihinal na kahulugan ay nalilimutan na.
Pangalawa, ang Biblia ay nasulat sa wikang Griego at Hebreo. Ang isang salita ay may ibat-ibang kahulugan sa ibat-ibang wika. Ang isang salita ay ganito sa Griego o Hebreo ngunit iba naman sa ibang wika.
IKA-APAT NA HAKBANG: BIGYANG
BUOD ANG IYONG PAG-AARAL
Sa unang tatlong mga hakbang ng pag-aaral ng salita, gumawa ka ng tala ng iyong mga natutuhan tungkol sa salita. Isulat ang mga kahulugan ng salita mula sa gitna ng Biblia, mula sa konkordansya, aklat ng mga salita ng Biblia, at makabagong diksyonaryo. Itala mo rin kung ano ang pagkagamit ng salitang ito sa ibang bahagi ng Biblia.
Kung matapos mo na ang iyong pag-aaral, gamitin mo ang mga natutuhan mo tungkol sa mga tsart at mga balangkas upang maibigay mo ang buod ng iyong mga naitala na sa pag-aaral. Tandaan mo na itala sa isang bahagi ng iyong tsart o balangkas ng aklat, kabanata, numero ng talata, at salita na iyong pinag-aaralan.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PILIIN ANG
SALITA
Sa mga nakaraan mga aralin, ginamit natin ang Judas kabanatang 1 upang ipakita ang mga paraan ng pag-aaral ng kabanata, parapo, at talata. Mula sa ating pag-aaral ng Judas pinili namin ang salitang “kalibugan” sa talatang 4. Ang salitang ito ay susing salita sapagkat naglalarawan ito sa mga bulaang tagapagturo na siyang paksa ng kabanatang ito. Ito rin ay susing salita sapagkat ito ay isang salita na mahirap maunawaan.
IKALAWANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG SALITA SA KONTEKSTO NITO
Sa nakaraang mga aralin natapos mo ang pag-aaral ng isang kabanata, at parapo sa aklat ni Judas. Ang ibig sabihin nito ay napag-aralan mo na ang salitang kalibugan sa mga konteksto nito. Natutuhan mo na ang paksa ng Judas 1 ay isang babala laban sa mga bulaang tagapagturo. Sa talatang 4 na pinaggamitan ng salitang kalibugan ay isa sa mga parapo ng Judas 1. Sangguniin ang mga aralin tungkol sa pag-aaral ng kabanata at parapo upang pag-aralan ang salitang ito sa mga kontekstong ito.
Sa nakaraang kabanata ipinaliwanag natin kung paano gumawa ng pag-aaral ng isang talata. Hindi ka pa nakagagawa ng pag-aaral ng talata sa Judas 1: 4 kung saan ginamit ang salitang kalibugan. Huminto ka ngayon at pag-aralan mo ang talata sa Judas 1:4 bago ka magpatuloy sa aralin ng pag-aaral ng salita.
Sa iyong pag-aaral ng talata
natukoy mo na sana ang salitang kalibugan bilang isang pang-uri sapagkat ito ay
salitang naglalarawan kung ano ang mga bulaang tagapagturo. Pinalitan ng mga
bulaang tagapagturo ng kalibugan ang biyaya ng Diyos.
IKATLONG HAKBANG: ALAMIN ANG KAHULUGAN NG SALITA
1. Kung ang Biblia na iyong ginagamit sa pag-aaral ng salitang kalibugan sa Judas 1:4 ay may reperensya sa gitna ng pahina, ang reperensya na ibinigay ay Tito 2:11 at Hebreo 12:15.
2. Narito ang listahan naman sa isang konkordansya na ating isinalin sa Tagalog sa salitang
kalibugan:
Ang lahat ng mga talata kung saan ginamit ang salita ay hinanap at pinag-aralan. Ang numero “766” ay lumitaw sa huli ng listahan para sa Judas 1:4. Ito rin ang numero sa hulihan ng ibang mga listahan. Ang ibig sabihn nito ay pareho ang kahulugan ng salitang kalibugan sa lahat ng mga tekstong nakalista.
Yamang ang kalibugan ay isang salita sa Bagong Tipan, ginamit natin ang diksyonaryong Griego sa likod ng konkordansya at hinanap ang numero 766. Ito ang nakalista sa diksyonaryong Griego:
3. Ang isang aklat ng mga salita ng Biblia ay ginamit din.(Sapagkat walang aklat na ganito sa Tagalog ito ay salin lamang mula sa aklat na Ingles) Narito sa ibaba ang listahan para sa salitang “kalibugan”:
Malibug, Kalibugan Ang salitang aselegeia ay nagsasaad ng
pagpapakasawa, kawalan ng pagpipigil, malaswa, mahalay; sa Marcos 7:22, isa
sa mga kasamaang nagmumula sa puso; sa 2 Cor 12:21, isa sa mga kasamaan na
ipinagkasala ng ilan sa iglesia sa Corinto; sa Galacia 5:19, ibinilang sa
mga gawa ng laman; sa Ef 4:19, isa sa mga kasalanan ng hindi ligtas at
walang kahihiyan; ganoon din sa I Ped 4:3,; sa Judas 4, pinalitan ang
biyaya ng Diyos ng kalibugan, at sa Roma 13:13 ay isinalin na kahalayan,
isa sa mga kasalanan na ibinababala sa mga mananampalataya.
Pinag-aralan natin ang buong listahan, na natuon tayo sa salitang ginamit sa Judas 1:4.
4. Sa karaniwang diksyonaryo naman ang ibinigay na makabagong kahulugan sa salitang kalibugan ay:
“Masagwa, sakim sa
kaaliwan, damdaming sensuwal.”
IKA-APAT NA HAKBANG: BIGYANG
BUOD ANG IYONG PAG-AARAL
Sa nakaraang mga hakbang gumawa tayo ng mga tala habang nag-aaral ng salitang kalibugan.
Sa Unang Hakbang isinulat natin ang napiling salita na pag-aaralan.
Sa Ikalawang Hakbang nagkaroon na tayo ng pag-aaral ng kabanata at parapo mula sa mga nakaraang mga aralin. Ang mga ito ay naging bahagi ng ating pag-aaral ng salita. Sinabihan ka na gumawa ng pag-aaral ng talata sa Judas 1:4. Ang lahat ng mga impormasyon mula sa mga pag-aaral na ito ay naging bahagi ng ating mga tala ng pinag-aralang salita.
Sa Ikatlong Hakbang sa pag-aaral natin ng mga reperensya na nasa gitnang pahina ng Biblia, konkordansya, aklat ng mga salita ng Biblia, kasalukuyang diksyonaryo, at iba pang mga reperensya na kinapapalooban ng salita, gumawa tayo ng mga tala ng ating mga natutuhan tungkol sa salitang kalibugan.
Marami din tayong nakalap na mga impormasyon tungkol sa salitang ito. Ang ating huling hakbang sa ating pag-aaral ay ibigay ang buod na materyales na ito sa isang tsart o kaya ay sa isang porma ng balangkas. Tulad ng ating natutuhan sa nakaraang mga aralin, ito ang pinakamabuting paraan upang maingatan natin ang ating ginawang pag-aaral sa isang maayos na paraan. Nakatutulong din ito sa iyong pagbabahagi sa iba ng iyong natutuhan.
Ang mga sumusunod na mga pahina ay nagbibigay ng buod ng ating pag-aaral ng salitang kalibugan. Gamitin ito bilang mga halimbawa kung paano magbigay ng buod sa iyong pag-aaral ng salita sa pamamagitan ng mga tsart at mga balangkas, pati rin mga larawan o drowing.
Kung paano sa mga nakaraang
pagtalakay sa mga paraan ng pag-aaral, nais naming ipaalaala sa iyo ang
kahalagahan ng paggamit ng iyong natutuhan sa pag-aaral ng salita. Ang
pag-aaral ng Biblia ay hindi para sa karagdagang kaalaman lamang. Dapat kang
maging taga-tupad ng salita at hindi tagapakinig lamang. Magagawa mo ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katotohanan ng Salita ng Diyos.
PAG-AARAL NG SALITA
Aklat: Judas
Kabanata: 1
Talata: 4
Salita: kalibugan
Ibang mga salita na may katulad na ibig sabihin: Kahalayan
Bahagi ng Pananalita: Ang kalibugan ay isang pang-uri. Sa Judas 1:4 ito ay ginamit upang ilarawan ang isang katangian ng mga bulaang tagapagturo.
Unang Tsart Kalibugan:
Mga kahulugan Aklat
Reperensya Numero
ng Salita Banghay Kahulugan Griego
766
aselgeia
pagpapakasawa,
marumi,
kahalayan. Makabago
---
kalibugan masagwa, sakim
sa
kaaliwan,
damadaming
senswal Aklat Ng Pag-aaral Ng Salita Ni Vine
---
aselgeia
kawalan ng
pagpipigil,
kalaswaan,
kahalayan
Ikalawang Tsart Kalibugan:
Dagdag na Gamit Sa Biblia Reperensya
Buod Marcos 7:22
Isang
kasamaan ng lumalabas mula sa puso. II Corinto 12:21
Ito
ay isa sa mga kasamaan na pinagkasala ng ilan sa Corinto. Galacia 5:19
Kabilang
sa mga gawa ng laman. Efeso 4:19
Isa
sa mga kasalanan ng hindi ligtas na walang kahihiyan. I Pedro 4:3
Isa
sa mga kasalanan ng hindi ligtas na walang kahihiyan. Roma13:13
Salitang
isinalin na “kahalayan” at isa sa mga kasalanan na
Ibinababala sa mga
mananampalataya. II Pedro 2:2
Ito
ay nasalin din na “kahalayan” at nalista na isa sa mga
Katangian
ng mga bulaang tagapagturo. Judas 1:4
Ito
ay isang katangian ng mga bulaang tagapagturo.
Nilawakang Pag-aaral ng Salitang Kalibugan
Ang pag-aaral ng salita ay maaaring mauwi sa mas malawak na pag-aaral ng Salita ng Diyos. Mula sa pag-aaral ng salitang kalibugan, ang mga sumusunod na mga pag-aaral ay maaaring isagawa:
1. Pag-aralan ang salita sa Marcos 7:22 na dito ay nalista ito bilang isang kasalanan na nagmumula sa loob. Ano pang mga kasalanan ang mula sa loob?
2. Pag-aralan ang II Corinto 12:21. Ano pang mga kasalanan ang tinukoy ni Pablo sa iglesia sa Corinto bukod sa kalibugan?
3. Hanapin ang salitang “kahalayan” sa konkordansya. Ang kahulugan ng kahalayan ay pareho sa kalibugan. Mayroon pa bang ibang gamit sa Biblia ang salitang kahalayan?
4. Galacia 5:19. Ano pa ang ibang mga gawa ng laman bukod sa kalibugan?
5. Efeso 4. Pag-aralan ang mga talatang 17-19. Maghanda ng tsart na ipinakikita ang kabaligtaran ng mga mananampalataya sa hindi mananampalataya. Ilista ang mga katangian ng mga hindi mananampalataya na ibinigay sa mga talatang 17-19. Kabilang dito ang kalibugan. Ilista ang mga katangian ng mga mananampalataya sa mga talatang 20-24.
6. Pag-aralan ang I Pedro 4:3. Ano ang ilan sa mga kasalanang nilakaran natin sa nakaraang panahon bukod sa kalibugan.
7. Pag-aralan ang Roma 13:13. Dagdag sa “kahalayan” na ang kahulugan ay kalibugan, ano ang
ibang mga kasalanan na hindi dapat kasangkutan ng isang mananampalataya?
8. Pag-aralan ang biyaya ng Diyos na pinalitan ng kalibugan ng mga bulaang mga tagapagturo. Halimbawa, sinasabi sa Tito 2:11 na ang biyaya ng Diyos ay ipinakita sa lahat ng tao. Sinabi naman sa Hebreo 12:15 na ingatan at “baka hindi tayo makaabot sa biyaya ng Diyos.”
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ilista ang apat na hakbang sa pag-aaral ng salita.
3. Ano ang susing talata?
4. Anong salita sa listahan sa ibaba ang susing salita at magandang maging paksa ng pag-aaral ng salita?___________________________
siya pagpipigil kung at
5. Ano ang ilan sa mga mahahalagang aklat na magagamit sa pag-aaral ng salita sa Biblia?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pumili ka ng isang salita mula sa talata o parapo na napag-aralan mo na sa mga nakaraang aralin. Tiyakin mo na ito ay susing salita o isang salita na hindi mo nauunawaan. Gamit ang kakayahang iyong natutuhan sa araling ito, gumawa ng isang pag-aaral ng salita sa salitang iyong napili.
UNANG HAKBANG: PILIIN ANG
SALITA
Ang salitang aking napili na pag-aralan ay:________________________________________
IKALAWANG HAKBANG: PAG-ARALAN ANG SALITA SA KONTEKSTO NITO
Ang mga reperensya sa Kasulatan para sa salitang ito sa kaniyang konteksto ay:
________________________________________
IKATLONG HAKBANG: ALAMIN ANG KAHULUGAN NG SALITA
Ayon sa pagkagamit sa kontekstong ito, ang ibig sabihin ng salitang ito ay:
________________________________________
IKA-APAT NA HAKBANG: BIGYANG
BUOD ANG IYONG PAG-AARAL
Lumikha ng tsart, balangkas, larawan, o drowing upang bigyang buod ang iyong natutuhan tungkol sa salitang ito.
IKA-LABINGANIM NA KABANATA
PAG-AARAL NG BIBLIA AYON SA PAKSA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ipaliwanag ang paraan ng pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa.
. Gumawa ng isang pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa.
SUSING MGA TALATA:
Kaya’t aking iniibig
ang mga utos Mo ng higit sa ginto, oo higit sa dalisay na ginto.
Kaya’t aking pinahahalagahan na matuwid ang
lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; At ipinagtatanim ko ang
bawat sinungaling na lakad.
(Awit 119:127-128)
PAMBUNGAD
Ipinakikilala ng kabanatang ito ang paraan ng pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa. Ang paraan ay binibigyang kahulugan at ipinaliliwanag at isang halimbawa ng pag-aaral ayon sa paksa ang ibinibigay. Sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” bibigyan ka ng pagkakataon na magamit ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paggawa mismo ng isang pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN
Ang paraan ng pag-aaral ayon sa paksa ay nakatuon sa isang piniling paksa ng Biblia. Ang pakay ng pag-aaral ay upang matuklasan ang lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa paksa.
ANG PAGPAPALIWANAG NG PARAAN
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang pag-aaral ayon sa paksa:
UNANG HAKBANG: PUMILI NG
ISANG PAKSA:
Maaari kang pumili ng isang pangkalahatang paksa, halimbawa, lahat ng mga himala sa Biblia. Maaari ka ring pumili ng isang mas tukoy na paksa tulad ng ang mga himala na ginawa ni Jesus o ang mga himalang natala sa isang aklat ng Biblia.
Para sa iyong unang pag-aaral, mas mabuti na limitahan ang paksa sa isang tukoy na paksa sa isa sa mga aklat sa halip na pag-aralan ang isang paksa sa buong Biblia. Maaari mong piliin ang isang paksa na may kinaalaman sa isang pangangailangan sa iyong sariling buhay. Maaari mong piliin ang isang paksa na naitanong sa iyo at hindi mo masagot o kaya ay isang paksa na hindi mo lubos na nauunawaan.
Maaaring ang nais mong pag-aralan ay mga paksa na magagamit mo sa pagpapayo sa iba sa panahon ng pangangailangan. Halimbawa, maaari mong pag-aralan ang paksa ng kamatayan upang malaman mo kung paano aaliwin ang iba. O pag-aralan mo ang tungkol sa pagkatakot upang matulungan mo yaong mga natatakot.
IKALAWANG HAKBANG: PILIIN
ANG BAHAGI NG KASULATAN:
Pagkatapos mong makapili ng paksa, piliin ang bahagi ng Kasulatan na dito napapaloob ang paksa. Maaari mong pag-aralan ang isang paksa mula sa isang aklat ng Biblia, ilang mga aklat, o mula sa buong Biblia.
IKATLONG HAKBANG: TIPUNIN ANG MGA IMPORMASYON:
Hanapin mo ang lahat ng mga talata na kaugnay ng paksa sa Kasulatan na iyong napiling pag-aralan. Ang konkordansya ay makatutulong ngunit hindi naman kailangan kung wala. Halimbawa, kung pag-aaralan mo ang mga himalang ginawa ni Jesus, basahin mo ang mga aklat ng Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Itala mo ang bawat reperensya ng himalang ginawa ni Jesus.
IKA-APAT NA HAKBANG: BIGYANG BUOD ANG IMPORMASYON
Pagkatapos mong matipon ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa paksa, malamang na mayroon kang mahabang listahan ng mga Kasulatan. Kailangang ihanay mo ang mga talatang ito upang madaling maunawaan ang paksa.
Pag-aralan ang mga talata na iyong nakalap. Tukuyin ang mga pangunahing mga punto ayon sa mga talata. Ano pang mga talata ang ganito ring punto ang dala? Ayusin ang mga talata at pagsamahin ang mga magkakaugnay, at pagkatapos ay lumkiha ng isang tsart o balangkas upang mabibigyang buod ang iyong pag-aaral.
Tandaan: hindi mo lamang nais na matutuhan ang lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa paksa, kundi nais mo ring magamit ang iyong natutuhan sa iyong sariling pamumuhay at ministeryo.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PUMILI NG
ISANG PAKSA:
Mga himala
IKALAWANG HAKBANG: PILIIN
ANG BAHAGI NG KASULATAN:
Mga himala sa aklat ni Lucas ang pag-aaralan.
IKATLONG HAKBANG: TIPUNIN ANG MGA IMPORMASYON:
Mga himala sa Lucas: 1:11, 3:21, 4:30, 5:1, 7:11, 9:28, 10:17, 4:33, 13:11, 14:1, 17:11, 22:50
IKA-APAT NA HAKBANG: BIGYANG BUOD ANG IMPORMASYON
Halimbawa ng isang balangkas ng buod:
Mga Himala Sa
Aklat Ni Lucas
I. Tatlumput-isang mga himala ang natala sa aklat ni Lucas.
II. Ang mga gumawa nito:
A. Ang Panginoong Jesu-Cristo: 4:28-30; 4:31-37; 4:38-39; 4:40-41; 5:1-11; 5:12-
15; 5:17-26; 6:6-11; 6:17-20; 7:1-10; 7:11-15; 7:21; 8:2-3; 8:22-25; 8:26-39; 8:41-42, 49, 56; 8:43-48; 9:11-17; 9:37-43; 11:14-23; 13:10-17; 14:1-6; 17:11-19; 18:35-43; 22:50-51; 24:1-7; 24:50-51.
B. Iba:
1. Anghel Gabriel: 1:11-23, 57, 59
2. Espiritu Santo: 3:21-22
3. Diyos: 9:28-37
4. Mga alagad: 10:17
III. Mga uri ng mga himala:
A. Pagbuhay sa patay: 7:11-15; 8:41-42, 49, 56; 24:1-7
B. Pagpapalayas ng demonyo: 4:33-37; 8:2-3; 8:26-39; 9:14-23; 9:37-43
C. Pagpapagaling: 4:38-39; 4:40-41; 5:12-16; 5:17-26; 6:6-10; 6:17-20; 7:1-10;
8:43-48; 13:11-17; 14:1-6; 17:11-19; 18:35-43; 22:50-51.
D. Laban sa puwersa ng kalikasan: 5:1-11; 8:22-25; 9:11-17
Halimbawa Ng Isang Tsart Ng Buod:
Ang isang tsart ng buod ay maaari ding gawin sa bawat isang himala sa aklat ni Lucas. Maaaring isama sa tsart ang mga sumusunod na mga pamagat:
Himala: Kung ano ang himala, reperensya.
Larangan: Ito ay himala sa kalikasan, pagpapagaling, pagbuhay ng patay, pagpapalayas ng
demonyo, at iba pa?
Okasyon: Anong okasyon ginanap ang himala?
Mga tao: Sinong mga tao ang sangkot?
Paraan: Anong paraan ang ginamit? Ito ba ay salita, hipo, o panalangin, at iba pa?
Bunga: Ano ang ibinunga ng himala?
Reaksyon: Ano ang mga reaksyon ng mga tao na nakakita o naging bahagi ng himala?
Isang halimbawa ng pagsusuri ng isang himala ay ipinakita sa sumusunod na tsart. Ang ganitong pag-aaral ay magagawa sa bawat himala sa aklat ni Lucas.
Ang tsart na ito ay ginawa na tangi para sa pag-aaral ng mga himala at hindi maaaring gamitin para sa ibang mga paksa, ngunit ito ay nagsisilbing halimbawa kung paano ka makalilikha ng iyong sariling tsart upang bigyang buod ang pag-aaral ng paksa sa Biblia. Narito ang ilang mga halimbawa kung paano mo magagamit ang natutuhan mo mula sa pag-aaral na ito. May iba ka pa bang naiisip?
-Ang mga himala ba ay bahagi ng ministeryo ng mananampalataya? (Tingnan ang Mateo
16:17-18; Juan 14:12).
-Ano ang matututuhan mo sa paraan ng pagharap ni Jesus sa sakit, kamatayan, at mga
demonyo na magagamit mo sa iyong ministeryo?
-Ano ang matututuhan mo tungkol sa kaugnayan ng pananampalataya at mga himala na
magagamit sa iyong ministeryo?
-Ano ang mga bunga na kailangang sumunod sa mga himala ng Diyos? Paano
makatutulong sa iyo ang mga bungang ito upang matukoy mo ang mga tunay na mga himala sa mga mapangdayang mga tanda ng bulaang ministeryo?
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ibigay ang kahulugan ng pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa.
3. Ano ang apat na mga hakbang sa pag-aaral ng Biblia ayon sa paksa?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ipagpatuloy mo ang pag-aaral ng paksa ng mga himala. Pag-aralan ang lahat ng mga himala sa aklat ni Mateo.
Lumikha ng balangkas ng iyong pag-aaral na hawig sa halimbawa na ibinigay sa kabanatang ito. Gamitin ang halimbawang tsart na ibinigay sa araling ito upang suriin ang bawat himala sa aklat ni Mateo. Baka nais mong tapusin ang pag-aaral ng mga himala sa aklat ni Lucas na ating sinimulan sa kabanatang ito. Gamitin ang tsart sa pagsusuri sa bawat himala. Ang Bagong Tipan ay nagtala ng ibang mga himala sa aklat ni Marcos, Juan at Gawa. Baka nais mong ituloy ang pag-aaral ng paksa ng mga himala sa mga aklat na ito.
Maaari mo ring pag-aralan ang mga himala sa Lumang Tipan. Kung nais mo, ang mga sumusunod na listahan ay makatutulong sa iyo na hanapin ang mga himala sa Lumang Tipan:
Genesis: 1; 19:26
Exodo: 17
Bilang: 6
Josue: 3
Mga Hukom: 3
I at II Samuel 3
I at II Mga Hari 26
Daniel: 2
Joel: 1 (Joel 1:17)
Jonas: 1
Halimbawang tsart para sa pag-aaral ng mga himala:
Mga Himala Sa Aklat Ng: ________________________ Himala Larangan
Okasyon Mga Tao Paraan Bunga Reaksyon
IKA-LABINGPITONG KABANATA
PAG-AARAL NG TALAMBUHAY
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang kahulugan ng paraan ng pag-aaral ng talambuhay.
. Gumawa ng isang
pag-aaral ng talambuhay sa Biblia.
SUSING TALATA:
Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa
kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin… (I
Corinto 10:11)
PAMBUNGAD
Binibigyang kahulugan at ipinapaliwanag ng kabanatang ito ang paraan ng pag-aaral ng talambuhay sa Biblia, mayroon ding halimbawa ng paraang ito na ibinigay, at sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ay may pagkakataon ka na makagawa ng isang pag-aaral ng talambuhay.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN
Ang isang talambuhay ay kuwento ng buhay ng isang tao. Ang paraang ito ng pag-aaral ng Biblia ay nakatuon sa mga buhay ng mga tauhan ng Biblia. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga buhay ng mga tauhan ng Biblia matututo ka mula sa kanilang mga karanasan. Ang wika ng Biblia:
Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa
kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin… (I
Corinto 10:11)
Ang mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan ng Biblia ay naitala sa ilalim ng pagkasi ng Espiritu Santo para sa iyong pakinabang. Ang kanilang mga karanasan ay maaaring magturo sa iyo ng mga dakilang araling espirituwal. Sa iyong pagmamasid sa kanilang mga kabiguan, matututuhan mo ang mga kamaliang espirituwal na dapat iwasan. Sa pagmamasid naman sa kanilang mga tagumpay maaari kang magpalago ng mga katangiang espirituwal sa iyong buhay.
ANG PAGPAPALIWANAG NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PILIIN ANG TAUHAN NA PAG-AARALAN:
Maaari kang pumili ng isang personalidad na nakatawag ng iyong pansin. Maaari kang pumili ng isang tao mula sa listahan sa Hebreo 11, Galacia 3:7 o Lucas 4:27. Maaari ka ring pumili ng isang mahalagang tauhan mula sa aklat ng Biblia na iyong binabasa o pinag-aaralan sa kasalukuyan. Tandaan na ang pinakadakilang talambuhay na pag-aralan ay ang buhay ni Jesu-Cristo.
Mag-ingat na malito sa mga pangalan. Halimbawa, may mga 30 mga Zacarias sa Biblia, 20 mga Natan, 15 mga Jonathan, 8 mga Judas, 7 Maria, 5 Santiago, at 5 Juan. Tiyakin mo na ang mga talata ng iyong pag-aaralan ay tungkol sa taong iyong napili at hindi ibang tao na pareho ang pangalan.
Maging listo rin sa isang taong higit sa isa ang pangalan. Halimbawa, ang pangalan ni Jacob ay binago at ginawang Israel, ang pangalang Abram ay binago at naging Abraham, at ang pangalang Saulo ay binago at ginawang Pablo na apostol.
IKALAWANG HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON:
Tipunin ang lahat ng impormasyon sa Biblia tungkol sa taong iyong napiling pag-aralan. Kung mayroon kang konkordansya, hanapin mo ang lahat ng mga reperensya tungkol sa kaniya sa Biblia. Kung wala kang konkordansya, tipunin mo ang mga impormasyon mula sa Biblia mismo. Karamihan sa mga reperensya tungkol sa napiling personalidad ay makikita sa isang aklat o serye ng mga sunod-sunod na mga aklat. Ilista ang lahat ng mga reperensya tungkol sa tao na iyong pag-aaralan, at pagkatapos ay isa-isa mong tingnan ang mga ito sa iyong Biblia at basahin.
IKATLONG HAKBANG: SURIIN ANG IMPORMASYON:
Ang sumusunod na listahan ay tumutukoy sa ilang mga impormasyon na kailangan mong tipunin at suriin sa isang pag-aaral ng talambuhay. Maaaring hindi maibigay ng Biblia ang impormasyon sa lahat ng mga bagay na nakalista sa bawat talambuhay, ngunit sikapin na maibilang ang bawat bagay na inihahayag tungkol sa taong iyong pinag-aaralan.
Gamitin ang tsart na makikita sa pagtatapos ng bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng kabanatang ito upang maitala at masuri ang impormasyong iyong natipon.
Ang mga impormasyong iyong dapat makuha tungkol sa talambuhay ay kabilang ang mga sumusunod:
Pangalan at kahulugan ng pangalan.
Mga kamaganak: Magulang, mga kapatid na lalake at babae, ninuno, mga anak.
Kapanganakan: Lugar, kahalagahan ng pagsilang, hindi pangkaraniwang pangyayari kaugnay ng
pagsilang.
Pagkabata at unang pagsasanay.
Lugar na pinangyarihan: Saan naganap ang istorya ng buhay ng taong ito?
Mga kaibigan at kasamahan, mga personal na kaugnayan.
Trabaho o hanapbuhay: Anong mga gawain o katungkulan ang kaniyang ginampanan? Paano sila
humanap ng ikabubuhay.
Hitsura ng katauhang pisikal.
Mga mabubuting katangian.
Mga di magandang mga katangian.
Mga tampok na pangyayaring espirituwal:
Unang pakikipagtagpo sa Diyos
Pagkahikayat
Tawag para maglingkod
Pinakadakilang krisis o pangyayari sa buhay ng taong ito: (Halimbawa, si Saulo sa daang
Damasco)
Kamatayan: Kailan, saan, pambihirang mga pangyayari
IKA-APAT NA HAKBANG: GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN:
Kunin ang magagamit na aralin sa buhay ng taong pinag-aralan at iangkop ito sa iyong pamumuhay. Halimbawa:
Ano ang mabubuting katangian? Hingin mo sa Diyos na ito ay lumago sa iyong buhay.
Ano ang mga masasamang mga katangian? Nakikita mo ba ang ilan dito sa iyong sariling buhay? Hingin mo sa Diyos na mapagtagumpayan mo ang mga ito.
Lumikha ng isang pangungusap na magbibigay ng buod ng pinakadakilang katotohanan na iyong natutuhan mula sa buhay na ito na iyong pinag-aralan. Halimbawa, isang pangungusap mula sa buhay ni Samson ay “Ang pakikikompromisong espirituwal ay magbubunga ng pagbagsak.”
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PILIIN ANG TAUHAN NA PAG-AARALAN:
Haring Saul
IKALAWANG HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON:
Ang kasaysayan ni Saul ay makikita sa I Samuel 9-31. ang impormasyon tungkol kay Saul ay natipon mula sa mga kabanatang ito.
IKATLONG HAKBANG: SURIIN ANG IMPORMASYON:
Pangalan at kahulugan ng pangalan:
Ang kahulugan ng Saul ay “Hinigi sa Diyos.” I Samuel 9:2 (Sa Bibliang Ingles na may reperensya sa gitna, ibinigay ang kahulugang ito ng pangalang Saul.)
Mga kamaganak: Mga magulang, mga kapatid na lalake at babae, mga ninuno, mga anak:
Anak ni Cis na anak naman ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, anak ni Aphia. Si Cis ay isang Benjamita at isang makapangyarihan lalake na may tapang. I Samuel 9:1
Si Saul ay may tatlong anak na lalake: Jonathan , Isui, Melchsua. May dalawang anak na babae: Merab at Michal. Ang pangalan ng asawa niya ay Ahinoam. I Samuel 14:49-50
Kapanganakan: Lugar, kahalagahan ng pagsilang, di pangkaraniwang pangyayari kaugnay ng
pagsilang.
Walang sinasabi ang Biblia.
Pagkabata at paunang pagsasanay:
Nag-alaga ng mga asno ng kaniyang ama: I Samuel 9:3
Lugar na pinangyarihan:
Juda
Mga kaibigan at kasamahan, mga personal na kaugnayan:
Hinamak siya ng mga anak ni Belial: I Samuel 10:27. Malapit siya kay Abner, ang kapitan ng kaniyang hukbo, na anak ng kaniyang amain: I Samuel 14:50. Si David ay naging kasamahan ni Saul. Sa pasimula siya ay pabor, pagkatapos, si Saul ay nanibugho at ang kanilang relasyon ay nasira: I Samuel 18:6-9. Noong unang maging hari si Saul may isang pulutong siya ng mga lalake na ang mga puso ay hinipo ng Diyos. Nang magsimulang dagdagan ni Saul ng mga “malalakas at matatapang” na mga lalake na walang direksyon mula sa Diyos, nagsimula na ang kaniyang mga problema: I Samuel 10:26; 13:2; 14:52
Trabaho o hanapbuhay:
Unang hari ng Israel.
Hitsura ng katauhang pisikal:
Mula sa kaniyang balikat pataas siya ay higit na mataas kaysa sinoman sa Israel: I Samuel 9:2, 10:23. Siya ay inilarawan bilang makisig: I Samuel 9:2
Mga mabubuting katangian:
Nagpakita ng malasakit sa pamilya I Samuel 9:5
Piniling lalake I Samuel 9:2; 10:24
Hinayaan ang Espiritu na baguhin ang kaniyang puso I Samuel 11:6; 10:6
Mababang-loob: Nagtago sa mga kasangkapan I Samuel 10:22
Tumangging pumatay I Samuel 11
Liderato: Natipon ang mga tao I Samuel 11
Lalaking taglay ang espiritu I Samuel 11
Sa simula ay masunurin I Samuel 9:27
Nakiisa sa mga banal I Samuel 11:7; 10:26
Matapang para sa Diyos I Samuel 10:6
Sa simula ay mapagpakumbaba I Samuel 9:21
Mga di magagandang mga katangian:
Ginawa ang hinihingi ng pagkakataon sa halip na sumunod sa Diyos: I Samuel 13:8-13
Sumuway, nagsinungaling, at tumanging tanggapin ang sisi: I Samuel 15
Pinighati ang bayan ng Diyos: I Samuel 15:35
Higit na pinahalagahan ang sasabihin ng tao kay sa Diyos: I Samuel 15:30
Pumili ng mga malalakas at matatapang na mga lalake upang malapit sa kaniya sa halip na pulutong ng mga lalake na hinipo ng Diyos: I Samuel 10:26; 14:52
Natakot: I Samuel 17:11
Hinatulan sa panglabas na kaanyuan: I Samuel 17:33
Pinagtiwalaan ang sandata ng tao: I Samuel 17:38
Mapanibugho: I Samuel 18:6-9
Masamang espiritu: I Samuel 18:10
Espiritu ng paghihiganti: I Samuel 18:11
Nagbalak laban sa pinahiran ng Diyos: I Samuel 18:20-30
Mga tampok na pangyayaring espirituwal:
Unang pakikipagtagpo sa Diyos: I Samuel 9:15-27
Pagkahiyat: I Samuel 10:9
Tawag para sa paglilingkod: I Samuel 10:1
Pinakadakilang krisis o pangyayari sa buhay: I Samuel 13
Kamatayan: Kailan, saan, pambihirang pangyayari:
I Samuel 31: Namatay sa sariling niyang kamay. Ang kaniyang tatlong anak na lalake, ang taga dala niya ng sandata, at lahat ng kaniyang mga tauhan ay namatay sa isang araw sa Bundok ng Gilboa sa isang pakikipaglaban sa mga Filisteo.
IKA-APAT NA HAKBANG: GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN:
Magagandang katangian sa buhay ni Saul na kailangan kong palaguin sa aking sariling buhay:
Kung ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, ako ay maaaring mabago at maging “ibang tao”: I Samuel 10:6. Dapat kung hanapin ang gayong uri ng pahid mula sa Diyos.
Di magagandang katangian sa buhay ni Saul na kailangan kong maiwasan sa aking buhay:
Nais ng Diyos ang mga lider na ayon sa Kaniyang puso: I Samuel 13:14. Bagamat nabigo si Saul sa larangang ito, nais kong maging tulad ng lider na nais ng Diyos.
Pagsuway: Paggawa ng hinihingi ng pagkakataon sa halip na ang inutos ng Diyos. Pagsisi sa iba para sa aking mga kasalanan. Higit na pinahalagahan ang sasabihin ng tao kay sa sa Diyos.
Makabubuti na aking repasuhin ang buong listahan ng mga di magagandang katangian ni Saul at madalas na saliksikin ang aking puso.
Ang tawag ng Diyos kay Saul ay pangunahan ang bayan: I Samuel 10:1. Sa halip siya ang ginawang hari ng mga tao. (I Samuel 12:12-15; 10:24). Ang Diyos ang dapat maging hari ng Israel. Kailangang ako ay mag-ingat upang ang papuri ng mga tao ay huwag maghiwalay sa akin sa plano ng Diyos.
Bagamat ang Diyos ay sumama kay Saul sa simula (I Samuel 10:7, 9; 13:14), sa huli ay nawala sa kaniya ang kaharian. Kahit matapos ang kaniyang pagkakasala at ang hula na aalisin sa kaniya ang kaharian, ang pahid ng Diyos ay sumasakaniya pa rin (I Samuel 14:47). Ang mga kaloob at tawag ng Diyos ay walang pagbawi. Narinig pa rin ni Saul ang tinig ng Diyos (I Samuel 15:1) at sumamba sa kaniya (15:31), ngunit may kasalanan siyang hindi niya inihayag kaya inalis ang kaharian sa kaniya.
Kinilala ni David ang panganib ng paglaban sa pinahiran ng Diyos bilang lider. Kailangan kong pakinggan ang babalang ito.
Ang pinakadakilang katotohanan na natutuhan mula sa buhay ni Saul ay ang bunga ng pagsuway sa Diyos. Ibinigay ang buod nito sa sinalita ni Samuel: “Ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pandinig kay sa taba ng mga tupang lalake.” I Samuel 15:22
Ang bunga ng pagsuway ay naibigay naman ang buod sa sinalita ni David tungkol kay Saul: “Ano’t nabuwal ang mga makapangyarihan.” II Samuel 1:9
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ibigay ang kahulugan ng paraan ng pag-aaral ng talambuhay.
3. Ilista ang apat na hakbang sa paraan ng pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng talambuhay.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pumili ng isang tauhan ng Biblia at gumawa ng pag-aaral ng talambuhay. Gamitin ang sumusunod na tsart para dito at iba pang pag-aaral ng talambuhay na gagawin mo sa hinaharap.
PAG-AARAL NG TAMBUHAY SA BIBLIA
UNANG HAKBANAG: PILIIN ANG TAUHAN NA PAG-AARALAN:
IKALAWANG HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON:
Ilista ang mga reperensya sa Biblia na nagtatala ng buhay ng taong ito:
IKATLONG HAKBANG: SURIIN ANG IMPORMASYON:
Pangalan at kahulugan ng pangalan:
Kamaganak:
Kapanganakan:
Pagkabata at paunang pagsasanay:
Lugar na pinangyarihan:
Mga kaibigan at kasamahan, mga personal na kaugnayan:
Trabaho o hanapbuhay:
Hitsura ng katauhang pisikal:
Mga mabubuting katangian:
Mga di magagandang mga katangian:
Mga tampok na pangyayaring espirituwal:
Unang pakikipagtagpo sa Diyos
Pagkahikayat
Tawag para maglingkod
Pinakadakilang krisis o pangyayari sa
buhay ng taong ito:
Kamatayan:
IKA-APAT NA HAKBANG: GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN:
Mga magagandang mga katangian na kailangan kong palaguin:
Mga di magagandang mga katangian na kailangan kong iwasan:
Ang pinakadakilang
katotohanan na aking natutuhan sa pag-aaral ng buhay na ito ay...
IKA-LABINGWALONG KABANATA
ANG PARAANG TEOLOHIKAL
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang kahulugan ng paraang teolohikal na pag-aaral ng Biblia.
. Ilista ang limang mga hakbang ng pag-aaral ng Biblia sa paraang teolohikal.
. Ibigay ang kahulugan ng salitang “doktrina.”
. Ibigay ang kahulugan ng mga susing salitang teolohikal.
. Gumawa ng isang pag-aaral ng Biblia gamit ang paraang teolohikal.
SUSING MGA TALATA:
Ang mga patotoo Mo’y
kagilagilalas; Kaya’t sila’y iniingatan ng aking kaluluwa.
(Awit 119:129)
PAMBUNGAD
Ibinibigay ng kabanatang ito ang kahulugan at ipinaliliwanag ang paraang teolohikal ng pag-aaral ng Biblia. Ang isang halimbawa nito ay ipinagkaloob din. Sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ay may pagkakataon ka rin na gamitin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng paggamit ng paraang teolohikal sa pag-aaral ng Biblia.
ANG KAHULUGAN NG PARAAN
Ang paraang teolohikal ay nakatuon sa pag-aaral ng mga paunang mga doktrina ng Biblia. Ito ay ang pag-aaral ng isang aklat o ng buong Biblia upang makakalap, makapaghambing, at makapag-ayos ng doktrina. Ang “Teolohiya” ay ang pag-aaral tungkol sa Diyos. Kabilang dito ang pag-aaral tungkol sa Diyos Ama, si Jesu-Cristo ang anak, at ang Espiritu Santo. Ang paraang teolohikal ay nakatuon sa mga doktrina ng Biblia na naghahayag ng mga bagay tungkol sa Diyos. Ang doktrina ay isang kalipunan ng mga katuruan tungkol sa mga tiyak ng paksa. Ang paraang teolohikal ay nakatuon sa mga paunang mga doktrina (naayos na mga katuruan) ng teolohiya (mga bagay na patungkol sa Diyos).
Ang paraang teolohikal ay karaniwang nakatuon sa lahat ng mga itinuturo ng isang aklat tungkol sa isang napiling doktrina. Ang isang higit na detalyadong pag-aaral teolohikal ay nakatuon sa lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa doktrina. Ang isang doktrina ay hindi natutukoy batay sa isang talata hiwalay sa ibang mga talata o bahagi. Ang kamalian sa doktrina ay ibinubunga ng pagtuturo ng doktrina batay sa ilang mga piniling mga teksto. Ito ang ginagawa ng mga kulto.
Sa pag-aaral ng Biblia sa paraang teolohikal, magagamit mo ang lahat ng iyong natutuhan sa pag-aaral tungkol sa aklat, kabanata, parapo, talata, at salita. Ang lahat ng mga paraan ng pag-aaral na ito ay maaaring magamit sa paraang teolohikal.
ANG PAGPAPALIWANAG NG PARAAN
May limang pangunahing mga hakbang sa paraang teolohikal ng pag-aaral ng Biblia:
UNANG HAKBANG: PUMILI NG PAKSA
Ang sumusunod na balangkas teolohiya ng Biblia ay makatutulong sa iyo sa pagpili ng mga paksa para magamit sa paraang teolohikal ng pag-aaral ng Biblia:
Teolohiya Ng Biblia
I. Bibliology: Ang pag-aaral ng doktrina ng Biblia.
A. Pinagmulan
B. Kapahayagan
C. Pagkasi
D. Awtoridad
E. Kaliwanagan (paano nililiwanagan ng Espiritu Santo upang maintindihan ang
Biblia)
F. Pagpakahulugan
II. Theology: Ang pag-aaral sa Diyos Ama.
A. Ang mga katangian ng Diyos
B. Ang mga gawa ng Diyos
C. Ang mga pangalan ng Diyos
D. Ang likas ng Diyos
III. Christology: Ang pag-aaral ng doktrina tungkol sa kay Jesu-Cristo.
A. Ang mga katangian ni Jesus
B. Ang mga gawa ni Jesus
C. Ang mga pangalan ni Jesus
D. Ang likas ni Jesus
E. Ang Kaniyang buhay sa laman:
1. Pagsilang at pagkabata
2. Bautismo
3. Pagtukso
4. Pagbabagong anyo
5. Mga katuruan
6. Mga himala
7. Pagdurusa at kamatayan
8. Pagkabuhay na maguli
9. Pagakyat sa langit
F. Ang pagbabalik ni Jesu-Cristo
G. Ang kaharian ng Mesias
H. Ang pagka-Diyos ni Jesus: Ang pag-aaral ng katauhan at kaDiosan ni Jesus sa
isang persona.
I. Ang pagiging kaisa ng Diyos Ama sa pasimula
J. Mga kauri sa Lumang Tipan ni Jesu-Cristo
IV. Pneumatology: Ang pag-aaral ng doktrina ng Espiritu Santo.
A. Ang mga katangian ng Espiritu Santo
B. Ang gawa at ministeryo ng Espiritu Santo
1. Sa Lumang Tipan
2. Sa Bagong Tipan
3. Sa kasalukuyang panahon
C. Ang mga pangalan ng Espiritu Santo
D. Ang pagiging kaisa ng Diyos Ama sa pasimula
E. Ang likas ng Espiritu Santo
F. Ang Espiritu Santo sa Lumang Tipan inihambing sa Espiritu Santo sa Bagong
Tipan
G. Mga simbulo ng Espiritu Santo
H. Mga kaloob ng Espiritu Santo
I. Bunga ng Espiritu Santo
J. Bautismo sa Espiritu Santo
V. Angelology: ang pag-aaral ng mga mabubuting mga anghel, mga
anghel ng Diyos:
A. Ang kanilang estraktura at kaayusan
B. Mga pangalan ng mga anghel
C. Ang gawain ng mga anghel: Noon, ngayon at sa hinaharap
VI. Demonology: Mga masasamang mga anghel na mga demonyo ni
Satanas.
A. Pinagmulan
B. Estraktura at kaayusan
C. Mga pangalan
D. Gawain: Noon, ngayon, hinaharap
E. Kahatulan at hantungan
VII. Satanology: Pag-aaral tungkol kay Satanas:
A. Pinagmulan
B. Pagbagsak
C. Mga pangalan
D. Gawain: Noon, ngayon, hinaharap
E. Kahatulan at hantungan
VIII. Anthropology: ang pag-aaral ng pinagmulan at likas ng tao.
A. Ang pinagmulan ng tao
B. Ang pagkakasala ng tao
C. Ang makasalanang likas ng tao
D. Ang lunas ng Diyos para sa kasalanan ng tao
IX. Soteriology: Ang pag-aaral ng doktrina ng kaligtasan.
A. Ang pagbuo ng plano ng kaligtasan: Tinunton mula sa unang pangako ng
kaligatasan sa Genesis 3:15 sa buong Biblia.
B. Ang pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas, si Jesu-Cristo (tingnan ang Diyos Anak,
at ang doktrina ni Cristo)
C. Ang natapos na gawain ng Tagapagligtas
D. Ang mga kahilingan ng kaligtasan
X. Ecclesiology: Ito ay pag-aaral sa doktrina ng Iglesia. Ito ay nakatuon sa lahat ng katuruan
ng Biblia tungkol sa espirituwal na Katawan ni Cristo na tinatawag na Iglesia.
A. Ang iglesia bilang organismo
B. Ang pagkakaiba ng Israel at ng Iglesia
C. Ang kaayusan ng iglesia
1. Mga ordinansa
2. Kaayusan
3. Estraktura
4. Paglilingkod
5. Doktrina ng iglesia
XI. Eschatology: Pag-aaral ng tungkol sa mga huling magaganap bago magsimula ang walang hanggan.
A. Mga hula tungkol sa Iglesia
B. Mga hula tungkol sa Israel
C. Mga hula tungkol sa ibang mga bansa ng sanglibutan
D. Mga hula tungkol sa Mesias: Ang Kaniyang pagbabalik at pagtatatag ng
Kaniyang Kaharian
E. Ang pagkabuhay ng mga patay
F. Ang mga kahatulan
G. Ang kapighatian
H. Ang isang libong taon
I. Ang walang hanggang kalagayan ng mga banal at mga liko
IKALAWANG HAKBANG: IBIGAY ANG KAHULUGAN NG DOKTRINANG NAPILI
Ang mga kahulugan ng paunang mga doktrina ay ibinigay sa naunang balangkas. Kabilang dito ang doktrina ni Cristo, Espiritu Santo, Diyos Ama, Biblia, mga anghel, mga demonyo, si Satanas, ang tao, kaligtasan, iglesia at mangyayari sa darating.
IKATLONG HAKBANG: PILIIN ANG BAHAGI NG BIBLIA NA PAG-AARALAN
Pagpasiyahan kung anong aklat o mga aklat ng Biblia ang iyong pag-aaralan para sa doktrinang ito. Ang mga aklat ng Bagong Tipan ang pinakamabuting gamitin para sa pagsasaliksik ng teolohiya. Karamihan sa Lumang Tipan ay nasa porma ng kasaysayan. Ang Bagong Tipan, lalo na ang mga ebanghelyo at ang mga Sulat, ay nagbibigay ng maraming materyales para sa pag-aaral ng Biblia sa paraang teolohikal.
IKA-APAT NA HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA DOKTRINA
Gamitin ang mga natutuhan mo sa pag-aaaral ng aklat, kabanata, parapo, talata, at salita upang tulungan ka na makalap ng impormasyon tungkol sa doktrina na iyong pinag-aaralan. Habang ikaw ay nagbabasa, gumawa ng mga tala ng anomang inihahayag ng Kasulatan tungkol sa doktrina.
IKA-LIMANG HAKBANG: IBIGAY ANG BUOD NG MGA NATIPONG IMPORMASYON
Ibigay ang buod ng mga impormasyon na iyong naitala sa pag-aaral mo ng Biblia. Gamitin ang balangkas ng teolohiya na ibinigay sa kabanatang ito upang tulungan kang ayusin ang iyong mga tala ng pag-aaral sa isang tsart.
HALIMBAWA NG PARAAN
UNANG HAKBANG: PUMILI NG PAKSA
Para sa halimbawa ng paraang teolohikal pinili namin ang paksa tungkol kay Cristo.
IKALAWANG HAKBANG: IBIGAY ANG KAHULUGAN NG DOKTRINA
Ang doktrina ni Cristo ay ang pag-aaral ng mga katuruan tungkol kay Jesu-Cristo.
IKATLONG HAKBANG: PILIIN ANG BAHAGI NG BIBLIA NA PAG-AARALAN
Pag-aaralan natin ang doktrina ni Cristo sa aklat ng Colosas.
IKA-APAT NA HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA DOKTRINA
Para sa pag-aaral na ito, binasa muna natin at binalangkas ang aklat ng Colosas:
Ang Aklat Ng Colosas
I. Pambungad: 1:1-14
A. Pagbati: 1:1-2
B. Pagpapasalamat: 1:3-8
C. Panalangin ni Pablo para sa mga Cristiano sa Colose: 1:9-14
II. Ang persona at gawain ni Jesus: 1:15-23
A. Panginoon ng nilalang: 1:15-17
B. Panginoon ng Iglesia: 1:18-19
C. Taga-pagkasundo: 1:20-23
III. Pablo: Ang ministro ng Diyos sa pakikipagkasundo: 1:24-2:7
A. Mga pagdurusa: 1:24
B. Ministro ng mga hiwaga ni Cristo: 1:25-29
C. Pagnanais para sa pagkakaisa at katibayan kay Cristo: 2:1-7
IV. Ang pagka-Panginoon ni Jesus sa mga bulaang katuruan: 2:8-3:4
A. Panginoon ng bawat kapangyarihan: 2:8-10
B. Pinagmumulan ng bagong buhay: 2:11-14
C. Mananakop ng mga kapamahalaan at kapangyarihan: 2:15
D. Mga ugali ng mga taga Colosas bilang pagtatwa sa pagka-Panginoon ni
Cristo: 2:16-3:4
1. Rituwal: 2:16-17
2. Pagsamba sa mga anghel: 2:18-19
3. Nagpapasakop sa mga kaparaanan ng mundo: 2:20-23
4. Maka-mundo, pagmamahal sa mga lumilipas: 3:1-4
V. Ang pagka-Panginoon ni Cristo at ang buhay Cristiano: 3:5-4:6
A. Lumang pagkatao ay iwaksi: 3:5-9
B. Bagong buhay ang ibihis: 3:10-17
C. Mga tanging kalagayan: 3:18-4:6
1. Tahanan: 3:18-21
2. Trabaho: 3:22; 4:1
3. Pangkalahatang panuntunan: 3:23-25
VI. Mga huling tagubiin: 4:2-6
A. Katungkulan ng panalangin: 4:2-4
B. Katungkulan na sumaksi: 4:5-6
VII. Pagtatapos: 4:7-18
A. Personal na pagbati: 4:7-17
B. Pagbibigay-galang: 4:18
(Pansinin: Dagdag sa pagbalangkas ng aklat, maaari ka ring mag-aral ng kabanata, parapo, talata, at salita upang matalakay ang doktrina sa aklat. Ang pagpapasiya ng iyong pag-aaralan ay nakasalalay sa kung gaano ka-detalyado ang nais mong gawing pag-aaral. Para sa layunin ng halimbawang ito, ginawa lamang namin ang balangkas ng Colosas).
Sumunod, binasa naming muli ang aklat at isinulat ang bawat reperensya tungkol kay Jesu-Cristo at binigyang buod ang mga itinuro ng mga reperensya:
Unang Kabanata:
1:1 Ang Kaniyang pangalan: Jesu-Cristo.
1:2 Ang kapayapaan ay mula kay Jesus.
1:3 Ang Diyos ay Ama ng Panginoong Jesus.
1:4 Ang pananampalataya ay na kay Jesu-Cristo.
1:13 Ang Kaniyang Kaharian.
1:14 Kay Jesus mayroon tayong katubusan at kapatawaran ng kasalanan.
1:15 Si Jesus ang larawan ng Diyos na di nakikita. Ang panganay ng lahat ng nilalang.
1:16 Ang lahat ng mga bagay ay nilalang ni Jesus.
1:17 Si Jesus ay una sa lahat ng mga bagay at ang lahat ng mga bagay ay nabubuhay
dahil sa Kaniya.
1:18 Si Jesus ang ulo ng Iglesia na siyang Kaniyang katawang espirituwal.
1:18 Si Jesus ang panganay sa mga patay ( ang ibig sabihin ay Siya ang unang nabuhay
mula sa mga patay)
1:19 Ang buong kapuspusan ay nananahan sa Kaniya.
1:20 Pinayapa ni Jesus ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng dugo ng Kaniyang
krus.
1:20 Nagawa ni Jesus na pakipagkasunduin ang lahat ng mga bagay.
1:22 Ang kabanalan ay sa pamamagitan ni Jesus.
1:24 Ang Iglesia ang Kaniyang katawan.
1:27 Kung si Cristo ay nasa atin mayroon tayong pagasa sa kaluwalhatian.
1:28 Si Cristo ang ating kasakdalan.
1:29 Siya ang gumagawa na may kapangyarihan.
Ikalawang Kabanata;
2:3 Nasa Kaniya ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.
2:5 Si Jesus ang pinaglagakan natin ng ating pananampalataya.
2:6 Tayo ay kailangang lumakad na kasama Niya.
2:7 Tayo ay kailangang lumago sa Kaniya.
2:9 Kay Jesus nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Diyos sa kahayagan ayon
sa laman.
2:10 Si Jesus ang pangulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan.
2:13 Pinatawad tayo ni Jesus (pagtutuli ng puso).
2:14 Tinupad ni Jesus ang kautusan ng Lumang Tipan.
2:15 Hinatulan ni Jesus ang pamunuan at kapangyarihan.
2:17 Ang katawan ay kay Cristo.
2:19 Siya ang ulo ng katawan.
2:20 Kung nangamatay na tayong kasama ni Cristo, hindi na tayo napapasakop sa
tuntunin ng mundo ito.
Ikatlong Kabanata:
3:1 Tayo ay binuhay kay Cristo.
3:1 Siya ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos.
3:4 Si Jesus ang ating buhay.
3:4 Si Jesus ay mahahayag at tayo ay mahahayag na kasama Niya (magandang pag-
aralan ang salitang “mahahayag”)
3:11 Si Cristo ang lahat at sa lahat; sinira Niya ang pader na naghahati.
3:10 Tayo ay nababago sa kaalaman ayon sa Kaniyang larawan.
3:13 Ang pagpapatawad sa kapatiran ay posible dahil sa pagpapatawad ni Jesus.
3:15 Ang kapayapaan ay mula kay Jesus.
3:16 Ang Kaniyang Salita ay dapat manahang sagana sa atin.
3:17 Gawin natin ang lahat alang-alang sa Kaniyang pangalan.
3:17 Manalangin tayo sa Kaniyang pangalan.
3:24 Tayo ay maglingkod sa Panginoong Jesu-Cristo.
Ika-Apat Na Kabanata:
4:3 Ang hiwaga ni Cristo ( ang Ebanghelyo)
IKA-LIMANG HAKBANG: IBIGAY ANG BUOD NG MGA NATIPONG IMPORMASYON
Ang sumusunod na balangkas ay sinusuri ang impormasyon nakalap sa Colosas tungkol sa doktrina ni Cristo. Ito ay nagbibigay buod sa paunang doktrina na itinuro tungkol kay Jesus sa aklat:
Ang Pag-aaral Tungkol Kay Cristo Sa Colosas
I. Ang mga pangalan ni Jesu-Cristo:
A. Cristo Jesus: 1:1
B. Panginoong Jesu-Cristo: 1:3
C. Pangulo ng katawan: 1:18, 24
D. Anak ng Kaniyang pagibig: 1:13
E. Panginoong Cristo: 3:24
II. Ang mga katangian ni Jesu-Cristo:
A. Omnisyente: Alam ang lahat ( sa Kaniya nananahan ang lahat ng karunungan at
kaalaman): 2:3
B. Pagibig: Pinayapa Niya ang lahat sa pamamagitan ng dugo ng Kaniyang krus
dahil sa Kaniyang pagibig sa makasalanang sangkatauhan: 1:20
C. Kabanalan: Siya ay sakdal: 1:29
D. Omnipresente: Naroroon sa lahat ng dako; Si Cristo ay lahat at sa lahat: 3:11
E. Walang Hanggan: Bago pa lalangin ang lahat, siya na: 1:17; Si Cristo ay lahat:
3:11
F. Omnipotente: Siya ay makapangyarihan sa lahat:
1. Lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya: 1:16
2. Ang lahat ay pinagpisan Niya: 1:17
3. Mga pamunuan at kapangyarihan ay nasasakop Niya: 2:10
G. Manglilikha: 1:16
H. Tagapagpatawad: 2:13
I. Kapayapaan: 1:2
J. Pananampalataya: 1:4
K. Karunungan at kaalaman: 2:2-3
III. Ang pagka-Diyos ni Jesu-Cristo: Siya ang Diyos sa anyong laman.
A. Ang Kaniyang kaugnayan sa Diyos:
1. Anak ng Diyos: 1:3, 13
2. Siya ang larawan ng di nakikitang Diyos
3. Sa Kaniya nananahan ang kalubusan ng Ka-Diyosan: 1:19; 2:9
B. Ang Kaniyang mga gawa:
1. Manlilikha: 1:16
2. May hawak ng buhay: 1:17
3. Tagapagligtas ng sangkatauhan: 1:14, 20, 22; 2:13, 14
4. Hinatulan ang mga pamunuan at kapangyarihan: 2:15
C. Ang Kaniyang panunungkulan:
1. Pangulo ng mga pamunuan at kapangyarihan: 2:10
2. Pinaglalagakan ng pananampalataya ng mananampalataya: 1:4; 2:5
3. Dahilan at pinaglilingkuran ng mga mananampalataya: 3:17
4. Nakalalapit sa Diyos ang mananampalataya sa pamamagitan Niya: 3:17
5. Pangulo ng Iglesia, ang Kaniyang katawan: 1:24; 2:17, 19
6. Pangulo ng Kaharian: 1:13
7. Nakaupo sa kanang kamay ng Diyos: 3:1
8. Siya ay lahat at sa lahat: 3:11
IV. Ang pagiging tao ni Jesus: bagamat Siya ay Diyos, Siya ay nagkatawang tao at
nanahan na kasama ng mga tao, tinukso at tulad ng tao ay may limitasyon ng tao, bagamat walang kasalanan:
A. Ibinuhos Niya ang Kaniyang dugo: 1:20
B. Siya ay namatay: 2:15
C. Siya ay nabuhay na maguli mula sa mga patay: 2:15; 1:18
V. Ang Kaniyang kamatayan
A. Tinupad ang kautusan: 2:17
B. Hinatulan ang mga pamunuan at kapangyarihan: 2:15
C. Pinayapa ang lahat at pinapagkasundo ang sangkatauhan: 1:20, 22
D. Nakapaggawad ng kapatawaran: 2:13; 3:13
VI. Ang Kaniyang pagkabuhay na maguli
A. Siya ang panganay sa mga patay o unang nagbangon mula sa mga patay:
1:18
B. Tiniyak Niya ang ating pagkabuhay na maguli: 3:1
VII. Ang Kaniyang pagbabalik: Siya ay mahahayag sa hinaharap at tayo ay
mahahayag na kasama Niya: 3:4
PANSARILING PAGSUSULIT
1. May ilang mga salitang teolohikal ang binigyang kahulugan sa kabanatang ito. Makabubuti para sa iyo na maging pamilyar sa mga salitang ito upang iyong maunawaan ang mga ito kung iyong marinig na ginagamit ng iba o makatagpo mo sa iyong pag-aaral ng Biblia.
Tingnan mo ang mga salita sa Unang Listahan. Basahin mo ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Piliin ang angkop na kahulugan na naglalarawan sa bawat salita. Isulat mo ang numero ng kahulugan sa puwang sa harap ng mga salita na binibigyang kahulugan.
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
________ Angelology 1. Pag-aaral ng doktrina ng Biblia.
________ Demonology 2. Ang pag-aaral tungkol kay Jesu-Cristo
________ Soteriology 3. Ang pag-aaral ng doktrina ng iglesia.
________ Ecclesiology 4. Ang pag-aaral tungkol sa mga huling bagay.
________ Eschatology 5. Ang doktrina ng kaligtasan.
________ Christology 6. Ang pag-aaral tungkol sa tao.
________ Bibliology 7. Ang pag-aaral tungkol sa mabubuting mga
anghel.
________Anthropology 8. Ang pag-aaral tungkol sa masasamang mga
anghel na mga demonyo ni Satanas.
________Satanology 9. Ang pag-aaral ng doktrina ni Satanas.
________Pneumatology 10. Ang pag-aaral ng doktrina ng Espiritu Santo
2. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
3. Ano ang paraan ng pag-aaral teolohikal ng Biblia?
4. Ilista ang limang mga hakbang sa paraang teolohikal.
5. Ibigay ang kahulugan ng salitang “doktrina.”
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang doktrina ng mga huling mga bagay na mangyayari ay ang eschatology. Ang mga aklat ng I at II Tesalonica ay naghahayag ng ilang mga bagay tungkol sa mga huling mangyayari. Ito ay mga nakatuon sa pagbabalik ni Jesu-Cristo na tinatawag na pagdagit (rapture).
Ang pagdagit ay sa hinaharap sa pagbabalik ni Jesus sa mga ulap ng kalangitan upang tanggapin sa Kaniyang sarili ang mga tunay na mananampalataya. Ang mga mananampalataya na nangamatay na ay bubuhaying muli mula sa mga patay upang salubungin Siya sa ulap. Ang mga mananampalataya na buhay pa sa lupa ay dadagitin o kukunin upang sumama kay Jesus at sa mga binuhay mula sa mga patay. Tayong lahat ay sama-sama sa presensya ng Diyos sa walang hanggan.
Gamit ang halimbawa sa kabanatang ito, gumawa ng isang pag-aaral teolohikal sa mga aklat ng I at II Tesalonica. Tipunin at suriin ang lahat ng mga impormasyon mula sa mga aklat na ito tungkol sa mga huling pangyayari, lalo na ang pagbabalik ni Jesu-Cristo.
UNANG HAKBANG: PUMILI NG PAKSA
IKALAWANG HAKBANG: IBIGAY ANG KAHULUGAN NG DOKTRINA
IKATLONG HAKBANG: PILIIN ANG BAHAGI NG BIBLIA NA PAG-AARALAN
IKA-APAT NA HAKBANG: TIPUNIN ANG IMPORMASYON TUNGKOL SA DOKTRINA
IKA-LIMANG HAKBANG: IBIGAY ANG BUOD NG MGA NATIPONG IMPORMASYON
IKA-LABINGSIYAM NA KABANATA
ANG PAG-AARAL NG MGA PANULAAN (POETRY) SA BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Tukuyin ang mga ibat-ibang porma ng mga panulaan sa Biblia.
. Tukuyin ang mga ibat-ibang uri ng mga panulaan sa Biblia.
. Pag-aralan ang panulaan sa Biblia.
SUSING TALATA:
Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa
Iyo, Dahil sa Iyong matutuwid na kahatulan.
(Awit 119: 164)
PAMBUNGAD
Ang Biblia ay isang koleksyon ng 66 na mga aklat na naglalaman ng kasaysayan, drama, romansa, pakikipagsapalaran, at mga panulaan. Higit pa sa isang dakilang literatura, bagamat ito ay isang dakilang literatura sa nilalaman at porma. Kung iyong pag-aralan ang nilalaman ng isang aklat, pinag-aralan mo ang mensahe ng aklat. Natutuhan mo ang mensaheng espirituwal na inihahayag nito.
Kung iyong pag-aralan ang porma ng isang aklat sinusuri mo kung paano ang aklat ay inayos upang madala ang nilalaman. Mga limang aklat ng Biblia ang inayos sa pormang panulaan -ito ay ang Job, Mga Awit, Kawikaan, Eclesiastes, at Awit Ng Mga Awit. Mayroong mga dagdag na bahaging panulaan na hindi naman bahagi ng limang mga aklat na ito o dibisyon ng panulaan. Halimbawa, ang mga panulaan ay masusumpungan sa ilang mga aklat ng kautusan at hula.
Ang paglalahad ng mga katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng pormang panulaan ay kakaiba sa mga porma ng pagsasalaysay (pakuwento) na ginamit sa malaking bahagi ng Biblia. Ang panulaan ng Biblia ay kaiba rin sa karaniwang panulaan na nalalaman natin. Dahil dito, kailangan ang mga tanging panuntunan upang tulungan ka sa pag-aaral ng mga aklat na ito. Ipinapaliwanag ng kabanatang ito ang mga porma at uri ng panulaan sa Biblia. Ang kaalamang ito ay tutulong sa iyo na maunawaan at magamit ang mga katotohanang espirituwal na masusumpungan sa mga aklat panulaan ng Biblia.
KAAYUSAN O PORMA NG PANULAAN
Ang panulaan ng Biblia ay malamang na kaiba kay sa panulaang karaniwan nating alam. Ang panulaan ng Biblia ay nasulat sa porma ng panulaang Hebreo yamang ang karamihan ng Lumang Tipan ay nasulat sa wikang ito. Ang batayang prinsipyo ng panulaan ng Biblia ay ito ay naglalaman ng paralelismo sa kaisipan. Ang salitang paralelismo ay galing sa salitang “magkahilera” na ang ibig sabihin ay “magkatabi o magkatulad.” Halimbawa, ang dalawang guhit na nasa ibaba ay magkatabi at magkatulad:
_________________
_________________
Kung ang mga bagay ay magkatulad sa isat-isa, tulad ng dalawang guhit na ito, ito ay may paralelismo. Ang panulaang Hebreo ay magkatulad sa kaisipan kung paanong ang dalawang guhit ay magkatulad kung tingnan o sa hitsura.
May apat na karaniwang paralelismo na ginamit sa panulaang Hebreo:
1. SYNONYMOUS PARALLELISM:
Ang ibig sabihin ng salitang “synonymous” ay magkapareho o magkatulad. Sa pormang ito ng panulaan, ang pangalawang linya ng tula ay inuulit ang kaisipan ng unang linya. Halimbawa:
Panginoon, ano’t ang aking mga kaaway ay
nagsisidami!
Marami sila na
nagsisibangon laban sa akin. (Awit 3:1)
Siyang nauupo sa
kalangitan ay tatawa:
Ilalagay sila ng
Panginoon sa kakutyaan. (Awit 2:4)
Sa dalawang mga halimbawang ito, ang ikalawang linya ay inulit ang katulad na kaisipan ng unang linya sa ibang pangungusap. Ang kaisipan na inihayag sa ikalawang linya ay pareho o katulad ng naihayag sa unang linya.
2. ANTITHETIC PARALLELISM:
Ang ibig sabihin ng salitang ‘antithetic” ay kabaligtaran. Sa pormang ito ng tulang Hebreo, ang ikalawang linya ay kabaligtaran ng kaisipan ng unang linya. Ngunit mayroon pa ring paralelismo sapagkat ang katotohanang dala ng ikalawang linya ay may hawig din kaya lamang ay ang ginamit na pananalita ay kabaligtaran. Halimbawa:
Sapagka’t nalalaman ng Panginoon ang lakad
ng mga matuwid:
Nguni’t ang lakad ng
masama ay mapapahamak. (Awit 1:6)
Sa halimbawang ito, ang pangalawang linya ay kabaligtaran ng unang linya. Isinasaad ng unang linya ang lakad ng matuwid. Ang pangalawang linya ay nagsasaad ng lakad ng masama. Ang ikalawang linya ay may paralelismo pa rin sa unang linya sapagkat ito ay sumasang-ayon sa sinabi sa unang linya sa pamamagitan ng paglalahad ng kabaligtarang katotohanan.
3. SYNTHETIC PARALLELISM:
Ang pormang ito ng paralelismo ay tulad naman ng pagtatayo ng isang bagay na gamit ang mga bloke. Ang ikalawang linya ng tula at lahat ng mga sumusunod na mga linya ay dinaragdagan ang kaisipan ng unang linya. Pag-aralan ang halimbawa sa ibaba. Ang pangalawa at mga sumunod na mga linya ay nagdagdag o nagtayo sa unang linya ng tula:
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo
ng masama,
Ni tumatayo man sa
daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa upuan
ng mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang
kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At sa kautusan Niya
nabubulaybulay siya araw at gabi. (Awit 1:1-2)
Sa unang talata, ang unang linya ay nagsasaad na ang isang tao ay mapalad kung hindi siya lumalakad ayon sa payo ng masama. Ang sumunod na linya ay dagdag na katotohanan na sinasabing hindi rin siya dapat tumayo o maupo sa kanilang daan. Sa talatang ikalawa, sinabi sa atin na ang kasiyahan ng taong ito ay sa kautusan ng Panginoon. At ang sumunod na linya ay idinagdag ang kaisipang siya ay nagbubulaybulay sa kautusan ng Diyos palagi.
4. EMBLEMATIC PARALLELISM:
Ang ibig sagihin ng salitang “emblem” ay sagisag, na nagsasaad na kumakatawan sa o inilalarawan nito ang isang bagay. Halimbawa, ang mga bituwin sa bandera ng Estados Unidos ay mga sagisag (o kumakatawan) ng 50 na mga estado na kaanib na nagkakaisa. Sa porma ng tulang “emblematic” ang paralelismo ay ang ikalawa at mga sumusunod na mga linya na isang tula ay sumasagisag o naglalarawan sa unang linya. Halimbawa:
Kung paanong humihingal ang usa sa
pagkauhaw sa tubig ng mga batis,
Gayon humihingal ang
aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh, Diyos.
(Awit 42:1)
Inilalarawan ng ikalawang linya ang unang linya. Inilarawan ni David ang kaniyang kaluluwa na naghahangad sa Diyos tulad ng isang usa na nasasabik sa tubig kung ito ay nauuhaw. Ang larawan ng isang usang nauuhaw ay sagisag na naghahayag ng espirituwal na pagkauhaw ni David. Bagamat may ilang ibang porma ng paralelismo sa panulaang Hebreo, hindi ito karaniwang ginamit sa Biblia kaya hindi na kailangan na isama pa ang mga ito dito sa ating pag-aaral.
PAGGAMIT NG PORMA UPANG MAUNAWAAN ANG NILALAMAN
Ang pagkilala sa mga pormang ito ng mga tula ay tutulong sa iyo sa pag-aaral mo ng mga panulaan ng Biblia. Mauunawaan mo ang nilalaman habang ito ay nahahayag sa:
1. Magkatulad na paglalahad
ng katotohanan (synonymous parallelism):
Ito ay makatutulong na maunawaan mo ang magkatulad na katotohanan na inihayag sa parehong paraan. Ang gayong paguulit ay magtatatag na matibay ng katotohanan sa iyong isip at puso. Ito ay isang mahalagang paraan ng pagbubulaybulay sa Salita ng Diyos. Kung sa isang kadahilanan ay hindi mo naunawaan ang isang katotohanan sa paraang ginamit sa unang linya ng tula, ang pangalawang linya ay uulitin ang parehong katotohanan na tutulong naman sa iyo na ito ay maunawaan.
2. Magkabaligtad na
paglalahad ng magkatulad na katotohanan (antithetic parallelism):
Hindi mo lamang matututuhan ang mga dakilang katotohanan, kundi ang kabaligtaran ng mga katotohanang ito. Sa halimbawa sa Awit 1:6, hindi mo lamang natutuhan ang tungkol sa lakad ng matuwid kundi natutuhan mo rin ang kabaligtarang katotohanan tungkol sa lakad naman ng masama. Sa iyong pagkatuto na kilalanin ang “antithetic “ na paralelismo na porma ng tula hindi lamang mga mabubuting katotohanan ang magagamit mo sa iyong pamumuhay, kundi ikaw ay mabibigyan din ng babala ng panganib ng kabaligtaran nito. Sa halimbawang ating ginamit natutuhan mo na alam ng Diyos ang iyong mga lakad kung ikaw ay matuwid na isang magandang katotohanan. Natutuhan mo rin na kung ikaw ay masama ikaw ay mapapahamak. Ang kabaligtarang kaisipang ito ay nagbibigay ng mahalagang babala.
3. Pagdadagdag ng mga bloke
ng katotohanan (synthetic parallelism):
Habang ang bawat linya ng tula ay nagdadadag sa naihayag na sa unang linya, ang katotohanang ito ay malulubos ang paglago sa iyong isip.
4. Mga sagisag na naglalarawan ng katotohanan ng Diyos (emblematic parallelism):
Ang gayong paglalarawan ay lumilikha ng isang paglilinaw sa katotohanan ng Diyos sa iyong isip.
MGA URI NG PANULAAN
May tatlong paunang uri ng panulaang Hebreo. Ang paghahati sa panulaan ayon sa uri ay ginagawa batay sa nilalaman at paraan ng paglalahad ng mga tula. Kung matutuhan mong kilalanin ang mga ibat-ibang mga uri ng panulaan ng Biblia makatutulong ito sa iyo na maunawaan ang iyong binabasa. Ang tatlong pangunahing uri ng panulaan sa Biblia ay ang:
1. EPIC POETRY: (TULA NA
PASALAYSAY ANG PARAAN)
Ito ang tula na pasalaysay kung ihanay. Ito ay naglalahad ng mga magigiting na mga pagkilos. Marami-rami din ang ganitong uri ng tula na nakakalat sa mga aklat ng kasaysayan ng Biblia. Basahin ang Bilang 22 at 24 na naglalahad ng kasaysayan ni Balaam. Ito ay halimbawa ng tulang pasalaysay ang paraan.
2. DRAMATIC POETRY:
(TULA NA PADULA ANG PARAAN)
Ang tulang isinadula ay tulang binigyan ng mga galaw. Ang aklat ni Job ang pinakamabuting halimbawa nito. Sa pagsisimula ng aklat pinayagang makita natin ang mga kaganapan sa likod, kung baga, ng entablado at ating natuklasan ang dahilan ng mga problema ni Job ay si Satanas. Susunod, nakita natin ang mga utusan na ibinabalita kay Job ang sakuna na nangyari sa kaniyang mga anak at ari-arian. Pagkatapos si Job ay nakaupo sa tabi ng tambak na abo. Sa mga sumusunod na mga tagpo ang kaniyang mga kaibigan ay nag-alok ng ibat-ibang mga mungkahi kung bakit siya nagdurusa. May isang magandang wakas nang si Job ay makarinig mula sa Diyos at sa huli ay nabalik ang mga pagpapala sa kaniya. Ang aklat ni Job ay isang dula na inilahad sa pormang panulaan.
3. LYRIC POETRY: (TULA
NA PAKANTA ANG PARAAN)
Ito ang panulaan na inaawit. Ang dalawang napakagaling na mga halimbawa ay masusumpungan sa awit ni Debora sa Mga Hukom 5 at ang awit ni Miriam sa Exodo 15. Mayroon ding mga bahagi na tulang kinakanta kung inhahayag ang pagdadalamhati o kapahayagan ng kalungkutan. Ang mga halimbawa nito ay masusumpungan sa Mga Awit 137, 74, 80 at II Samuel 1:19-27. Ang aklat ng Panaghoy ay isa ring halimbawa ng ganitong uri ng tulang pakanta o malungkot na awitin. Ang aklat na ito ay nasulat sa porma ng panulaan ngunit itinuring na isang aklat ng kasaysayan sapagkat ang panulaan ay kaugnay ng isang trahedya sa kasaysayan ng bayan ng Diyos.
MGA AKLAT NG PANULAAN:
PAGPAPAKITA NG PAGSULONG
Ang limang aklat ng mga panulaan o tula ay nagpapakita ng paglago ng buhay espirituwal. Ang aklat ni Job ay naglalarawan ng kamatayan sa lumang pagkatao o sarili. Ang Mga Awit ay nagpapakita ng bagong buhay sa Diyos, na nahahayag sa papuri, panalangin, pagsamba, paghiling, paghahayag, at pamamagitan. Sa Kawikaan, tayo ay nasa paaralan ng Diyos na nag-aaral ng makalangit ngunit mga praktikal na karunungan para sa buhay sa lupa. Ang Eclesiastes naman ay naghahatid ng kawalang kabuluhan ng buhay na hiwalay sa Diyos. Ang Awit ng mga Awit ay nangungusap tungkol sa mga hinahanap nating kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng isang relasyon kay Jesu-Cristo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Tingnan ang Unang Listahan ng mga uri ng panulaan ng Biblia. Basahin ang Ikalawang Listahan at hanapin ang mga kahulugan na naglalarawan sa bawat uri. Isulat ang tamang letra ng tamang kahulugan sa puwang sa harap ng uri ng panulaan na inilalarawan nito.
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
________ Dramatic poetry a. Ang uri ng panulaang ito ay kinakanta.
________ Epic poetry b. Ang uri ng panulaang ito ay isang dula.
________ Lyric poetry c. Ang uri ng panulaang ito ay isinasalaysay o nasa
ayos ng isang kwento at madalas ay
nagsasaad ng mga magigiting na gawa.
3. Tingnan ang Unang Listahan ng mga ibat-ibang porma ng panulaan ng Biblia. Basahin ang Ikalawang Listahan at hanapin ang kahulugan na naglalarawan ng bawat porma. Isulat ang letra sa tamang kahulugan sa harap ng porma na inilalarawan nito.
Unang Listahan
Ikalawang
Listahan
________ Synonymous parallelism a. Ang pangalawa at mga sumusunod na linya ay
nagbibigay larawan o sagisag upang ihayag ang katotohanan ng unang linya.
________ Emblematic parallelism b. Ang pangalawa at mga sumusunod na mga linya
ay kabaligtarang katotohanan na kaugnay ng unang linya ng tula.
________ Antithetic parallelism c. Ang pangalawa at mga sumusunod na mga linya
ay naghahayag ng kaisipan na katulad ng unang linya.
________ Synthetic parallelism d. Ang ikalawa at ang mga sumusunod na mga
linya ay nagdaragdag sa katotohanang
nahayag sa unang linya.
4. Tingnan ang Awit 3:1. Ang talata ay nasulat sa ______________parallelism.
5. Tingnan ang Awit 1:6 . Ang talata ay nasulat sa_______________parallelism.
6. Tingnan ang Awit 1:1-2. Ang talata ay nasulat sa_______________parallelism.
7. Tingnan ang Awit 42: 1. Ang talata ay nasulat sa ______________parallelism.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Dagdag sa mga aklat ng panulaan may mga nakakalat na mga bahagi na panulaan sa Luma at Bagong Tipan. Ang ilan dito ay nakalista sa ibaba. Gamitin ang mga reperensyang ito para sa dagdag na pag-aaral ng Biblia.
Genesis 4:23-24 Si Lamec sa kaniyang mga asawa
Exodo 15:1-21 Awit ni Moises/Miriam
Bilang 21:27-30 Awit ng mga makata
Bilang 23:7-10 Awit ni Balaam
Deuteronomio 33:1-47 Awit ni Moises
Josue 10:12-14 Awit ni Josue
Mga Hukom 5:1-31 Awit ni Debora at Barak
Ruth 1:16-17 Awit ni Ruth
I Samuel 2:1-10 Awit ni Ana
II Samuel 3:33-34 Ang panaghoy ni David dahil kay Abner
II Samuel 1:17-27 Awit para kay Saul at Jonathan
II Samuel 22:2-51 Awit ni David ng tagumpay
II Samuel 23:1-7 Mga huling mga salita ni David
I Cronica 16:8-36 Pagpapasalamat ni David
Jeremias 9:17-22 Pagdadalamhati dahil sa pagbagsak ng bansa
Panaghoy 1, 2, 3, 4, 5 Pagdadalamhati dahil sa pagbagsak ng bansa
Ezekiel 27: 25-28:23 Mga hula laban sa Tiro, patula.
Ezekiel 19:1-14 Mga panaghoy para sa mga pinuno ng Israel
Oseas 2:1-15 Awit sa parusa sa Israel
Habacuc 3:1-19 Panalangin ni Habacuc
Lucas 1:46-55 Awit ni Maria
Lucas 1:68-79 Awit ni Zacarias
Lucas 2:29-32 Ang bendisyon ni Simeon
IKA-DALAWANGPUNG KABANATA
ANG PAG-AARAL NG MGA HULA SA BIBLIA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ilista ang tatlong dahilan kung bakit mahalagang pag-aaralan ang hula ng Biblia.
. Tukuyin ang pinagmulan ng mga hula ng Biblia.
. Ibigay ang kahulugan ng hula ng Biblia.
. Panganlan ang dalawang paraang ginamit ng Diyos sa pagbibigay ng mga hula.
. Ilista ang tatlong mga layunin ng hula.
. Ilista ang limang mga susi sa pagkaunawa ng hula ng Biblia.
SUSING TALATA:
At sinabi Niya sa kanila, Ito ang Aking mga
salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang
matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa Akin sa kautusan ni
Moises, at sa mga propeta, at sa mga Awit.
(Lucas 24: 44)
PAMBUNGAD
Tulad ng iyong natutuhan na sa kursong ito, may ilang mga aklat sa Salita ng Diyos na tinatawag na mga aklat ng hula. Ang kabanatang ityo ay naghaharap ng ilang mga panuntunan para sa pag-aaral at pagkaunawa ng hula ng Biblia.
ISANG AKLAT NG HULA
Ang nasulat na Salita ng Diyos, ang Biblia ay kaiba sa maraming paraan mula sa mga sagradong kasulatan ng ibang relihiyon. Ngunit may isang mahalagang pagkakaiba. Ang pagkakaiba ay ang mga sagradong mga aklat na lahat ng ibang mga relihiyon ay may mga hula na hindi natupad nang tumpak. Ang hula na nilalaman ng Biblia, karamihan dito ay natupad na, ay isang mahalagang saksi sa makalangit na pagkasi ng Diyos sa mga Kasulatan.
ANG KAHULUGAN NG HULA
Ang ibig sabihin ng salitang “hula” ay magsalita. Kabilang sa hula ng Biblia ang tatlong mga paunang mga uri ng pagsasalita:
1. Isang mensahe na kinasihan mula sa Diyos.
2. Ang paghula sa mga pangyayari sa hinaharap na plano ng Diyos.
3. Ang pagkahulugan para sa tao ng mga gawa ng Diyos.
ANG MGA PROPETA
Inatasan ng Diyos ang bawat propeta ng Biblia na tuparin ang isang tiyak na bahagi sa Kaniyang plano.
-Bilang tagapagbigay kahulugan,ipinapaliwanag nila ang mga gawa ng Diyos sa mga tao.
-Bilang mga tagapagsalita, kanilang inihahayag ang katotohanan ng Diyos. Kanilang sinalita ang mga mensahe ng pag-asa at inspirasyon.
-Bilang mga propeta, kanilang hinulaan ang mga mangyayari sa hinaharap sa plano ng Diyos sa pamamagitan ng kapahayagan na ibinigay ng Espiritu Santo.
Ang mga hula ng Biblia ay hindi kayang gawin ng likas na kakayahan ng tao. Kabilang dito ang maraming maliliit na mga detalye na hindi magbibigay puwang sa anomang pagbabaka-sakali.
MGA PARAAN NG HULA
May dalawang paunang paraan na ginamit ng Diyos sa pagsasalita Niya sa pamamagitan ng mga propeta.
ANG MGA SINALITA:
Ang madalas na ginamit ay ang pagsasalita. Sasabihin ng Diyos sa propeta ang mga salitang dapat sabihin. Halimbawa, sinabi ng Diyos sa propetang si Jeremias:
…sapagkat saan man Kita susuguin ay
paroroon ka, at anomang iutos Ko sa iyo ay sasalitain mo. (Jeremias 1:7)
Sa buong aklat ng Jeremias ang tagubilin ng Diyos sa kaniya ay…
Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig
ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon… (Jeremias 2:2)
Sinalita naman ni Jeremias ang mga salita na sinabi sa kaniya ng Diyos na kaniyang salitain.
MGA ISINAGAWANG MGA HULA:
Bukod sa sinalitang hula, ang mga propeta ay naudyukan ng Diyos na isagawa ang mensahe na mistulang isang dula. Halimbawa, sinabi ng Diyos kay Jeremias na:
…Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga
pamatok, at ilagay mo sa
iyong batok. (Jeremias 27:2)
Ang mga pamatok na ito ay isang nakikitang hula ng mga pamatok ng pagkaalipin na darating sa mga tao dahil sa kanilang kasalanan. Kaya mistulang isinadula na ni Jeremias ang mensaheng hula ng Diyos.
ANG PINAGMULAN NG HULA
Ang pinagmumulan ng hula ng Biblia ay ang Diyos na naghahayag ng Kaniyang mensahe sa tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo:
Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating
ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na nangaudyokan
ng Espiritu Santo.
(II Pedro 1:21)
Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng
Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng
mga bagay, oo ang malalalim na mga bagay ng Diyos. (I Corinto 2:10)
Nakapagsasalita ng tumpak ang Diyos tungkol sa hinaharap sapagkat:
Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga
bagay na ito mula nang una.
(Gawa 15:18)
Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng
una: sapagkat Ako’y Diyos, at walang iba liban sa Akin; Ako’y Diyos, at walang
gaya Ko;
Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula,
at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na
nagsasabi, Ang payo Ko ay mananayo, at gagawin Ko ang Aking buong kaligayahan. (Isaias 46:9-10)
Ang Diyos ay nagtinding ng mga tunay na propeta:
Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Diyos
ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo
makikinig. (Deuteronomio 18:15)
Inihayag ng Diyos ang Kaniyang plano para sa hinaharap sa pamamagitan ng mga propetang ito:
Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang
gagawin, kundi kanilang ihahayag ang Kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na
mga propeta. (Amos 3:7)
MGA BULAANG PROPETA
Ginagaya ni Satanas ang tunay na hula sa pamamagitan ng mga bulaang hula ng mga manghuhula, mga magkukulam, at mga astrologo. Ang mga paraang ito ay hindi sa Diyos. Ang wika ng Propetang si Daniel:
Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at
nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipapaaninaw sa hari kahit
ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula
man.
Ngunit may isang Diyos sa langit na naghahayag ng mga lihim, at Siyang nagpapaaninaw sa Haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw… (Daniel 2:27-28)
Ang tunay na hula ay dinadala ang pansin kay Jesu-Cristo:
Kaya’t ipinatatalastas ko sa inyo, na wala
sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagsasabi, Si Jesus
ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
(I Corinto 12:3)
Nagbabala ang Biblia laban sa mga bulaang propeta (Mateo 24:11, 24; Marcos 13:22). Ang isang taong tinawag na “bulaang propeta” ay mabubunyag sa mga pangyayari sa katapusan ng sanglibutan (Apocalipsis 13:11-17; 16:13; 19:20; 20:10). Inihayag ng Biblia ang ilang mga paraan upang matukoy ang mga bulaang propeta:
-Nagtuturo sila ng imoralidad at kalayawan: II Pedro 2:13
-Sinisikap nila na ilayo ang mga tao sa pagsunod sa Salita ng Diyos: Deuteronomio 13:1-5
-Gumagawa sila ng mga maling pagpapakilala: Mateo 24:23-24
-Inililigaw nila ang mga tao sa pamamagitan ng mga kababalaghan at mga tanda: Mateo 24:11, 24
-Hindi sila nagbibigay ng hula ayon sa sukat ng pananampalataya (kaugnay ng Salita ng Diyos):
Roma 12:6
-Ang mga bulaang propeta ay walang bunga ng Espiritu Santo sa kanilang mga buhay: Mateo 7:15-16; Galacia 5:22-23
-Ang kanilang hula ay hindi nangyayari: Deuteronomio 18:20-22
ANG MGA LAYUNIN NG HULA
Ang Biblia ay naghayag ng tanging mga layunin para sa pagsasalita ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng hula:
UPANG PATUNAYAN ANG MENSAHE NG DIYOS:
Ang mga hulang natupad ay nagpapatunay na ang mensahe ng Diyos ay totoo. Sa Isaias 41:21-23 hinamon ng Diyos ang mga diosdiosan ng mga bansang pagano na patunayan ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Hindi nila magawa ito sapagkat sila ay mga bulaang diyos:
Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng
Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari
ng Jacob.
Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung ano
ang mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga
yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan
ninyo kami ng mga bagay na darating.
Inyong ipahayag ang mga bagay na darating
pagkatapos, upang aming maalaman na kayo’y mga dios… (Isaias 41:21-23)
UPANG PAGTIBAYIN ANG MENSAHERO NG DIYOS:
Pinagtitibay ng hula ang mga tunay na mensahero ng Diyos:
Ang propeta na nanghuhula ng tungkol sa
kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya,
pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.
(Jeremias 28:9)
UPANG TURUAN ANG MGA MANANAMPALATAYA:
Ang mananampalataya ay tatanggap ng mga pagtuturo mula sa hula at susundin ito:
At kami ay mayroong lalong panatag na
salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na
gaya nga sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim… (II Pedro 1:19)
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG HULA
May tatlong pangunahing mga dahilan kung bakit mahalaga na mag-aral ng hula ng Biblia:
1. Ang buong Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pag-aaral:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(II Timoteo 3:16-17)
2. Ang hula ay nagdadala ng pagkaunawa ng nakaraan, kasalukuyan, at mga pangyayari sa hinaharap sa plano ng Diyos:
…ang mga bagay na nakita mo, at ang mga
bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating. (Apocalipsis 1:19)
3. Ang pagkaunawa sa plano ng Diyos sa hinaharap ay pumipigil sa pandaraya ni Satanas:
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong
sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
Sapagkat may magsisilitaw na bulaang
Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga
kababalaghan; ano pa’t ililigaw , kung maaari, pati ang mga hirang. NARITO,
PINAGPAUNA KO NANG SABIHIN SA INYO.
Kaya nga, kung sa inyo’y kanilang
sasabihin, Narito, Siya’y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, Siya’y
nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
(Mateo 24:23-26)
Ang plano ng Diyos sa hinaharap ay naibahagi na bago pa ito mangyari upang hindi tayo madaya ni Satanas.
4. May tanging pagpapala ang hatid sa mga mag-aaral ng hula ng Biblia:
Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig
ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagkat
ang panaho’y malapit na.
(Apocalipsis 1:3)
ANG PAG-AARAL NG HULA
Ang hula ng Biblia ay bahagi ng “karne” ng Salita ng Diyos na ating tinukoy sa nakaraan sa kursong ito. Ang “karne” ng hula ay higit na mahirap maunawaan kay sa “gatas” ng Salita ng Diyos na naghahatid ng mga paunang konsepto ng pananampalatayang Cristiano.
Kung ikaw ay bagong mananampalataya at wala kang paunang kaalaman sa Biblia, kailangang pag-aralan mo muna ang ibang bahagi ng Salita ng Diyos bago mo pag-aralan ang mga aklat ng hula. Pag-aralan mo ang Ebanghelyo, Gawa, at mga Sulat ng Bagong Tipan. Pag-aralan mo ang mga dibisyon ng Panulaan, Kautusan, at Kasaysayan ng Lumang Tipan. Sa iyong pag-aaral, gamitin mo ang mga natutuhan mo sa kursong ito tungkol sa pag-aaral ng aklat, kabanata, parapo, talata, at ng salita.
Pagkatapos kang magkaroon ng paunang kaalaman sa mga dibisyon na ito, saka mo pag-aralan ang mga aklat ng hula ng Biblia. Huwag kang mag-alala kung hindi mo maunawaan agad ang lahat ng mga hula sa Biblia. Maraming mga iskolar ng Biblia ang nagtalo sa loob ng maraming mga taon tungkol sa ilang mga bahagi ng hula ng Biblia.
MGA AKLAT NG HULA
Bukod sa mga aklat ng hula maraming iba pang mga kabanata at mga talata ng hula ang nakakalat sa buong Salita ng Diyos.
Ang kauna-unahang hula na natala sa Biblia ay nasa aklat ng Genesis:
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at
ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw
ang dudurog ng kaniyang sakong.
(Genesis
3:15)
Ang talatang ito ay hinulaan ang pagparito ni Jesu-Cristo na sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan para sa kasalanan ng tao, dudurugin Niya ang kaaway, si Satanas.
Hindi posibleng ilista sa manwal na ito ang bawat hula sa Salita ng Diyos. Nais lamang namin malaman ninyo na may mga hula sa buong Biblia. Ang hula ay hindi lamang napaloob sa mga aklat na kilala bilang mga Aklat ng Hula. Sa patuloy mong pag-aaral at karanasan magagawa mong tukuyin ang mga tema ng hula na nakapaloob sa buong Biblia.
PAGKAUNAWA SA HULA
May ilang mga tao na nauunsiyami kung mag-aral sila ng hula ng Biblia. Sapagkat ang hula ay higit na mahirap kay sa ibang bahagi ng Biblia, nagtataka sila kung talagang nais ng Diyos na maunawaan nila ang mga ito. Maaaring maunawaan ang hula ng Biblia. Gayon na lamang ang malasakit ng Diyos na maunawaan ni Daniel ang hula kaya nagsugo Siya ng isang anghel upang ipaliwanag ito sa kaniya. Ang wika ng anghel:
…ako’y lumabas ngayon upang bigyan ka ng
karunungan at kaunawaan.
(Daniel 9:22)
Tinyaga ni Jesus na ipaliwanag sa Kaniyang mga alagad ang hula sa Lumang Tipan:
At sinabi Niya sa kanila, Ito ang Aking mga
salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang
matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa Akin sa kautusan ni
Moises, at sa mga propeta, at sa Mga Awit.
(Lucas 24:44)
Nang tanungin si Jesus ng mga alagad tungkol sa katapusan ng sanglibutan, inilista ni Jesus ang ilang mga tanda ng hula na kanilang mamatyagan. Ninais Niya na maunawaan nila ang mga darating na mga pangyayari. Sinabi ni Jesus:
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo
ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na Siya’y malapit na, nasa
mga pintuan nga. (Mateo 24:33)
Sa pambungad sa aklat ng Apocalipsis, isang aklat na itinuturing ng ilan na mahirap maunawaan, maliwanag na nais ng Diyos na maunawaan ng Kaniyang bayan ang hula:
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay
ng Diyos sa kaniya upang ipahayag sa Kaniyang mga alipin, samakatuwid ay ang
mga bagay na nararapat mangyaring madali…
(Apocalipsis 1:1)
MGA SUSI SA PAGKAUNAWA
May ilang paunang mga susi na tutulong sa iyo na maunawaan at wastong mabigyang kahulugan ang hula ng Biblia.
UNA: ANG PAUNANG TEMA NG
HULA
Ang Panginoong Jesu-Cristo ang saligang tema ng hula ng Biblia. Maraming ibang mga paksa ang hula ng Biblia. Halimbawa, may mga hula ng paghatol ang Diyos sa mga masasamang mga bansa. Ngunit ang nangingibabaw na tema ng hula ng Biblia ay may kinaalaman kay Jesus at sa layunin ng Diyos tungkol sa Kaniya:
Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.
Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga
panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na
nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya,
sinasabi ko. (Efeso 1:9-10)
Ang lahat ng hula ng Biblia, kahit ang mga ito ay tungkol sa mga paksa tulad ng kahatulan sa mga bansa at iba pa, ay may kinaalaman sa pangkalahatang plano ng Diyos. Ang planong ito ay dalhin ang sangkatauhan sa wastong kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang layunin ay tipunin ang lahat ng bagay kay Cristo.
Sinasabi ng Biblia na ang “espiritu” o tema ng hula ng Biblia ay si Jesus:
…sapagkat ang patotoo ni Jesus ay Siyang
espiritu ng hula. (Apocalipsis 19:10)
Sa pag-aaral mo ng hula ng Biblia isa-alangalang mo ito sa pamamagitan ng tanong na ito: Paano nauugnay kay Jesu-Cristo (ang espiritu ng hula) ang hulang ito at sa pangkalahatang plano tungkol sa Kaniya?
PANGALAWA: IPINALILIWANAG NG BIBLIA ANG SARILI NITO
Ang isa pang susi sa pagkaunawa ay ang kilalanin na madalas ang Biblia na mismo ang nagpapaliwanag ng kaniyang sariling mga hula. Para sa isang halimbawa kung paano binibigyang kahulugan ng Biblia ang sarili nito, basahin ang Daniel 2. Narito ang isang haring nagngangalang Nebuchadnezzar ay binigyan ng Diyos ng isang panaginip. Pagkagising niya hindi na niya maalaala ang panaginip. Tinawag niya ang mga astrologo at ang mga engkantador at mga mahiko upang maisaysay ang kaniyang panaginip. Hindi nila ito magawa. At doon ginamit ng Diyos ang propetang si Daniel upang sabihin sa hari kung ano ang panaginip at ang kahulugan nito. Inilarawan ni Daniel ang panaginip sa mga talatang 31-35. Ang kahulugan ng panaginip ay ibinigay sa mga talatang 36-45. Ito ang halimbawa kung paanong sa maraming mga bahagi, ang Biblia na ang nagbibigay ng pakahulugan sa mga hula nito.
Ipinapaliwanag sa Bagong Tipan ang maraming mga hula sa Lumang Tipan sapagkat ang karamihan sa Lumang Tipan ay natupad sa Bagong Tipan. Halimbawa, ihambing ang hulang ito sa Lumang Tipan sa katuparan sa Bagong Tipan:
…at Aking sasabihin sa kanila na hindi Ko
bayan, Ikaw ay Aking bayan; at siya’y magsasabi, Ikaw ay aking Diyos. (Oseas 2:23)
Maging sa atin na Kaniya namang tinawag,
hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?
Gaya naman ng sinasabi Niya sa aklat ni
Oseas, Tatawagin Kong Aking bayan na hindi Ko dating bayan; at iniibig, na
hindi dating iniibig.
At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa
kanila, Kayo’y hindi Ko bayan, At diyan
sila tatawaging mga anak ng Diyos na buhay.
(Roma 9:24-26)
Kabilang sa mga natupad na hula sa Bagong Tipan ay mga hula sa Lumang Tipan tungkol sa parating na Mesias, si Jesu-Cristo.
TATLO: ANG TUNTUNIN NG
DOBLENG PAGTUKOY
Isa pang susi sa pagkaunawa ng hula ng Biblia ay ang “tuntunin ng dobleng pagtukoy.” Ang tuntuning ito sa pagbibigay pakahulugan sa hula ng Biblia ay nagsasaad na ang isang hula na kaagad natupad ay ginagawa bilang isang paraan ng pagtuturo ng isang malalim na katotohanan o ang paglalahad ng isang pangyayari na matutupad sa malayong hinaharap.
Maraming ulit sa Biblia na ang isang hula ay natupad kaagad pagkatapos na ito ay maibigay. Ngunit ang hula ring ito ay ginamit hindi lamang sa pangyayaring naging katuparan ng hula, kundi sa isa pang katuparan sa malayong hinaharap.
Halimbawa, may isang hula na ibinigay sa Ezekiel 28:1-19 na nauukol kay Etbaal na noon ay hari ng Tiro. Isa siyang masamang hari. Siya ay tipo ng anticristo na lilitaw sa pagtatapos ng sanglibutan. Ang ibig naming sabihin sa pagsasabing si Etbaal ay tipo o kauri ng anticristo ay sa kalikasan at mga kilos, siya ay katulad ng anticristo na darating sa hinaharap. (Matutuhan mo rin ang tungkol sa “kaurian” sa susunod na kabanata) Nang mangusap ang Diyos sa pamamagitan ng hula kay Ezekiel, ito ay natupad agad sa buhay ni Etbaal. Ngunit mayroong pangyayari sa hinaharap, na hindi pa natutupad, na ang hula ding ito ay aangkop sa kasamaan sa pagwawakas ng panahon sa mamamahalang tinatawag na anticristo.
Sa pag-aaral mo ng hula ng Biblia tandaan mo ang tuntuning ito ng dobleng pagtukoy. Itanong sa sarili ang dalawang tanong:
1. Ano ang kahulugan ng hulang ito sa panahong ito ay ibinigay para sa mga taong pinagbigyan nito?
2. Mayroon bang hinaharap pang kadobleng tinutukoy ng hulang ito?
Ang pagtatanong nga mga tanong na ito ay tutulong sa iyo na bigyang pakahulugan ang lubos na saklaw ng kahulugan nito.
APAT: ANG PAGTANAW NG HULA
Inilarawan ng mga propeta ang mga pangyayari sa hinaharap na para bagang ito ay nangyayaring patuloy na karaka-raka. Halimbawa, inihula ni Isaias:
Ang Espiritu ng Panginoong Diyos ay sumasa
Akin; sapagkat pinahiran Ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita
sa mga maamo; Kaniyang sinugo Ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang
magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa
nangabibilanggo.
Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng
Panginoon, at ng kaarawan ng paghihiganti ng ating Diyos; upang aliwin yaong
lahat na nagsisitangis;
Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion,
upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng
kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng
kabigatan ng loob; upang sila’y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na
pananim ng Panginoon upang Siya’y luwalhatiin.
(Isaias 61:1-3)
Nang basahin mula sa Isaias ni Jesus ang bahaging ito sa Lukas 4:17-20 huminto Siya sa pagbasa pagkatapos ng bahaging “upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.” Pagkatapos ay isinara Niya ang aklat at sinabi na ang mga Kasulatang ito ay natupad sa Kaniya nang araw na yaon. Ang ibig Niyang sabihin ay tinutupad Niya ang hula. Sumasa Kaniya ang Espiritu ng Diyos upang ipangaral ang mabuting balita, itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, ipahayag ang kalayaan , at buksan ang mga bilangguan.
Ngunit may kahulugan ang paghinto ni Jesus ng pagbasa pagkatapos ng “upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.” Hindi na Niya binasa ang bahagi tungkol sa “kaarawan ng paghihiganti ng ating Diyos” sapagkat ang araw ng paghihiganti ay hindi pa dumarating. Mayroonng pagitan na mga 2,000 mga taon ang lumipas mula ng basahin ni Jesus ang bahaging ito. Ang araw ng paghihiganti ng Panginoon ay parating pa lamang.
Ang pagtatala ng pagtanaw ng hula ay waring ito ay kaagad matutupad. Sa pamamagitan ng kapahayagan ng Espiritu Santo nakita ni Isaias ang buong plano ng Diyos. Nakita niya si Jesus na dumating upang mangaral, magpagaling ng mga bagbag ang puso, magtanyag ng kalayaan, buksan ang mga bilangguan, at itanyag ang kalugod-lugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng paghihiganti ng Diyos.
Nakita ni Isaias ang mga pangyayari kung paano mo nakikita ang mga hilera ng mga bundok. Ang mga kapatagan ay hindi mo na nakikita hanggat hindi ka umaakyat sa ituktok ng pinakamalapit na bundok. Ang pagtanaw ng hula ay naghahayag ng buong plano ng Diyos mula sa malayo. Minsan ang mga pangyayari ay waring ang mga ito ay kaagad magaganap sa kaniyang pagkakasunod-sunod. Ngunit habang ang mga hula ay natutupad may mga kapatagan ng panahon sa pagitan ng mga bundok tulad ng halimbawa ng bahagi sa Isaias. Hindi pa tinutupad ni Jesus ang mga Kasulatan tungkol sa araw ng paghihiganti.
LIMA: ANG MGA HINIHILING NA
KONDISYON NG HULA
Karamihan sa mga hula ay likas na may kondisyon. Ang ibig sabihin nito ay may gagawin ang Diyos batay sa pagtugon ng tao. Kung HINDI makinig ang tao sa mensahe ng Diyos, may mga bagay na tiyak na mangyayari. Kung tao ang naman ay MAKINIG sa mensahe ng Diyos at TUMUGON nang wasto sa mensahe, may iba namang gagawin ang Diyos.
Sinabi ng Diyos:
Sa anomang sandali ay magsasalita Ako ng
tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang bunutin at upang
ibagsak at upang lipulin;
Kung ang bansang yaon, na Aking
pinagsalitaan, ay humiwalay sa kanilang kasamaan, Ako’y magsisisi sa kasamaan
na Aking inisip gawin sa kanila.
At sa anomang sangdali ay magsasalita Ako
ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang itayo at upang
itatag;
Kung gumawa ng kasamaan sa Aking paningin,
na hindi sundin ang Aking tinig, ay pagsisisihan Ko nga ang kabutihan, na Aking
ipinagsabing pakikinabangan nila.
(Jeremias 18:7-10)
Sa karamihang hula ng Biblia, dapat kang patuloy na mag-aral upang matuklasan mo ang tugon ng tao dito sapagkat ang katuparan ng hula ay madalas may kondisyon batay sa tugon ng tao. Para sa magandang halimbawa ng prinsipyong ito basahin ang aklat ni Jonas. Inihayag ng propetang si Jonas na pupuksain ng Diyos ang Ninive sa loob ng tatlong araw KUNG hindi sila mag-sisisi. Hindi dumating ang pagpuksang ito. Ang dahilan ay ang Ninive ay tumugon nang wasto sa mensahe ng Diyos at nagsisi sa kanilang mga kasalanan.
HULA SA LUMANG TIPAN
Naka-sentro ang hula sa Lumang Tipan sa:
1. Hula sa bayang Israel na bansang itinindig ng Diyos na sa pamamagitan nito ay ihahayag Niya ang Kaniyang sarili sa sanglibutan. Sa panahong ang Israel ay nahati sa dalawang kaharian ang hulang ito ay nakatuon sa Israel at Juda. Ang isang halimbawa ng hula sa Israel ay ang aklat ni Oseas. Ang halimbawa ng hula sa Juda ay sa aklat ni Joel.
2. Mga hula sa mga bansang nakapalibot sa bayan ng Israel. Halimbawa, ang mga hula ay ibinigay patungkol sa Babilonia, Egipto, Tiro, Edom at iba pa. Ang halimbawa ay ang hula sa pamamagitan ni Obadias na patungkol naman sa bansa ng Edom.
3. Ang mga hula tungkol sa pagdating ng Mesias, si Jesu-Cristo. Ang mga ito ay hindi nilaman ng isa lamang aklat ng hula. Ang mga hulang ito ay nakakalat sa buong Lumang Tipan. Ang isang magandang halimbawa ay sa Isaias 7:14.
4. Mga hula tungkol sa buong sanglibutan, ang hantungan nito, mangyayari sa hinaharap, ang katapusan ng sanglibutan, at ang mga huling araw na gaya ng ating alam. Ang aklat ni Daniel ay isang napakagandang halimbawa ng ganitong uri ng hula. Ang sumusunod na tsart ay pinaikli ang mga nilalaman ng mga aklat ng hula sa Lumang Tipan. Sa iyong paggamit ng tsart na ito, tiyakin mong matandaan ang tuntunin ng dobleng pagtukoy. Bagamat ang mga hula ay patungkol sa ilang tiyak na mga bansa at matutupad na kapagdaka, ang mga hula ay nangusap nang higit tungkol sa mga pangyayaring magaganap sa malayo pang hinaharap:
Mga Propeta Ng LumangTipan Propeta
Mensahe
Kapanahunan ________________________________________ Jonas Iniibig
ng Diyos ang mga Gentil Sa Assiria
Bago ang Pagkabihag Nahum Ang
parusa sa Ninive dahil sa (800-650
B.C.)
Kalupitan
nito ________________________________________ Obadias Parusa
sa Edom dahil sa pagta- Sa Edom Bago
ang Pagkabihag
taksil
(800
B.C.) ________________________________________ Oseas Pagibig
ng Diyos sa mapanga- Sa Israel Bago
ang Pagkabihag
lunya Amos Bayan
ng Diyos hinog na para (750 B. C.)
parusa ________________________________________ Isaias Darating
ang Mesias
Jeremias/ Kahatulan
ngayon, kaluwalhatian Panaghoy susunod Joel Ang
hatol ay darating tulad ng salot Sa
Juda Bago ang Pagkabihag Mikas Ang
bayan ng Diyos ay nililitis (800-606
B.C.) Habacuc Ang
ganap ay mabubuhay sa
pananampalataya Zefanias Ang
araw ng Diyos ay dumarating ________________________________________ Ezekiel Hindi
pa tapos ang Diyos sa Israel Sa
Juda na nasa Pagkabihag Daniel Ang
kamay ng Diyos sa mga pang- (606-536
B.C.) ________________________________________ Hagai Ang
panganib ng malagana Sa
Juda Pagkatapos ng Pagkabihag Zacarias Ang
kaluwalhatian ng Mesias (536-400
B.C.) Malakias Ang
panganib ng malagana
HULA SA BAGONG TIPAN
Maraming mga hula ang nakakalat sa buong Bagong Tipan. Ang karamihan dito ay may kinaalaman sa mga pangyayari sa hinaharap na magaganap bago ang katapusan ng sanglibutan. Para sa mga halimbawa basahin ang mga hula sa Mateo kabanatang 24.
Gayon man, mayroon lamang isang aklat ng hula sa Bagong Tipan. Ito ang aklat ng Apocalipsis. Si Juan, isang alagad ni Jesus, ay binigyan ng ganitong kapahayagan mula sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo:
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay
ng Diyos sa Kaniya upang ipahayag sa Kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang
mga bagay na nararapat mangyaring madali… (Apocalipsis 1:1)
Sinabihan si Juan na…
Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo,
at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating. (Apocalipsis 1:19)
Ang Aklat ni Daniel ay kailangang pag-aralan na kasabay ng aklat ng Apocalipsis yamang ang dalawang aklat na ito ay magkaugnay sa isat-isa.
Maraming ibat-ibang mga pagkahulugan ang ibinibigay sa mga hula sa aklat ng Apocalipsis. Karamihan sa mga pagkahulugang ito ay naka-sentro sa mga eksaktong panahon ng ilang tiyak na mga pangyayari o mga tiyak na detalye ng mga pangyayaring ito. Gayon man, mahalaga na magkaroon ng isang pangkalahatang pagkaunawa sa kung ano ang sinasabi ng Biblia na mangyayari. Ang sumusunod na balangkas ay nagkakaloob ng pagkaunawa ng mga pangunahing mga kaganapan:
MGA PANGUNAHING KAGANAPAN SA HINAHARAP
I. Itinuturo ng Biblia na si Jesus ay magbabalik sa lupa para sa mga mananampalataya:
Juan 14:2-3.
A. Ang Pagdagit: Ang I Tesalonica 4:13-18 ang nagbibigay ng higit na detalyadong
paglalahad ng pagbabalik ni Cristo para sa mga mananampalataya. Ang pagbabalik na ito ay tinatawag na pagdagit:
1. Si Cristo mismo ang magbabalik: Talatang 16
2. Magkakaroon ng pagkabuhay na maguli mula sa libingan ang mga
namatay na mananampalataya na: Talatang 16
3. Magkakaroon ng pagdagit, na ang ibig sabihin ay “ang pagkuha sa isang
tao mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.” Ang mga mananampalatayang nabubuhay pa noon ay kukunin mula sa lupa upang tagpuin si Jesus: Talatang 17
4. Magkakaroon ng reyunyon sa pagitan ng mga mananampalatayang
naunang namatay, mga mananampalatayang nabubuhay sa panahon ng pagbabalik ni Cristo, at ng Panginoong Jesu-Cristo: Talatang 17
B. Ang Kapighatian: Binabanggit ng Biblia ang tungkol sa isang kakilakilabot na
panahon dito sa lupa na tinatawag na kapighatian.
1. Tatagal ang kapighatian ng 42 na buwan o 1,200 mga araw:
Daniel 9:24-27
2. Ito ay magiging isang mahirap na panahon. Nagkaroon ng maraming mga
mahihirap na panahon sa sanglibutan, ngunit tatlong bagay ang ipinagkaiba ng kapighatian sa ibang mga panahon ng ligalig.
a. Una, ito ay sa buong sanglibutan at hindi lamang sa isang lugar:
Apocalipsis 3:10
b. Pangalawa, mapagtatanto ng mga tao na malapit na ang wakas ng
sanglibutan: Apocalipsis 6:16
c. Pangatlo, ang tindi ng ligalig ay magiging higit sa naranasan dati:
Mateo 24:4-14
3. Ang larawan nito: Magkakaroon ng serye ng paghatol sa lupa sa panahon
ng kapighatian. Ito ay inilalarawan sa Apocalipsis kabanata 6, 8-9, at 16 at Mateo 24:4-14.
4. Ang dahilan ng kapighatian: Ang kasamaan ng tao ay dapat parusahan,
talunin si Satanas, at kilalanin si Jesus bilang Panginoon ng lahat. Dito malulubos ang plano ng Diyos para sa lahat ng panahon na binabanggit sa Efeso 1:8-9.
C. Ang panahon ng pagdagit: May ilang mga tao na naniniwala na ang pagdagit ay
magaganap bago ang kapighatian at ang mga mananampalataya ay hindi makakaranas ng alinman sa kakilakilabot mangyayari sa panahong ito sa lupa. Ang iba naman ay naniniwala na ang pagdagit ay magaganap sa kalagitnaan ng kapighatian. At mayroong iba na naniniwala na ang pagdagit ay magaganap pagtatapos ng kapighatian. Ang pinaka-karaniwang pagkahulugan ay ang pagdagit sa mga mananampalataya ay magaganap bago magsimula ang kapighatian. Ang mga ibat-ibang mga pananaw tungkol sa panahon ng pagdagit ay bunga ng ibat-ibang pagkahulugan sa impormasyon tungkol sa hula na ibinigay sa aklat ng Apocalipsis at ibang mga aklat ng Biblia. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang matiyak mo na ikaw ay tunay na mananampalataya at handa na sumama kay Jesus sa pagdagit kung ito ay maganap na.
D. Ang Milenyo: Ang milenyo ay panahon ng 1,000 taon pagkatapos ng kapighatian
na dito si Jesus ay maghahari sa lupa sa katuwiran (Zacarias 14:9; Daniel 7:14).
Ang lungsod ng Jerusalem ang mgagiging sentro ng pamahalaan (Isaias 2:3). Ang panahong ito ay magtatapos pag si Satanas ay nagalsa sa huling pagkakataon laban sa Diyos (Apocalipsis 20:7-9). Magpapadala ng apoy mula sa langit ang Diyos at tatapusin na ang lahat ng sumasalungat. Si Satanas ay itatapon sa lawang apoy ng walang hanggan. (Apocalipsis 20:10)
E. Kahatulan: Lahat ng mga nilalang ay hahatulan ng Diyos. Ito ay kilala bilang panahon ng walang hanggang kahatulan. Ang mga namatay na hindi mananampalataya ay bubuhaying maguli upang humarap sa kahatulan. Sapagkat hindi sila nagsisi at tinanggap si Jesus bilang Tagapagligtas sila ay hahatulan sa walang hanggang impyerno (Apocalipsis 20:12-15). Ang mga tunay na mananampalataya na nagsisi ng kanilang mga kasalanan at tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas ay magtatamasa ng walang hanggan sa langit sa presensya ng Diyos (Apocalipsis 21).
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing mga Talata na memoryado:
2. Ilista ang tatlong mga hangarin ng hula ng Biblia.
3. Ilista ang apat na dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang hula.
4. Ilista ang limang mga susi sa pagkaunawa ng hula ng Biblia.
5. Sino ang pinagmulan ng hula ng Biblia?
6. Ibigay ang kahulugan ng salitang “hula.”
7. Tukuyin ang tatlong uri ng “pagsasalita” na sangkot sa hula ng Biblia.
8. Ano ang dalawang mga paraan na ginamit ng Diyos sa Biblia upang magbigay ng mensahe ng hula sa mga tao?
9. Saan makikita ang unang hula ng Biblia?
10. Nagbigay ang Biblia na ilang mga paraan upang makilala ang mga bulaang propeta. Maglista ng mga tatlo nito.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Gamitin ang iyong natutuhan sa araling ito upang pag-aralan ang mga sumusunod na mga aklat ng hula:
Lumang Tipan:
______ Isaias _____ Jeremias _____ Panaghoy _______ Ezekiel ______ Daniel ______Oseas
______ Joel ______ Obadias ______ Jonas ______ Mikas ______ Nahum ______ Habacuc
_____ Zefanias ______ Hagai ______ Zacarias ______ Malakias
Bagong Tipan:
_____ Apocalipsis
2. Ang Diyos ay nangusap sa pamamagitan ng hula ng Biblia sa Kaniyang bayan. Gumamit din Siya ng mga propeta sa iglesia upang mangusap sa Kaniyang bayan:
At ang Diyos ay naglagay ng ilan sa
iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga
propeta… ( I Corinto 12:28)
Ang mga mensahe ng ibibigay ng mga propeta ngayon ay hindi nagiging bahagi ng nasulat na Salita ng Diyos. Ang kanilang mga mensahe ay ibinigay upang papagtibayin ang nasulat na Salita ng Diyos. Ang ano mang kanilang sabihin ay hahatulan sa kanilang pagiging tumpak ayon sa Biblia.
Para sa dagadag na pag-aaral tungkol sa hula kung paano ito gumagalaw sa iglesia ngayon, inyong pag-aralan ang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Ang kursong ito ay nagbibigay ng lalong detalyadong pagtalakay sa mga kaloob na espirituwal at inilista ang mga reperensya tungkol sa lahat ng mga propeta sa Biblia upang dagdag na pag-aralan.
IKA-DALAWAMPUT-ISANG KABANATA
ANG PARAAN NG PAG-AARAL NG KAURIAN (TYPOLOGY)
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos na pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay magkakaroon ng kakayahang:
. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
. Ibigay ang kahulugan ng paraang typological.
. Ilista ang apat na pangkalahatang mga grupo na sa ilalim nito ay nalagay ang mga uri o types sa Biblia.
. Gumawa ng isang pag-aaral ng Biblia na gamit ang paraang typological.
SUSING MGA TALATA:
Sapagkat ang kautusan na may isang anino ng
mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan
pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga
hain na laging inihahandog sa taon-taon.
(Hebreo 10: 1)
PAMBUNGAD
Ipinapaliwanag ng kabanatang ito kung paano pag-aralan ang Biblia sa pamamagitan ng paraang typological . Ang paraang ito ay pag-aaral sa pamamagitan ng mga “types” o uri. Ang paraang ito ay binibigyan ng kahulugan, ipinapaliwanag, at mayroon ding isang halimbawa na ibinigay. Sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang pag-aaral ng Biblia gamit ang paraang typological.
ANG KAHULGAN NG PARAAN
Upang maunawaan kung paano gumawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng paraang typological dapat mo munang maunawaan ang kahulugan ng salitang “type” o uri. May ilang mga talata sa Biblia ang nagpapaliwanag sa kahulugan ng type sa Biblia. Ang susing talata para sa kabanatang ito ay Hebreo 10:1 at ito ay nagsasaad ng tungkol sa kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating. Ang “anino” ay isang salitang naglalarawan ng type sa Biblia. Ang anino ay isang eksaktong anyo, bagamat ang detalye nito ay malabo at minsan ito ay kabaligtaran ng pinagmulan ng anino.
Ang “anyo” ay isa pang salita na naglalarawan ng type:
Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay
Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa
pagsalangsang ni Adam, na siyang anyo niyaong darating. (Roma 5:14)
Ayon sa talatang ito, si Adam ay isang “anyo” ng isang darating. Ang kahulugan ng salitang “anyo” ay katulad ng kahulugan ng salitang type. Si Adam ang anyo o type ng Panginoong Jesu-Cristo na parating pa lamang noon.
Ang mga handog o hain para sa kasalanan sa Lumang Tipan ay type o uri ng sakdal at minsanang paghahandog para sa kasalanan na iaalay ni Jesus sa Bagong Tipan:
Na ipinakikilala ng Espiritu Santo, na
hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang
unang tabernakulo;
Na yao’y isang talinghaga ng panahong
kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol
sa budhi, na hindi magpapasakdal sa sumasamba.
(Hebreo 9: 8-9)
“Huwaran” o padron ay isa pang salita na nagpapaliwanag ng types sa Biblia:
Kung siya nga’y nasa lupa ay hindi siya
saserdote sa anomang paraan, palibhasa’y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga
kaloob ayon sa kautusan;
Na nagaglilingkod sa anyo at anino ng mga
bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Diyos nang malapit
ng gawin Niya ang tabernakulo: sapagkat sinabi Niya, Ingatan mo na iyong gawin
ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok. (Hebreo 8:4-5)
Bawat isa sa mga salitang ito—anino, anyo, at huwaran—lahat ng ito ay naglalaman ng isipan na ating tinutukoy kung gamitin natin ang types. Ang type ay isang tao o bagay sa Biblia na ginamit ng Diyos upang katawanin ang ibang mga tao, bagay o pangyayari na magaganap sa hinaharap. Ito ay anino, isang anyo, o huwaran ng kung ano ang darating.
ANG PAGPAPALIWANAG NG PARAAN
Kung pag-aralan natin ang mga types o uring ito, tinatawag ito na pag-aaral ng Biblia sa paraang typological. Pag-aaralan natin ang isang tao, lugar, pangyayari, o bagay at pagkatapos ay pag-aaralan natin ang bagay. Sa isang banda, ang types ay katulad ng hula. Sila ay nagbibigay ng paunang pagkatanaw sa mga darating sa plano ng Diyos sa hinaharap. Tulad ng hula, ang ilang types ay natupad na. Ang iba ay matutupad pa lang.
Bagamat ang type o uri ay mahalaga mismo, ito ay may higit na kahalagahan sa darating na tao o pangyayari na kinakatawan nito. Ang mga types ay larawang pisikal ng mga katunayang espirituwal. Halimbawa, ang karanasan ng Israel ng kagalingan mula sa tuklaw ng mga ahas ay isang aktuwal na pangyayari sa Lumang Tipan. Ang pangyayaring ito ay natala sa Bilang 21:6-9 at nagsasabi na tinuklaw ng mga ahas ang mga tao at marami sa kanila ang namatay. Gumawa si Moises ng isang tansong ahas at inilagay ito sa isang tikin. Ang sinomang tumingin sa ahas na tanso ay gagaling mula sa tuklaw ng ahas. Ang pangyayaring ito ay anino o type ng kamatayan ni Jesus:
At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang
ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao;
Upang ang sinomang sumampalataya ay
magkaroon sa Kaniya ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:14-15)
Marami sa mga katotohanan ng Biblia ay naisaad sa simpleng paraan na kahit ang isang bata ay makakaunawa ng mga ito. May ibang mga katotohanan na mga “tagong yaman sa lihim na mga dako.” Kailangan nila ang higit na matinding pag-aaral upang maunawaan. Ang mga katuruan ng Biblia na mga types ay tulad ng mga tagong yaman. Kailangang tiyagain mo na saliksikan ang mga katotohanan upang matuklasan ang mayayamang katuruan ng Salita ng Diyos.
Ang lahat ng mga types ay pumapatak sa apat na kategorya:
1. Mga tao
2. Mga lugar
3. Mga pangyayari (makasaysayan, seremonyal, at iba pa)
4. Mga bagay na materyal
ANG HALIMBAWA NG PARAAN
Isa sa pinakadakilang types o huwaran sa biblia ay masusumpungan sa Lumang Tipan sa katauhan ni Jose. Basahin ang kasaysayan ni Jose sa Genesis kabanata 37-50. Si Jose ay isang type o anyo ng Panginoong Jesu-Cristo. Maraming mga pangyayari sa kaniyang buhay na huwaran o tulad noong mga nangyari sa buhay ni Jesus. Ang mga ito ay natala sa sumusunod na tsart.
Pag-aaral Ng Biblia Sa Paraang
Typological PAG-AARAL KAY JOSE bilang
anino ni
JESU-CRISTO Reperensya
Pangyayari
Mga Reperensya Genesis 37:2 Siya
ay isang pastol ng tupa
Juan
10:11 Genesis 37:3 Siya’y
minahal ng kaniyang ama Genesis 37:4 Siya
ay kinapootan ng kaniyang mga kapatid Genesis 37:8 Tinanggihan
ng kaniyang mga kapatid ang
kaniyang
pangunguna Genesis 37:11 Napansin
ng kaniyang ama ang hinaharap
kung
paanong si Maria ay kay Jesus Genesis 37: 13 Sinugo
siya ng kaniyang ama sa kaniyang mga
kapatid Genesis 37:13 Nakalaan
siyang gawin ang kalooban ng ama Genesis 37:29 Kung
paano sa kaso ni Pilato at Jesus, isang
lider
(Ruben) ang nagsikap na makakita
ng
paraan para iligtas siya Genesis 37:32 Hinubaran
siya ng kaniyang magandang damit Genesis 37:23 Siya
ay ipinagbili sa ilang pilak Genesis 37:26-28 Ipinagbili
siya ni Juda (Judas sa Griego) Genesis 39:2 Siya
ay naging alipin Genesis 39:7-23 Nilabanan
niya ang tukso Genesis 39:13-20 Siya
ay hinatulan batay sa mga bulaang saksi Genesis 39:20 Siya
ay nagdusa bagamat walang pagkakasala Genesis 40:1-3 Kasama
niya ang dalawang nagkasala sa kaniyang
pagdurusa:
Ang isa ay naligtas yung isa ay
hindi
Genesis 41:14 Lumabas
siya mula sa “libingan” ng bilangguan Genesis 41:57 Iniligtas
niya ang sanglibutan mula sa kamatayan Genesis 47:1-2 Ang
kaniyang mga kapatid ay nakalapit sa hari dahil
Sa
kaniya Genesis 41:50 Nagkaroon
siya ng asawang Hentil Genesis 50:14-21 Nagpakita
siya ng pagpapatawad
Sa sarili niya ang buhay ni Jose ay mahalaga ngunit ito ay isa ring huwaran ng isang higit na dakilang buhay na darating sa hinaharap. Ang higit na dakilang buhay na yaon ay ang buhay ng Panginoong Jesu-Cristo. Mapapansin mo sa tsart na may lugar sa ilalim ng kolum na “Jesu-Cristo.” Lubusin mo ang pag-aaral sa paraang typological sa pamamagitan ng paghanap sa mga reperensya sa Ebanghelyo na nagsasaad ng katulad na mga pangyayari sa buhay ni Jesus. Ang unang reperensya ay ginawa bilang halimbawang susundan. Isulat mo ang mga katumbas na reperensya. Ito ang halimbawa ng pag-aaral ng Biblia sa paraang typological, si Jose bilang isang type o anino ni Jesu-Cristo. Pagkatapos mo ng “Pansariling Pagsusulit,” gamitin ang bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng kabanatang ito upang gawin ang iyong sariling pag-aaral ng Biblia sa paraang typological.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado:
2. Ibigay ang kahulugan ng pag-aaral ng Biblia sa paraang typological.
3. Ano ang ibang mga salita na ginamit sa Biblia para sa salitang “types”?
4. Ano ang apat na pangkalahatang kategorya na kinabibilangan ng mga types sa Biblia?
5. Sino ang tauhan sa Lumang Tipan na ginamit sa kabanatang ito bilang halimbawa ng isang type sa Biblia?
6. Anino siya nino?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
May ilang mga halimbawa ng mga types na ibinigay sa bahaging ito na maaari mong magamit sa pag-aaral mo ng Biblia sa paraang typological. May isang porma ng pag-aaral sa katapusan ng bahaging ito na magagamit sa pag-aaral typological.
1. Pag-aralan si Isaac bilang type o anino ni Jesu-Cristo. (Genesis 21-28)
Ilang bagay na dapat bantayan: Si Isaac ay kaisa-isang anak at siya ay nakalaan na ihandog sa bundok. Pumili rin siya ng mapapangasawa, si Rebekah.
2. Pag-aralan naman si Rebekah bilang type o anino ng iglesia na siyang kasintahang babae ni Cristo. (Genesis 24)
Kailangan siya ay makabilang sa pamilya ni Abraham upang maging karapatdapat, kailangan siya ang magpasiya kung sasama siya kay Isaac, at kailangang iwan niya ang dati niyang kapaligiran. Pagkatapos ng kaniyang mahabang paglalakbay nakita niya si Isaac nang mukhaan.
3. Pag-aralan ang daong ni Noe bilang type o anino ng kaligtasan. (Genesis 6-8).
Pansinin na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Ang baha ay type o anino ng kahatulan ng Diyos. Ang paglalaan ng kaligtasan sa daong ay binalak nang maayos, may isa lamang pintuan, at maraming mga silid para sa lahat. Ang daong ay natakpan ng sahing upang hindi pasukan ng tubig. Ang salitang sahing ay galing sa salitang “ takpan.” Ang salita ring ito ay isinalin sa ibang bahagi ng Lumang Tipan bilang “katubusan.” Paano ito isang type ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo?
4. Pag-aralan ang mga paglilimayon ng Israel na natala sa Exodo, Bilang at Deuteronomio.
Binabanggit sa I Corinto 10:11 na “…mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin.” Ang pag-alis sa Egipto ay isang type ng paglisan sa kasalanan. Ang paglilimayon sa ilang ay type o anino ng buhay ng isang karnal na Cristiano na ang buhay ay kontrolado ng pansariling kalooban at makalamang nasa. Hindi niya itinatatwa ang Diyos, subalit tumatangging pumasok sa sakdal na plano ng Diyos sa kaniyang buhay. Pag-aralan ang mga kabiguan ng Israel sa ilang. Ipinakikita ng I Corinto 10 na ang kanilang kabiguan ay may halagang espirituwal. Kung hindi tayo maingat, maaari tayong matulad sa kanila.
5. Gamitin ang mga sumusunod na mga reperensya upang gabayan ka at tulungang kilalanin at pag-aralan ang ibang mga types sa Biblia. Ito ay isang maikling listahan lamang ng maraming mga types na ginamit sa Biblia.
MGA GABAY NA REPERENSYA NG MGA TYPES
MGA TAO:
Aaron/mga saserdote Si Jesus ang ating Dakilang Saserdote
Abraham Ang Diyos Ama
David Si Cristo bilang hari
Esau Ang makalaman na tao
Isaac Si Cristo ang masunuring anak
Jacob Ang taong espirituwal na kabaligtaran ni Esau
Jonas Anino ng kamatayan, pagkalibing, pagkabuhay na
maguli ni Cristo
Jose Jesus
Josue Si Jesus na ating lider
Melquisedec Si Jesus bilang saserdote at hari
Moises Si Jesus bilang ating tagapagligtas at tagapamahala
Rebekah Ang iglesia, ang kasintahang babae ni Cristo
Pastol Si Jesus ang Mabuting Pastor
MGA LUGAR:
Disyerto Tukso
Ilang Buhay bilang Cristianong karnal
Egipto Kasalanan
Canaan Buhay na puspos ng Espiritu
Gomorra/Sodoma Kasamaan
Jerusalem Langit
Lungsod ng Ampunan Si Jesus bilang ating Tagapagtanggol
Rephidim Buhay sa Espiritu
MGA PANGYAYARI:
Makasaysayang Pangyayari:
Dagat na Mapula Iwanan ang sanglibutan
Pangkalahatang Pangyayari:
Bautismo Kamatayan, pagkalibing, pagkabuhay na maguli ni
Jesus
Digmaan Labanang espirituwal
Paghuhugas Paglilinis
Mga Likas Na Pangyayari:
Apoy Presensya ng Diyos sa lingap o hatol
Baha Kahatulan
Ulan Pagpapala
Niebe Kadalisayan
Hangin lakas, kapangyarihan
Seremonya ng mga Pangyayari:
Ang mga handog ng Israel:
-Ang handog para sa kasalanan: Levitico 4:1-6. Isang uri o type ng katubusan ni Jesus sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo.
-Ang handog na susunugin: Ang naghandog nito ay kinikilala na ang pagtatalaga sa Diyos ay kailangan para sa wastong pagsamba. Ang pagtatalaga ay dapat sinasariwa patuloy.
Levitico 1:1-4
-Ang handog tungkol sa kapayapaan: Inihahayag ang isipan ng kapayapaan at pakikisama sa Diyos. Ang bahagi ng handog ay sinusunog sa altar, bahagi ay ibinibigay sa saserdote, at ang isang bahagi ay sa mananamba upang pagsaluhan.
Ang mga kapistahan ng Israel:
-Ang Paskua: ang kordero ay isang type o anino ni Jesus at ang dugo ay type ng Kaniyang katubusan mula sa kasalanan; Exodo 12:3-5; 11-13
-Pentecostes: Ang kahulugan ng kapistahan ng Pentecostes ay natupad sa araw ng Pentecostes nang ang Espiritu Santo ay bumaba sa mga alagad sa silid sa itaas. Levitico 23:15-17 at Gawa 4.
-Ang pista ng mga tolda: Ito ay matutupad pa sa darating na panahon. Ito ay larawan ng dakilang katuwaan sa langit nang ang mga tinubos mula sa lahat ng panahon ay magtitipon sa paligid ng luklukan ng Diyos. Deuteronomio 16:13-15
MGA BAGAY NA MATERYAL:
Ang Tabernakulo:
Ipinagkaloob ng Diyos ang tabernakulo bilang isang lugar ng pakikipagtagpo ng Diyos sa Kaniyang bayan.
-Ang patyo: Ito ang lugar ng tagpuan ng mga tao at mga saserdote. Ang mga tabing sa paligid ay kumakatawan sa pagkahiwalay sa kasalanan. Ngunit sapagkat ang tabing ay yari sa damit, ang pagkahiwalay ay pansamantala lamang. Ang pintuan papasok sa Patyo ay nagtuturo na makalalapit na sa Diyos, ang Tansong Altar ang kumakatawan sa katubusan para sa kasalanan, at ang Palangganang Tanso ay nagpapaalaala ng pangangailangan ng paglilinis bago ang paglilingkod.
-Ang Dakong Banal: Ito ay kumakatawan sa paglilingkod ng mga saserdote. Narito ang ginintuang kandelabra na type o anino ng patotoo, ang mesa na lalagyan ng tinapay na kumakatawan sa espirituwal na pagkain at pagsasamahan, at ang Ginintuang Altar at Insenso na kumakatawan sa pagsamba at pamamagitan.
-Ang Dakong Kabanal-banalan: Ito ang tanging tinatahanan ng Diyos. Ang tabing ang naghihiwalay dito mula sa Dakong Banal na nagpapakita na ang sakdal na paglapit sa Diyos noon ay hindi pa posible. Ang kaban ang nagtuturo ng katarungan ng Diyos. Ang luklukan ng awa ay nagturo na ang isang makatarungang Diyos ay maaaring maging isang mahabaging Diyos dahil sa dugong nabuhos. Sa pamamagitan ng tabernakulo ipinakita ng Diyos ang Kaniyang gagawin sa hinaharap. Magkakaloob Siya ng daan ng sakdal na pakikipagugnay sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang Diyos ay mananahan sa Kaniyang templong espirituwal sa bawat mananampalataya. Ang ibig sabihin nito ay ang karaniwang pagangkop ng mga araling ito mula sa tabernakulo ay nangungusap tungkol kay Jesus, ang Kaniyang Iglesia, at ang mananampalataya.
Mga Ginamit na Metal:
Tanso Kahatulan
Ginto Kaluwalhatian
Pilak Katubusan
Mga Ginamit na Kulay:
Asul Makalangit na mga bagay
Pula Pagdurusa o handog
Puti Kadalisayan
Mga Ginamit na Mga Pagkain:
Tinapay Pananatili ng buhay
Frutas Pagdami
Pulot-pukyutan Likas na tamis
Manna Si Jesus, Tinapay ng Buhay
Karne Matigas na pagkaing espirituwal
Gatas Pagkaing espirituwal para sa mga bagong mananampalataya
Asin Walang pagkasira
Alak Katuruan: Ang alak na inimbak ay kumakatawan sa bulaang turo
Mga Nilalang:
Mga ibon Masamang espiritu
Baka Lakas o paglilingkod
Isda Mga lalake
Kambing Kasalanan o ang makasalanan
Leon Pamamahala
Ahas Satanas
Tupa Bayan ng Diyos
PAG-AARAL NG BIBLIA GAMIT ANG PARAANG
TYPOLOGICAL
Pag-aaral ng ____________________________ bilang type o anino ____________________
Reperensya
Pangyayari
Mga
Reperensya
APENDISE
MGA DAGDAG NA MGA PARAAN NG PAG-AARAL
NG BIBLIA
Ang mapanglikhang mga paraan ng pag-aaral ng Biblia na natalakay sa kursong ito ay ang mga nagbigay ng pinakamalaking pakinabang na espirituwal kung ang pag-uusapan ay ang paggamit nito sa pamumuhay at ministeryo. May ilang dagdag na mga paraan ng pag-aaral ng Biblia na ibinigay dito sa Apendise. Bagamat ang mga paraang ito ay maganda at magpapalawak ng inyong kaalaman ng Biblia, hindi kasing kagamit-gamit ang mga ito sa pamumuhay Cristiano tulad ng mga naunang ipinaliwanag. Dahil dito nagbibigay tayo ng maiikling paglalarawan ng mga paraang ito:
ANG PARAANG POLITICAL:
Pinag-aaralan ng paraang political ang mga usapin na kaugnay ng politika ng mga bansa. Ito ay nagdudulot ng pagkaunawa ng mga pamamahala ng mga bansa na pinangyarihan ng mga kaganapan sa Biblia. Upang makagawa ka ng ganitong pag-aaral, dapat mong tukuyin:
I. Ang uri ng pamahalaan: Halimbawa, ito ba ay diktadurya o pamamahala salig sa isang
saligang batas?
II. Ang pilosopiya ng pamahalaan: ito ba ay pilosopiyang demokratiko o iba?
III. Ang nasasakop ng pamamahala:
A. Nasasakupan.
B. Kaayusan ng mga lugar na nasasakupan.
C. Sentro ng pamahalaan.
D. Impluwensya ng lugar sa uri ng pamamahala.
IV. Mga tagapanguna sa pamahalaan:
V. Ang mga gawain ng pamahalaan:
A. Pangangasiwa.
B. Pananalapi ng bayan.
C. Digmaan at kaugnayan sa ibang bansa.
D. Paraan ng katarungan.
VI. Impluwensya ng relihiyon sa pamahalaan.
VII. Paano nakitungo ang pamahalaang ito sa mga pangyayari na isinaad sa Biblia na iyong
pinag-aaralan.
ANG PARAANG PSYCHOLOGICAL:
Ang paraang psychological ay nagsusuri sa mga paguugali, katangian, damdamin, at saloobin ng mga tauhan ng Biblia. Nagsisikap ito na alamin ang motibo sa likuran ng mga kilos nila. Kabilang sa mga halimbawa ng pag-aaral sa paraang psychological ay ang mga sumusunod:
1. Pagsusuri ng motibo ng paglilingkod Cristiano sa Filipos 1:14-19.
2. Pag-aaral sa impluwensya ng palibot kay Solomon sa kaniyang mga polisiya politikal.
3. Pag-aaral ng damdamin ng isang tao na naranasan ni Jesus.
4. Ang pagsisiyasat ng mga kilos at mga ginawa ng mga Pariseo sa kay Jesus.
5. Pag-aaral ng mga kilos at saloobin ni Elias pagkatapos ng karanasan sa Bundok ng Carmel.
6. Pag-aaral ng mga motibo sa likuran ng pagsalungat kay Nehemias sa pagtatayong muli ng mga
pader ng Jerusalem.
ANG PARAANG SCIENTIFIC:
Ang paraang scientific na pag-aaral ay may kinaalaman sa mga paksa ng siyensya sa Biblia. Halimbawa, maaari mong pag-aralan ang mga halaman, mga hayop, o mga mineral sa Biblia. Upang magawa mo ang ganitong uri ng pag-aaral, tukuyin ang paksa na iyong pag-aaralan at ang mga reperensya na pinagbanggitan nito, pagkatapos ay kilalanin ang kahulugang espirituwal. Narito ang halimbawa kung paanong ang ganitong pag-aaral ay nagdaragdag ng kaalaman sa mga katotohanan ng Biblia:
Paksa: Mustasa (buto o halaman)
Gamit Sa Kasulatan: Mateo 13:31; 17:20; Marcos 4:31; Lucas 13:10; 17:6
Espirituwal Na Paggamit: Ang halamang mustasa minsan ay lumalaki hanggang 12 talampakan. Ang halamang ito ay ginamit ni Jesus upang ilarawan ang Kaharian ng Diyos at pananampalataya. Ang maliit na simula ng isang Kaharian ay inilarawan sa pamamagitan ng maliit na buto ng mustasa. Bagamat sa simula ito ay tila walang halaga, sa huli ang buto ng mustasa ay tumutubo at nagiging malaking halaman. Ito ay naglalarawan ng paglago ng Kaharian ng Diyos. Sinabi rin ni Jesus na kung ang tao ay magkakaroon ng pananampalatayang kasing laki ng buto ng mustasa makagagawa sila ng mga dakilang bagay.
ANG PARAANG SOCIOLOGICAL:
Ang paraang sociological ay ang pag-aaral ng lipunan. Ito ay ang pag-aaral ng mga grupo, mga ugali ng grupo, at mga kaugnayan sa loob ng grupo. Kabilang sa paraang sociological ay ang pag-aaral ng pamilya, komunidad, pamahalaan, at mga institusyon, komunikasyon, paglalakbay, pamamahagi ng mga produkto, ang kaugnayan ng mga namamasukan sa mga nagmamay-ari, lahi, relihiyon, edukasyon, palakasan, at sining. Ang isang halimbawa ng ganitong pag-aaral ay ang paghahambing ng mga kaugnayan sa Efeso 5:21-6:9 at Colosas 3:18-4:1. Isa pang halimbawa sa pag-aaral ay ang papel ng kababaihan sa ibat-ibang lipunan na ginalawan nila sa Biblia.
ANG PARAANG ANTHROPOLOGICAL:
Ang anthropology ay ang pag-aaral tungkol sa tao, ang kaniyang wika, kultura, paglagong pisikal, at kasaysayan. Ang kasaysayan ng tao ay madalas pinag-aaralan sa pamamagitan ng archeology na siyang nagsusuri ng mga labi ng nakaraang mga kabihasnan. Ang halimbawa ng pag-aaral ng wika ay ang paghahambing ng mga wika sa Tore ng Babel (Genesis 11) sa kaloob ng pagsasalita ng wika sa araw ng Pentecostes (Gawa 4). Ang pag-aaral ng kultura ay ang pag-aaral ng relihiyon, sining, musika, siyensya, at literatura ng panahon ng Biblia. Halimbawa, maaari mong pag-aralan ang musika ng Israel at ang mga instrumento na nabanggit sa Biblia.
PAGTITIPON NG MGA TALA NG PAG-AARAL NG BIBLIA
Mahalaga na maisaayos ang iyong mga tala (notes) na resulta ng iyong pag-aaral ng Biblia. Maaaring naisin mong pag-aralan muli ang isang paksa, aklat, o bahagi na dati mo nang napag-aralan. Baka naman gusto mong ibahagi sa iba ang iyong mga natutuhan.
Ang pinakamadaling paraan ng pag-sasaayos ng iyong mga tala ay ang paglikha ng files ng pag-aaral ng Biblia. Ang paraan ng pagtitipon ng mga tala ay sa pamamagitan ng isang folder na maaari mong paglagyan ng iyong mga notes o tala. Maaari ka ring magdagdag ng mga ginupit na mga artikulo mula sa pahayagan o magasin na kaugnay sa paksa gayon din ang mga naririnig mo mula sa iba na nagtuturo tungkol sa paksa.
Maaari kang bumili ng mga yari nang folders sa isang tindahan. Kung wala ka namang mabili nito ay maaari ka ring gumawa ng sarili mo. Kahit anong papel, tulad ng dyaryo ay pwedeng gamitin pansamantala upang lumikha ng sarili mong folders. Upang makagawa ka ng sarili mong folder, kumuha ng isang piraso ng papel na mga 16 pulgada ang lapad at 22 pulgada ang haba.
------- 22 -------
pulgada
--------------------- itiklop dito -----------------------
16 pulgada
Kung wasto ang pagtiklop ng papel, may lampas na bahagi ang tiklop:
Pamagat ng file ------------Itaas ng file na may pamagat na nagpapakita ng nilalaman
---------------------------
------------tiklop
-----------Lugar kung saan tiniklop
Itago ang mga folders sa tamang hanay ng pagkakasunod-sunod. Kung hindi ka makabili ng filing cabinet maaari mong ilagay sa mga kahon ang iyong mga files. May tatlong pangunahing uri ng mga files na iyong kailangang malikha at maayos:
1. Mga Aklat Ng Biblia: Gumawa ng folder para sa bawat aklat ng Biblia. Ilagay sa mga folders na ito ang mga tala (notes) mula sa iyong mga pag-aaral ng aklat, mga kabanata nito, mga parapo, mga talata, at mga salita. Ayusin ang mga folders na ito sa iyong kahon na pinaglalagyan sa hanay kung paano ang pagkakasunod-sunod ng mga aklat ng Biblia, mula Genesis hanggang Apocalipsis. Gagawa ka ng isang folder para sa bawat aklat ng Biblia.
2. Mga Paksa: Sa pag-aaral mo ng mga paksa, maghanda ng folder para sa bawat paksa ayon sa paksa. Halimbawa, maaari mong pag-aralan ang panalangin, mga talinhaga ni Jesus, o ang mga pangalan ng Diyos. Gumawa ng isang folder para sa bawat paksa at ilagay mo ang lahat ng iyong mga notes dito. Ayusin mo ang mga folders ayon sa alpabeto.
3. Mga Personalidad: Ang mga files na ito ay maglalaman ng mga pag-aaral ng talambuhay. Markahan ito ayon sa pangalan, tulad ng “Moises,” “David,” “Jose,” at iba pa. Ayusin ang mga folders na ito sa iyong kahon ayon sa alpabeto.
MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT
UNANG KABANATA:
1.Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. (II Timoteo 3:16-17)
2. Ang ibig sabihin ng salitang “Biblia” ay “mga aklat.”
3. Ang ibig sabihin ng “Kasulatan” ay “sagradong mga kasulatan”
4. Lumang Tipan at Bagong Tipan
5. 66
6. Kautusan, kasaysayan, panulaan, hula.
7. Ebanghelyo, kasaysayan, mga sulat, hula.
8. Ang ibig sabihin ng salitang “tipan” ay “kasunduan.”
9. Para sa pagtuturo, pagsansala, pagsaway, at sa ikatututo sa katuwiran ( II Timoteo 3:16-17)
10. Walang nilalaman ang Biblia na magkakatunggali at ito ay nagkakaisa sa kaniyang pangunahing paksa.
11. Ang Biblia ay may pagkakaiba-iba.
12. a. T; b. T; c. M; d. M; e. M
13. Si Jesus. Lucas 24:44-48
IKALAWANG KABANATA:
1. Dumating nawa sa harap Mo ang aking daing, Oh Panginoon: Bigyan Mo ako ng unawa ayon sa Iyong salita. (Awit 119:169)
2. 39
3. 27
4. Kung magbasa ka ng isang kabanta dito at isang kabanata doon hindi mo mauunawaan kung paanong ang Biblia ay magkakaugnay. Dapat mong basahin ang Biblia sa isang maayos na paraan upang maunawaan mo ang nilalaman nito.
5.
-Magbasa araw-araw.
-Magbasa na may kaayusan.
-Magbasa na may panalangin.
-Magbasa na may ayos na hanay.
IKATLONG KABANATA
1. Nagbigay ng salita ang Panginoon: ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo. (Awit 68:11)
2. Ang isang bersyon ng Biblia ay nasulat sa isang wika na iba kay sa orihinal na mga wika na dito nasulat ang Salita ng Diyos sa pasimula.
3. Ang isang salin ay isang kada salitang pagsasalin ng mga salitang Griego, Hebreo, at Aramaic. Ang paraphrase naman ay hindi salin ng salita por salita. Ito ay pagsasalin ng kaisipan por kaisipan.
5. Ang Biblia
6. Sapagkat walang dalawang wika na eksaktong makatulad kaya ang mga pagkakaiba-iba ay nagaganap kung ito ay isinasalin.
7. Hebreo, Aramaic, at Griego.
IKA-APAT NA KABANATA:
1. Ang sa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagkat kayo’y hindi sa Diyos. (Juan 8:47)
2. Sapagkat binabasa nila ito tulad ng pagbasa nila ng karaniwang aklat.
3. Isang bagay na dapat mo munang gawin bago mo magawa ang iba.
4. Makilala ang Diyos at tanggapin si Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas.
5. Mga mananampalataya na tinawag bilang mga tagapagturo. Ang Espiritu Santo.
6. Ang Espiritu Santo.
7. Ang gatas ay ang mga simpleng katotohanan ng Salita ng Diyos.
8. Ang karne ang malalalim na katotohanang espirituwal ng Biblia na hindi madaling maunawaan.
9.
-Nasain ang gatas.
-Maging masunurin sa Salita ng Diyos.
-Hanapin ang karne.
10.
-Magtakda ng tanging oras.
-Maglaan ng isang tiyak na lugar.
-Magsimula ng pag-aaral sa panalangin.
IKA-LIMANG KABANATA:
1. Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng Iyong mga utos; Sapagkat mga laging sumasa akin. Ako’y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; Sapagkat ang Iyong mga patotoo ay gunita ko. Ako’y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, Sapagkat aking iningatan ang mga tuntunin Mo. (Awit 119:98-100)
2.
-Upang mahanap ang lahat ng reperensya para sa isang salita.
-Upang mahanap ang isang tiyak na talata o teksto.
-Upang masumpungan ang kahulugan ng isang salita.
IKA-ANIM NA KABANATA:
1. Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan. (II Timoteo 2:15)
2. Ang ibig sabihin ay kailangan maunawaan mo kung ano ang sinabi at para kangino. Dapat mo ring maibigay ang pakahulugan at gamitin ang kahulugan ng wasto.
3. Ang ibig sabihin ng verbal inspiration ng Biblia ay ang bawat salita sa orihinal na kasulatan ay kinasihan ng Diyos.
4. Ang ibig sabihin ng plenary inspiration ng Biblia ay ang buong Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at hindi bahagi lamang nito. Bawat bahagi ng biblia ay kinasihan ng Diyos.
5. Ang mga tuntunin at mga paliwanag ay ang sumusunod:
1. Ang tuntunin ng awtoridad ng Diyos. Ating tinatanggap ang Biblia bilang siyang
sukdulang awtoridad sapagkat ito ay kinasihan ng Diyos.
2. Ang tuntunin ng literal na pagkakahulugan. Kung ano ang sinabi ng Biblia yaon ang
ibig sabihin nito.
3. Ang tuntunin ng pagtuturing sa konteksto. Bawat talata ay dapat pag-aralan kaugnay
ng konteksto nito.
4. Ang tuntunin ng unang pagkabanggit. Sa unang pagkakataon na mabanggit ang isang
salita, pananalita, bagay, o pangyayari na mabanggit sa Biblia, ibinibigay nito ang susi sa
kahulugan nito sa ibang bahagi na ginamit ito.
5. Ang tuntunin ng paguulit. Kung mayroong inuulit sa biblia, kailangang bigyan ito ng
tanging pansin sapagkat ito ay mahalaga.
6. Ang tuntunin ng kabuuan ng kapahayagan. Ang buong katotohanan ng Salita ng
Diyos ay hindi maaaring galing lamang sa isang hiwalay na bahagi. Ang buong kapahayagan ng buong sinasaad ng Biblia tungkol sa isang katotohanan ay kailangang ibilang.
IKA-PITONG KABANATA:
1. Nang una’y nakaunawa ako sa Iyong mga patotoo, Na Iyong pinamalagi magpakailan man. (Awit 119:152)
2. k, l, c, d, e, g, f, j, h, i, b, a
3. Kailan.
4. Ang arkeologo ng Biblia ay ang pag-aaral ng mga labi na nasumpungan sa lupain ng Biblia. Ito ay isang pag-aaral na nakakakuha ng kaalaman sa mga panahon ng Biblia sa pamamagitan ng mga nakitang mga labi ng kanilang kabihasnan.
IKA-WALONG KABANATA:
1. Ang mga patotoo Mo’y matuwid magpakailan man: Bigyan Mo ako ng unawa at mabubuhay ako. (Awit 119:144)
2. Ang ikalawang pangunahing punto ay hindi dapat mapailalim sa unang punto. Ito ay kailangang hiwalay na punto at ipakikita sa pamamagitan ng bilang na Roman II. Repasuhin ang mga tagubilin para sa pagbabalangkas na ibinigay sa kabanatang ito.
3. Patayo at pahalang o pahiga.
4. Ang pagma-marka ay isang paraan ng pagbibigay diin sa mga bahagi ng Biblia. Guhitan mo ang mga piniling mga talata o gumamit ng mga simbulo sa tabi ng pahina.
IKA-SIYAM NA KABANATA:
1. Idilat mo ang aking mga mata, upang ako’y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa Iyong kautusan. (Awit 119:18)
2. Tingnan ang mga simbulo na nalista sa Ika-siyam na Kabanata.
3. Tingnan ang mga hangaring nalista sa Ika-siyam na Kabanata.
4. Hindi lahat ng nagaangkin na sila ay nagsasalita ng Salita ng Diyos ay gayon nga. May mga bulaang tagapagturo.
5. Idaragdag sa kanila ng Diyos ang mga salot sa nasulat na Salita. Apocalipsis 22:18-19
6. Ang kanilang bahagi ay aalisin mula sa aklat ng buhay ng Diyos at mula sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na nasulat sa Salita. Apocalipsis 22:18-19
7. Ang Diyos.
8. Mga Salita ng Diyos.
9. Gatas at karne.
10. Moises.
IKA-SAMPUNG KABANATA:
1. Ang mga mata ko’y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi; Upang aking magunita ang salita Mo. (Awit 119:148)
2. Ang paraang ito ay nagbibigay diin sa paggamit ng kaalaman sa pamumuhay at ministeryo. Ito ay nagbubunga ng higit na pagmamahal sa Diyos.
3.
-Itala ang paunang impormasyon ng bahagi: -Ibigay ang buod
-Magbulay-bulay -Tukuyin ang paksa
-Tukuyin ang mga susing talata -Iangkop ang paggamit
4. hindi sapat ang makinig lamang ng Salita. Dapat mong gamitin ang Salita sa iyong buhay. Santiago 1:22-25
5. Nilalabanan ni Satanas ang paggamit ng paraang ito sapagkat siya ay nagaalala na ang pag-aaral ng Biblia ay mag-resulta sa paggamit nito na magdadala ng mga mabubuting pagbabago sa buhay espirituwal.
IKA-LABINGISANG KABANATA:
1. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. (Awit 119: 9)
2. 2, 1
3.
-Paunang pagsusuri
-Ang tsart ng pag-aaral ng aklat
-Ang balangkas ng aklat
4.
-Ang pamagat ng aklat
-Paksa
-May akda
-Para kangino isinulat ang aklat
-Layunin
-Paunang prinsipyo para sa pamumuhay at ministeryo.
IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:
1. Ang salita Mo’y aking iningatan sa Aking puso. (Awit 119:11)
2. Ang pag-aaral ng Biblia ayon sa mga kabanata.
3.
-Pumili ng pamagat para sa kabanata.
-Markahan ang mga dibisyon ng parapo.
-Lumikha ng tsart para sa kabanatang pag-aaralan.
-Lumikha ng isang balangaks ng kabanata.
IKA-LABINGTATLONG KABANATA:
1. Ang bukas ng Iyong mga salita ay nagbibigay nga liwanag; Nagbibigay ng unawa sa walang muwang. (Awit 119:130)
2.
-Gumawa ng pag-aaral ng isang kabanata:
-Pansinin ang mga detalye:
-Lumikha ng isang tsart para sa parapo:
-Lumikha ng isang balangkas ng parapo:
3. 3, 2, 4, 1
4. 4, 5, 1, 2, 3
5. 3, 2, 4, 1
IKA-LABINGAPAT NG KABANATA:
1. Awitin ng aking dila ang Iyong salita; Sapagkat lahat ng mga utos Mo ay katuwiran.
(Awit 119:172)
2. Nilalaman
3.
-Pag-aralan ang talata sa konteksto nito:
Pag-aralan ang mga kaugnay na mga talata:
Lumikha ng tsart ng pag-aaral ng talata:
Lumikha ng balangkas ng talata:
IKA-LABINGLIMANG KABANATA:
1. Sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. (Mateo 5:18)
2.
-Piliin ang salita
-Pag-aralan ang salita sa konteksto nito
-Alamin ang kahulugan ng salita
-Bigyang buod ang iyong pag-aaral
3. Ang susing salita ay yaong pauna sa kahulugan ng isang talata. Ito ay isang mahalagang salita. Minsan ito ay isang salita na mahirap maunawaan o kaya ay inulit para sa pagbibigay ng diin.
4. Ang salitang “pagpipigil” ay isang magandang paksa para sa pag-aaral ng salita. Ang ibang mga salita ay hindi mga susing salita.
5. Isang konkordansya at aklat na pag-aaral ng salita sa Biblia.
IKA-LABING-ANIM NA KABANATA:
1. Kaya’t aking iniibig ang mga utos Mo ng higit sa ginto, oo higit sa dalisay na ginto. Kaya’t aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; At ipinagtatanim ko ang bawat sinungaling na lakad. (Awit 119:127-128)
2. Ang paraan ng pag-aaral ng paksa ay nakatuon sa isang piniling paksa. Ang pakay ng pag-aaral ay ang matuklasan ang lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa paksa.
3.
-Pumili ng isang paksa:
-Piliin ang bahagi ng kasulatan:
-Tipunin ang mga impormasyon:
-Bigyang buod ang impormasyon
IKA-LABING PITONG KABANATA:
1. Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin… (I Corinto 10:11)
2. Ang paraan ng pag-aaral ng talambuhay ay nakatuon sa buhay ng mga tauhan ng Biblia. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang mga buhay, natututo tayo mula sa kanilang mga karanasan.
3.
-Piliin ang tauhan na pag-aaralan:
-Tipunin ang impormasyon:
-Suriin ang impormasyon:
-Gamitin ang iyong natutuhan:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
1. 7, 8, 5, 3, 4, 2, 1, 6, 9, 10
2. Ang mga patotoo Mo’y kagilagilalas; Kaya’t sila’y iniingatan ng aking kaluluwa.
(Awit 119:129)
3. Ang paraang theological ng pag-aaral ng Biblia ay ang pag-aaral ng paunang mga doktrina ng Biblia tungkol sa Diyos. Kabilang sa pag-aaral ang pagkalap, paghahambing, at pag-aayos ng mga pagpapahayag ng doktrina.
4.
-Pumili ng paksa
-Ibigay ang kahulugan ng doktrina
-Piliin ang bahagi ng Biblia na pag-aaralan
-Tipunin ang impormasyon tungkol sa doktrina
-Ibigay ang buod ng mga natipong impormasyon
5.Ang doktrina ay isang grupo ng mga katuruan tungkol sa isang tiyak na paksa. Nilalaman nito ang lahat ng katuruan ng Biblia tungkol sa napiling paksa.
IKA-LABINGSIYAM NA KABANATA:
1. Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa Iyo, Dahil sa Iyong matutuwid na kahatulan. (Awit 119: 164)
2. b, c, a
3. c, a, b, d
4. Synonymous.
5. Antithetic.
6. Synthetic.
7. Emblematic.
IKA-DALAWANGPUNG KABANATA:
1. At sinabi Niya sa kanila, Ito ang Aking mga salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa Akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga Awit. (Lucas 24: 44)
2.
-Upang patunayan ang mensahe ng Diyos:
-Upang pagtibayin ang mensahero ng Diyos
-Upang turuan ang mga mananampalataya
3. Ang buong Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pag-aaral. Ang hula ay nagdadala ng pagkaunawa ng nakaraan, kasalukuyan, at mga pangyayari sa hinaharap sa plano ng Diyos. Ang pagkaunawa sa plano ng Diyos sa hinaharap ay pumipigil sa pandaraya ni Satanas. May tanging pagpapala ang hatid sa mga mag-aaral ng hula ng Biblia:
4.
-Kilalanin na si Jesus ang paunang tema ng hula.
-Kilalanin na sa maraming pagkakataon ipinaliliwanag ng Biblia ang sarili nito
-Unawain ang tuntunin ng dobleng pagtukoy
-Unawain ang pagtanaw ng hula
-Alamin ang mga hinihiling na kondisyon ng hula
5. Ang Diyos.
6. Ang ibig sabihin ng hula ay magsalita sa ilalim ng pagkasi ng Diyos.
7.
-Isang mensahe na kinasihan mula sa Diyos.
-Ang paghula sa mga pangyayari sa hinaharap na plano ng Diyos.
-Ang pagkahulugan para sa tao ng mga gawa ng Diyos.
8. Ang mga sinalita at ang mga isinagawang mga hula.
9. Genesis 3:15. Ito ang pangako ng isang Mesias.
10. Tingnan ang mga paraan ng pagkilala sa mga bulaang propeta na tinalakay sa Ika-dalawangpung Kabanata.
IKA-DALAWAMPU’T ISANG KABANATA:
1. Sapagkat ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon. (Hebreo 10: 1)
2. Ang paraang typological ay pag-aaral ng isang tao, lugar, pangyayari, o bagay bilang isang type ng ibang bagay. Ibinibigay ng types ang naunang pagkatanaw sa parating pa lamang sa plano ng Diyos sa hinaharap. Bagamat ang type o anino mismo ay mahalaga, ito ay may higit na kahalagahan sa hinaharap na tauhan o pangyayari na kinakatawan nito.
3. Anino, anyo, huwaran o padron.
4.
-Mga tao
-Mga lugar
-Mga pangyayari
-Mga bagay na materyal
5. Jose.
6. Jesu-Cristo
[*] Kung hindi
mo pa natatanggap ang kapuspusan ng Espiritu Santo, pag-aralan mo ang kurson ng
Harvestime International Institute, Ang
Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
[†] Kung wala
kang mga kagamitan sa pag-aaral ng Biblia, ang mga impormasyong ito ay ibinigay
sa kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Pagsisiyasat Ng Buong Biblia.”